You are on page 1of 3

Holy Family School of Quezon City, Inc.

SIERVAS DE SAN JOSE CENTER OF EDUCATION


#66 Maginhawa Street, U.P. Village, Quezon City 1101
Telefax: 9216274 / 9203733 / 9261930
Blg. sa klase:
FILIPINO 9 – Aralin 3 Iskor:
Ikaapat na Markahan
Ikatlong Mahabang Lagumang Pagsusulit

Pangalan: ______________________________ Petsa: _____________ Baitang at Pangkat: ______________

I. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sa kabanata 16 na “Si Sisa,” ano ang paglalarawan ni Rizal sa mga babae?

A. Maganda, mahinhin, mapagmahal, marunong lumaban at makabag


B. Duwag ngunit mapagmahal, hindi marunong lumaban ngunit marunong magsakripisyo
C. Mabuting ehemplo sa mga anak at mabuting asawa kahit na palaging sinasaktan
D. Di-gaanong maganda ngunit mapagmahal, hindi nagsasakripisyo ngunit marunong lumaban

2. Sa kabanata 16 pa rin, ano ang nais ipakita ni Rizal sa mga Pilipino tungkol sa kababaihan at pagiging ina?

A. Ang kababaihan ay dapat na nasa bahay lamang at pinagsisilbihan ang kanilang asawa.
B. Ang mga babae ay dapat na alam ang mga responsibilidad bilang isang ina sa mga anak at kabiyak sa asawa.
C. Ang kababaihan ay dapat na mag-asawa at sundin ang ninanais ng kanilang mga puso at isipan.
D. Ang mga babae na pagmamahal lamang ang alam ay sinasaktan ng asawa at iiwanan ng mga anak.

3. Ano ang ipinakikita ni Rizal sa Kabanata 17 na “Si Basilio” tungkol sa pag-aasawa ng kalalakihan at pagpili ng
kababaihan sa mapapangasawa?

A. Ang mga lalaking walang kayang magpamilya ay hindi dapat mag-asawa at ang mga dalaga’y dapat na marunong
pumili ng mga asawa.
B. Ang mga lalaki ay dapat na laging masusunod sa pamilya at ang mga babae ay dapat na sumusunod sa kanilang
asawa.
C. Ang mga lalaking walang kayang magpamilya ay dapat na mag-aral upang mag-asawa at ang mga babae ay dapat
na piliin ang mahal nila.
D. Ang mga lalaki ay dapat na sumunod rin sa mga asawa at ang mga babae ay dapat pumili ng asawa na kaya nilang
pasunurin.

4. Ano ang maaaring nangyari kay Crispin kaya hindi na siya nakita ng kaniyang ina sa simbahan?

A. Maaaring naglayas dahil nagtampo siya nang iwan siya ni Basilio.


B. Maaaring pinatay na ng mga pari doon dahil sa putok na narinig ni Basilio bago siya tumakas.
C. Maaaring nauna nang makauwi sa kanilang tahanan at nagkasalisi na lamang sila ni Sisa.
D. Maaaring tumakas ito at nagtago na sa malayo upang hindi mapatay ng mga Pari at Guwardiya Sibil.

5-7. Sa Kabanata 19 na “Karanasan ng Isang Guro,” ang gurong kausap ni Ibarra ay isang mabuting guro at mahal
niya ang kaniyang trabaho, kaya naman nag-aral pa siya nang nag-aral hanggang sa natuklasan niya ang mga
tamang kaisipan tungkol sa pagtuturo at pagdidisiplina sa mga bata. Bilugan ang tatlong kaisipang nabanggit ng guro.

A. Dapat na pinapalo ang mga mag-aaral upang sumunod sa guro.


B. Hindi dapat ipinahihiya ang mga mag-aaral dahil nakakababa ito ng tiwala sa sarili.
C. Dapat ay nasa wikang katutubo ang mga aralin upang mas maunawaan ng mga mag-aaral.
D. Dapat ay nasa wikang Kastila ang mga itinuturo dahil panahon ito ng mga Kastila.
E. Dapat na binibigyan ng angkop na papuri ang mga mag-aaral kapag nakagagawa ng tama upang mas maengganyo
pang gumawa ng tama.

1|HAGN
8. Ano ang kahulugan ng mga tinuran ni Don Filipo bago mag-umpisa ang pulong sa tribunal; “Mas galit sa inyo kaysa
balak ninyo ang kalaban.”

A. mas galit sa mga plano ang kalaban


B. personal ang galit na nararamdaman
C. mas galit sa mga ginagawa mo ngayon
D. personal na nagagalit sa iyong mga kaibigan

9. Anong pag-iisip ang ginamit ni Rizal sa payo na ibinigay ni Pilosopo Tasyo; “Mas galit sa inyo kaysa balak ninyo ang
kalaban. Magmungkahi kayo ng planong ayaw ninyong maaprobahan, Tiyak na hindi nila ito pagtitibayin kahit gaano
pa ito kahalaga.”

A. direct pychology
B. reverse psychology
C. personal na pag-atake
D. derektahang pag-atake

10. Nagtagumpay ba ang plano ni Don Filipo nang sinunod niya ang payo ni Pilosopo Tasyo?

A. Opo, sapagkat naaprubahan ang binabalak ni Don Filipo Lino


B. Opo, sapagkat hindi nga talaga inaprubahan ng mga kalaban ang mungkahi ni Don Filipo
C.. Hindi, sapagkat naaprubahan ang binabalak ni Don Filipo Lino.
D. Hindi, sapagkat hindi nga talaga inaprubahan ng mga kalaban ang mungkahi ni Don Filipo.

11. Ano ang ibig sabihin ni Rizal sa mga linyang “Mga akdang katutubo dapat ang paksa at may kaugnayan sa ating
buhay at kalinangan ang mga dapat na ipalabas sa darating na Pista.”

A. Na hindi dapat tangkilikin ang sariling atin.


B. Na dapat haluan ng iba ang kultura natin.
C. Na dapat tangkilikin, palaguin at mahalin ang sariling atin.
D. Na hindi dapat tanggalin ang mga dayuhang konsepto.

12. Sa kabuoan ng kabanata 20 na “Pulong sa Tribunal,” anong aral ang buong husay na naipakita ni Rizal dito?

A. Na ang pagpupulong ay isang mahalagang sangkap sa pagkakaayos kapag may isang pista.
B. Na ang kahangalan ng tao ay nagbubuhat sa labis na pagpapatangay sa damdamin ng iba.
C. Na ang mga tao sa isang bayan ay dapat na nagkakaisa tuwing nagkakaroon ng pulong tungo sa magandang
resulta.
D. Na ang kahangalan ng tao ay nagbubuhat sa labis na pagpapatangay sa damdamin lalo na sa lampas na
pagpapahalaga sa sarili.

13. Anong katangian ng kababaihan ang ipinakita ni Rizal sa kabanata 21 na Kasaysayan ng Isang Ina?

A. mabait
B. matibay
C. marupok
D. masungit

14. Ano ang kahuli-hulihang bagay na nagpayanig sa katinuan ng isip ni Sisa?

A.. Ang inakay na pinalaking inahing inaalagaan ni Sisa.


B. Ang kapiraso o kapilas na damit ni Basilio na may bahid ng dugo.
C. Ang sira-sira at basag na bintanang nadatnan ni Sisa sa kanilang bahay.
D. Ang mga guardya sibil na pumunta sa kaniya at hinuli siya nang biglaan.

15. Sa kabanata 22na “Dilim at Liwanag,” ano ang itinuturing na dahilan ng pagkabalisa ni Padre Salvi?
2|HAGN
A. Mayroon itong sakit
B. Mayroon itong nalaman
C. Mayroon itong natuklasan
D. Mayroon itong kasalanan

16. Sa kabanata 23 na “Pangingisda,” sino ang tinutukoy na Piloto dito na sinasabing magaling manghuli ng bayawak?

A. Elias
B. Crispin
C. Basilio
D. Ibarra

17. Paano ipinakita ni Rizal ang pagiging maginoo ng mga lalaking Pilipino noon sa pamamagitan ni Elias?

A. Sa pamamagitan ng pagtupad ni Elias sa isang kagustuhan ni Maria Clara, ang makakita ng buhay na bayawak.
B. Sa pamamagitan ng pagsasagwan niya nang tahimik habang ang mga sakay ay maingay.
C. Sa pamamagitan ng pagsaboy niya ng putik sa tenyente na ikinagalit ng pamahalaan.
D. Sa pamamagitan ng pagwawalang bahala sa utos ng pari sa kaniya.

18. Anong kabanata ang wala sa orihinal na limbag ng Noli Me Tangere?

A. Kabanata XXIV : Sa Kagubatan


B. Kabanata XXV: Elias at Salome
C. Kabanata XXVI: Sa Bahay ng Pilosop
D. Kabanata XXVII: Bisperas ng Pista

19. Sa kabanata XXVI: Sa bahay ng Pilosopo ay nagtungo si Ibarra upang humingi ng payo kay Pilosopo Tasyo,
tungkol sa ano ang balak niya?

A. Sa balak ni Ibarra na kalabanin si Padre Damaso.


B. Sa balak ni Ibarra na magpatayo ng bagong simbahan.
C. Sa balak ni Ibarra na magpatayo ng paaralan para sa kabataan.
D. Sa balak ni Ibarra na magpatayo ng isang pamilihan sa bayan ng San Diego.

20. Ano ang kahulugan ng payo ni Pilosopo Tasyo kay Ibarra na “Kailangan mo munang iyuko ang iyong ulo at halikan
ang kamay ng iyong mga kaaway…”

A. Sa umpisa ay kailangan mong yumuko para makita mo sila sa kanilang balak.


B. Sa umpisa ay kailangan mo munang yumuko sa harap ng mga prayle upang payagan.
C. Sa umpisa ay kailangan mo munang magbigay galang sa mga prayle upang payagan ka nila.
D. Sa umpisa ay kailangan mo munang magpakumbaba at kuhanin ang loob ng kalaban, saka mo isakatuparan ang
iyong mga binabalak.

3|HAGN

You might also like