You are on page 1of 5

Division of Butuan City

AGUSAN NATIONAL HIGH SCHOOL


Araling Panlipunan 10
4TH QUARTER – WEEK 1-2
SUMMATIVE TEST No.1

Pangalan: ________________________ Pangkat: ________________ Petsa:_________Iskor: ______

Paalala: Huwag sulatan o lagyan ng sagot ang mga katanungan sa pagsubok. Isulat ang
mga sagot sa isang hiwalay na buong papel.

I. Maramihang Pagpipilian: Basahin nang mabuti ang bawat katanungan at sagutin


nang
may katapatan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa nakalaang patlang.

_____1. Ang konsepto ng citizenship (pagkamamamayan) o ang kalagayan o katayuan


ng
isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado ay maaaring iugat sa
kasaysayan ng daigdig. Tinatayang panahon ng kabihasnang Griyego nang
umusbong ang konsepto ng citizen. Ang kabihasnang Griyego ay binubuo ng mga
lungsod-estado. Ano ang tawag sa isang lipunan na binubuo ng mga taong
may iisang pagkakakilanlan at iisang mithiin?
A. Civil Society B. Pamayanan C. Polis D. Sparta

_____2. Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na isang mamamayang Pilipino ayon sa
Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?
A. Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
B. Yaong ang ama o ang ina ay mamamayan ng Pilipinas.
C. Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon na isinulat ang Saligang
Batas na ito.
D. Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang ina ay Pilipino,
na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit ng tamang gulang.

_____3. Ang mga sumusunod ay ang mga paraan para mawala ang pagkamamamayan ng
isang indibidwal maliban sa isa;
A. Nawala ang bisa ng naturalisasyon.
B. Nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng isang taon.
C. Nanumpa ng katapatan sa Saligang Batas ng ibang bansa.
D. Hindi naglingkod sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag mayroong
digmaan.

_____4. Bakit kailangang masiguro ng isang tao ang ligalidad ng kanyang


pagkamamamayan sa isang bansa?
A. Upang magkaroon siya ng pagkakakilanlan.
B. Upang matiyak ang kanyang mga tungkulin at pananagutan.
C. Upang mabatid niya ang kanyang mga karapatan at tungkulin.
D. Upang maigawad sa kanya ang mga pribilehiyo na dapat niyang matamasa.

_____5. Bakit mahalaga sa isang bansa ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa
mga nangyayari sa kanilang paligid?
A. Sapagkat mapaaktibo man o hindi, makakalahok pa rin ang mga mamamayan sa
mga nangyayari sa bansa.
B. Sapagkat kakikitaan ng mga karapatang pantao ang mga mamamayan batay sa
itinakda ng Saligang Batas.
C. Sapagkat malaki ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan na
makatugon
sa mga isyu at hamong panlipunan.
D. Sapagkat mas magiging makapangyarihan ang mga opisyal ng pamahalaan kung.
magiging aktibo ang mga mamamayan sa bansa.

_____6. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga katangian na dapat taglayin
ng
isang aktibong mamamayan?
A. Sinusunod ang Saligang Batas ng ibang bansa.
B. Nakikipagtulungan sa mga may kapangyarihan.
C. Tapat sa Republika ng Pilipinas.
D. Matatag, may lakas ng loob at produktibo.
_____7. Alin sa mga sumusunod ang HINDI maaaring paraan ng pakikilahok?
A. Pagpaparating sa kinauukulan ng kinakailangang gawin.
B. Pagpapababa sa kalagayan ng ating kapwa Pilipino.
C. Pakikipagpalitan at pagbibigay ng mahahalagang impormasyon.
D. Pangangalaga ng ating kapaligiran at paglinang ng mga likas na yaman.
_____8. Alin sa mga sumusunod na gawaing pakikilahok ng aktibong mamamayan ang
kakikitaan ng pagtutulungan ng pamahalaan at mamamayan upang mapadali ang
paglikha ng mga polisiya at paglutas ng mga isyu at suliranin?
A. Pangangalaga sa ating mga minanang yaman at mga pampublikong pasilidad.
B. Pagtangkilik at pag-angkat ng produktong Pilipino.
C. Pagpapaunlad at pagsuporta sa mga produkto ng bansa.
D. Pakikipagpalitan at pagbibigay ng mahahalagang impormasyon.
_____9. Bawat indibidwal ay maaaring makilahok sa mga organisasyong pansibiko upang
ganap na maipakita ang kanyang pagtulong para maging maunlad ang ating
pamayanan at bansa. Alin sa mga sumusunod ang HINDI maituturing na social
organization?
A. Church or religious organization C. Cooperatives
B. Sports or recreational organization D. League of Nations

Para sa bilang 10-13. Suriin ang sitwasyon at tukuyin ang angkop na sagot sa bawat
pahayag. Isulat lamang sa patlang kung PILIPINO o HINDI.
_____10. Si Julius ay isang anak ng Igorot at Ilokano. Naninirahan sila sa Maynila.
_____11. Si Jenny ay ipinanganak sa Cebu. Ang kanyang ama ay Pilipino at ang
kanyang ina ay Turko.
_____12. Si Kapitan Ben ay isang sundalong Pilipino na naninirahan sa Mindanao.
Nang sumiklab ang labanan sa pagitan ng Abu Sayaf at militar, siya ay
tumakas kasama ang kanyang pamilya.
_____13. Si Smith ay isang Amerikano na nakapagpatayo ng isang malaking
kompanya sa Pilipinas. Tatlong taon na siyang naninirahan sa Pilipinas.

Para sa 14-20. Basahin ang mga pahayag sa loob ng kahon. Tukuyin kung alin sa mga
ito ang maituturing na mga gawaing pansibiko. Isulat lamang ang letra ng mga
napiling sagot sa loob ng kahon.

A. Pagtatag o pakikilahok sa mga organisadong pagkilos at organisasyong


nagsusulong ng kagalingan at pag-unlad ng komunidad at bansa.
B. Pagpaparating sa kinauukulan ng kinakailangang gawin.
C. Pakikipagtalunan sa mga kinauukulan.
D. Pagpapalitan at pagbibigay ng mahahalagang impormasyon.
E. Pag-aangat sa kalagayan ng ating kapwa Pilipino.
F. Pagtangkilik sa mga dayuhan at produkto ng mga banyaga.
G. Pangangalaga ng ating mga minanang yaman at mga pampublikong pasilidad.
H. Pagsasamantala sa mga nangingibang-bansa at pakikipagtalo sa kapwa.
I. Pagpapaunlad at pagsuporta ng mga produkto ng bansa.
Ang bilang 14-20 ay pitong (7) puntos. Maaaring hindi magkakasunod ang mga
napiling sagot.

_____21. Ito ay sektor ng lipunan na hiwalay sa estado kung saan maaaring maiparating ng
mamamayan ang kaniyang pangangailangan sa pamahalaan.
A. Civil Society C. Non-Government Organizations
B. Grassroots Organizations D. People’s Organizations

II. Pagtatapat-tapat: Ang mga pahayag na nasa Hanay A ay mga paraan ng


pakikilahok. Tukuyin kung aling programa ang sinasalamin ng bawat pahayag. Isulat
lamang sa patlang ang letra ng napiling sagot.
HANAY A HANAY B
_____22. Pakikiisa at pagsuporta sa paglinis ng inyong A. Day-care Centers
kapaligiran. B. Feeding Program
_____23. Pagtatanim ng mga halaman sa mga bakanteng lote C. Programang
o lupa sa inyong komunidad. Pangkabuhayan
_____24. Pakikilahok at pakikiisa sa pangangalap ng pondo D. Programang
o pagkolekta ng mga lalagyan tulad ng timba, balde, Pangkalusugan
at dram upang gawing basurahan sa paligid ng E. Waste Management

inyong komunidad. F. Reforestation Program


_____25. Pagbabalita at paghikayat ng mga mamamayan sa G. Libreng tutorial
inyong komunidad sa mga programa at serbisyong H. Clean and Green Campaign

medical sa health center at malapit na ospital.

Ang sama-samang pagkilos ng mamamayan ay nakatutulong sa kaunlaran ng bansa.


Nakatutulong din ito sa pagpapabuti ng sarili, nagbubunga ng kaunlaran sa bayan,
naipapakita ang pagmamahal sa kapwa, instrumento rin ito ng pagkakaroon ng
kapayapaang pandaigdig dahil napapangalagaan lalo ang ating kapaligiran at ang mga may
buhay na nakatira rito.

III. Action Plan. Para sa bilang 26-30, bumuo ng isang action plan para sa iyong mga
gagawin para makalahok sa mga gawing pansibiko. Punan lamang ng datos ang
talahanayan sa ibaba.

LAYUNIN MGA PARAAN INAASAHANG MGA HAMON O PANAHONG


BUNGA POSIBLENG IGUGUGOL
SULIRANIN (Time Frame)
26. 27. 28. 29. 30.

Gawa ni:
Inaprubahan ni:

CARLOS C. CATALAN JR., PhDM


Division Aral Pan Coordinator
Butuan City Division

You might also like