You are on page 1of 1

Talumpati para sa

Bakuna
Ang buong mundo ngayon ay iisa lang ang kahilingan. Ang pagtatapos
ng pandemya na ito. Hinihintay na tawagin ang buong mundo na COVID
free. Isa sa mga paraan upang matapos ang pandemya na ito ay ang bakuna
na kung saan iba’t- ibang bansa ang gumawa. Ang mga siyentista ng ibang
bansa ay nag expiremento at nagsaliksik kung anu ang maaring gawin
upang makagawa ng bakuna na siya magpapagling sa mundo. Sa ilang buwang
paghihintay sa mga bakuna na ito ay madami-daming bansa ang naka tuklas
nito. Tulad ng Pfizer- BioNTECH COVID-19 Vaccine, Moderna’s COVID-19
vaccine. Ang dalawang ito ay naapprobahan na, na maaaring mapigilan ang
pandemya na ito.Ngunit sa kabila ng lahat na
ito may mga Pilipino talaga na ayaw magpabakuna.
Ayun sa narinig ko sa balita, karamihan ay
yung mga mahihirap ay ayaw mag pabakuna dahil
natatakot na baka ito ay may masamang epekto
sa kanila. Bagaman alam ko na maaaring magbago
ang isip nila kapag mapatunayan ng sanlibutan
na ito ay mayroong magandang epekto at totoo na
mapigilan niya ang COVID-19. Sa mga naririnig
ko sa balita hindi tayo lahat ay mag pakinabang
sa bakuna na ito. Mas uunahin muna ang mga fronliners natin tulad ng
mga doctor, nurse pulis at sundalo. Alam ko lahat tayo ay natatakot sa
maaaring mangyari. Lahat din tayo ay gustong matapos na ang pandemya na
ito. Kung kaya wag tayo maglimot sa ating Panginoon dahil siya ang
propotekta sa atin sa lahat ng bagay. Magtiwala tayo sa ating sarili at
sa kanya dahil yan ang magandang desisyon ang magagawa mo sa gitna ng
pandemya na ito.

You might also like