You are on page 1of 22

Tekstong Naratibo

Sa paksang ito, ating matatalakay:

• Ang kahulugan at layunin ng tekstong


naratibo
• Katangian at elemento ng tekstong naratibo
• Mga halimbawa ng tekstong naratibo
Ano ang Tekstong Naratibo?

Ito ay pasalaysay o pagkukuwento ng


mga pangyayari sa isang tao o mga
tauhan, nangyari sa isang lugar at
panahon o isang tagpuan ng may maayos
na pagkakasunod-sunod mula sa simula
hanggang katapusan.
LAYUNIN NG TEKSTONG
NARATIBO
•Makapagsalaysay ng mga pangyayaring
nakapanlilibang o nakapagbibigay-aliw o
saya.
•Nakapagtuturo ng kabutihang asal o
mahalagang aral.
HALIMBAWA NG TEKSTONG
NARATIBO
• Maaaring nabibilang sa akdang piksyon:
-Nobela
-Maikling Kuwento
-Tulang Nagsasalaysay
-Pabula
-Parabula
-Iba pang akdang piksyonal
HALIMBAWA NG TEKSTONG
NARATIBO
• Maaaring nabibilang sa akdang di-piksyon:
-Talambuhay
-Balita
-Maikling Sanaysay
-Magasin
-Polyeto
-Iba pang mga akdang di-piksyunal
MGA KATANGIAN NG TEKSTONG
NARATIBO

1. May iba't-ibang pananaw (Point of View)


Ito ang ginamit ng manunulat na paningin o
pananaw sa pagsasalaysay. Ang
pinakakaraniwang ginagamit para sa naratibo
ay ang una at ikatlong panauhan.
May iba’t-ibang pananaw (Point of View)
• Unang Panauhan Isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng
mga bagay na kanyang nararanasan,
naaalala, o naririnig kaya gumagamit ng
“Ako”

• Ikalawang Panauhan Mistulang kinakausap ng manunulat


ang tauhang pinagagalaw niya sa
kuwento kaya’t gumagamit siya ng
panghalip na “ka at ikaw”

• Ikatlong Panauhan Isinasalaysay ng isang taong walang


relasyon sa tauhan kaya ang panghalip
na ginagamit niya ay “Siya”
May Paraan ng Pagpapahayag ng
Diyalogo, Saloobin, o Damdamin
1. Direkta o Tuwirang Pagpapahayag Ang tauhan ay direktang nagsasabi ng kanyang
saloobin o damdamin at ginagamitan ng panipi
(“”).
Halimbawa:
“Ashley, kakain na!”, tawag ni Sam dahil sila ay
kakain na.

2. Di-tuwirang Pagpapahayag Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa


sinasabi, iniisip, o nararamdaman ng tauhan
sa ganitong uri ng pagpapahayag.
Halimbawa:
Tinawag ni Sam si Ashley dahil sila ay kakain
na.
Mga Elemento ng Tekstong Naratibo
1.Tauhan
-Gumaganap sa isang kwento.
-Nakikilala ang tauhan depende sa kung
paano siya gumaganap sa isinasalaysay na
kuwento.
Mga Elemento ng Tekstong Naratibo
Mga karaniwang tauhan sa Naratibo:
a. Pangunahing Tauhan
-Sa pangunahing tauhan o bida umiikot ang mga
pangyayari sa kuwento mula simula hanggang
katapusan.
b. Katunggaling Tauhan
-Kumakalaban o sumasalungat sa pangunahing tauhan.
Mga Elemento ng Tekstong Naratibo
Mga karaniwang tauhan sa Naratibo:
c. Kasamang Tauhan
-Kasama o kasangga ng pangunahing tauhan.

d. Ang May-akda
-Laging nakasubaybay ang kamalayan ng awtor.
Mga Elemento ng Tekstong Naratibo
Dalawang (2) Uri ng Tauhan sa Tekstong Naratibo:
a. Tauhang Bilog (Round Character)
-Katangian na katulad din ng isang totoong tao
-Nagbabago ang katauhan sa loob ng akda
b. Tauhang Lapad (Flat Character)
-Tauhang hindi nagbabago ang pagkatao mula simula hanggang
katapusan
Mga Elemento ng Tekstong Naratibo
2. Tagpuan at Panahon
-Tumutukoy sa lugar at panahon ng isinasalaysay.

Halimbawa:
-Sa bahay
-Sa opisina
-Alas 7:00 ng gabi
Mga Elemento ng Tekstong Naratibo
3. Banghay (Plot)
-Ito ang tawag sa maayos na daloy o pagkasunod-sunod ng
pangyayari sa mga tekstong naratibo upang mabigyang linaw ang
temang taglay ng akda.
Balangkas ng isang naratibo:
Mga Elemento ng Tekstong Naratibo
Banghay o Balangkas Ng Isang Naratibo:
a. Panimula (Orientation/Introduction)
-Pagkakaroon ng isang epektibong simula kung saan
maipakikilala ang mga tauhan, tagpuan, at tema.
b. Suliranin (Problem)
-Pagpapakilala sa suliraning ihahanap ng kalutasan ng mga
tauhan partikular ang pangunahing tauhan.
c. Pataas na Aksiyon (Rising Action)
-Pagkakaroon ng saglit na kasiglahan.
Mga Elemento ng Tekstong Naratibo
Banghay o Balangkas ng isang Naratibo:
d. Kasukdulan (Climax)
-Patuloy sa pagtaas ang pangyayaring humahantong sa isang
kasukdulan.
e. Pababang Aksiyon (Falling Action)
-Pababang pangyayaring humahantong sa isang resolusyon o
kakalasan.
f. Wakas (Ending)
-Pagkakaroon ng isang makabuluhang wakas.
Mga Elemento Ng Tekstong Naratibo
• Anachrony
-Pasalaysay na hindi nakaayos sa tamang pagkakasunod-sunod
3 Uri ng Anachrony:
a. Analepsis (Flashback)
-Dito ipinapasok ang mga pangyayaring naganap sa nakalipas.
b. Prolepsis (Flashforward)
-Dito ipinapasok ang mga pangyayaring magaganap pa lang sa hinaharap.
c. Ellipsis
-May mga puwang sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
Mga Elemento ng Tekstong Naratibo
4. Paksa o Tema
-Ideya kung saan umiikot ang pangyayari.
Performance Task:
Pagsusuri sa Tekstong Naratibo.

 Basahin at Suriin ang


elemento ng “Mabangis na
Lungsod” ni Efren R. Abueg

You might also like