You are on page 1of 3

BENIGNO NINOY S.

AQUINO HIGH SCHOOL


Aguho St. Comembo, Makati City

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
IKALAWANG MARKAHAN
UNANG MAIKLING PAGSUSULIT
2022-2023
Pangalan:________________________________________________________________ Petsa:__________________________
Guro: ___________________________________________________________________ Seksyon: _______________________

I. PANUTO: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat sa patlang titik ng pinakatamang sagot.
____1. Ano ang tinutukoy na mayroong likas at angking halaga na tinatawag nating dignidad?
A. kapatiran B. karapatan C. katapatan D. kagalingan
____2. Ano ang naghudyat sa iba’t-ibang bansa para mabuo ang Pandaidig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao?
A. pananakop B. digmaan sa Russia C. unang digmaan D. ikalawang digmaan
____3. Bakit ang UDHR (Universal Declaration of Human Rights) ang pangkalahatang pamantayan ng pagkilos?
A. Dahil maiingatan at maiipaglaban ang mga pangunahing karapatan ng lahat ng tao
B. Dahil ito ang sukatan kung anong bansa ang masunurin sa mga panuntunan
C. Dahil ito ay nakasalalay sa malawakang pagbabago ng bansa
D. Dahil makatutulong ito para sa matalinong pagpapasya ng bawat isa
____4. Bakit ang karapatan ay pakikinabangan ng tao lamang?
A. Dahil tao lamang ang kawangis ng Diyos C. Dahil tao lamang ang marunong magmahal
B. Dahil tao lamang ang makagagawa ng moral na kilos D. Dahil tao lamang ang may kapangyarihang magsalita
____5. Ano ang tumutukoy sa moral na pananagutan ng tao na gawin o iwasan ang isang kilos?
A. Tunguhin B. Tamasahin C. Damahin D. Tungkulin
____6. Alin sa mga sumusunod ang MALING kahulugan kung bakit ang karapatan at tungkulin ay magkaugnay at tugunan?
A. Hindi ito nakaapekto sa buhay-pamayanan ng tao
B. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang kapwa na igalang ito.
C. Inaasahan na ang tao ay kikilos ng naaayon sa karapatan.
D. Hindi maaaring pwersahin ng tao ang kanyang kapwa na ibigay sa kanya nang sapilitan ang mga bagay na kailangan sa
buhay
____7. Ang mga sumusunod ay tungkulin ng karapatang makapag-aral maliban sa:
A. Maglinis ng paaralan C. Pumasok ng klase
B. Sumagot ng mga Gawain D. Sumali sa talakayan
____8. Aling karapatan ang isinasaad sa bawat tungkulin? Suportahan ang pamilya sa sapat at masustansyang pagkain. Gabayan ang
mga anak para makaiwas sa panganib. Pagiwas sa eskandalo. Maging mabuting halimbawa ng pagsasabuhay ng mga birtud.
A. Karapatang magpakasal
B. Karapatang pumunta sa ibang lugar
C. Karapatan sa buhay
D. Karapatang maghanapbuhay
____9. Si Aling Myrna, 70 taong gulang, ay nanilbihan bilang porter sa isang homeless shelter sa Roma. Namumuhay siya ng simple
gamit ang isang jacket, isang damit at isang blusa. Tuwing matatanggap niya ang kanyang pension mula sa Social Security,
naglalakad siya ng higit sa isang milya upang ibigay niya ang kanyang regular na kontribusyon sa simbahan. Anong karapatan
ang ipinahahayag sa talata na kaakibat ng tungkulin na ipinakita ng tauhan?
A. Karapatang maghanapbuhay C. Karapatan sa buhay
B. Karapatan sa pribadong ari-arian D. Karapatang gumala o magpunta sa ibang lugar.

____10. Ang mga sumusunod ay mga ibat-ibang uri ng karapatan. Alin dito ang may pinakamataas na antas?
A. Karapatan sa pribadong ari-arian C. Karapatan sa buhay
B. Karapatang magpakasal D. Karapatang magtrabaho

Page | 1
____11. Aling karapatang hindi maaalis ang pagpapakita ng kahusayan sa anumang gawain; pagpasok ng maaga at maging tapat sa
trabaho?
A. Karapatan sa buhay C. Karapatang maghanapbuhay
B. Karapatan sa pribadong ari-arian D. Karapatang pumunta sa ibang lugar
____12. Aling uri ng karapatan ang may paggalang sa pribadong boundary; kilalanin ang limitasyon ng sariling kalayaan at pibadong
espasyo ng kapwa upang makapamuhay o mabuhay nang maayos?
A. Karapatang maghanapbuhay C. Karapatan sa buhay
B. Karapatang pumunta sa ibang lugar D. Karapatan sa pribadong ari-arian
____13. Bakit binuo ng United Nations ang pangkalahatang pagpapahayag ng mga tungkulin ng tao?
A. Upang makabuo ng batayan ng pagpaparusa sa mga lalabag sa karapatan
B. Upang sumuway sa pagtalima sa mga tungkulin at Karapatan ng bawat indibidwal
C. Upang magkaroon ng pagkilala, paggalang at pagtutulungan ng bawat bansa
D. Upang magkalituhan sa mga batas lalo’t higit sa Karapatan at tungkulin na dapat igalang
____14. Itinakas ni Joshue ang kaniyang pamilya mula sa magulong pangyayari sa Marawi, Mindanao patungong Maynila upang
umiwas sa kalupitan ng mga rebelde sa nasabing lugar. Anong karapatan ang ipinapakita ni Joshue?
A. Karapatang maghanapbuhay C. Karapatang mabuhay
B. Karapatang pumunta sa ibang lugar o lumipat ng tirahanD. Karapatan sa pribadong ari-arian
____15. Anong uri karapatan ang isinasaad kung pangangalagaan mo ang iyong kalusugan; pagpapaaunlad ng talento at kakayahan at
pag-iwas sa mga isport na mapanganib?
A. Karapatan sa buhay C. Karapatang magpakasal
B. Karapatang magha.napbuhay D. Karapatang pumunta sa ibang lugar
____16. Aling tungkulin ng Karapatan ang isinasaad ang pagiging mabuting halimbawa sa mga anak; Pag-iwas sa eskandalo na
magiging sanhi ng pagsira ng pangalan ng pamilya at Pagsasabuhay ng mga birtud?
A. Karapatan sa buhay C. Karapatang magpakasal
B. Karapatang maghanapbuhay D. Karapatang pumunta sa ibang lugar
____17. Sa pagiging moral ng tao alin ang dapat niyang tuparin?
A. Layunin B. Mithiin C. Tungkulin D. Pagnanasa
____18. Saan nagsisimula ang karapatang pantao?
A. Sa mundo ng indibidwal na tao C. Sa mundo ng kakaibang mga tao
B. Sa mundo ng mga makasariling tao D. Sa mundo ng mga makamundong tao
____19. Bakit nasabing ang karapatan at tungkulin ay magkaugnay at tugunan?
A. Sapagkat sinumang may karapatan ay inaasahan din na kikilos ng naaayon sa karapatang ito
B. Sapagkat sinumang may karapatan ay inaasahang boboto sa eleksyon
C. Sapagkat sinumang may karapatan ay siya ring lalabag dito
D. Sapagkat kailangang gamitin ang lahat ng paraan upang ipagtanggol ang mga batas
_____20. Kailangang hubugin ang sarili tungo sa pagpapakatao upang matupad din ng pamayanan, pamahalaan o lipunang
kinabibilangan niya ang tungkulin ng paglinang ng pagpapakatao. Ngunit mahirap isagawa ang paghubog na ito sa sarili kung
hindi ginagawa ng mga institusyong panlipunan ang mga obligasyon nito sa tao na itinakda ng batas. Ano ang diwa ng binasang
talata?
A. Mahalaga ang pananagutan ng indibidwal na maging mabuting mamamayan.
B. Kailangang tuparin ng bawat tao ang kanyang tungkulin upang magampanan ng lipunan ang tungkulin nito sa tao.
C. Hindi makakamit ang kabutihang panlahat kung may mamamayang hindi tumutupad ng tungkulin.
D. Kailangang magbigay ng serbisyo ang pamahalaan o lipunan bago mahubog ang indibidwal ang sarili.

Page | 2
Good Luck! Sir Jonathan, Mam Lorraine, Mam Dess, Mam Gie, Mam Ely

Page | 3

You might also like