You are on page 1of 9

PAGYAMANIN-aralin 1

Humanap ng sipi ng isang pabula. Ipabasa ito nang malakas sa iyong kaibigan o kapamilya.
Pakinggang maigi ang pabula at pagkaraan ay sagutin ang mga tanong. Isulat ang iyong mga
sagot sa hiwalay na papel.

Ang Daga at Ang Leon


ni Donato Sebastian
Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na leon. Kanyang inaakyat
ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay nagpapadausdos siya paibaba.

Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon ang daga at hinawakan
sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga.

“Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa pagtulog mo. Wala akong


masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong
kainin,” ang sabi ng daga.

Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa.

“Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain ang pagtulog ko,” sabi ng
leon.

“Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo,” sagot ng daga.

Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa kagubatan ay kanyang


napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno. Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang
nakilala ang leon na nahuli sa loob ng lambat na ginawang bitag ng nangagaso sa kagubatan.
Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa lambat. Agad
namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama ang leon sa loob. Mabilis na
bumaba ang daga at tinulungan ang leon na nakawala sa lambat.
“Utang ko sa iyo ang aking buhay,” laking pasasalamat na sabi ng leon sa kaibigang daga.

Mga Katanungan:
1.Sino ang may - akda ng pinakinggang pabula?
Sagot:
Ang may akda po ng pabulang aking pinakinggan ay si Donato Sebastian.
2.Bakit kaya hayop ang mga tauhan sa pabula?
Sagot:
Dahil ang pabula po ay karaniwang inilalarawan ang dalawa pong taong Magkaiba po ang ugali
at dahil rin po inilalarawan po nito ang mga kaugalian po ng mga tao tulad po nga ang kuneho
at ang pagong po na pabula,ang inilalarawan po nito at ang aral po nito ay hindi po porket
Mabagal ang progreso ng iba at saiyo ay mabilis hindi po ito nangangahulugang sila ay hindi
mananalo at magtatagumpay.
3.Ano ang suliranin sa binasang pabula?
Sagot:
Ang suliranin po nito ay ang leon ay nahuli ng mga mangangaso sa kagubatan upang gawin po
nila itong bitag.
4.Sa totoong buhay sino ang isinisimbolo ng mga tauhan sa binasang pabula?
Sagot:
Isinisimbolo po ng leon ang mga taong ang pinaniniwalaan po ay ang paghingi po ng paumanhin
sa ating mga kapwa ay nakakapagpababa ng kanilang antas o taas po sa kanila pong buhay at
ang sinisimbolo naman po ng daga sa pabulang ito ay ang mga tao pong inaakala ng mga kapwa
po nila ay walang magagawa dahil po sa kanilang kaliitan at pagiging mababa.
5.Paano nagwakas ang akda?
Sagot:
Nagwakas po ito sa pamamagitan ng pagkaligtas po ng leon sa pagkabitag at paghingi po ng
pasasalamat ng leon sa daga.
ISAGAWA-aralin 1
Makinig/manood ng isang pabula sa Youtube. Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Link Ng Pabulang aking Pinanood: https://youtu.be/RkVocbvoJqI

Mga Katanungan:
1. Ano ang pamagat ng Pabulang pinakinggan?
Sagot:
Ang pamagat po nito ay Ang Unggoy at ang Buwaya.
2. Sino-sino ang mga tauhan?
Sagot:
Ang mga tauhan po ay si Unggoy, Buwaya at ang asawa po ng Buwaya.
3. Ano ang suliranin ng pangunahing tauhan?
Sagot:
Ang buwaya ay inuutusan ng kaniyang asawa na may balak na kunin ang puso ng Unggoy at
kung hindi man daw niya ito magagawa ay magpapakamatay ang kaniyang asawa.
4. Paano nagkaroon ng solusyon ang suliranin ng pangunahing
tauhan?
Sagot:
Nasolusyonan po ng Unggoy ang pahamak na darating sa kaniya sa pamamagitan ng paggamit
niya ng talas ng kaniyang utak at sinabi sa buwaya na ang mga puso ng Unggoy ay inilalagay nila
sa kanilang puno.
5. Bakit kaya hayop ang mga karakter sa pabula?
Sagot:
Dahil ang pabula po ay karaniwang inilalarawan ang dalawa taong Magkaiba ang ugali at dahil
inilalarawan rin po nito ang mga kaugalian ng mga tao.

Pagyamanin-aralin 2
Makinig sa isang talk show o usapan sa telebisyon o radyo. Pakinggang maigi ang usapan at
pagkaraan ay sagutin ang mga tanong. Isulat sa hiwalay na papel ang iyong sagot.

Link ng aking Pinanood na talk show: https://youtu.be/auzle7W7NU8

1. Anong talk show o usapan ang iyong pinanood/pinakinggan?


Sagot:
Ang akin pong talk show na pinanood ay ang talk show po nila Tito Boy at ang kaniya pong mga
kasamang host.
2. Sino/Sino-sino ang mga host o tagapagsalita sa pinakinggang talk
show?
Sagot:
Ang mga host ay sila Dimples Romana, Bianca King, Robi Domingo at higit po sa lahat ay si Tito
Boy Abunda.
3. Anong isyu ang kanilang pinag-usapan?
Sagot:
Ang isyu pong kanilang pinapag usapan ay tungkol sa career path ni Tito Boy.
4. Kaninong opinyon ang nangibabaw sa talk show? Bakit?
Sagot:
Nangibabaw po ang opinyon ni Boy Abunda dahil siya ay nagbigay ng napakaraming
impormasyon at opinyon tungkol po sa kaniyang sarili at sa mga katanungan at opinion ng
kaniyang mga kausap o mga host rin po.
5. Paano nagtapos ang nasabing talk show o usapan?
Sagot:
Ito po ay nagtapos sa pamamagitan ng pagsagot po ni Tito Boy sa Isang katanungan ni Robi
Domingo at pagbibigay rin po ng maraming opinyon at mga impormasyon na konektado po sa
tanong po ni Robi Domingo.

ISAGAWA-aralin 2
Magbasa ng isang pulis report/balita sa diyaryo o internet. Sagutin
ang mga tanong.

Link ng aking Balitang Pinanood: https://youtu.be/tNNPeBgnH6E

1. Ano ang headline o pamagat ng balita?


Sagot:
Ang pamagat po ng Balita ay Malakas na ulan at hangin, naranasan sa Cagayan at Batanes dahil
sa bagyong Kiko.
2. Sino ang sumulat ng balita?
Sagot:
Ang sumulat po ng balitang iyon ay Si Tina Panganiban-Perez.
3. Saan at kailan naganap ang pangyayari sa balita?
Sagot:
Ito po ay naganap sa Batanes at Cagayan noong ika-11 ng Setyembre taong 2021.
4. Bakit nangyari ang mga pangyayari sa balita?
Sagot:
Dahil po ito sa bagyong Kiko’ng ating nararanasan lalong lalo na po sa Babuyan Island at sa iba
pa pong bahagi ng Luzon.
5. Paano nagtapos ang balita?
Sagot:
Nagtapos po ito sa pamamagitan ng salitang pagtatapos at pagpapakilala ng news reporter at
pagsasabi ng Buong puso para sa Pilipino.

KARAGDAGANG GAWAIN-ARALIN 1
Lalong palawakin ang iyong kakayahan. Magbasa ng isang pabula. Ibigay ang buod ng pabula at
sagutin ang mga tanong sa ibaba.
Buod ng Pabula:
Ang Soro at Ang Kambing
Isang Araw, nakita ng isang soro ang isang balon at nausisa ito. medyo tumayo siya sa gilid ng
balon .kung nagkataon, nahulog siya sa balon. ang balon ay hindi masyadong malalim. Sa loob
ng ilang araw ang isang nauuhaw na kambing ay dumaan sa balon at nakita ang soro. tinanong
ng kambing ang soro kung masarap ang tubig at sinabi ng soro na. Ang kambing pagkatapos ay
hindi nag-atubiling tumalon pagkatapos tumalon sa likuran nito ang soro at lumabas sa balon at
iniwan doon ang kambing.

Mga Katanungan:
1. Ano ang pamagat ng pabulang pinakinggan?
Sagot:
Ang pamagat po ng pabula ay Ang Soro at Ang Kambing.
2. Paano nagsimula at nagwakas ang pabula?
Sagot:
Nagsimula po ito sa pamamagitan ng pagpunta ng isang soro sa isang balon at siya ay nahulog
dito at nagtapos naman po ito sa pamamagitan ng pagtalon niya sa likod ng kambing upang
makaalis siya sa balon.
3. Ano ang suliranin sa pabula?
Sagot:
Ang Soro ay nahulog sa balon at ito ay hindi na muling makalabas.

4. Paano nagkaroon ng solusyon sa suliranin sa pabula?


Sagot:
Nagkaroon po ito ng solusyon sa pamamagitan po ng paggamit niya sa kambing upang siya ay
makaalis sa balon.
5. Bakit kaya hindi tunay na tao ang ginamit na karakter sa akda?
Sagot:
Dahil ang mga pabula po ay ginagamitan ng mga character bilang hayop na sinisimbolo ang pag
uugali ng mga tao.

KARAGDAGANG GAWAIN-ARALIN 1
Lalo pang palawakin ang iyong kakayahan. Magbasa ng isang tekstong pang-impormasyon.
Ibigay ang buod ng teksto at sagutin ang mga tanong sa ibaba.
Buod Ng Tekstong Pang-impormasyon:
Sa panahon ngayong may pandemya kailangan natin ng mga paraan upang maiwasan at
maprotektahan ang ating sarili lalo na sa COVID-19 na nakahahawang sakit at maaring ikamatay
ng isang tao na sa ngayon ay halos milyon milyon na ang namamatay dahil sa sakit na ito.May
mga paraan upang ito ay maiwasan una ay ang paghuhugas ng kamay palagi dahil palagi nating
ginagamit ang ating kamay sa ating pang araw araw na buhay dapat natin itong hugasan.Maari
rin dapat nating laging iwasan ang paghawak sa ating ilong, mata at bibig kapag tayo ay nasa
labas o kahit na nasa tahanan.Palaging Takpan ang iyong ubo at bahing upang maiwasan ang
pagkahawa ng ibang tao.Lagi nating iwasan ang mga matataong lugar tulad ng mga Mall,
Palengke at iba pa kung hindi man ay bago pumasok ng tahanan ay maligo muna.Manatili
lamang sa bahay kung ikaw ay may sakit.Kung may inilalabas na sintomas ng COVID-19 agad na
magpakonsulta ngunit tumawag muna sa mga health facility at higit sa lahat Kumuha ng
impormasyong mapagkakatiwalaan galing sa awtoridad

Mga Katanungan:
1. Tungkol saan ang teksto?
Sagot:
Tungkol po ang teksto sa COVID-19 o ang kasalukuyang pandemya pong ating kinakaharap
ngayon.
2. Sino ang sumulat ng teksto?
Sagot:
Ang sumulat po ng Teksto ay ang World Health Organization.

3. Ano-ano ang mahahalagang impormasyon na inilhad sa teksto?


Sagot:
Ang mga mahahalagang impormasyon pong nakalahad sa tekstong aking nabasa ay ang Mga
paraan upang maiwasan po natin ang COVID-19 at kung ano nga po ba ang sakit po virus na
COVID-19
4. Paano inilhad ng may-akda ang teksto?
Sagot:
Inilahad po ito ng may akda sa pamamagitan ng paglalagay po niya ng maraming mga
impormasyon tungkol po sa COVID-19 at ang mga paraan kung paano nga po ba ito maaring
maiwasan ngayong panahon po ng pandemya.
5. Bakit mahalaga ang isang tekstong pang-impormasyon?
Sagot:
Mahalaga po ito dahil Ang ganito pong klase ng teksto ay maaring kapulutan po ng tao ng mga
aral at mga napapanahon pong impormasyon tulad na lamang po ng mga pang impormasyong
teksto tungkol sa napapanahong pandemya at mga balita pong ating napanonood sa ating
telebisyon at ang mga pang impormasyong teksto rin ay mas dadagdagan ang mga detalye ng
ating mga napapanood sa ating mga telebisyon na balita.

You might also like