You are on page 1of 1

Jose Vincent N.

Misa
BSIT 3A Day

GAWAIN 3:
Pagganap/Performans (Performance)
Pagsulat ng Reaksyong Papel

Panuto: Makinig ng balita sa radio o telebisyo at gumawa ng isang reaksyong papel


batay sa napakinggang balita. Huwag kalimutang isulat ang link ng balita kung sa
social media nagmula at kung sa radyo o telebisyon naman isulat ang programa, oras
na ibinalita at ang tagapagbalita.

OCTA Research: 4 HUCs with ‘very high’ COVID-19 positivity rate

Base sa datos ng COVID-19 na pananaliksik ni Guido David ay apat na HUCs


o Highly Urbanized City ang may hawak napakalaking porsyento ng mga nag positibo.
Sa Puerto Princesa City naitala ang pinaka maraming nag positibo na umabot sa 39
porsyento, General Santos City na umabot sa 33 porsyento at sa Iligan at Naga 21
porsyento.

Maiiwasan naman talaga natin ang pag dami ng mga kasong nag positibo sa
pamamagitan ng pagpapabakuna. Alam natin noong una ay marami ang natakot sa
pagpapabakuna dahil umano sa mga posibleng epekto nito maliban sa pagprotekta
laban sa virus. Ngunit sa paglipas ng panahon ay wala naman gaanong naitala na
masamang epekto maliban sa tatlong araw matapos makuha ang bakuna na isa
namang natural na epekto.

Napakagandang tulong ang pagpapabakuna dahil natutulungan nito maging


malakas ang ating katawan laban sa virus. Maaari pa naman tayong matamaan ng
sakit na COVID-19 pero di na ito magiging gaano kalala kumpara sa kung tumama ito
sa isang tao na walang bakuna. Karamihan sa mga taong may impeksyon ng COVID-
19 ay magkakaranas lamang ng hindi malalang sintomas at ganap na gagaling. Ngunit
may ilang tao na mas maapektuhan ng sakit.

Hinihikayat ang lahat na magpabakuna upang maibalik na natin ang dating


mga normal. Kahit alam na nating mamuhay sa bagong normal nga ay dapat parin
pagsikapan na maibalik sa dating normal na pamumuhay dahil napakalaking epekto
nito sa pag-aaral. Lahat tayo ay may papel na ginagampanan upang maprotektahan
ang ating sarili at ang iba. Alamin ang mga katotohanan tungkol sa COVID-19 at
tulungan na pigilan ang pagkalat ng sakit at ng maling impormasyon.

https://newsinfo.inquirer.net/1558572/fwd-octa-research-4-hucs-record-very-high-
covid-19-positivity-rates?utm_source=gallery&utm_medium=direct

You might also like