You are on page 1of 2

ABOGADO, PRINCESS VALERIE T.

BS-BIO 2A
DALUMAT FILIPINO
Sinovac
- Ang sinovac ay isang bakuna na mula si bansang Tsina na kung saan
nagtatala ng aktibong immunization laban sa sakit na COVID-19.
Maaaring maging salita ng taon ito sapagkat isa itong
kontrebersya sa ating bansa. Sa kadahilanan na ang sinovac ay
galing sa China at ito ang unang bakuna na dumating sa bansa.
Naging isarin itong palaisipan sa mga mamamayang Pilipino. Mga
pagdududa ang natatanggap ng bakunang ito. Marami ring
nagdadalawang-isip kung sila ay magpapabakuna ng Sinovac, at
meron namang hindi magpapabakuna ng bakunang ito.
Social distancing
- Ang social distancing ay isang pagkilos na hinihikayat ng mga
opisyal ng pampublikong kalusugan para pahintuin o pabagalin ang
pagkalat ng isang ganap na nakakahawang sakit. Ibinibigay ang
impormasyong ito para tulungan kang maunawaan ang mga bagay na
inuutos ng Opisyal sa Kalusugan na iyong gawin. Maaaring maging
salita ng taon ito dahil sa kasalukuyang nararanasang pandemya ng
bansa na bunga ng Covid-19, nauso ang salitang ito sapagkat
ipinalaganap at panghihikayat ng mga opisyal ang pagsunod sa mga
health safety protocols isa na ditto ang social distancing. Kahit
saang dako ng lipunan ay mababasa at maririnig mo ito.
Antigen test
- Ang antigen test ay isang pagsusuri na kayang matukoy kung
mayroong presensya ng antigen, isang uri ng protina na bahagi ng
SARS-CoV-2 sa swab sample ng isang pasyente. Ang antigen test ay
maaaring maging Salita ng taon sapagkat sa kasalukuyan, kaugnay
sa banta ng COVID-19, ang bawat umaalis, lumalabas-pasok sa isang
lugar at lilipat sa isang lugar ay kinakailangan na makapagsagawa
ng Antigen testing upang mapatunayan na negatibo sa virus at
makapunta sa lugar na nais mong puntahan.
Frontliners
- Ang frontliners ay ang mga tao na nagsisilbing nangunguna sa
pagpuksa ng lumalaganap na pandemya. Isa na dito ang mga doctor,
pulis, gobyerno at iba pa. Kaugnay sa kasalukuyang nararanasang
pandemya, ang mga frontliners ang isa sa mga pinakapinag-uusapan
sa kasalukuyan. Maliban sa pagiging matulungin nila, naging
usapan din ito dahil sa pagiging bayani nila na kung saan marami
ang nasasawing frontliner.
ABOGADO, PRINCESS VALERIE T.
BS-BIO 2A
DALUMAT FILIPINO
Quarantine
- ito ay isang health protocol na kung saan ay oobserbahan ang
isang tao o higit pa kung ito ay positibo o negatibo sa virus.
Simula ng umusbong ang pandemya sa bansa, ang bawat tao na may
travel history at close contact sa mga tao na may virus ay
kinailangan na i-quarantine at maoobserbahan.

You might also like