You are on page 1of 2

REPUBLIKA NG PILIPINAS

Kagawaran ng Edukasyon

MATAAS NA PAARALAN NG TOWERVILLE


Ph. 4 Towerville, Minuyan Proper, Lungsod ng San Jose del Monte

UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10

I. Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

1. Mga kwentong madalas na hango sa Bibiliya at umaakay sa matuwid na landas ng buhay.


A. Dagli B. Nobela C. Pabula D. Parabula
2. Akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at opinion tungkol sa tiyak na paksa.
A. Dula B. Maikling kwento C. Sanaysay D. Tula
3. Ito ay naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-diyosan noong unang panahon na sinasamba, dinarakila at pinipintakasi ng
mga sinaunang tao.
A. Alamat B. Dagli C. Epiko D. Mitolohiya
4. Alin sa sumusunod ang hindi kaugnay sa pahayag ni Cupid na : “Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang pagtitiwala”.
A. Walang pag-ibig kung walang tiwala C. Hindi wagas ang pag-ibig na ipinagkakatiwala
B. Titibay ang pag-ibig kung may pagtitiwala D. Ang pag-ibig at tiwala ay hindi mapaghihiwalay

5. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng tunay na pagmamahal batay sa mitong Psyche at Cupid?
A. Ginawa ni Venus ang lahat para sa pagmamahal niya kay Cupid
B. Hinarap ni Psyche ang pagsubok ni Venus para sa pagmamahal niya kay Cupid
C. Nang nagkasala si Psyche kay Cupid binalak niyang magpakamatay sa labis na pagsisisi
D. Pinayuhan si Psyche ng kaniyang mga kapatid kung paano makaliligtas sa halimaw na asawa.

II. Pagtukoy sa pokus ng pandiwang ginamit sa pangungusap.

6. Ang mga mahihirap na pamilya ay nakatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan


A.Pokus sa Layon B. Pokus sa tagaganap C. Pokus sa tagatanggap D. Pokus sa Kagamitan

7 . Maipagdarasal niya ang kaibigang natamaan ng CoViD-19.


A.Pokus sa Layon B. Pokus sa tagaganap C. Pokus sa tagatanggap D. Pokus sa Kagamitan

8. Ipantutustos niya sa pag-aaral ang naipong sahod.


A.Pokus sa Layon B. Pokus sa tagaganap C. Pokus sa tagatanggap D. Pokus sa Kagamitan

9. Ikukuha niya ng makatutulong sa kagawaran ang kalihim upang ‘di malito sakanyang ulat sa bayan.
A.Pokus sa Layon B. Pokus sa tagaganap C. Pokus sa tagatanggap D. Pokus sa Kagamitan

10. Ipaghahanda niya ng mga sasabihin sa bansa ang Pangulo.


A.Pokus sa Layon B. Pokus sa tagaganap C. Pokus sa tagatanggap D. Pokus sa Kagamitan

11. Kumikilos ang ilang mahihirap na Pilipino para kumita sa panahon ng pandemya..
A.Pokus sa Layon B. Pokus sa tagaganap C. Pokus sa tagatanggap D. Pokus sa Kagamitan

12. Ayon sa pangulo, piliin ang may pinakamataas na bidder sa pakikipagtransaksyon upang makaiwas sa korapsyon.
A.Pokus sa Layon B. Pokus sa tagaganap C. Pokus sa tagatanggap D. Pokus sa Kagamitan

13. Hinuli ang mga lumalabag sa kwarantin.


A.Pokus sa Layon B. Pokus sa tagaganap C. Pokus sa tagatanggap D. Pokus sa Kagamitan

14. Ang LGU ay nakararating sa mga liblib na lugar upang mamigay ng ayuda.
A.Pokus sa Layon B. Pokus sa tagaganap C. Pokus sa tagatanggap D. Pokus sa Kagamitan

15. Naunawaan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng kalinisan.


A.Pokus sa Layon B. Pokus sa tagaganap C. Pokus sa tagatanggap D. Pokus sa Kagamitan

III. Punan ng angkop na ekspresiyon ang bawat pahayag upang mabuo ang konsepto ng pananaw.
16. _____________ Counsels on Diet and Food ay binanggit na ang mga tinapay na tatlong araw nang nakaimbak ay mas
mabuti sa ating katawan kung ihahambing sa bagong luto na tinapay.
A. Ayon sa B. Batay sa C. Sa ganang akin D. Sa tingin ng
17. _____________ maraming Pilipino ang pagkapanalo ni Manny Pacquio sa susunod niyang laban ay nangangahulugang
maipagpapatuloy pa ni Pacquiao ang kaniyang karera sa pagboboksing.
A. Ayon sa B. Batay sa C. Sa ganang akin D. Sa tingin ng
18. _____________ Department of Social Welfare and Development , mapanganib din sa mga bata ang paglalaro ng mga
marahas na internet game lalo na’t nasa developmental stage pa lamang ang isang bata.
A. Ayon sa B. Batay sa C. Sa ganang akin D. Sa tingin ng

III. Bigyang-puna ang estilo ng may-akda batay sa salita at ekspresyong ginamit sa pamamagitan ng pagkilala sa damdaming
ipinahayag.
19. “May taong mayaman na may isang katiwala. May nagsumbong sa kaniyang nilulustay nito ang kaniyang ari-arian.”
A. galit B. lungkot C. pagtataka D. pag-aalinlangan
20. “Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong
tungkulin.”
A. galit B. lungkot C. pagtataka D. pag-aalinlangan
21. “Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman
akong magpalimos.”
A. galit B. lungkot C. pagtataka D. pag-aalinlangan
IV. Tukuyin ang kayarian ng salitang nakasalungguhit.

22. May sarili nang paraan ng pagsamba sa kanilang mga diyos at diyosa ang ating mga ninuno bago pa man dumating ang
mga mananakop na Kastila sa Pilipinas.
A. payak B.inuulit, C. maylapi D. tambalan

23. Nang dumating ang dayuhan sa ating banyan, bukas-palad natin silang tinanggap.
A. payak B.inuulit, C. maylapi D. tambalan

24. Sila ang nagpakilala sa atin ng Kristyanismo.


A. payak B.inuulit, C. maylapi D. tambalan

25. Natutunan ng mga ninuno mula sa mga paring Kastila ang magdasal sa iba’t ibang imahen ng mga santo.
A. payak B.inuulit, C. maylapi D. tambalan

You might also like