You are on page 1of 9

Patalinhagang Paghahayag

(Tayutay)

Isinumite ni:
Domenden, Ezekiel John
W02

Isinumite kay:
Prof. V. Sia

Tayutay
Ito ay mga salita o mgapahayag na ginagamitpahayag na
ginagamitupang bigyanupang bigyan--diin angdiin
angisang kaisipan o isang kaisipan odamdamin.

1. Pagtutulad o Simili
- paghahambing ng dalawang magkaibang bagay.
Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng,
kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-,
at iba pa.
Halimbawa:

2. Pagwawangis o Metapora
- tiyak na paghahambing ngunit hindi na
ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng
paghahambing na nakalapat sa mga pangalan,
gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing.
Halimbawa:

3. Pagtatao o Personipikasyon

- ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin


ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga
bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga
pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa,
pandiwari, at pangngalang-diwa.
Halimbawa:

4. Pagmamalabis o Hyperboli
- ito ay lampas-lampasang pagpapasidhi ng
kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari,
kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o
katayuan.
Halimbawa:

5. Pagpapalit-saklaw o Sinekdoke
- Bumabanggit ito ng isang bahagi upang
sakupin o tukuyin ang kabuuan o ng kabuuan upang
tukuyin ang isang bahagi.
Halimbawa:

6. Pagpapalit-tawag o Metonomiya
- gumagamit ito ng salita o mga salitang sa
pagtawag o pagtukoy sa bagay o tao na
pinatutungkulan.
Halimbawa:

7. Paglilipat-wika o Inilipat na Epitets


- ito ay nagsasalin ng katangian ng tao sa mga
bagay na abstrakto o subalit sa halip na pandiwa ay
gumagamit ng pang-uri.
Halimbawa:

8. Paghihimig o Onomotopeya
- ito ay ang paggamit ng mga salitang ang tunog
ay taglay ang kaisipan at kahulugan nito.
Halimbawa:

9. Pagbibigay-aral
i. Pabula
- isang uri ng panitikan kung saan ang
mga tauhan ay mga hayop na kumikilos at
nag-aasal na parang tao. Ito ay nagbibigay
ng moral na aral sa mga batang
mambabasa.
Halimbawa:
Ang Daga at ang Leon

Isang magandang araw ang bumungad sa


masiyahing daga. Nasa kalagitnaan siya ng pamamasyal at
paglalaro nang makita niyang himbing na natutulog ang
isang malaking leon. Natuwa siya sa malawak na likuran
nito na animoy isang malaking padausdusan kayat naisip
niyang umakyat doon at magpadausdos paibaba. Hindi
niya naman namalayan na nagising ang natutulog na Leon.
Sa pagkagising ng Leon ay agad niyang dinakma sa buntot
ang kawawang daga at umaktong isusubo ito, nang
malapit na sa bibig ng Leon ay nagsalita ang Daga at
humingi ng paumanhin.

Kaibigang Leon, ipagpaumanhin mo ang aking


kalapastanganan, hindi ko sinasadyang gisingin ka sa gitna
ng iyong pagtulog, labis lang akong natuwa kung kayat
naisipan kong maglaro sa
iyong likuran. Naway patawarin mo ako at hayaan akong
mabuhay pa.
Huwag mo kong kainin sapagkat akoy malansa at hindi ka
mabubusog sa kakarampot kong katawan. Anang Daga.
Naawa naman ang Leon sa Daga kung kayat pinakawalan
niya ito.
Sa susunod ay wag mo nang gagambalain ang
pagtulog ko. Makakalaya ka na. Sabi ng Leon.
Salamat Kaibigan, baling araw ay masusuklian
ko din ang kabutihang loob mo. Sabi ng daga.
Ang isang maliit na dagang gaya mo? Ano
naman kayang pabor ang magagawa mo para sa isang
malakig hayop na gaya ko. Nagpapatawa ka Kaibigan.
Balang araw Kaibigan, matutulungan din kita.
Hanggang sa muli, Paalam!
Lumipas ang mga araw na masayang namumuhay
ang Daga hanggang sa minsan sumagi sa isip niya kung
kamusta na kaya ang kalagayan ng kaibigan niyang Leon.
Naisipan niyang dalawin ang Leon sa tahanan nito pero
laking gulat niya nang makitang nasa loob ng lambat na
nakasabit sa isang puno ang malaking Leon. Agad agad
namang nginatngat ng Daga ang lubid na lambat at
matapos ang ilang minuto ay naputol ang lubid at
nakawala ang Leon.
Maraming Salamat Kaibigang Daga. Minaliit ko
ang kakayahan mo, di ko inakala na ikaw pa ang
makapagliligtas sa akin. Utang ko sayo ang aking kalayaan
at ang aking buhay. Maraming Salamat Kaibigan!
Walang anuman Kaibigan, hindi bat sinabi ko sayo?
Matutulungan din kita baling araw. Maliit man ako,
maabilidad naman ako!

Aral: Huwag maliitin ang kakayahan ng isang tao batay sa


kanyang anyo o laki, maliit ka man hindi ibig sabihin nito
na limitado lang ang maari mong gawin.

ii.

Talinghaga
- Isa itong maikling salaysay na
maaaring nasa anyong patula o prosa na
malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa
isang pangyayari, na kadalasang
isinasalarawan ang isang moral.
Halimbawa:
ilaw ng tahanan - ina
panis ang laway - taong di-palakibo
o tahimik
tawang-aso nagmamayabang o
nangmamaliit

iii.

Halimbawa:

Parabula
-isang uri ng maikling kuwento na ang
karaniwang gumaganap ay mga tao, Ito ay
naglalarawan ng katutohan o tunay na
nangyayari sa ating buhay. Ang parabula ay
tulad din ng pabula na kinapapalooban ng
aral. Madalas ay galling sa Bibliya.

Si Dona Inez ay isang mayaman. Isang araw ay


nanaginip si Dona Inez. Sa kanyang panaginip ay
nakausap niya si Hesus.
"Dadalawin kita sa bahay mo bukas." Sabi ni
Hesus.
"Opo. Hihintayin ko po kayo!" sabi niya.
Masayang masaya si Dona Inez ng magising.
Dadalawin kasi siya ng Panginoon.
Maaga kung gumising si Dona Inez pero mas
maaga siyang bumangon ng araw na iyon. Agad niyang
inutusan ang lahat ng katulong sa bahay na maglinis na
mabuti. Nagpaluto rin siya ng masasarap na pagkain.
Espesyal ang kanyang bisita at dapat lang maging
espesyal ang
lahat ng makikita nito. Mga alas-diyes ay handa na ang
lahat. Malinis na
malinis na ang bahay. Luto na ang mga pagkain. Naayos
na ang mga bulaklak sa sala at komedor. Bihis na rin si
Dona Inez. Suot niya ang mga alahas niya at magandang
damit.
Isang batang pulubi ang dumating at nanghingi
ng pagkain. Itinaboy ito ni Dona Inez sa halip na bigyan ng
pagkain.

Bandang tanghali ay isang matandang gusgusin


naman ang dumating. Uhaw na uhaw ito at gutom na
gutom.
"Pahingi ng kaunting pagkain at tubig pakiusap
ng matanda."
Itinaboy din ito ni Dona Inez dahil mabaho ang
matanda. Ayaw niyang maabutan ito ng espesyal niyang
panauhin.
Nang makapananghali ay isa namang buntis ang
dumating. Humingi din ito ng tulong pero hindi rin niya
binigyan. Itinaboy din niya ito.
Maghapon siyang naghintay ngunit hindi
dumating ang espesyal niyang panauhin.
Kinagabihan ay muling nanaginip si Dona Inez.
Nakita niyang muli si Hesus. Sinumbatan niya ito.
"Naghanda ako at naghintay ngunit hindi kayo
dumating," sabi ni Dona Inez.
"Nagkakamali ka," sagot ni Hesus. Sa
katotohanan ay tatlong beses akong dumating pero hindi
mo ako nakilala."
Nang magising si Dona Inez ay naalala niya ang
tatlong pulubing kanyang itinaboy.

You might also like