You are on page 1of 3

SAINT GENEVIEVE SCHOOL OF PATEROS, METRO MANILA, INC.

SY 2023 – 2024

IKAAPAT NA PRELIMINARYANG PAGSUSULIT


Araling Panlipunan 4

Pangalan: _____________________________________ Petsa: _______________ Iskor: _____/40


Seksyon: ______________________________________ Guro: Bb. Camille Angelica Gutierrez

I. A. Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagkamamayang Pilipino at ang
salitang MALI naman kung hindi.

______1. Isa man sa iyong magulang ay Pilipino, ikaw ay mamamayang Pilipino na.
______2. Si Julius ay anak ng isang Igorot at isang Ilokano at naninirahan sila sa Maynila. Si Julius
ay mamamayang Pilipino.
______3. Tuwing Mahal na Araw ay nagbabakasyon si Nyro na isang Australyano sa Pilipinas, kaya’t
siya ay isang mamamayang Pilipino.
______4. Si Lenie ay ipinanganak sa Cebu. Ang kaniyang ama ay Pilipino at ang kaniyang ina ay
Haponesa kaya naman siya ay itinuturing na isang mamamayang Pilipino.
______5. Ang isang Pilipinong nakapag-asawa ng isang dayuhan ay hindi maaaring maging
mamamayang Pilipino.

B. Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
______6. Anong uri ng mamamayang Pilipino ang tinutukoy kung saan ang kanyang magulang ay
parehong Pilipino?
A. Likas o Katutubong Mamamayan C. Dalawang Pagkamamamayan
B. Naturalisasyon D. Pagrerebelde
______7. Ano ang pinakamataas na uri ng karapatan?
A. Karapatan sa buhay C. Karapatang pumunta sa ibang lugar
B. Karapatan sa pribadong ari-arian D. Karapatang magpakasal
______8. Anong uri ng karapatan ang nakatutulong upang mapaunlad ang pagkatao at pakikipag-
ugnayan natin sa Diyos?
A. Karapatang Moral C. Karapatang Mabuhay
B. Karapatang Sumamba D. Karapatan Makapagtrabaho
______9. Alin sa sumusunod ang HINDI dahilan ng pagkawala ng pagkamamamayang Pilipino?
A. Naging naturalisadong mamamayan sa ibang bansa
B. Naglingkod sa sandatahang lakas ng ibang bansa
C. Napatunayang tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa
D. Nahatulan sa kasalanang may kaugnayan sa moralidad
______10. Ilan ang mga uri ng karapatan?
A. 6 C. 8
B. 7 D. 9
______11. Ano ang tawag sa pagkamamamayan kung naaayon sa dugo o pagkamamamayan
ng mga magulang?
A. Jus Sanguinis C. Jus Soli
B. Naturalisasyon D. Dual Citizenship
______12. Anong kagawaran ang namamahala sa pagbibigay ng tulong at paglilingkod sa pamilyang
biktima ng bagyo, sunog baha, lindol at iba pang kalamidad?
A. Kagawaran ng Panlipunang Paglilingkod at Pagpapaunlad
B. Kagawaran ng Repormang Pansakahan
C. Kagawaran ng Ugnayan sa Panlabas
D. Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman
______13. Anong kagawaran ang nangangalaga sa mga yamang lupa, yamang tubig, yamang gubat
at yamang mineral?
A. Kagawaran ng Edukasyon
B. Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman
C. Kagawaran ng Kalusugan
D. Kagawaran ng Kalikasan
______14. Alin ang HINDI ipinapatupad sa Kagawaran ng Tanggulang Pambansa?
A. Pinapanatiling tahimik ang bansa
B. Pinangangalagaan ang kalusugan
C. Pinangangalagaan ang kaligtasan ng mga mamamayang Pilipino
D. Pinagtatangol ang ating bansa laban sa mga dayuhan
______15. Ano ang tungkulin ng Kagawaran ng Edukasyon?
A. Nagpapairal ng katarungan sa bansa
B. Nagpapatayo ng mga paaralan para sa mga kabataan
C. Tinutugunan ang pangangailangan ng mga tao sa pagkain
D. Naglulunsad ng mga proyektong may kaugnayan sa kalinisan at kalusugan

II. A. Suriin ang mga larawan. Kulayan ng pula ang kahon kung ito ay nagpapakita ng mga
karapatan o tungkulin ng isang Pilipino at asul naman kung hindi.

16. 17.

18. 19.

20.

B. Sumulat ng mga kaakibat na tungkulin sa mga sumusunod na mga karapatan gamit ang
talahanayan sa ibaba.

Pamantayan sa Pagmamarka: Nilalaman – 1 puntos


Kalinisan – 1 puntos

KARAPATAN TUNGKULIN
Karapatan sa buhay 21-22

Karapatan sa pribadong ari- 23-24.


arian
Karapatang pumunta sa ibang 25-26
lugar
Karapatang magtrabaho 27-28.

Karapatang ipahayag ang 29-30.


pananampalataya
III. Sa pamamagitan ng 3-5 pangungusap, sagutin ang bawat tanong. Mamarkahan ito base sa
Nilalaman – 3 puntos, Organisasyon ng ideya – 1 puntos at Kalinisan – 1 puntos.

31-35. Sa iyong palagay, bakit mahalagang malaman mo ang iyong mga karapatang bilang isang
mamayang Pilipino?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

36-40. Marami sa mga Pilipino ngayon ang nangangarap at nagnanais na manirahan sa ibang bansa.
Kung mabibigyan ka ng ganitong pagkakataon, pipiliin mo rin ba na manirahan sa ibang
bansa? Oo o Hindi? Pangatwiranan ang iyong sagot.

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

You might also like