You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region III – Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OF CITY OF MEYCAUAYAN
City of Meycauayan

Naisusulat ang talatang:


-binubuo ng magkakaugnay at maayos na mga
pangungusap
- nagpapahayag ng sariling palagay o kaisipan
-nagpapakita ng simula, gitna, wakas
dfdfdfdfdasdwwrtertsdf

Layunin: Binubuo ng magkakaugnay at maayos na mga


pangungusap.
Halika basahin natin ang isang alamat mula sa Mindanao

ALAMAT NG DURIAN

Sa isang malayong lugar sa Davao ay may isang batang maykaya


at ubod nang ganda. Mahal na mahal siya ng kanyang ina dahil siya na
lamang naiiwang alaala ng kanyang yumaong asawa. Halos lahat ng
kanyang gusto ay ibinibigay ng kanyang ina. Wala na sanang
mahihiling pa si Aling Rosa para sa kanyang anak, pero may ugali ang
anak na kinaiinisan ni Aling Rosa at ito ay pagging tamad pagdating sa
paglilinis at pangangalaga sa sarili. Si "Daria" ang pangalan ng kanyang
anak.

Si Daria ay isang batang babae na palaging madumi siya ay


tamad maligo at kumain ng masusustansiyang pagkain. Palagi siyang
walang kalaro kasi palagi siyang tinutukso ng mga bata sa labas dahil
sa kanyang maalinsangang amoy at itsura, isa yong dahilan kaya
palagi siyang nagkakasakit.

Isang araw may sinat si Daria kaya lumapit ang katulong nila
kay Aling Rosa. Nang nalaman ni Aling Rosa humiling siya kay "Allah
ang kanilang sinasambang Diyos" sinabi ni Aling Rosa na "sana po wag
niyong pababayaan ang aking anak, kayo na po ang bahala sa kaniya"
pagkatapos manalangin gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa hindi
inaasahang pagkakataon ay biglang nanikip ang ang dibdib nito at
unti-unti itong nag-aagaw buhay at huling sinambit nito “Daria, Daria
mahal kong anak”. Habang ang dalagita ay nagpapahinga siya ay
nahimatay sabakuran ay biglang may naramdamang kakaiba sa
kaniyang katawan at unti-unti nagbago ang kaniyang katawan at
naging puno na kalaunan tinawag nang lahat na "DURIAN"

Ang Durian ay mabaho pero pag natikman ay masarap dahil


puno ito ng pagmamahal ng kanyang ina na si Aling Rosa, natagpuan
ng mga pulis ang puno ng mabahong bunga pagkatapos ay umalis na
sila. Makaraan ang ang ilang panahon dumalaw ang dating yaya na si
Aling Mira nakilala agad niya ang mabahong amoy ng prutas at tinawag
niya itong Daria dahil ganito rin ang amoy ni Daria.
Pinag- aralan ng mga tao ang mabahong prutas at natikman na ubod
nang sarap.
-Wakas-

Gawain blg: 1
Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari
Panuto: Suriin ang sumusunod na mga pahayag sa batay
sa kuwento. Pagsunod-sunurin ang mga pahayag sa
pamamagitan ng pagsulat ng titik A hanggang H sa kahon.
1. Tamad si Daria na maligo at ayaw kumain ng gulay.

2. Nanalangin si Aling Rosa kay Allah at si Daria ang laman ng


kaniyang dasal.

3. Laging tinutukso si Daria ng kaniyang mga kalaro.

4. Bumisitang muli si Aling Mira sa bahay nila Daria at natagpuan


niya ang isang puno.

5. Naging puno si Daria.

6. Biglang nakaramdam ng paninikip ng dibdib si Aling Rosa.

7. Nagkasakit si Daria.

8. Sinambit ni Aling Rosa “Daria mahal kong anak”

Layunin: Nagpapahayag ng sariling palagay o kaisipan.

Gawain blg: 2
Paglalahad ng Sariling Pagpapasiya Hinggil sa Isyu
Panuto: Sa pamamagitan ng akrostik mula sa salitang
KALUSUGAN, bumuo ka ng mga angkop na hakbang at
pagpapasiya kung paano mo pangangalagaan ang iyong kalusugan
at pangangatawan. Ginawa na ang unang titik para sa iyo.

K - Kumain nang wasto at tama sa oras.


A - ______________________________________
L - ______________________________________
U - ______________________________________
S - ______________________________________
U - ______________________________________
G - ______________________________________
A - ______________________________________
N - ______________________________________

Layunin: Nagpapakita ng simula, gitna, wakas.

Alamin natin kung ano ang BANGHAY

Ang banghay ay tumutukoy sa maayos at malinaw na pagkakasunod-


sunod ng mga magkakaugnay na pangyayari sa paksa.Inilalahad dito ang
maayos na pagsasalaysay ng mga pangyayari tulad ng ano ang mga pangyayari
at ano ang kaugnayan at kahulugan ng mg pangyayaring ito sa binasang akda.

MGA BAHAGI

A. SIMULA– Dito palamang ay mababangit na ang kilos, paglinang sa tao, mga


Gawain blg: 3
Panuto: Gamit ang Story Mountain Organizer ay suriin ang
pagkakabuo o pagkakabalangkas ng mga pangyayari ng
binasang “Ang Alamat ng Durian”

Gitna

Simula
Wakas

Alamat
ng
Durian

You might also like