You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
Schools Division of Ilocos Sur
Sto. Domingo-San Ildefonso District
Busiing Elementary School

SUMMATIVE TEST 2 IN ARALING PANLIPUNAN


GRADE VI
FOURTH QUARTER

Pangalan: ___________________________________________ Iskor:______________

I. Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.


1. Sinong pangulo ng Pilipinas ang nanguna sa pagtatag ng Commission on Human Rights at nagpabisa sa
Local Government Code of 1991?
A. Benigno Aquino III B. Corazon Aquino
C. Joseph Estrada D. Fidel Ramos
2. Kaninong programa ang “ERAP para sa mahirap” na may layuning tumugon sa batayang
pangangailangan ng mahihirap tulad ng edukasyon, kalusugan, pabahay, at trabaho?
A. Corazon Aquino B. Rodrigo Duterte
C. Joseph Estrada D. Fidel Ramos
3. Alin ang HINDI kabilang sa mga naging patakaran at programa ni Pang. Gloria Macapagal-Arroyo?
A. Ginintuang Masaganang Ani Program
B. Strong Republic National Highway
C. Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan
D. Philippines 2000
4. Anong agricultural product ang pinaunlad ng Hybrid Rice Commercialization Program (HRCP) sa
panahon ni PGMA?
A. gatas B. itlog C. mais D. palay
5. Dapat bang ipagpatuloy ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) ni Pangulong Benigno
“Noynoy” Aquino III?
A. HINDI, dahil ginagamit naman ng mga magulang sa kanilang bisyo ang perang nakukuha sa programa.
B.HINDI, dahil hindi naman napapakinabangan ng mga mag-aaral ang tulong-pinansiyal nito.
C.OO, dahil malaki ang naitutulong nito sa mga mahihirap na pamilya sa pagpapaaral sa mga anak.
D.OO, dahil magagamit ito bilang pambayad utang ng pamilyang kasapi rito.
6. Kung ikaw si Pangulong Rodrigo Duterte, magiging programa mo rin ba ang paglaban sa ilegal na droga?
A. HINDI, dahil mahirap kalabanin ang mga druglords, drug pushers, at users.
B. HINDI, dahil marami ang madadamay na mamamayan.
C.OO, dahil ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot ang dahilan ng mga krimen sa bansa.
D.OO, para maging kilala ako bilang matapang na pangulo.
7. Idenaklara ni Pang. Duterte ang Martial Law sa Mindanao, tama ba ito?
A. Hindi, mas lalong matatakot ang mga tao sa mga rebelde.
B. Hindi, dahil mas lalong magkaroon ng matinding gulo sa Mindanao.
C. Oo, para mabantayan ang mga pumapasok na mga turista sa Mindanao.
D.Oo, para matugis ang mga terorista at mapanatili ang katahimikan sa buong Mindanao.
II. Isulat sa sagutang papel ang letra ng solusyong pinairal o ipinatupad ng bawat pangulo sa mga naging
suliranin ng mga Pilipino.

Suliranin Solusyon
Tulong-pinansyal sa mga mag-aaral mula
1 sa mahihirap na pamilya para sa kanilang A K to 12 Basic Education Curriculum
edukasyon at kalusugan
Paghahanda sa mga kabataan sa Presidential Anti-Organized Crime Task
2 B
pagtatrabaho Force
Pagsugpo sa mga nakawan at kidnapping Pantawid Pamilyang Pilipino Program
3 C
sa bansa (4Ps)

III. Tukuyin kung saang kategorya nabibilang ang mga sumusunod. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang.
A. Panlipunan B. Pangkabuhayan
C. Pangkalusugan D. Pangkapaligiran

___________1. Halalan ___________6. Stock market


___________2. Global Warming ___________7. polusyon
___________3. Covid-19 ___________8. West Philippine Sea
___________4. Kanser ___________9. Diskriminasyon sa LGBT
___________5. War on Drugs ___________10. Lindol
SUMMATIVE TEST 2 IN ARALING PANLIPUNAN
GRADE VI
FOURTH QUARTER

I.
1. B
2. C
3. D
4. D
5. C
6. C
7. D
II.
1. C
2. A
3. B

III.
1. A
2. D
3. C
4. C
5. A
6. B
7. D
8. D
9. A
10. D

You might also like