You are on page 1of 4

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG PAMPANGA

Unang Markahang Pagsusulit sa Filipino


(Grade 9)
P.T. 2015-2016
Pangkalahatang Panuto: Basahin ang mga akda/aytem at sagutin ang mga tanong,Itiman
ang bilog ng titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Bumulwak ang wagas na pagmamahal ng ama sa namatay na anak na si Mui Mui. Ang
nakasalungguhit na salita ay nangangahulugang____
A. bumuhos
B. dumaloy
C. sumabog
D. sumidhi

2. Gustong-gustong puntahan ng pitong Kinaree ang magandang sapa sa masuwerteng araw ng


Panarasi. Ang nakasalungguhit ay salitang hiram mula sa Thailand na nangangahulugang:
A. araw na kabilugan ang buwan
B. araw na kalahati ang buwan
C. araw ng pagsamba
D. araw ng pangolin

3. Kulturang may lambing ng panunuyo at tangis ng pamamaalam. Ano ang katumbas na


kahulugan ng nakasalungguhit na matalinghagang pahayag ?
A. luha ng pagkamatay
B. luha ng paglayo
C. lungkot ng pagkawala
D. lungkot ng paglimot

4. Ako ay itinago sa bahay at kailangang ikahon ako, at kahit noong musmos pa ako'y may pang-
akit na sa aking pandinig ang salitang ‘emansipasyon’. Base sa salitang nakasalungguhit, ano
ang hangarin ng nagsasalita sa sanaysay?
A. lumabas ng kanilang bansa
B. lumaya sa kanilang tradisyon
C. tumakas sa mga magulang
D. tutulan ang batas ng kanilang relihiyon

5. Pinatunayan ni Tiyo Simon ang mataas na pananalig sa Diyos sa kabila ng kanyang naging
kapansanan. Ano ang pahiwatig na kahulugan ng nakasalungguhit na matalinhagang
pahayag?
A. matibay na paniniwala
B. matapat na paniniwala
C. mataos na paniniwala
D. lahat nang nabanggit

Piliin sa mga sumusunod ang angkop na pangatnig o transitional device upang mabuo ang
pahayag:

A. kahalintudad B. kung gayon C. sa lahat ng ito D. tulad ng

6. Maraming lugar sa Pilipinas na maaaring puntahan ng mga turista___Boracay, Baguio, at


Tagaytay.

7. Napakarami na niyang napagtagumpayang problema ___, hindi na niya alintana ang mga
darating pa.
Punan ng tamang pang-abay na pamanahon ang bawat puwang upang makabuo ng isang
mabisang salaysay. Piliin ang sagot sa ibaba:
A. araw-araw
B. buhat
C. ngayon
D. noong

8.___sinaunang panahon, may isang napakagandang prinsesa sa Bicol na


nagngangalang Daragang Magayon. Dahil sa kanyang kagandahan, maraming mandirigma,
prinsipe at datu ang namintuho sa kanya. Nagustuhan niya si Prinsipe Handiong na mula sa
tribu ng kalaban. Halos 9.___nagniniig ang magsing-irog.
Labis na nagdusa ang dalawa sa pagtatatangka ng kani-kaniyang pamilya na
paghiwalayin sila, kaya ipinasya nilang tumakas. 10.___noon sumiklab ang madugong digmaan
sa pagitan ng dalawang angkan. Nasaktan sila kaya’t ang dalawa ay nagpakamatay.
Magkahiwalay na inilibing ang dalawa. Pagkalipas ng ilang buwan may lumabas na isang
bulkan sa lugar kung saan inilibing ang kanilang prinsesa. Tinawag nila itong Bulkang
Magayon na naglalarawan ng perpektong hugis nito tulad ng kanilang diwata. Sa
11.___marami ang dumarayong turista sa lugar na ito.

12. Ang nabuong salaysay ay isang___


A. alamat
B. epiko
C. maikling -kwento
D. mito

13. Layunin ng teksto na____


A. magsalaysay ng mga pangyayaring tuloy-tuloy na pinag-uugnay ng isang kaisipan
B. magsasalaysay tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay,lugar at pangyayari.
C. magsalaysay ng kabayanihan ng itinuturing na bayani ng isang tribu
D. magsalaysay ng mga karanasan sa buhay

14. Alin ang pangyayaring hindi kapani-paniwala sa salaysay?


A. Labis na nasaktan si Magayon at Handiong sa pagtutol sa kanilang pag-iibigan.
B. May lumitaw na bulkan sa pinaglibingan ni Magayon.
C. Si Daragang Magayon ay itinuturing na magandang prinsesa sa Bicol.
D. Umibig si Magayon kay prinsipe Handiong.

15. Hindi masamang magkaroon ng ___na pangarap katulad ng ginawa ni Sitti Nurhaliza. Piliin
ang angkop na salitang naglalarawan upang mabuo ang pahayag.
A.malaki
B.mataas
C.matangkad
D.matayog

Editoryal

Batay sa report ng World Bank , halos 30 porsyento ng taunang badyet ng Pilipinas ang
nawawala dahil sa malawakang graft and corruption.
Sa tingin ko, matagal nang usap-usapan ito, ngunit ngayon pa lamang nagkakaroon ng
linaw na may katotohanan dahil sa mga pagbubulgar tungkol sa pork barrel scam, kung saan
mahigit sandosenang senador at 100 kongregista ang nasa Executive at Judicial branch ang
nasasangkot.
Ang bilyon-bilyong pera na nawawala taun-taon ay perang makalilikha sana ng milyon-
milyong trabaho para sa ating mamamayan.
Kaya ngayon ay may 13 milyon na ang mga walang trabaho, 20 milyon ang kailangang
trabaho at 10 milyon ang nagtatrabaho sa ibayong dagat.
Samakatwid, ang malawakang korapsyon ang pinakananay o sanhi ng kahirapan at
laganap na kriminalidad sa ating bansa.
16. Layunin ng teksto na:
A. makipagtalo hinggil sa usaping bayan
B. maglahad ng sariling opinion kuru-kuro hinggil sa napapanahong isyu
C. magpahayag ng damdamin sa masining na paraan
D. magsalaysay ng mga pangyayari

17. Ang binasang teksto ay maituturing na isang ___


A. alamat
B. editoryal
C. maikling kwento
D. talumpati

18.Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng opinyon o kuru-kuro ng manunulat?


A. Mahigit isang dosenang senador at halos mahigit 100 kongregista ang nasasangkot sa
korapsyon.
B. Batay sa report ng World Bank halos 30 porsyento ng taunang badyet ng Pilipinas
ang nawawala dahil sa malawakang korapsyon.
C. Ngayon may 13 milyon na walang trabaho,20 milyon ang kailangang trabahoat 10
milyon ang nagtatrabaho sa ibayong dagat.
D. Sa tingin ko matagal nang usap-usapan ito,ngunit ngayon pa lamang nabibigyan ng
linaw dahil sa pambubulgar sa pork barrel.

19. Alin sa mga sumusunod ang ginamit na ekspresyong nagpapahayag ng


palagay, paniniwala, pananaw na nasa isip bunga ng pagkaunawa o pagkaalam ?
A. batay sa report
B. kaya ngayon
C. samakatwid
D. sa tingin ko

20. Ang pang-ugnay na ngunit sa bilang 18 sa titk D ay nasa uring__


A. pang-angkop
B. pangatnig
C. pang-ukol
D. pantukoy

21.Alin ang ginamit na pang-angkop sa huling talata ng teksto?


A. ang
B. g
C. o
D. samakatuwid

Boy: Sasama ka bang magsisimba sa amin Tiyo Simon?


Tiyo Simon: Oo Boy, sa akin, ang simbahan ay hindi masamang bagay. Kaya huwag mong
tatanggihan ang pagsama sa iyo ng iyong Mama.vHindi makabubuti sa iyo ang
pagtanggi, ang pagkawala ng pananalig. Nangyari na sa akin iyon at hindi
ako
naging maligaya.

22. Ipinahihiwatig ng teksto na ang nagsasalita ay___


A. may hinanakit sa Diyos
B. may galit sa Diyos
C. may pag-aalinlangan sa paglapit saDiyos
D. may matapat na pananalig sa Diyos

23. Ang teksto ay mula sa isang dula dahil ito ay ___

A. isang sining ng paglalahad ng damdamin ng manunulat


B. isang paglalahad ng sariling paniniwala ng manunulat
C. isang sining ng panggagaya sa tunay na kalikasan ng buhay na kinatha upang itanghal
at magsilbing salamin ng buhay
D. isang pagasasalay ng mga tunay na pangyayari sa buhay ng tao

24. Alin sa mga uri ng dula ang nagtataglay nang malulungkot na pangyayari subalit
nagwawakas na masaya?
A. komedya
B. melodrama
C. tragikomedya
D. trahedya

Suriin ang mga pandiwang ginamit sa pangungusap na nasa ibaba. Uriin kung___
A. perpektibo (aspektong pangnagdaan)
B. imperpektibo (aspektong pangkasalukuyan)
C. kontemplatibo (aspektong panghinaharap)
D. katatapos lamang

_____ 1. Ikinuwento ni Aling Nena ang kanyang karanasan bilang nars sa Amerika.
_____ 2. Ang tanggapan namin ay naghahanap ng mga bagong empleyado.
_____ 3. Kasisimula mo lang ng trabaho, pagod ka na agad?
_____ 4. Ang taong matiyaga ay aahon din sa kahirapan balang araw.
_____ 5. Ibinahagi niya sa amin ang kanyang kaalaman sa pagtatanim.
_____ 6. Katatawag lang ni Roberto sa telepono at hinahanap ka.
_____ 7. Si Dara ay nagbabanlaw na ng kanyang mga damit.
_____ 8. Isinumite na namin kahapon ang ulat sa komite.
_____ 9. Lalong sumasaya ang mga bata kapag kalaro namin sila.
_____ 10. Daragdagan ni Tatay ang perang binabaon natin araw-araw.

You might also like