You are on page 1of 8

6

Department of Education-Region III


TARLAC CITY SCHOOLS DIVISION
Juan Luna St., Sto. Cristo, Tarlac City 2300
Email address: tarlac.city@deped.gov.ph/ Tel. No. (045) 470 - 8180

Filipino
Quarter 1: Week 1
Learning Activity Sheets

0
FILIPINO 6
Pangalan:_______________________________ Unang Markahan-Unang Linggo
Pangkat_________________________ Petsa:_____________________

Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Napakinggang/Nabasang


Pabula, Kuwento, Tekstong Pang-Impormasyon at Usapan.

Susing Konsepto

Mahalagang matutunan ang pagsagot sa mga tanong tungkol sa anumang


mapapakinggang / mababasang gaya ng pabula,kuwento,tekstong pang-impormasyon, at
usapan dahil sa pamamagitan nito maipapakita ang pang-unawa.

1. Pabula- kuwentong ang pangunahing tauhan ay mga hayop na kumikilos at


nagsasalitang parang tao.

2. Kuwento- nagsasalaysay ng mga pangyayari tungkol sa pangunahing tauhan.

3. Tekstong pang-impormasyon- naglalahad o naglalaman ng ng mga iba’t-ibang


impormasyon tungkol sa paksa.

4. Usapan- pag-uusap ng dalawa o higit pang tauhan tungkol sa isang paksa o isyu.

Halimbawa ng Kuwento.

Si Tata Ambo
Hindi nahirapan ang lupong pinangungunahan ng aming kapitan ng barangay sa
pagpili ng natatanging magsasaka sa aming pook.Talagang natatangi sa maraming
magsasaka sa aming pook si Tata Ambo.
Wala pang apatnapung taon si Tata Ambo. Lubhag masigla pa kung siya ay
kumilos.Malusog ang pangangatawan niya at napakalakas gumawa sa bukid. Apat na
ektarya ang sinasakaya niyang mag-isa at hindi siya gumagamit makinarya sa kanyang
pagsasaka.Limang kalabaw ang palit – palit niyang isinisingkaw sa panahon ng pag –
aararo at pagsuyod. Pawang matataba ang mga kalabaw ni Tata Ambo na alagang-alaga
sa pagpapastol ng dalawa niyang anak na lalaki.
Subalit matapat na sinusunod ni Tata Ambo ang mga payo’t mungkahi ng
teknisyan ng NIA na tumutulong sa magsasaka sa kanilang pook. Laging nagpapataba
ng kaniyang bukid si Tata Ambo. Gumagamit siya ng mga patabang kemikal sa binibili
sa tabi ng koral ng kaniyang mga kalabaw. Bihasang gummit ng “pesticide” si Tata Ambo.
Talagang hindi pinanghihinayangan ni Tata Ambo na pagkagastahan ang pataba at
“pesticide” para sa kaniyang bukid sapagkat naniniwala siyang sa mga ito nakasalalay
ang pagbuti ng kaniyang ani. Maraming gumagaya sa paraan ng pagsasaka ni Tata
Ambo ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring nakapapantay sa kaniya.
Baka hindi lamang sa aming pook mapiling natatanging magsasaka si Tata
Ambo. Tila isasali rin siya ng aming gobernador sa pambansang pamimili ng natatanging
magsasaka ng Pilipinas, karaniwang umaani si Tata Ambo ng 200 kaban sa bawat
ektarya at hindi masamang record ito para ipanlaban sa pambansang paligsahan.

1
Pamatnubay na Katanungan

1. Ang Sino ay sumasagot sa ngalan ng tao lamang.

Halimbawa: Sino ang tauhan sa kuwento?


Sagot: Ang Tauhan sa kuwento ay si Tata Ambo.

2. Ang tanong na Ano ay sumasagot sa ngalan ng bagay at pangyayari.

Halimbawa: Anong patimpalak ang sinalihan ni Tata Ambo?


Sagot: Si Tata Ambo ay sumali sa paghahanap ng Natatanging Magsasaka.

3. Ang Saan ay ginagamit sa tanong upang matukoy ang pinangyarihan o lugar kung saan
ginaganap ang kilos.

Halimbawa: Saan sumali si Tata Ambo ng Natatanging Magsasaka?


Sagot: Siya ay sumali sa kanilang pook.

4. Ang Kailan ay tumutukoy sa panahon

Halimbawa: Kailan pinagpapalit-palit na sinasangkaw ni Tata Ambo ang limang


kalabaw?
Sagot: Pinagpapalit-palit na sinasangkaw ni Tata Ambo ang limang kalabaw sa
panahon ng pag-aararo at pagsusuyod.

5. Ang Bakit ay sinasagot ng mga dahilan kung bakit nang yari ang isang sitwasyon o
pangyayari.

Halimbawa: Bakit hindi nahirapan ang mga lupong na pinangunahan ng kapitan ng


barangay sa pagpili kat Tata Ambo bilang Natatanging Magsasaka.
Sagot: Hindi sila nahirapan sa pagpili sa kay Tata Ambo dahil talagang natatangi
siya sa maraming magsasaka sa kanilang pook.

6. Ang Paano na tanong ay para masagot ang pamamaraan sa isang kilos o sitwasyon.Ito
ay dagdag na pagpapaliwanag sa isa ng proseso.

Halimbawa: Paano ang paraan ng pagsasaka ni Tata Ambo?


Sagot: Hindi siya gumagamit ng makinarya sa kanyang pagsasakaat sinunod niya
ang mungkahi ng teknisyan ng NIA.Gumagamit siya ng patabang kemikal at natural.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang/nabasang pabula, kuwento,
tekstong pang-impormasyon at usapan
F6PN-Ia-g-3.1, F6PN-Ia-g-3.1, F6PB-Ic-e-3.1.2, F6PN-Ia-g-3.1, F6PB-If-3.2.1

2
Pagsasanay 1
Panuto: Basahin ang patalastas o anunsiyo sa kahon. Sagutin ang mga tanong.

Tinatawagan ang lahat ng batang may 8-12 taong gulang na


lumahok sa patimpalak sa pagbigkas ng tula na gaganapin sa darating na
Biyernes, Nobyembre 22, 2020 sa ganap na ika-1:00 ng hapon sa silid-
aralan ni Gng. Baltar. Para sa karagdagang impormasyon hinihiling na
makipagkita kay Gng. Marijo Panuncio.
Ang mga kalahok ay kailangang magsuot ng kasuotang Pilipino.

1. Ano ang tawag sa binasa mong teksto?

_________________________________________________________________________

2. Anong timpalak ang sasalihan ng mga kalahok?

_________________________________________________________________________

3. Sino-sino ang maaaring maging kalahok sa timpalak?

_________________________________________________________________________

4. Kailan gaganapin ang nasabing patimpalak?

_________________________________________________________________________

5. Saan gaganapin ang patimpalak ng tula?

_________________________________________________________________________

6. Anong oras magsisimula ang patimpalak?

_________________________________________________________________________

7. Kanino dapat makipag-ugnayan ang mga kalahok para sa karagdagang impormasyon?

_________________________________________________________________________

8. Ano ang susuotin ng mga kalahok sa patimpalak?

_________________________________________________________________________

9. Sa palagay mo, anong preparasyon ang kailangang gawin ng sinumang sasali sa


patimpalak upang manalo?

_________________________________________________________________________

10. Sa pagbasa at pakikinig ng anunsiyo o patalastas, bakit kailangang unawain nang maigi
ang mensahe?

_________________________________________________________________________

3
Pagsasanay 2
Panuto: Basahin ang pabula at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Ang Lobo at Ang Kambing

Isang lobo ang nahulog sa balon na walang tubig. Sinikap niyang tumalon upang
maka-ahong palabas ngunit lubhang malalim ang balon na kanyang kinahulugan.
Noo’y dumating ang isang uhaw na uhaw na kambing. Lumapit ito sa balon at
narining ang tinig ng lobo.
“Marami bang tubig sa loob ng balon?” tanong nito sa lobo. “Oo, napakarami!”
ang pagsisinungaling na sagot naman ng lobo.
Hindi na nagdalawang-isip pa ang kambing. Agad itong tumalon sa balon. At
nalaman ngang siya’y niloko lamang ng lobo.
“Ngayo’y pareho na tayong bilanggo ng balon na ito,” ang sabi ng lobo.
“Mamamatay tayo sa uhaw at gutom dito,” ang sabi ng kambing.
“Kung gusto mong makaalis dito, magtulungan tayo. Mayroon akong naisip na
paraan kung papaano nating gagawin iyon.”
“Papaano?”
Noon ipinatong ng lobo ang mga paa sa katawan ng kambing. “Ako muna ang
lalabas. At kapag nakalabas na ako, saka kita hahatakin palabas,” pangako nito. “Sige,”
ang sabi naman ng kambing.
Nakalabas nga ng balon ang lobo sa tulong ng kambing. Ngunit noong
pagkakataon na ng kambing para tulungan nito’y agad iyong tumawa ng malakas.
Pagkuwa’y sinabing, “Walang lobong manloloko kung walang kambing na
magpapaloko.”
At malungkot na naiwanan ang kambing sa malalim na balon.

1.Sino sino ang mga tauhan sa pabula?


a. Lobo at Kambing
b. Lobo at Baboy
c. Aso at Kambing
d. Lobo at Pusa

2. Saan nahulog si Lobo?


a. Talon
b. Balon
c.Bangin
d.Bundok

3. Bakit tumalon sa balon si Kambing?


a. dahil sinabing maraming damo sa may balon
b. dahil sinabing maraming tubig sa balon .
c. dahil sinabing bibigyan siya ng gantimpla
d. dahil gusto niyang maligo

4. Sino ang nagsabi ang mga katagang ito? “Ngayo’y pareho na tayong bilanggo ng balon na
ito.”
a. Pusa b. Kambing c. Aso d. Lobo

5. “Mamamatay tayo sa uhaw at gutom dito,” ang mga katagang ito ay sinabi ni
a. Unggoy b. Kambing c. Pagong d. Lobo

4
6.Paano nakalabas si Lobo sa may balon?
a. umakyat siyang mag-isa
b. may tumulong na tao
c. nakahanap siya ng matutuntungan
d. tinulungan siya ni kambing

7. Anong naramdaman ni Kambing ng maiwan siya sa malalim na balon?


a. masaya b. malungkot c.naiinis d.nagagalit

8. Ano ang ipinangako ni Lobo kay Kambing?


a. hahatakin siyang palabas kapag nakalabas siya
b. bibigyan niya ito ng damo kapag nakalabas siya
c. bibigyan siya ng tubig na maiinum
d. tutulungan niyang tumalon palabas

9. Anong pag-uugali ang ipinakita ng Lobo sa pabula?


a. mapagkakatiwalaan
b. sinungaling at manloloko
c. mapagpakumbaba
d. mabait at matulungin

10. Anong aral ang matutunan sa pabula?


a. Maging masikap sa mga Gawain
b. Kung ano ang itinanim siyang aanihin
c. Maging masikap sa mga Gawain
d. Maging matalino sa mga desisyong gagawin mo at huwag basta-basta maniniwala
sa ibang tao lalo na kung hindi mo pa siya lubusang kakilala.

Pagsasanay 3
Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang tamang salita upang mabuo ang tanong.
Isulat ito sa patlang.( Sino, Saan, Kailan, Ano, Bakit, Paano, )

Halimbawa:
Tanong: Kailan__ ka uuwi sa atin?
Sagot: sa susunod na Linggo.

1.____________ siya nagpunta sa Batangas?


( Sagot:noong isang lingo)
2.____________ niya ito tinanggap?
(sagot: nagpasalamat at humingi nga tawad)
3.____________ ang kasama niya sa kanyang pag alis?
(sagot: ang kanyang nanay)
4.____________ ang handa niyo sa pista?
(sagot: mga kakanin at pansit)
5. ___________ ka umalis ng walang paalam?
( sagot: kasi biglang sumakit ang tiyan ko)
6. ___________ mo balak magpatayo ng bahay?
( sagot: sa may gitna ng bukid)
7.____________ang makakasama m sa pag-uwi?
(sagot: ang aking mga kapatid)
8. ___________ ang susunod na pagbisita ninyo sa amin?
(sagot: sa makalawa)
9.____________ang gagawin mo para matupad mo mga pangarap mo sa buhay/

5
(sagot: magsisikap at mag –aaral akong mabuti)
10. __________ka mag –aaral sa susunod na pasukan/
(sagot: sa Maynila )

Pagsasanay 4
Panuto: Bumuo ng 5 tanong mula sa usapan sa ibaba gamit ang Sino, Saan, Kailan,
Ano, Bakit, at Paano at sagutin ang mga ito.

Oo Rexie, may
Cath nabasa mo gaganaping pagpupulong
na ba chat ni ng mga magulang sa
Gng. Santos sa darating na Biyernes alas
GC natin? 9 ng umaga sa Google
meet.Tungkol ito sa ating
virtual na pagtatapos

Oo,
ipapaalala ko Ako rin para
ito kay nanay di nila
o kay tatay makalimutan
baka kasi importante pa
makalimutan naman.
nila

1. Tanong: ___________________________________________________________
Sagot: ____________________________________________________________
____________________________________________________________

2. Tanong: ___________________________________________________________
Sagot: ____________________________________________________________
____________________________________________________________

3. Tanong: ___________________________________________________________
Sagot: ____________________________________________________________
____________________________________________________________

4. Tanong: ___________________________________________________________
Sagot: ____________________________________________________________
____________________________________________________________

5. Tanong: ___________________________________________________________
Sagot: ____________________________________________________________
____________________________________________________________

6
7
CID-Chief
ROBERT E. OSONGCO EdD
EPSvr LRMDS
LILY BETH B. MALLARI
OIC EPSvr
REYMAR D. PAGUIO PhD
EPSvr Filipino
HELEN G. LAUS EdD
Master Teacher I
MIRIAM C. SANTIAGO
Sinuri nina:
Gumuhit
JO ELIZABETH F. MINA
San Nicolas Elementary School
Manunulat / Tagalapat
Teacher- III
JOSEFINA F. MINA
Inihanda ni:
PAGSASANAY 1 PAGSASANAY 2 PAGSASANAY 3
1. Patalastas/anunsiyo 1. a 1. Kailan
2. Sa pagbigkas ng tula 2. b 2. Paano
3. Ang mga batang may gulang 8 - 12. 3. b 3. Sino
4. Gaganapin sa darating na Biyernes, Nobtembre 22, 4. d 4. Ano
2020. 5. b 5. Bakit
5. Gaganapin sa silid - aralan ni Gng. Baltar 6. d 6. Saan
6. Sa ika - ala 1:00 ng hapon 7. b 7. Sino
7. Pupuntahan si Gng. Marijo Panuncio 8. a 8. Kailan
8. Ang sus uutin ng mga kalahok ay kasuotang Pilipino. 9. b 9. Ano
9. Kailangang mag anunsiyo at maghanap ng mga 10. d 10. Saan
kasuotan.
10. (Iwasto ang anumang sagot ng bata)
PAGSASANAY 4
Ang mga sagot ay maaring magkakaiba.
Mga susi sa Pagwawasto
Usapan
sa Napakinggan/Nabasang Pabula, Kuwento, Tekstong Pang-Impormasyon at
Maribel M. Baltar. Filipino Unang Markahan – Modyul 1: Pagsagot sa mga Tanong Tungkol
Allan A. Ortiz, SIKAT Sining ng Intgrasyon sa Komunikasyon, Asal at Talino 5, pah.242,146
Sanggunian:

You might also like