You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI-Western Visayas
Division of Sagay
District 10
OLD SAGAY NATIONAL HIGH SCHOOL

SUMMATIVE TEST 1-4


E. S. P. 9

Quarter 2, S.Y. 2021-2022

PANUTO: Basahin ng mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang bawat tanong.
Piliin ang titik ng tamang sagot
at i-shade ang bilog ng tamang sagot sainyong answer sheet.

Tamang pag shade Maling pag shade


TEST I
1. Alin ang batayan ng pagiging pantay ng tao sa kaniyan kapwa?
a. karapatan b. isip at kilos-loob c. kalayaan d. dignidad
2. Ang tungkulin ay obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin (o iwasan) ang isang gawain. Alin
sa sumusunod ang hindi ibig sabihin nito?
a. Nakasalalay ang tungkulin sa isip
b. Nakabatay ang tungkulin sa Likas na Batas Moral
c. Ang moral ang nagpapanatili ng buhay-pamayanan
d. May malaking epekto sa sarili at mga ugnayan ang hindi pagtupad ng mga tungkulin
3. Ang karapatan ay kapangyarihang moral. Alin sa sumusunod and hindi ibig sabihin nito?
a. Hindi maaring puwersahin ng tao ang kaniyang kapuwa na ibigay sa kaniya nang sapilitan ang
mga bagay na kailangan niya sa buhay.
b. Hindi nito maapektuhan ang buhay-pamayanan
c. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang kapuwa na igalang ito.
d. Pakikinabangan ito ng tao lamang dahil tao lamang ang makagagawa ng moral na kilos.
4. Ano ang buod ng talata?
Ayon kay Scheler, kailangang hubugin ang sarili tungo sa pagpapakatao upang matupad din ng
pamayanan, pamahalan o lipunang kinabibilangan niya ang tungkulin ng paglinang ng
pagpapakatao. Ngunit mahirap isagawa ang paghubog na ito sa sarili kung hindi ginagawa ng mga
institusyong panlipunan ang mga obligasyon nito sa tao na itinakda ng mga batas.

a. Mahalaga ang pananagutan ng indidwal na maging mabuting mamamayan.


b. Kailangang tuparin ng bawat tao ang kaniyang tungkulin upang magampanan ng
lipunan ang tungkulin nito sa tao.
c. Hindi makakamit ang kabutihan kung may mamamayang hindi tumutupad ng tungkulin.
d. Kailangang magbigay ng serbisyo ang pamahalaan o lipunan bago mahubog ng
indibidwal ang sarili.
5. Alin ang hindi nagpapakita ng tungkulin na kaakibat ng karapatan sa buhay?
a. Iniiwasan ni Anang kumain ng karne at matatamis na pagkain.
b. Nagpatayo ng bahay-ampunan si Gng. Rosa para sa mga batang biktima ng pang-aabuso.
c. Sumasali si Dan sa mga isport na mapanganib tulad ng car racing.
d. Nagsimula ng soup kitchen si Fr. John Arroyo para sa mga batang kalye.
6. Ito ang pinakamataas na antas ng mga karapatan. Kung wala ito, hindi mapikananbangan ng tao ang iba
pang mga karapatan.
a. Karapatan sa buhay c. Karapatang magpakasal
b. Karapatan sa pribadong ari-ari-an d. Karapatang pumunta sa ibang lugar
7. Kailangan ng tao ang mga ari-arian upang mabuhay ng maayos at makapagtrabaho ng produktibo
at nakikibahagi sa lipunan.
a. Karapatan sa buhay c. Karapatang magpakasal
b. Karapatan sa pribadong ari-ari-an d. Karapatang pumunta sa ibang lugar
8. Ang tao ay may karapatang bumuo ng pamilya sa pamamagitan ng kasal.
a. Karapatan sa buhay c. Karapatang magpakasal
b. Karapatan sa pribadong ari-ari-an d. Karapatang pumunta sa ibang lugar
9. Kasama dito ang karapatang lumipat o tumira sa ibang lugar na may opurtunidad, o ligtas sa anumang
panganib.
a. Karapatan sa buhay c. Karapatang magpakasal
b. Karapatan sa pribadong ari-ari-an d. Karapatang pumunta sa ibang lugar
10. May karapatan ang tao na piliin ang relihiyon na makakatulong sa kanya upang mapaunlad
ang kanyang pagkatao at pakikipag-ugnayan sa Diyos at kapwa.
a. Karapatang sumamba c. Karapatang magtrabaho o maghanap-buhay
b. Karapatan sa pribadong ari-ari-an d. Karapatang pumunta sa ibang lugar
11. May obligasyon ang lipunan o pamahalaan na magbigay ng trabaho sa mga mamamayan upang sila
ay mamuhay ng maayos.
a. Karapatang sumamba c. Karapatang magtrabaho o maghanap-buhay
b. Karapatan sa pribadong ari-ari-an d. Karapatang pumunta sa ibang lugar
12. Ito ay ang kapangyarihang moral na gawin, hawakan, pakinabangan at angkinin ang mga bagay na
kailangan ng tao sa kanyang estado sa buhay.
a. Tungkulin b. karapatan c. pamumuhay d. pagsasalita
13. Ito ay moral dahil hindi maaaring pwersahin ng tao ang kanyang kapwa na ibigay sa kanya ng
sapilitan ang mga bagay na kailangan niya sa buhay.
a. Tungkulin b. karapatan c. pamumuhay d. pagsasalita
14. Ito ay nakabatay sa likas na batas moral. Ito ang batas na nagpapataw ng obligasyon sa lahat na
igalang ang mga kararapatan ng isang tao.
a. Tungkulin b. karapatan c. pamumuhay d. pagsasalita
15. Ang tungkulin ay ang mga bagay na inaasahang magagawa o maisasakatuparan ng isang tao.
a. Tungkulin b. karapatan c. pamumuhay d. pagsasalita
16. Ang batayang nararapat gamitin upang ituring na may dignidad ang isang gawain ay ang:
a. ganda ng lugar na pinagtatrabahuhan c. laki ng suweldo
b. kabutihang dulot nito d. pagkakataon para sa promosyon
17. Ayon sa mga pagsasaliksik, isa sa pangunahing dahilan kung bakit nawawalan ng kasiyahan
sa trabaho( job satisfaction) ang isang tao ay ang:
a. Hindi siya nakararamdam ng layunin sa kanyang ginagawa
b. Madalas atrasado ang suweldo
c. Wala siyang pagkakataon sa promosyon
d. Walang inilalaang badyet ang kompanya para sa seminar ng mga empleyado.
18. Ang anumang trabaho ay may dignidad kung ito ay naglalayon ng:
a. mabilis na pagtaas sa posisyon
b. mabuting maidudulot nito sa sarili at kapwa
c. malaking suweldo
d. kaginhawahan ng sarili
19. Ang mga manggagawa tulad ng tsuper, mananahi, karpintero at iba pa
ay nabibilang sa trabahong tinatawag na:
a. blue collar b. pink collar c. white collar d. yellow collar
20. Ang mga propesyonal tulad ng doctor, guro, abogado at iba pa ay
nabibilang sa trabahong tinatawag na:
a. blue collar b. pink collar c. white collar d. yellow collar
21. Alin ang hindi kahulugan ng pakikilahok?
a. Isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at
pananagutan tungo sa kabutihang panlahat
b. Isang malayang pagpili. Hindi maaring pilitin o puwersahin ang tao upang isagawa ito
c. Maaring tawaging bayanihan, damayan, o kawanggawa
d. Tumutulong sa tao upang maging mapanagutan sa kapuwa
22. Alin ang taglay ng tao kaya siya karapat-dapat sa pagpapahalaga at paggalang ng kaniyang kapuwa?
a. Bolunterismo b. Dignidad c. Pakikilahok d. Pananagutan
23. Bakit mahalaga na may kamalayan at pananagutan ang pakikilahok?
a. Upang matugunan ang pangangailangan ng lipunan
b. Upang magampanan ang mga gawain o isang proyekto na mayroong pagtutulungan
c. Upang maibahagi ang sariling kakayahan na makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat
d. Upang maipakita ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahalan
24. Ano ang dapat kilalanin ng tao upang makagawa ng pakikilahok?
a. Pananagutan b. Tungkulin c. Dignidad d. Karapatan
25. Alin ang hindi maituturing na benepisyo ng bolunterismo?
a. Nagkakaroon ang tao ng personal na pag-unlad
b. Mas higit niyang nakikilala ang kanyang sarili
c. Nagkakaroon siya ng kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng lipunan
d. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo ng suporta at ugnayan sa iba
26. Ito ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at
pananagutan tungo sa kabutihang panlahat.
a. Pakikilahok b. voluntaryanismo c. pagsisimba d. pag-aaral
27. Ito ay antas ng pakikilahok na makatutulong sa pakikibahagi sa lipunan ayon kay Sherry Arnsteinis. Sa
isang taong nakikilahok mahalaga na matuto siyang magbahagi ng kanyang nalalaman o nakalap
na impormasyon.
a. Impormasyon b. Konsultasyon c. sama-samang pagpapasiya d. pagsuporta
28. ito ay mas malalim na impormasyon. Ito ay bahagi na kung saan hindi lang sarili mong opinion o
ideya ang kailangang mangibabaw kundi kailangan pa ring makinig sa mga puna ng iba na
maaaring makatulong sa pagtatagumpay ng isang proyekto o gawain.
a. Impormasyon b. Konsultasyon c. sama-samang pagpapasiya d. pagsuporta
29. Upang lalong maging matagumpay ang isang gawain mahalaga ang pagpapasiya ng lahat. Sa
pagpapasiya kinakailangang isaalang-alang ang kabutihang maidudulot nito hindi lamang sa sarili
kundi sa mas nakararami.
a. Impormasyon b. Konsultasyon c. sama-samang pagpapasiya d. pagsuporta
30. Hindi magiging matagumpay ang anumang gawain kung hindi kikilos ang lahat.
a. Impormasyon b. Konsultasyon c. sama-samang pagpapasiya d. sama-samang pagkilos

TEST II. Panuto: Basahin ng mabuti ang mga pangungusap. Piliin sa kuwaderno ang karapatan na tinutukoy
ng mga tungkulin. I-shade ang bilog ng titik ng tamang sagot sa iyong answer sheet.

A. Karapatan sa buhay B. Karapatan sa pribadong ari-ari-an


C. Karapatang magtrabaho o maghanap-buhay D. Karapatang pumunta sa ibang lugar
E. Karapatang sumambao ipahayag ang pananampalatayaF. Karapatang magpakasal

31.Pangalagaan ang kanyang kalusugan at sarili laban sa panganib. A


32.Pangalagaan at palaguin ang kanyang mga ari-arian at gamitin ito sa tama. B
33.Suportahan at gabayan ang pamilya upang maging mabuting tao F
34.Kilalanin ang limitasyon ng sariling Kalayaan. Pagsunod sa batas ng linipatang lugar. D
35.Igalang ang relihiyon at paraan ng pagsamba ng iba. E

TEST III. Panuto: Basahin ng mabuti ang mga pangungusap. Tukuyin kng ang mga pahayag ay tama o mali.
Sa iyong answer sheet, I-shade ang bilog ng titik A kng ito ay tama, at I-shade naman ang bilog ng
titik B kung ito ay mali.

36. Ang karapatang pantao ay mga prinsipyong gumagabay sa pananaw ng tao tungkol sa pagtrato
ng kaniyang kapuwa, at sa dignidad niya bilang tao. A
37. Marami sa mga karapatang pantao ang ginawa nang batas upang mapangalagaan ang bawat tao
sa mundo. A
38. Dapat isaisip na nararapat ding pangalagaan ng tao ang kanyang mga karapatan. A
39.Ang tungkulin ng bawat isa sa atin ay kaalinsabay ang ating mga karapatan. A
40.Maging makatotohanan ang lahat kapag ginagampanan natin ng maayos ang ating mga karapatan. A
41.Ang gobyerno ang nagpapatupad ng mga batas o ordinansa na umiiral upang maging matiwasay ang
ating pamumuhay at maging mapabuti ang pakikitungo natin sa ating kapuwa. A
42.Iba ang mabuti sa tama. A
43. Ang mabuti ay ang mga bagay na tutulong sa pagbuo ng sarili. Ang tama ay ang pagpili ng pinakamabuti
batay sa panahon, kasaysayan, lawak, at sitwasyon.A
44. Ang mga batas o utos sa loob ng tahanan ang nagsisilbing gabay upang mamuhay nang maayos
ang mga anak sa loob at labas ng tahanan. A
45. Ang pagsuot ng wasto at disenteng kasuotan ay isang halimbawa ng batas at alituntunin sa paaralan. A

Panuto: Inaasahang maisasagot mo sa Gawain sa Paghihinuha ng Batayang Konsepto na:


Bumuo ng batayang konsepto sa pamamagitan ng pagpunan ng tamang sagot sa mga patlang. I-
shade ang titik ng tamang sagot sainyong answer sheet.

A.Makakamit B. Kapuwa
C. Makibahagi D. Makilahok E. lipunan

Ang tao ay ipinanganak na isang panlipunang nilalang; hindi niya tunay na 46._a
ang kanyang kaganapan bilang tao kung hindi siya makikipamuhay kasama ang kaniyang
47. b ;kailangan niyang 48. d sa lipunan.Ang 49. e ang natatanging
lugar para sa mga indibidwal upang makamit ang kanilang tunguhin. Kung kaya mahalaga na
50. c ang tao sa mga gawaing panlipunan upang makatulong ito sa pagbuo ng
kaniyang pagkatao.

You might also like