You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OF CABUYAO
GULOD NATIONAL HIGH SCHOOL- MAMATID EXTENSION
BRGY. MAMATID, CITY OF CABUYAO, LAGUNA
FILIPINO 8
IKALAWANG MARKAHAN
IKALAWANG PANAHUNANG PAGSUSULIT
S.Y 2022-2023

PANGALAN: _______________________________ PETSA: _______________ ISKOR:_______


BAITANG/SEKSYON: ________________________ GURO: ________________

Kompetensi: (F8PB-IIa-b24) Napipili ang mga pantulong na kaisipan na nakasaad sa binasa.


Panuto: Hanapin sa Hanay B ang pantulong na kaisipan ng pangunahing kaisipan na nasa Hanay A. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B
____ 1. Ang paggamit ng kompyuter ay magbibigay A. Labis na naapektuhan ang mga bata
ng kagalingan sa isang indibidwal. kung may krisis.
____ 2. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas B. May mga magulang na nais patigilin
ay mga kabataan. ang kanilang mga anak dahil sa Covid 19.
____ 3. Dumami ang kaso ng COVID 19 sa mga C. Umasa ng tulong mula sa gobyerno at
rehiyon ng bansa nang ipatupad ang Programang pribadong organisasyon ang hindi na
Balik-Probinsya. makapaghanapbuhay.
____ 4. Sinikap ng DepEd na maipagpatuloy ang D. Napaayos nito ang paghahanda ng
edukasyon sa gitna ng pandemya. alinmang ulat gamit ng iba’t ibang software.
____ 5. Ang pagtaas ng bilang ng mga nawalan ng E. Pansamantalang ipinatigil ang pagpapauwi
trabaho sa bansa ay nakababahala. sa mga Pilipinong mula sa mga lugar na
apektado ng virus.
F. Naghihintay ang bawat isa sa hatol na
. haharapin.

Kompetensi: (F8PT-IIe-f-25) Naibibigay ang denotatibo at konotatibong kahulugan at kasalungat na


kahulugan ng mahihirap na salitang ginamit sa akda.
II. Panuto: Tukuyin ang denotatibo at konotatibong kahulugan ng salita/mga salita. Isulat ang titik kung

A. DENOTATIBO B. KONOTATIBO

_____6. PUSA- nagbabadya ng kamalasan


_____7. BUNGA- bahagi ng puno
_____8. AHAS-isang uri ng hayop na gumagapang at walang paa.
_____9. BATO- taong may matigas na damdamin.
_____10.HALIGI NG TAHANAN – ama ng tahanan

Kompetensi: (F8PB-IIc-d-25) Nabibigay ang opinyon at katwiran tungkol sa paksang balagtasan.


III. Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong patungkol sa paksang balagtasan at piliin ang wastong
sagot sa mga pamimilian.

_____11. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa elemento ng balagtasan?


I.pang-aliw sa madla II.pambihirang kaalaman III.katamtamang pagbigkas IV. talas ng katwiran

A. I at II B. III at IV C. I,II at III D. lahat ng nasa itaas


_____12. Ano ang tawag sa pinaka unang anyo ng balagtasan?
A. prosa B. duplo C. malaya D. Liriko

_____13. Ano ang nagsasaad ng dahilan kung bakit ipinangalan kay Baltazar ang balagtasan?
A.upang maipaalam na mas mahusay ang kalalakihan sa balagtasan
B.dahil sa siya ang gumawa ng akdang Florante at Laura
C.para mas malamangan ang mga nagawa niyang pampapahalaga sa panulaan.

Address: Purok 3, Barangay Gulod, City of Cabuyao, Laguna


Telephone No.:
Email Address:301241@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OF CABUYAO
GULOD NATIONAL HIGH SCHOOL- MAMATID EXTENSION
BRGY. MAMATID, CITY OF CABUYAO, LAGUNA
D.upang mabigyang parangal ang kanyang mga naiambag sa tulaang Pilipino
_____14. Ano ang panig ng pahayag na nasa kahon?
Sa kalagayan ng bayan nating napag-iiwanan ngayon“K Plus 12” itinuturing
na isa sa magiging solusyon.Dahil mga pag-asa ng bayan ay mas bibigyan
ng tuon. Mas magandang kurikulum ang ihahanda sa bawat taon

A. pagdadalawang-isip B. hindi pagsang-ayon C. sang-ayon D. walang pinapanigan


_____15. Ano sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng wastong pahayag ukol sa kasaysayan ng balagtasan?
A.Hindi lamang sa Tagalog itinanghal ang balagtasan kundi iba pang diyalekto.
B.Naging tanyag ang balagtasan noong panahon lamang ng Bagong Republika.
C.Maaring magtanghal ng balagtasan kahit walang lakandiwa noon pa man.
D.Bumunsod ang balagtasan ngunit ito ay nawala sa mahigit na 8 taong noong 1914.

Kompetensi: (F8PU-IIcd-25) Nakapaglalahad sa paraang pasulat ng pagsang-ayon at pasalungat sa isang


argumento.
IV. Panuto: Piliin ang wastong salita/mga salita upang maipahayag ang pagsang-ayon at pagsalungat sa
mga sumusunod na bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot.

A. TAMA KA B. TUNAY C. HINDI TAMA D.OO

16. ____ ang tao ay nagbibintang sa kanyang kapwa lalo pa't walang sapat na ebidensya.
17. ____ kailangang sumunod tayo sa batas upang magkaroon kaayusan at katiwasayan ang ating lugar.
18. ____ tiyak na matutuwa ang iyong mga magulang kung ikaw ay makakatapos ng iyong pag-aaral sa kabila
nang pandemyang nararanasan sa bansa.
19. ____ na mahalaga ang kalusugan kaysa kayamanan sapagkat aanhin mo nga naman ang yaman kung ikaw
naman ay nakaratay na sa ospital.
20. ____ sa tinuran niyang maaari nang mamasyal ang mga kabataan sa kabila ng palala nang palala ang bilang
ng mga nagkakasakit.

Kompetensi: (F8PU-IIe-f-26) N a s u s u r i n a n g p a s u l a t a n g p a p e l n a g i n a g a m a p a n a n n g
s a r s u w e l a s a pagpapataas ng kamalayan ng mga Pilipino sa kultura ng iba’t-ibang rehiyon sa
bansa.
V. Panuto: Piliin ang tamang sagot ayon sa hinihingi ng pahayag sa bawat bilang.

_____21. Siya ang kasama si Elisea Raguer noong 1880 na nagdala ng sarswela sa Pilipinas.
A. Alejandro Cubero B. Alejandro C. Alejandro Abad D. Don Alejandro
_____22. Ayon sa kanya ang sarswela ay may tatlong yugtong may sayawan at kantahan.
A. Tiongson (1977) B. Tiongson(1777) C. Tiongson(1797) D. Tiongson(1967)
_____23.Kauna-unhang grupong Pilipino na naitatag sa Pilipinas.
A. Teatro Hernandez B. Teatro Raguer C. Teatro Fernandez D. Teatro Alejandro
_____24. Ito ay isang uri ng panitikan na nahahati sa mga yugto na itinatanghal sa entablado.
A. dulang pangtanghalan B. dulang pantelebisyon C. teleserye D. sarswela
_____25.. Ito ay isang uri ng dula na nahahati sa mga yugto na itinatanghal sa telebisyon na ginagamitan ng
kamera at iba pang elektroniko.
A. dulang pangtanghalan B. dulang pantelebisyon C. teleserye D. sarswela

Kompetensi: (F8WG-IIF-G-27} Nagagamit ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag (pag-iisa-


isa,paghahambing, at iba pa) sa pagsulat ng sanaysay.
VI. Panuto: Kilalanin kung anong paraan ng pagpapahayag ang tinutukoy sa bawat bilang. Piliin ang letra
ng tamang sagot.
.

A. Pag-iisa-isa B. Paghahambing at Pagsasalungat C. Pagsusuri


D. Pagbibigay ng Halimbawa E. Sanhi at Bunga

Address: Purok 3, Barangay Gulod, City of Cabuyao, Laguna


Telephone No.:
Email Address:301241@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OF CABUYAO
GULOD NATIONAL HIGH SCHOOL- MAMATID EXTENSION
BRGY. MAMATID, CITY OF CABUYAO, LAGUNA
_____26. Ito ay nagpapatibay ng isang paglalahad. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa ay madaling
makumbinsi o mahikayat ang nagbabasa o nakikinig.
_____27. Sa paraang ito ay sinusuri ang mga salik o bagay-bagay na nakaapekto sa isang sitwasyon at ang
pagkakaugnay-ugnay ng mga ito.
_____28. Tinatalakay rito kung ano ang sanhi at dahilan at kung ano-ano ang kinalabasan. Sa paraang ito
madaling maikintal sa isipan ng mambabasa o nakikinig ang mga pangyayari..
_____29. Ginagamit ang paraang ito sa paghahambing ng pagkakatulad at pagkakaiba ng mga bagay-bagay.
Ang paraang ito ang pinakalimit na gamitin
_____30. Ito ay isang paraan ng paglalahad ng isang kalagayan o sitwasyon sa pamamagitan ng maayos sa
paghahanay ng mga pangyayari ayon sa talagang pagkakasunod-sunod ng mga ito.

Kompetensi: (F8PN-IIi-j-27) Naibibigay ang mga sangkap at elemento ng dula.


VII. Panuto: Tukuyin kung anong sangkap at elemento ng dula ang nakalahad sa bawat pahayag.

A. kakalasan B. tunggalian C. eksena D. tagpuan

_____31. Ito ang panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa dula.
_____32. Ito ay unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga tunggalian.
_____33. Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; walang dula kung wala ito.
_____34. Ito ay ang paglabas at pagpasok sa tanghalan ng mga tauhan.
_____35. Ito ay anomang pook na pinagpasayahan na pagtanghalan ng dula.

Kompetensi: (F8PB-IIi-j-28) Nasusuri ang anyo at elemento ng tulang binasa sa iba pang anyo ng tula.
Panuto: Suriin at unawain ang kahulugan ng bawat taludtod ng saknong. Piliin ang titik ng tamang sagot.

_____36. Bukas, bubukadkad ang mga rosas


Unti-unting malulugmok ang gabi
A. Magkakaroon ng bagong simula, at untiunting sisbol ang pag-asa.
B. Dulot ng pighati ay pagbabago na pupukaw sa tulog na damdamin.
C. Ang nakaraan ay magiging parti ng karanasan at bukas ay pagsibol ng pag-asa.
D. Ang nakasaradong pag-iisip ay unti-unting pupunuan ng kaalaman.
_____37. Sasanib ang halimuyak sa dibdib
Ng lupa: awit na kailanma’y di mawawaglit
A. Magkakaroon ng bagong simula, at untiunting sisbol ang pag-asa.
B. Raranas ng saya ang dibdib na mala at hindi na mawawala.
C. Dulot ng pighati ay pagbabago na pupukaw sa tulog na damdamin.
D. Ang nakaraan ay magiging parti ng karanasan at bukas ay pagsibol ng pag-asa.
_____38. Isang pagbabago: libu-libong hibik
Na gigising sa nahihimbing na langit
A. Dulot ng pighati ay pagbabago na pupukaw sa tulog na damdamin.
B. Raranas ng saya ang dibdib na mala at hindi na mawawala.
C. Ang nakasaradong pag-iisip ay unti-unting pupunuan ng kaalaman.
D. Magkakaroon ng bagong simula, at untiunting sisbol ang pag-asa.
_____39. Didiligan ang mga binhing nakaidlip;
Sa hardin, ang pintua’y din ay ipiniid
A. Ang nakaraan ay magiging parti ng karanasan at bukas ay pagsibol ng pag-asa.
B. Ang nakasaradong pag-iisip ay unti-unting pupunuan ng kaalaman.
C. Magkakaroon ng bagong simula, at untiunting sisbol ang pag-asa.
D. Dulot ng pighati ay pagbabago na pupukaw sa tulog na damdamin.
_____40. May kambal na guying dito’y tatahak
Maiiwan lamang ang bakas ng magdamag:
Bukas, bubukadkad ang mga rosas.
A. Dulot ng pighati ay pagbabago na pupukaw sa tulog na damdamin.
B. Ang nakasaradong pag-iisip ay unti-unting pupunuan ng kaalaman.
C. Ang nakaraan ay magiging parti ng karanasan at bukas ay pagsibol ng pag-asa.
D. Raranas ng saya ang dibdib na mala at hindi na mawawala.

Address: Purok 3, Barangay Gulod, City of Cabuyao, Laguna


Telephone No.:
Email Address:301241@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OF CABUYAO
GULOD NATIONAL HIGH SCHOOL- MAMATID EXTENSION
BRGY. MAMATID, CITY OF CABUYAO, LAGUNA

Kompetensi: (F8PT-IIa-b-23) Natutukoy ang payak na salita mula sa salitang maylapi.


VIII. Panuto: Tukuyin ang salitang-ugat o payak na salita mula sa salitang maylapi na sinalungguhitan sa
pangungusap.

_____41. Huminto siya sa kanyang trabaho dahil sa kanyang sakit.


_____42. Inutusan ang hardinero na diligan ang halaman sa bakuran.
_____43. Ang pagtanda ng ating katawan at pagkakasakit ay tanda lamang na ang buhay ng tao ay may
katapusan.
_____44. Pagbutihin mo ang pagsulat ng sanaysay dahil mahalaga ang paksa nito.
_____45. Pumili ka ng kurso batay sa interes at kakayahan mo, hindi sa kung ano ang uso.

Kompetensi: Nasusuri ang mga pahayag na nakasaad sa binasa.

IX. Panuto: Alamin kung ang sumusunod ay Opinyon o Katotohanan. Isulat sa patlang ang wastong sagot.

________ 46. Mababása sa pahayagan na may isa na namang kumakalat na nakakatakot na sakit na dati nang
kumitil nang maraming buhay sa kontinente ng Africa. Ito ang Ebola Virus. Ito ay unang nakita noong 1976 sa
dalawang magkakasabay na paglaganap sa Nzara, Sudan at Yam buku, Democratic Republic of Congo.

_________ 47. Batay sa resulta ng pananaliksik, apektado sa kasalukuyan ang mga bansa ng West Africa tulad
ng Guinea, Liberia at Sierra Leone. Ang EVD outbreaks ay karaniwang lumalaganap sa liblib na lugar, na
madalas ay malalapit sa tropical rainforests.

__________ 48. Marami ang nagsasabi na ang virus ay naisasalin sa mga tao sa pamamagitan ng close contact
sa dugo, secretions, organs o iba pang likido ng katawan ng infected na hayop at kumakalat sa populasyon ng
tao sa pamamagitan ng paghahawahan o human-to-human transmission.

__________ 49. Sa aking palagay, Ang fruit bats (Pteropodidae) o paniki, chimpanzees, gorillas, unggoy, mga
usa at porcupines sa gubat ang kinukonsiderang pinanggalingan ng Ebola Virus.

__________ 50. Sa ngayon, tinutukoy na lumalaki ang bílang ng mga taóng nahawa ng sakit na ito kabílang na
ang mga medical practitioner sa lugar na apektado ng sakit na ito.

Inihanda nina:

LUIVIC T. LAPITAN ANNA A. RITUALO JOVELYN M. BLANCO


Guro I Guro I Guro 1

DONNA JOY C. GARCIA MA. LUISA N. AMARANTE


Guro I Guro III

Sinuri at Iniwasto ni:

ANA LIZA P. MARANAN


Dalub-guro I

Binigyang-pansin ni:

VILMA L. SOBISOL

Address: Purok 3, Barangay Gulod, City of Cabuyao, Laguna


Telephone No.:
Email Address:301241@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OF CABUYAO
GULOD NATIONAL HIGH SCHOOL- MAMATID EXTENSION
BRGY. MAMATID, CITY OF CABUYAO, LAGUNA
Ulong-guro III

Susi ng Tamang Sagot

1. D 25. B
2. A 26. D
3. E 27. C
4. B 28. C
5. C 29. C
6. B 30. A
7. A 31. D
8. A 32. A
9. B 33. A
10. A 34. C
11. D 35. B
12. B 36. A
13. D 37. B
14. C 38. A
15. B 39. B
16. C 40. C
17. A 41. hinto
18. D 42. dilig
19. B 43. sakit
20. C 44. sulat
21. A 45. kaya
22. A 46-50
23. C Guro ang magwawasto
24. A

Inihanda nina:

LUIVIC T. LAPITAN ANNA A. RITUALO JOVELYN M. BLANCO


Guro I Guro I Guro 1

DONNA JOY C. GARCIA MA. LUISA N. AMARANTE


Guro I Guro III

Sinuri at Iniwasto ni:

ANA LIZA P. MARANAN


Dalub-guro I

Binigyang-pansin ni:

VILMA L. SOBISOL
Ulong-guro III

Address: Purok 3, Barangay Gulod, City of Cabuyao, Laguna


Telephone No.:
Email Address:301241@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OF CABUYAO
GULOD NATIONAL HIGH SCHOOL- MAMATID EXTENSION
BRGY. MAMATID, CITY OF CABUYAO, LAGUNA

Address: Purok 3, Barangay Gulod, City of Cabuyao, Laguna


Telephone No.:
Email Address:301241@deped.gov.ph

You might also like