You are on page 1of 4

Department of Education Region IV –A CALABARZON Division of Quezon Talipan, Pagbilao

JONGO NATIONAL HIGH SCHOOL


“Ang Batang Jongorian Mahusay, Disiplinado at Maaasahan.”

IKALAWANG TAUNANG PAGSUSULIT SA ESP 9

NAME________________________________________________________SCORE: ___________________________
GRADE AND SECTION: _______________________________________ DATE:_____________________________

I. Basahing mabuti ang mga pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot sa patlang na nakalaan sa kaliwa.

_______1. Aling karapatan ang isinasaad sa bawat tungkulin na nasa ibaba?


• Suportahan ang pamilya sa sapat at masustansiyang pagkain
• Gabayan ang mga anak para makaiwas sa panganib
• Maging mabuting halimbawa ng pagsasabuhay ng mga birtud
• Pag-iwas sa eskandalo
A. karapatang maghanapbuhay C. Karapatang pumunta sa ibang lugar
B. Karapatang magpakasal D. Karapatan sa buhay

______2. Aling karapatan ang kaakibat ng tungkulin ng patuloy na pag-aaral upang umangat ang karera at maitaas ang antas ng
pamumuhay?
A. Karapatan sa pribadong ari-arian C. Karapatan sa buhay
B. Karapatang pumunta sa ibang lugar D. Karapatang maghanapbuhay
_______3. Ito ang pinakamataas sa antas ng mga karapatan.
A. Karapatan sa pribadong ari-arian B. Karapatang magpakasal C. Karapatang sumamba D. karapatan sa buhay

_______4. Ito ay obligasyong moral ng tao na gawin o iwasan ang isang gawain.
A. Karapatan B. Pag-aari C. Pagpapahalaga D. Tungkulin

_______5. Ang Karapatan ay kapangyarihang moral. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapahiwatig nito?
A. Pakikinabangan ito ng tao lamang dahil tao lamang ang makagagawa ngmoral na kilos.
B. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang kapuwa na igalang ito.
C. Hindi maaaring puwersahin ng tao ang kaniyang kapuwa na ibigay sa kaniya nang sapilitan ang mga bagay na kailangan niya sa
buhay.
D. Hindi nito maaapektuhan ang buhay-pamayanan.

_______6. Ang tungkulin ay obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin (o iwasan ) ang isang gawain. Alin sa sumusunod ang hind
kabilang dito?
A. Nakasalalay ang tungkulin sa isip.
B. Nakabatay ang tungkulin sa Likas na Batas Moral.
C. Ang moral ang nagpapanatili ng buhay-pamayanan .
D. May malaking epekto sa sarili at mga ugnayan ang hindi pagtupad ng mga tungkulin

_______7. Bakit sinasabi na obligasyong moral ang tungkulin ng tao?


A. dahil nakasalalay ito sa malayang kaisipan ngtao. C. dahil nakasalalay ito sa malayang kilos-loob ng tao
B. dahil ang suheto ng tungkulin ay karapatan lamang. D. Lahat ng nabanggit.

_______8. Sa paanong paraan natin mapangalagaan ang ating buhay?


A. Pagsasali sa mga mapanganib na isports.
B. Pagkuha ng kurso para makatulong na umamngat ang karera .
C. Palagiang pag-iwas sa pagsagawa ng mga bagay na makatulong para mawala ang pansariling kahinaan.
D. Pagpa-unlad sa kaniyang talent at kakayahan pag may oras lamang.

_______9. Bakit kailangang ipagtanggol nang may mataas na determinasyon ang karapatan sa buhay kung ihahambing sa ibang
karapatang pantao?
A. dahil mahalaga ang buhay ng tao.
B. dahil ito ang pinaka una sa lahat ng mga karapatang pantao.
C. dahil hindi mapakikinabangan ng tao ang ibang karapatan kung wala ito.
D. dahil ito ang makikita sa Universal Declaration of Human Rights.

_______10. Nagsasabi na ang 32 gulang na si Mary sa kaniyang ina na mag-aasawa na siya. Napagtapos na niya ang kaniyang
dalawang kapatid at nasa Junior HS na ang bunso. Ngunit sinabi ng kaniyang ina na kailangan munang magtapos ang huli bago siya
magpakasal. Siya lang ang inaasahan ng kaniyang ina.
A. Karapatan sa Buhay C. Karapatang Maghanapbuhay
B. Karapatang Magpakasal D. karapatan sa Pribadong Ari-arian

_______11. Maraming sako ng bigas ang nakatago sa container van ni Mang Elmer bukod sa nakikita sa kaniyang tindahan sa palengke.
Sa gitna ng panawagan ng pamahalaan ng tulong sa pagkain, pera at damit para sa mga nabiktima ng bagyong Rafael, 30 sako ng bigas
lamang ang pinadala niya sa Samar at Leyte.
B. Karapatan sa Buhay C. Karapatang Magpakasal
D. Karapatang Maghanapbuhay E. karapatan sa Pribadong Ari-arian
_______12. Mula ng lumakas ang kita ng negosyong catering niAling Delia, nangangailangan siya ng karagdagang waiter. Noong una,
sapat ang sinusweldo niya sa mga ito at libre ang pagkain nila lalo na kapag may overtime na trabaho. Ngunit nang nagkatapuhan si Aling
Delia at kaniyang asawa nagpasiya itong bumiling condominium upang maiwasan ang stress na sanhi ng tampuhan nila. Dahildito, hindi
na tumatanggap ng sapat na pasahod ang mga waiter at hindi pa nila ito natatanggap sa takdang araw.
A. Karapatan sa Buhay C. Karapatang Maghanapbuhay
B. Karapatang Magpakasal D. karapatan sa Pribadong Ari-arian

_______13. Si Nora ya ay graduate sa BSED - Biology at nakapasa na sa Licensure Examination for Teachers.Gusto na niyang
magtrabaho para makatulong sa kaniyang mga magulang. Naisipan niyang mag-apply sa San Lorenzo Institute of Technology lbilang
Science Teacher para magkaroon ng experience bilang guro. Sa kaniyang interview, sinasabihan siya na hindin siya matatanggap dahil
kulang siya sa experience.
A. Karapatan sa Buhay C. Karapatang Maghanapbuhay
B. Karapatang Magpakasal D. karapatan sa Pribadong Ari-arian

_______14. Si Aling Crystal,75 taong gulang,ay naninilbihan bilang porter sa isang homeless shelter sa Roma. Namumuhay siya nang simple gamit ang
isang jacket, isang damit at isang blusa.Tuwing matanggap niya ang kaniyang pensiyon mula sa Social Security,naglalakad siya ng higit sa isang milya
upang ibigay niya ang kaniyang regular na kontribusyon sa simbahan(tithing). Anong karapatan ang ipinahahayag sa talata na kaakibat ng
tungkulin na ipinakita na tauhan?
A. Karapatan sa buhay B. Karapatang maghanapbuhay C. Karapatan sa pribadong ari-arian D. Karapatang pumunta sa
ibang lugar

______15. 1. Ito ang pinakamabigat na dahilan kung bakit kailangan nating magpatulong sa iba.
A. Iba’t-iba tayo ng mga kakayahan. C. Hindi lahat ng pangangailangan natin ay matatamo ng
mag-isa.
B. Magkakaroon tayo ng panahon para sa iba pa nating nais gawin. D. Nais nating magkaroon ng saysay ang kakayahan
ng iba.

______16. Bakit nagkukusa tayong mag-organisa at tugunan ang pangangailangan ng nakararami?


A. Sa ganito natin maipakikita ang ating pagkakaisa. C. Walang ibang maaring gumawa nito para sa atin.
B. Ang sama-samang pagkilos ay nagpapagaan sa Gawain. D. Hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang
tumugon.

______17. Ang kahulugan ng mass media ay:


A. Impormasyong hawak ng marami C. Impormasyong nagpapasalin-salin sa marami.
B. Isahan ngunit maramihang paghahatid ng impormasyon. D. Paghahatid ng maraming impormasyon.

______18. Ano ang nais matiyak ng pamahalaan sa pagggawa at pagpapatupad at nagpapatupad ng batas?
A. Ang lahat ay magiging masunuran. C. Bawat mamamayan ay may tungkuling dapat gampanan.
B. Matutugunan ang mga pangangailangan ng lahat. D. Walang magmamalabis sa lipunan.
______19. Ano ang pangunahing layunin ng lipunan sibil?

A. Pagpaparating ng mga karaingan sa pamahalaan. C. Pagtalakay ng mga suliraning panlipunan.


B. Pagbibigay-lunas sa suliranin ng karamihan. D. Pagbibigay-pansin sa pagkukulang ng pamahalaan.
______20. Ang samahang nagsasagawa ng _______________ ay maituturing na isanglipunang sibil.

A. malayuang pagbibisikleta` B. pagmamasid sa mga ibon C. pagtatanim ng mga puno D. pagsisid sa mga bahura
(coral reefs)
______21. Tungkulin ng mass media ang pagsasabi ng katotohanan dahil:
A. wala tayong ibang mapagkunan ng impormasyon. C. maari nating salungatin ang isinasaad nitong impormasyon.
B. nagpapasya tayo ayon sa hawak nating impormasyon. D. pinalalagakan lamang ito ng impormasyon.

______22. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng lipunang sibil, maliban sa:
A. Kawalan ng pangmatagalang liderato. C. Kawalan ng kuwalipikasyon ng mga kaanib.
B. Pagsasalungat ng iba’t-ibang paninindigan. D. Panghihimasok ng estado.

______23. May kasinungalingan sa mass media kung mayroong:


A. paglalahad ng mga impormasyong hindi pakikinabangan. C. paglalahad ng isang panig ng usapin.
B. pagpapahayag ng sariling kuro-kuro. D. pagbanggit ng maliit na detalye.

______24. Ang pananatili nating kaanib ng isang institusyong panrelihiyon ay bunga ng:
A. kawalan ng saysay ng buhay sa gitna ng mga tinatamasa. C. kapangyarihang hawak ng mga lider ng relihiyon
B. kalakarang kinamulatan natin sa ating mga magulang. D. Pagkakatantong hindi tayo nag-iisa sa paghahanap ng katuturan ng
buhay.

______25. Ito ang prinsipyo na unang dapat na gawin at sundin ng mga manggagamot upang maiwasan ang higit pang sakit.
A. CPR B. First Aid C. First Do No Harm D. Cure First Pay Later

______26. Bakit nilikha ang batas ng lipunan?


A. pigilan ang masasamang tao. C. itaguyod ang karapatang-pantao.
B. tamasahin ng iilang tao lamang D. isulong ang ekonomiya ng bansa
______27. Saan galling ang likas na batas na moral?
A. galing sa Diyos. B. inimbento ng mga pilosopo. C. nilikha ni Tomas de Aquino. D. kalikasan na nauunawaan ng tao

______28. Paano natututunan ang likas na batas moral?


A. basta alam mo lang. B. tinuturo ng magulang. C. binubulong ng anghel. D. sinisigaw ng konsensya.

______29. Sino ang nagpahayag na ang “Lahat ng tao ay may kakayahang mag-isip. Lahat ng tao ay may kakayahang makaunawa sa
Mabuti?”
A. Max Scheler B. Manuel Dy Jr. C. Joseph de Torre D. Santo Tomas De Aquino

______30. Nais ni Sara na manood ng concert ng paborito niyang KPop Group sa bansa, ang Bigbang. Sapagkat minsan lang ito
makararating sa Pilipinas at baka hindi na maulitang pangyayaring ito. Alam niyang hindi siya papayagan ng kanyang ina na manood
mag-isa dahil siguradong gagabihin na siya ng uwi. Kaya sinabihan niya ang kanyang ate na ililibre niya ito ng ticket samahan lamang
siya. Subalit hindi sapat ang kanyang ipon upang makabili ng ticket. Dahil doon, napagpasyahan niyang mangupit sa tindahan ng
kanyang nanay. Ang gagawin ni Sara ay:
A. Mali. Masama ang kumupit.Pagnanakaw pa rin ang tawag dito.
B. Mali, sapagkat mabuti man ang hangad ni Dara, masama naman ang magiging resulta nito.
C. Tama, sapagkat mabuti ang kanyang hinahangad. Minsan lang naman magko-concert dito ang grupo.
D. Tama. Makakapanood si Dara ng concert. Hindi siya makagagalitan ng kanyang ina dahil hindi naman nito alam na
nangupit siya at may makakasama pa siya sa concert.

______31. Lahat ng tao ay may kakayahang mag-isip. Lahat ng tao ay may kakayahang makaunawa sa kabutihan. Sino ang
naniniwala sa pahayag na ito? A. Sto. Thomas De Aquino B. Max Scheler C. Ninoy Aquino D. Nelson
Mandela

______32. Nagkapikunan ang magkaklaseng sina Alden at Frankie dahil sa pambubuska ng huli kay Alden. Hindi napigilan ni Alden
ang galit kung kaya’t sinuntok niya si Frankie. Dahil sa pangyayari, ipinatawag ng punong tagapayo ang mga magulang ng dalawang
mag-aaral. Hindi nagalit ang nanay ni Frankie sa ginawa ni Alden sa anak, bagkus, pinayuhan at pinagbati pa ang dalawa. Ano ang
namayani sa nanay ni Frankie kung iaayon sa Likas na Batas Moral?
A. Diagnosis B. Procedure C. First Do No Harm D. Instructional Manual

______33. Ito ay mga prinsipyong gumagabay sa pananaw ng tao tungkol sa pagtrato ng kaniyang kapuwa, at sa dignidad niya bilang
tao.
A. Karapatan ng mga Bata B. Karapatang Pantao C. Karapatan ng mga Mag-aaral D. Karapatan ng mga
Hayop

______34. Kayong magkaka-eskuwela ay nasa paborito ninyong kainan. May pumasok na binatilyo na hindi maikakailang may
kapansanan sa paglalakad. Napansin mong walang bakanteng lamesa at upuan para sa binatilyo na tila uhaw at gutom na.
A. Hahayaan ko siya at patuloy akong makikipagkwentuhan at tawanan sa aking mga kaeskwela.
B. Tatawagin ko siya para umupo nang sandali sa aming lamesa habang naghihintay siya ng malulugaran.
C. Tatawagin ko ang pansin ng isa sa mga service crew para maglaan ng lugar para sa mga taong may kapansanan.
D. Makikipagkilala at makikipagkwentuhan ako sa binatilyong may kapansanan
habang hindi pa siya nakakahanap ng lugar sa kainan.

______35. 5. Ano ang karapat-dapat ipanukala ng mga mambabatas na aayon para sa kabutihang panlahat?
A. Pagtibayin ang proseso ng eleksyon. C. Pakinggan ang lahat ng reklamo ng mga sektor ng lipunan.
B. Magkampanya para sa karapatan ng mga mamamayan. D. Gawing batayan ang Likas na Batas Moral sa paggawa at pagpasa ng
mga batas.

II. Piliin sa loob ng kahon ang mga katangiang taglay ng isang lipunang sibil. Isulat ang letra ng tamang sagot.

A. Pagkukusang Loob C. Bukas na Pagtalastasan E. May Isinusulong na


Pagpapahalaga
B. Walang Pang-uuri D. Pagiging Orgainsado

36. ______ Walang pinipigilan o dinidiktahan sa pagpapahayag ng saloobin.


37. ______ Isinusulong nito ay hindi pansariling interes kundi ang kabutihang panlahat.
38. ______ Walang pumilit, nanakot, o nanggipit sa mga kasapi nito upang makisangkot.
39. ______ Hindi isinaalang-alang ang kalagayang panlipunan ng mga kasapi: Mayaman o mahirap, may pinag-aralan o wala, kilala
o hindi, anumang kasarian, dahil ang isinusulong ay ang kabutihang panlahat.
40. ______ Natutugunan ang pangangailangan at kaayusan ng organisasyon na tumutugma sa kasalukuyang kalagyan.

Signature: Signature: Signature:


Attested by
Prepared by: MICAH N. TRINIDAD Reviewed by: ASELA LOREEN V. DEMDAM DAISY A. ZAMORA
(School Head):
Position: SST I Position: Master Teacher I Position: Assistant School Principal II
Date: 01-17-2024 Date: Date:

You might also like