You are on page 1of 5

Alamat ng pinya

Noong unang panahon, may isang mag-inang namumuhay na magkasama. Sila ay ang mag-inang sina
Pinang at si Aling Rosa. Kahit na mahirap lamang sila, hindi ito naging hadlang upang hindi ibigay ni Aling
Rosa ang lahat ng kahilingin ng nag-iisang anak na si Pinang. Dahil sa natatanging pagmamahal ng isang
ina sa kanyang anak, lumaki sa layaw si Pinang, naging tamad at matigas ang ulo nito.

Isang araw ay nagkaroon ng malubhang karamdaman si Aling Rosa. Maski ang simpleng pagbangon ay
nahihirapan itong gawin. Tinawag niya ang kanyang anak na kasalukuyang nakikipaglaro sa kanyang mga
kapitbahay. "Pinang, anak ipagluto mo ko ng lugaw", nanghihinang pakiusap ng ina. Ipinaliwanag ni Aling
Rosa kung papaano ihanda at iluto ang lugaw at padabog na umalis si Pinang upang hagilapin ang mga
kakailanganin sa pagluto ng kakanin nilang mag-ina.

Dahil sa sadyang katamaran at sa nakasanayan na ang ina ang gumagawa ng gawaing bahay ay padabog
at kunot noong kinuha ni Pinang ang kaldero at hinanda ang kalan sa kusina. Dahil sa sadyang walang
alam sa gawaing bahay, hindi alam ni Pinang sa kung saan nakatabi ang bigas. Agad ngunit padabog
siyang bumalik sa kuwarto ng init upang tanungin kung nasaan ang bigasan. "Nasa loob lang ng sako ang
bigas, sa tabi ng kalan, anak." ani ng hapong hapong ina. Bumalik sa kusina si Pinang at nakita nga ang
bigas at hinanda na ang lulutuing lugaw. Dali-dali niyang nilagay and bigas sa kaldero, tinubigan at
isinalang sa kalan. Imbis na bantayan ang sinasalang ay bumalik ito sa pakikipaglaro sa mga kaibigan
kapitbahay.

Nang marinig na kumukulo na ang isinalang ay muling tinawag ni Aling Rosa ang naglalarong si Pinang.
Matapos marinig ng ina na ang pagpasok ng anak ay natulog na si aling Pinang upang makabawi ng lakas
at gumaling sa kanyang karamdaman. Mabigat ang loob na binalikan ni Pinang ang niluluto ngunit ng
hahaluin nya ito ay hindi niya makita ang sandok. Sa halip na hanapin ay tinungo ni Pinang ang kuwarto
ng ina, ginising ito ng tanong na tila ba nanaunumbat pa. "Nasaan ba kasi ang sandok!?!" pasigaw na
tanong ni Pinang. Dito na napuno ang ina. "Bakit kasi parating bibig ang ginagamit mo sa paghahanap?
Sana’y tubuan ka ng napakaraming mata para madali mong mahanap ang mga kagamitan." ang tugon ng
nagalit na ina sa di naangkop na pakitungo ng anak sa kanya. Padabog namang bumalik sa Kusina ang
nagmamaktol na si Pinang at wala nang narinig pa si Aling Rosa sa kabuuan ng gabi.

Kinaumagahan, gumaan na ang pakiramdam ni Aling Rosa. Hinanap niya ang kanyang anak ngunit hindi
niya ito mahagilap. "Maaring nakikipaglaro lamang ito sa mga kapitbahay", isip-isip ni Aling Rosa.
Tinungo din ng kagagaling na ina ang mga bahay ng madalas kalaro ni Pinang ngunit wala din dito si
Pinang. Upang libangin ang sarili at hindi masyadong mag-alala napagpasyahan munang magwalis-walis
sa bakuran ng tahanan nila si Aling Rosa. Isang kakaibang halaman ang napansin ni Aling Rosa sa
kanyang pagwawalis sa bakuran. Ito ay may hugis ulong dilaw na bunga at napapalibutan ng mga tila
bang mata. Naalala niya ang sinabi niya sa anak ng siya ay may sakit at nagalit noong kinagabihan. "Ito
na nga kaya si Pinang?" sinabi ni Aling Rosa habang takip ang dalawang kamay sa kanyang bibig upang
itago ang pagka mangha, gulantang, at takot.

bugtong

Dalawang batong maitim, malayo ang dinarating.

Two black stones that reach far.

mata

Dalawang balon, hindi malingon.

Two wells, which you cannot turn to look at.

tainga

Naligo ang kapitan, hindi nabasa ang tiyan.

The captain took a bath without his belly getting wet

Bangka

Buto't balat lumilipad. Sagot: Saranggola

Dalawang bangyasan, naghahagaran. Sagot: Binti

Tubo sa punso, walang buko. Sagot: Buhok

Limang puno ng niyog, isa'y matayog. Sagot: Daliri

Dalawang balahibuhin, masarap pagdaitin. Sagot: Mata at kilay

Isang bayabas, pito ang butas. Sagot: Mukha

Salawikain

Ang Pabula ng Daga at ng Leon by Katig.Com

From Katig.Com's book of fables. Alay sa kabataang Pilipino


Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na

leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay

nagpapadausdos siya paibaba.

Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon

ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at

kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga.

"Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa

pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na

maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin" sabi ng daga.

Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa.

"Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain

ang pagtulog ko," sabi ng leon.

"Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, "

sagot ng daga.

Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa

kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno.

Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli

sa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga nangagaso sa kagubatan.

Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa

lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama
ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na

nakawala sa lambat.

"Utang ko sa iyo ang aking buhay," laking pasasalamat na sabi ng leon sa

kaibigang daga.

Mga aral ng pabula:

Ang paghingi ng paumanhin sa kapwa ay sinusuklian ng pang-unawa.

Ang pag-unawa sa kapwa ay humahantong sa mabuting pagkakaibigan.

Huwag maliitin ang kakayahan ng iyong kapwa. Hamak man ang isang tao

ay maaari siyang makatulong ng malaki o makagawa ng bagay na lubhang

makabuluhan.

Piling mga halimbawa

Ilan lamang ang mga sumusunod sa mga salawikain mula sa Pilipinas:

Salawikain: Pagkahaba-haba man ng prosisyon sa simbahan din ang tuloy.

Kahulugan: Sa tinagal-tagal man ng samahan ng magkasintahan, sa bandang huli ay humahantong din ito
sa kasalan.

Salawikain: Pag maikli ang kumot, matutong mamaluktot.

Kahulugan: Kung nakakaranas ng kakulangan sa buhay ang isang tao ay dapat siyang mamuhay ng
naaayon sa kanyang kakayahan. Matutong magtipid at maging payak sa pamumuhay.

Salawikain: Kung hindi ukol, hindi bubukol.

Kahulugan: Ang swerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi nakalaan para sa iyo.

Salawikain: Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

Kahulugan: Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin na pag-ukulan ng sikap
at gawa upang matamo ang mimithing biyaya.

Salawikain: Lahat ng gubat ay may ahas.

Kahulugan: Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawa ng mga bagay na
nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat isa.
Salawikain: Magkulang ka na sa asawa huwag lamang sa iyong anak..

Kahulugan: Kadalasang ipinapayo ito sa mga nagbabalak magpakasal o sa mga bagong mag-asawa upang
mapabuti ang kanilang pagsasama. Ang mga magulang kase ay higit na mapagtatakpan o mapapatawag
ang pagkukulang ng sariling anak keysa sa pagkukulang ng ibang tao.

Salawikain: Kung ano ang puno, siya ang bunga.

Kahulugan: Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang. Sapagkat ang mga
magulang ang humuhubog sa pagkatao at pag-uugali ng anak, ang anak ang nagiging larawan ng
pagkatao at pag-uugali ng kanyang mga magulang. Ang mabuti (o masamang) anak, ay karaniwang
ibinubunga ng mabuti (o masamang) mga magulang.

Salawikain: Kung ano ang itinanim, ay siyang aanihin.

Kahulugan: Kung ano ang ginawa mo sa kapwa ay kadalasang ganun din ang gagawin sa iyo. Halimbawa
kung naging matulungin ka sa kapwa ay tutulungan ka rin ng mga taong tinulungan mo.

Salawikain: Ang taong ginigipit sa patalim man ay kumakapit.

Kahulugan: Ang taong nagigipit kung minsan ay napipilitang gumawa ng mapangahas na bagay na
maaaring maging dahilan upang lalu lamang siyang magipit. Halimbawa, ang taong may mabigat na
pangangailangan ng pera ay nagagawang mangutang ng patubuan, tulad ng five-six, na nagiging dahilan
upang lalu pa siyang mangailangan ng pera.

You might also like