You are on page 1of 8

PAPEL-PANGKAALAMAN

ANG KAILANGAN MONG MALAMAN TUNGKOL SA


CORONAVIRUS (COVID-19)

Ang COVID-19 ay isang sakit sa paghinga na sanhi ng isang bagong virus. Kabilang sa mga
sintomas ang lagnat, pag-ubo, namamagang lalamunan at pangangapos ng hininga. Ang virus ay
maaaring kumalat mula sa isang tao patungo sa ibang tao, ngunit ang tamang kalinisan ay
makakatulong upang maiwasan ang impeksiyon. Alamin kung sino ang nasa panganib at kung
ano ang dapat mong gawin kung sa tingin mo ay may COVID-19 ka.

Ano ang COVID-19?


Ang mga coronavirus ay isang malaking pamilya ng mga virus na nagiging sanhi ng mga
impeksyon sa paghinga. Ang mga ito ay maaaring karaniwang sipon hanggang sa mas
malubhang sakit.
Ang COVID-19 ay isang sakit na sanhi ng isang bagong uri ng coronavirus. Ito ay unang iniulat
noong Disyembre 2019 sa Wuhan City sa China.

Mga sintomas ng COVID-19


Ang mga sintomas ng COVID-19 ay maaaring isang bahagyang sakit hanggang sa malubhang
pulmonya.
Ang ilang mga tao ay mabilis at madaling gagaling, at ang iba ay maaaring mabilis masyadong
magkakasakit.
Ang mga sintomas ng COVID-19 ay kinabibilangan ng:

 lagnat
 ubo
 namamagang lalamunan
 pangangapos ng hininga
 Kung ikaw ay nababahala, maaaring mayroon ka ng COVID-19:

 i-access ang symptom checker sa website ng healthdirect


 humingi ng medikal na payo sa pamamagitan ng pagkontak sa National Coronavirus Helpline
sa 1800 020 080. Ang linya ng impormasyon na ito ay bukas ng 24 oras sa isang araw, pitong
araw sa isang linggo. Kung ikaw ay hindi nagsasalita ng Ingles, maaari mong gamitin ang
Translating and Interpreting Service sa pamamagitan ng pagtawag sa 131 450
 tumawag muna para magpa-book ng appointment sa iyong doktor o ospital

What you need to know about COVID-19 - 15062020 - Filipino


Paano ito kumakalat?
Ang COVID-19 na kumakalat mula sa isang tao papunta sa ibang tao sa
pamamagitan ng:
 malapit na pakikisalamuha sa isang nahawahang tao (kasama ang 48 oras
bago siya magkaroon ng mga sintomas)
 pagdampi ng mga droplet mula sa pag-ubo o pagbahin ng isang nahawahang
tao
 paghawak sa mga bagay o ibabaw (tulad ng mga doorknob o mga mesa) na
may mga droplet mula sa isang nahawahang tao, at pagkatapos ay hihipuin
ang iyong bibig o mukha
Dahil ang COVID-19 ay isang bagong sakit, walang imyunidad dito sa ating
komunidad. Ibig sabihin nito ay maaari itong kumalat nang malawak at mabilis.

Para saan ang COVIDSafe app?


Ang COVIDSafe app ay bahagi ng gawain ng Pamahalaang Australya upang
pabagalin ang pagkalat ng COVID-19. Sa pagkakaroon ng kumpiyansya na
mahahanap at makokontrol natin ang mga pagsulpot (outbreak) nang mabilis ay
nangangahulugan na maaari nang paluwagan ng mga pamahalaan ang mga
paghihigpit habang pinapanatili pa ring ligtas ang mga Australyano. Ang COVIDSafe
app ang tanging contact tracing app na inaprobahan ng Pamahalaang Australya.
Ang bagong COVIDSafe app ay ganap na boluntaryo. Ang pag-download ng app ay
isang bagay na magagawa mo para protektahan ang iyong sarili, ang iyong pamilya
at mga kaibigan at iligtas ang buhay ng iba pang mga Australyano. Kung mas
maraming mga Australyano ang kokonekta sa COVIDSafe app, mas mabilis na
mahahanap ang virus ng mga opisyal ng kalusugan sa estado at teritoryo at
makokontak ang mga tao na maaaring nalantad sa COVID-19.
Pinabibilis ng COVIDSafe app ang kasalukuyang manwal na proseso ng
paghahanap sa mga tao na nakisalamuha sa isang taong may COVID-19.
Nangangahulugan ito na ikaw ay mas mabilis na makokontak kung ikaw ay nasa
panganib. Binabawasan nito ang mga tyansa na ikaw ay maglipat ng virus sa iyong
pamilya, mga kaibigan at iba pang mga tao sa komunidad.
Maaari lamang ma-access ng mga opisyal ng kalusugan sa estado at teritoryo ang
impormasyon ng app kung ang isang tao ay nag-positibo sa test at sumang-ayon na
ang impormasyon sa kanilang telepono ay ma-upload. Maaari lamang gamitin ng
mga opisyal ng kalusugan ang impormasyon ng app upang maalertuhan ang mga
taong maaaring kailangang ikuwarentena o ipa-test.

2 What you need to know about COVID-19 - 15062020 - Filipino


Paano gumagana ang COVIDSafe app?
Kapag na-download mo ang app, ibibigay mo ang iyong pangalan, numero ng
mobile, at postcode at pipiliin ang saklaw ng iyong edad. Makakatanggap ka ng
kumpirmasyon na SMS text message para makumpleto ang pag-install. Pagkatapos
ang sistema ay lilikha ng isang natatanging encrypted na reference code para
lamang sa iyo.
Kinikilala ng COVIDSafe app ang iba pang mga device na nag-install ng app at
nagpagana ng Bluetooth. Kapag kinikilala ng app ang ibang user, tatandaan nito ang
petsa, oras, distansya at tagal ng contact at ang reference code ng ibang user. Hindi
kinokolekta ng COVIDSafe app ang iyong lokasyon.
Upang maging epektibo, dapat mong hayaang bukas ang COVIDSafe app habang
isinasagawa mo ang iyong pang-araw-araw na gawain at nakikipag-ugnay sa mga
tao. Ang mga gumagamit ay tatanggap ng mga abiso araw-araw upang matiyak na
guamgana ang COVIDSafe app.

Ang impormasyon ay naka-encrypt at ang naka-encrypt na identifier ay nakaimbak


nang ligtas sa iyong telepono. Maging ikaw ay hindi makaka-access nito. Ang
contact information na nakaimbak sa mga mobile ng mga tao ay tinatanggal kada
21-araw na rolling cycle. Ang panahon na ito ay nagsasaalang-alang sa panahon ng
inkubasyon (incubation period) ng COVID-19 at ang aabuting panahon bago ma-
test.

Sino ang pinakananganganib mula sa COVID-19?


Sa Australya, ang mga tao na pinakananganganib na mahawahan ng virus ay:
 mga naglalakbay na kadarating lamang mula sa ibang bansa
 mga tao na malapit na nakipag-ugnay sa isang tao na nasuri na may COVID-
19
 mga tao na nasa kulungan at mga pasilidad ng detensyon
 mga tao sa group residential
Ang mga tao na, o mas malamang na, magkaroon ng mas mataas na panganib ng
malubhang sakit kung sila ay mahawahan ng virus ay:
 mga taong 70 taong gulang at mas matanda pa
 mga taong 65 taong gulang at mas matanda pa na may malubhang
karamdaman
 Mga taong Aborihinal at Torres Strait Islander na 50 taong gulang at mas
matanda pa na may malubhang karamdaman

3 What you need to know about COVID-19 - 15062020 - Filipino


 mga taong may mahinang immune system
Sa ngayon ay mababa ang bilang ng nakumpirmang kaso ng COVID-19 sa mga
bata, kumpara sa mas malawak na populasyon.
Ang Australian Health Protection Principal Committee (AHPPC) ay nagpapayo na
walang dagdag na mga panganib sa mga bata kung papapasukin sila sa paaralan.
May limitadong ebidensiya sa ngayon tungkol sa panganib nito sa mga nagbubuntis.
Sumangguni sa website ng Kagawaran ng Kalusugan para sa payo para sa mga
taong nasa panganib.

Paano protektahan ang iyong sarili at ang iba


laban sa COVID-19
Bawat isa ay may bahaging gagampanan sa pagkontrol sa pagkalat ng COVID-19.
Mahalagang gawin ang mga sumusunod na bagay upang pabagalin ang pagkalat ng
COVID-19 at protektahan ang mga taong pinakananganganib.
Isagawa ang pisikal na pagdistansya (na tinatawag ding social distancing) at tamang
kalinisan.
Ang ibig sabihin nito ay:
 pagpapanatili ng 1.5 metro na layo sa pagitan mo at ng ibang tao
 pananatili sa bahay kung ikaw ay may sipon o mga sintomas ng trangkaso
 pag-iwas sa pisikal na pagbati tulad ng pakikipagkamay, pagyakap at
paghalik
 paggamit ng ‘tap and go’ sa halip na cash hangga’t maaari
 takpan ang iyong mga pag-ubo at pagbahing ng iyong braso o tisyu
 itapon kaagad ang ginamit na mga tisyu sa basurahan at hugasan ang iyong
mga kamay
 madalas maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig, bago at pagkatapos
kumain at pagkatapos gumamit ng kubeta
 gumamit ng mga hand sanitiser na batay sa alkohol
 iwasan ang paghipo sa iyong mga mata, ilong at bibig
 linisin at disimpektahin ang madalas gamiting mga ibabaw tulad ng mga
benchtop, desk at doorknob
 linisin at disimpektahin ang madalas gamiting mga bagay tulad ng mga mobile
phone, susi, pitaka at mga pass sa trabaho
 dagdagan ang dumadaloy na sariwang hangin sa pamamagitan ng pagbukas
ng mga bintana o pag-adjust sa air conditioning

4 What you need to know about COVID-19 - 15062020 - Filipino


Sundin ang payo sa mga pampublikong pagtitipon mula sa mga awtoridad ng inyong
estado o teritoryo sa lahat ng oras.

Patungo sa isang COVIDSafe na Australya


Matagumpay na nabawasan ang dami ng impeksyon (flattened the curve) at sa
sandaling ito, ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa buong bansa ay
masyadong mababa. Maaari na natin ngayong simulan ang maingat na pagluluwag
ng mga paghihigpit na nakatulong sa atin upang pigilan ang pagkalat ng virus na ito.
Ang mga Pamahalaan ng Australya ay naglabas ng isang 3-hakbang na plano na
nagbibigay ng landas na tatahakin (pathway) ng mga estado at teritoryo upang
tumungo sa isang COVIDSafe na komunidad. Ang mga estado at teritoryo ay lilipat
sa pagitan ng mga hakbang sa pathway sa iba't ibang panahon, na nakaayon sa
kanilang pampublikong kalagayan sa kalusugan at mga lokal na kondisyon.
Maaari kang manatiling up to date sa nagbabagong mga paghihigpit sa inyong
estado at teritoryo sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang COVID-19 na website.
Gayunman, sa lahat ng mga hakbang, mahalaga para sa mga tao na panatilihin ang
pisikal na pagdistanya at tamang kalinisan, manatili sa bahay kung ikaw ay may
sakit at magpa-test kung mayroon kang anumang sintomas ng COVID-19.

Paano ako magpapatingin sa doktor?


Mahalaga na patuloy mong tuparin ang iyong regular na mga tipanan sa doktor –
lalo na kung ikaw ay may malala o kasalukuyang karamdaman na nangangailangan
ng medikal na pangangalaga.
Kung ikaw ay may sakit at sa tingin mo ay may mga sintomas ka ng COVID-19,
mahalagang humingi ng medikal na payo. Kung nais mong makipag-usap sa isang
tao tungkol sa iyong mga sintomas, tawagan ang National Coronavirus Helpline para
sa payo sa 1800 020 080. Ang linya ng impormasyon ay bukas ng 24 oras sa isang
araw, pitong araw sa isang linggo.
Kung ikaw ay hindi nagsasalita ng Ingles, maaari mong gamitin ang Translating and
Interpreting Service sa pamamagitan ng pagtawag sa 131 450.
Upang humingi ng medikal na tulong mula sa isang doktor o ospital, tumawag muna
para ipaalam sa kanila na ikaw ay darating. Ikaw ay hihilingan na magsagawa ng
mga pag-iingat kapag ikaw ay pupunta para magpagamot. Sundin ang mga
tagubiling ibinigay sa iyo.
Kung ikaw ay may mga sintomas ng isang sakit sa paghinga, magsuot ng mask
upang protektahan ang iba kapag ikaw ay nagpapatingin sa doktor. Kung wala kang
mask, ipaalam ito sa iyong healthcare provider dahil maaari ka niyang bigyan nito.
Manatili nang hindi bababa sa 1.5 metro ang layo sa pagitan mo at ng ibang tao sa
lahat ng oras. Takpan ang iyong mga pag-ubo at pagbahing ng iyong braso.

5 What you need to know about COVID-19 - 15062020 - Filipino


Sabihin sa doktor ang tungkol sa:
 iyong mga sintomas
 anumang kamakailang paglalakbay
 anumang kamakailang pakiki-ugnay mo sa isang tao na may COVID-19

Mga klinika ng respiratoryo na pinamumunuan ng GP


Maaari ka ring pumunta sa isang klinika ng respiratoryo na pinamumunuan ng GP.
Mayroong mga klinika ng respiratoryo sa bawat estado at teritoryo. Para sa
karagdagang impormasyon tungkol sa mga klinika sa inyong lugar, bisitahin ang:
https://www.health.gov.au/about-us/contact-us/local-state-and-territory-health-
departments

Telehealth at paghahatid ng mga gamot sa bahay


Ang mga doktor, mga nars at mga propesyonal sa kalusugan ng pag-iisip ay
maaaring maghatid ng serbisyong bulk-billed sa pamamagitan ng telehealth
hanggang sa 30 Setyembre 2020 sa pamamagitan ng telepono o video
conferencing.
Sinuman na may Medicare card ay karapat-dapat para sa mga serbisyong
telehealth. Ang iyong doktor ay maaari ring magbigay sa iyo ng reseta sa
pamamagitan ng konsultasyon na telehealth.
Ang iyong doktor ay lilikha ng resetang papel habang nasa konsultasyon na
telehealth. Pagkatapos ay maaari siyang gumawa ng isang malinaw na kopya ng
buong reseta (isang digital image tulad ng isang larawan o PDF) upang ipadala sa
iyong piniling parmasya sa pamamagitan ng email, text o fax para sa paghahatid ng
iyong gamot sa iyong bahay. Kung gusto mo, ang iyong doktor ay maaaring
magpadala sa iyo ng reseta sa papel sa pamamagitan ng koreo.
Alamin ang higit pa sa pagbisita sa:
https://www.health.gov.au/resources/publications/covid-19-national-health-plan-
prescriptions-via-telehealth-a-guide-for-patients

Suporta para sa kalusugang pangkaisipan


Binabago ng coronavirus ang paraan ng ating pamumuhay at paggugol ng oras sa
mga mahal natin sa buhay.
Ang pandemya ay kasama natin sa maraming buwan pang darating, at mahalagang
maalala natin na pangalagaan ang ating kalusugang pangkaisipan gaya din ng ating
pisikal na kalusugan.
Manatiling konektado sa iyong mga kaibigan, pamilya, at komunidad sa
pamamagitan ng telepono o internet.

6 What you need to know about COVID-19 - 15062020 - Filipino


Tandaan na okey lang kung ikaw ay hindi okey. Kung ikaw ay nakakaramdam ng
istres, lungkot, pagod, balisa o galit, tandaan na ito ay normal at huwag mag-
atubiling humingi ng tulong.
Bisitahin ang www.headtohealth.gov.au para sa:
 mga link sa kalusugan ng pag-iisip sa online at suporta sa telepono
 mga mapagkukunan at serbisyo na maaaring makatulong kung ikaw ay
nakakaranas ng mga alalahanin sa kalusugan ng pag-iisip o nagsisikap na
suportahan ang ibang tao

Paano ako magpapa-test para sa COVID-19?


Sinuman na may mga sintomas ng COVID-19 ay dapat sumailalim ng testing.
Ang mga sintomas ng COVID-19 ay lagnat, ubo at namamagang lalamunan.
Mahalagang magpa-test kahit na bahagya lamang ang mga sintomas.  
Ang magpa-test para sa COVID-19 ay tumutulong sa pagtukoy ng maraming kaso
hangga't maaari upang sila ay maihiwalay at ang kanilang mga nakasalamuha
(contact) ay matutunton upang maiwasan ang pagkalat ng virus sa komunidad.
Ito ay makakatulong sa pagsisikap ng pampublikong kalusugan upang bawasan ang
pagkalat ng COVID-19 at kung ano ang uunahin at saan ididirekta ang mga
mapagkukunan ng pangangalagang pangkalusugan.
Ang mga estado at teritoryo ay maaaring may sariling mga pamantayan sa testing,
kaya mangyaring alamin ito sa inyong lokal na mga kagawaran ng kalusugan.

Naghihintay para sa resulta ng test


Maaaring tumagal ng ilang araw bago malaman ang mga resulta ng test.
Kung ikaw ay may malalang mga sintomas, maaari kang ipasok sa ospital at
ihiwalay sa iba pang mga pasyente upang maiwasan ang pagkalat ng virus.
Kung sinasabi ng iyong doktor na ang lagay mo ay maayos naman para makauwi
habang ikaw ay naghihintay ng iyong mga resulta sa test, dapat mong:
 ihiwalay ang iyong sarili sa bahay
 protektahan ang iyong sarili at ang iba sa pamamagitan ng pagsasagawa ng
tamang kalinisan at pisikal na pagdistansya

Paano ginagamot ang COVID-19?


Sa kasalukuyan ay walang paggamot o bakuna para sa COVID-19. Maaaring
gamutin ng pangangalagang medikal ang karamihan ng mga sintomas. Ang mga
antibiyotiko ay mabisa lamang laban sa mga impeksiyon ng bakterya at hindi
epektibo sa mga virus.

7 What you need to know about COVID-19 - 15062020 - Filipino


Iminumungkahi ng ilang mga ulat na ang ilang mga gamot, kabilang ang
hydroxychloroquine, ay maaaring gamitin sa paggamot ng COVID-19. Wala pang
mga gamot ang inaprubahan ng Therapeutic Goods Administration (TGA) sa
paggamot ng COVID-19.
Alamin ang higit pa tungkol sa hydroxychloroquine sa pamamagitan ng pagbisita sa website
ng TGA na:
https://www.tga.gov.au/alert/new-restrictions-prescribing-hydroxychloroquine-covid-19

Karagdagang impormasyon
Bisitahin ang www.health.gov.au
Hanapin ang mga sagot sa mga madalas itanong tungkol sa COVID-19. 
Bisitahin ang aming COVID-19 Ingles na mga COVID-19 resources at isinalin na COVID-19
resources
Para sa kaalaman kung ano ang ginagawa ng Pamahalaang Australya upang protektahan ang
mga Australyano laban sa COVID-19, pumunta sa www.australia.gov.au

000084

8 What you need to know about COVID-19 - 15062020 - Filipino

You might also like