You are on page 1of 7

FILIPINO 6

Unang Markahan– Modyul 1


Name:

Grade:

Section

Date:

Unang Markahan– Modyul 1: Nasasagot ang mga tanong tungkol sa


napakinggang/ nabasang pabula, kuwento, tekstong pang-impormasyon
at usapan

Subukin

Piliin sa loob ng kahon ang kahulugan ng salitang nasalungguhitan sa


pangungusap. Isulat sa patlang ang sagot.

Napadulas kinuha ipagpatawad istorbo,


gamit sa panghuli ng isda

____________________1.“Ipagpaumanhin po ninyo ang aking pagkakamali,” ang


mahinahong pakiusap ng daga.
___________________ 2. Ang lambat ang naging sandta ng mangangaso upang
mahuli ang leon.
___________________ 3. Napadausdos ang leon kaya siya nahuli ng mangangaso.
___________________ 4. Dinakma agad ng mangangaso ang nakitang leon.
___________________ 5. Nagulat ang leon nang gambalain ng daga ang kanyang
Pagtulog.
FILIPINO 6
Unang Markahan– Modyul 1

Aralin 1. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang/ nabasang


pabula, kuwento, tekstong pangimpormasyon at usapan.

Tuklasin
Basahin ang kuwento. Pagkatapos ay gawin ang mga sumusunod na
pagsasanay.
ANG DAGA AT ANG LEON
Isang Daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng natutulog na Leon. Kaniyang
inaakyat ang likuran ng Leon at pagdating sa itaas ay nagpadausdos siya paibaba.
Sa katuwaan ay hindi niya napansin na nagising ang Haring Leon. Dinakma ng Leon ang
Daga at hinawakan sa buntot na wari bang balak siyang isubo at kainin. Natakot at nagmakaawa
ang Daga.
“Ipagpaumanhin mo, kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa pagtulog mo. Wala
akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong
kainin.”
Nabakas ng Leon sa mukha ng Daga ang tunay na pagmamakaawa. “Sige pakakawalan
kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain ang pagtulog ko,” sabi ng Leon.
“Salamat, kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabaitan mo.” Lumipas ang
maraming araw. Minsan, sa pamamasyal ng Daga sa kagubatan ay kanIyang napasin ang isang
lambat na nakabitin sa puno. Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang Leon na
nahuli sa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga mangangaso sa kagubatan.
Dali-daling inakyat ng Daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa lambat.
Agad namang naputol ang lubid at bamagsak ang lambat kasama ang Leon sa loob. Mabilis na
bumaba ang Daga at tinulungan ang Leon na nakawala sa lambat.
“Utang ko sa iyo ang aking buhay,” laking pasasalamat na sabi ng Haring Leon sa
kaibigang Daga.

Ilarawan ang katangian at suliranin ng bawat tauhan sa kuwento


FILIPINO 6
Unang Markahan– Modyul 1
Pangalan ng Katangian Suliranin
Tauhan

Daga

Leon

Pagsasanay 1:
- Sagutin ang mga tanong na nasa kahon. Isulat ang sagot sa loob ng bilog.
FILIPINO 6
Unang Markahan– Modyul 1

Pagsasanay 2:
- Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.
1. May naidulot ba na maganda ang pagtulong ni Daga kay Leon?
2. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Daga, gagawin mo rin ba ang pagtulong ky Leon? Bakit?
FILIPINO 6
Unang Markahan– Modyul 1
3. Paano nakatulong si Daga kay Leon?
4. Anong aral ang napulot mo sa pabula? Paano mo ito isasabuhay?
5. Ano ang mensahe ng kuwento?

 Lagi mong tandaan: Huwag maliitin ang kakayahan ng iyong kapwa.


 Ang paghingi ng paumanhin ay hindi nakakapagpababa sa dangal ng isang tao.
 Huwag maliitin ang kakayahan ng iba. Maliit man ang iyong kapwa ay may kakayahan
pa rin itong makatulong sa paraang hindi madalas inaasahan ng iba.
 Huwag maliitin ang kakayahan ng isang tao batay sa kaniyang anyo o laki. Maliit ka
man, hindi ibig sabihin nito na limitado lamang ang kaya mong gawin.
 Huwag isipin na mas mataas ka sa ibang tao. Maging mapagpakumbaba.
FILIPINO 6
Unang Markahan– Modyul 1

Pagsasanay 4:
Gawain: Isulat Mo!

 Ibuod ang kuwentong “Ang Daga at ang Leon” ayon sa pagkasunod-sunod na


pangyayari sa kuwento. Sundin ang tamang paraan sa pagsulat ng talata.
FILIPINO 6
Unang Markahan– Modyul 1
 Magbigay ng isang aral na napulot mo mula sa kuwentong binasa na nais mong
sundin ng mga batang katulad mo. Gawin itong “shout out” sa Facebook, o sa
paraang islogan.

You might also like