You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region III – Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OF CITY OF MEYCAUAYAN
City of Meycauayan

Nagagamit ang ibat’t ibang estratehiya sa pangangalap ng


mga ideya sa pagsulat ng balita, komentaryo atbp.

May-akda: Virginia P. Crisosto

Pangalan: Seksyon:

Paaralan:
LAYUNIN
Sa pagsagot ng worksheet na ito ang mga magaaral ay inaasahang:
 Nagagamit ang salitang impormal na komunikasyon sa
pangungusap
 Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng mga ideya
Sa pagsulat ng balita, kometaryo atbp.
 Natutukoy ang salitang impormal na komunikasyon sa
pangungusap.

PAGTALAKAY
Maraming mga salitang palasak, karaniwan o salitang madalas nating
ginagamit sa ating pang araw-araw na pakikipag-usap at
pakikipagsulatan sa ating mga Kaibigan, Kamag-anak ay kabilang sa
Imprmal na mga Komunikasyon o salita.

a. Balbal (Slang) Mga salitang di tinatanggap ng mga matatanda dahil


sa di magandang pakinggan. Ang salitang balbal ay tinatawag ding
salitang kalye o salitang kanto.

Hal. bebot – babae


tsekot – kotse
lespu – pulis

b. Kolokyal (Colloquial) Mga salitang ginagamit sa pang araw-araw na


pakikipagtalastasan ngunit may kagaspangan may anyong
repinado at malinis ayon sa kung sino ang nagsasalita.
Hal. aywan – ewan

piyesta – pista

nasaan – sqn/nasan

c. Banyaga (Foreign) Ito ang mga salitang mula sa ibang bansa

Hal. orig – Ingles


chicks – Ingles
spaghetti – Ingles
mestizo – Espanol
GAWAIN 1

Panuto:Isipin kung ano ang iyong sasabihin sa mga sitwasyong


nakatala sa ibaba gamit ang mga impormal na uri ng salitang nasa loob
ng panaklong.

1.Pupuntahan mo ang bahay ng iyong kaklase ngunit parang naliligaw


ka. Paano ka magtatanong sa mga taong pwee mong hingan ng tulong sa
Daan. (Kolokyal)

2. Gusto mong makakwentuhan ang tita among galing sa inyong


probinsya. Paano ka magsisismula? (Kolokyal)

3. Namamasyal kayo ng Lolo mong galling sa Canada at may gusto kang


ipabili sa kanya. (Banyaga)

4.May bago kang kaibigan sa facebook at gusto mong maging palagay ang
loob mo sa kanya kaya pinadalhan mo sya ng mensahe sa kanyang
facebook account. (Balbal)
GAWAIN 2

Panuto: Tukuyin kung Balbal,Kolokyal o Banyaga ang mga salitang may


salungguhit sa bawat pangungusap, Isulat sa patlang ang sagot.

1.__________ In-na-In talaga ang pagkuha ng kursong may kinalaman sa


teknolohiya.

2.__________ Kumain tayo habang nanonood ng Video Clip.

3.__________ Aywan ko kung makakadalo ako sa pulong.

4.____ ______ Masarap siyang magluto ng spaghetti.

5.__________ Nagalit ang Ermat ni Roy dahil ginabi sya ng uwi.

GAWAIN 3

Panuto: Bumuo ng pangungusap gamit ang mga salitang impormal na


Komunikasyon.

1. Hanep __________________________________________________

2. Orig _____________________________________________________

3. Yosi _____________________________________________________

4. Pista ____________________________________________________

5. Gatbi ____________________________________________________
TALASANGGUNIAN
Aileen Baisa Nestor S. Lontoc “Pinagyamang Pluma 8” 2015 (pahina 358-
361)
Department of Education, “Most Essential Learning Competencies
Matrix, K to 12 Curriculum,” (pages)

You might also like