You are on page 1of 54

PANUNURING

PAMPANITIKAN
MGA PAGDULOG SA PAGSUSURI
PANUNURING PAMPANITIKAN

Narito ang pagkasunod-sunod ng bawat paksa.


 Kahulugan ng Pagdulog o Pananaw

 Layunin nito

 Istilo nito

 Pamamaraan ng pagsusuri sa akdang pampanitikan


PANUNURING PAMPANITIKAN

FORMALISTIKO/
FORMALISMO
O PANG-ANYO
PANUNURING PAMPANITIKAN

1. Formalistiko o Pang-anyo
o Ang Teoryang Formalistiko o Formalismo ay isinilang
noong 1910 at yumabong noong dekada 50 at 60.
o Ang teoryang ito ay may pananaw na ang akda o teksto ay
dapat suriin at pahalagahan kung ibig talagang masukat
ang kagandahan ng akda.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Layunin ng Formalistiko:
o Iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit
ang kanyang tuwirang panitikan; kung ano ang sinasabi ng
may-akda sa kanyang panitikan ang siyang nais niyang
ipaabot sa mambabasa – walang labis at walang kulang.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Istilo ng Formalistiko:
o Dito inilalabas ng manunulat ang pagiging masining sa
paglikha ng akda.
o Tinitingnan nito ang panitikan bilang isang likhang-sining na
mayroong organic unity o isang kabuuang may kaisahan.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Sa pagsusuri ng Formalistikong akda:


o Sa pananaw na ito ay hindi lamang mahalaga ang
pagbabalangkas kundi ang pagsusuri na ring ginamit.
o Sa pagtalakay ng akda, dapat ang mailantad lahat ng
mahahalagang bagay mula sa simula patungo sa iba’t-
ibang elementong magkakaugnay hanggang sa katapusan.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Sa pagsusuri ng Formalistikong akda:


o Dapat makita kung may ironi o paradoks o may kalabuan o may iba
pang elemento sa akda. Kung makikita ang mga elementong ito,
masasabing mahusay ang akda.
o Binibigyang atensiyon din ang salita o vokabularyo at ang kaibahan
ng mga salitang pampanitikan sa pang araw-araw na salita.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Sa pagsusuri ng Formalistikong akda:


o Kailangang masuri sa akda ang tema o paksa ng
akda, ang sensibilidad at paguugnayan ng mga
salita, istruktura ng wika, metapora, imahen, at
iba pang elemento ng akda.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Sa pagsusuri ng Formalistikong akda:


o Ang tunguhin ng pananaw na ito ay matukoy ang
sumusunod:
- Nilalaman
- Kaanyuan o kayarian
- Paraan ng pagkakasulat ng akda
PANUNURING PAMPANITIKAN

MORALISTIKO
PANUNURING PAMPANITIKAN

2. Moralistiko
o Itinuturing ang isang akdang pampanitikan
bilang bukal ng mga kaisipang batayan ng
wastong pamumuhay at pakikipagkapwa.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Layunin ng Moralistiko:
o Ang mga ideya ay tumutulong sa pagkilala sa mga bagay
na tinatanggap sa lipunan- kung ano ang tama at mali, ang
mabuti at masama.
o Ang akda ay kapupulutan ng mga aral at pagwawasto sa
mga maling landasin sa buhay.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Layunin ng Moralistiko:
o Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t
ibang pamantayang sumusukat sa moralidad
ng isang tao, ang pamantayan ng tama at
mali.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Istilo ng Moralistiko:
o Inilalarawan sa teksto ang mga paksang
pagtatagumpay ng kabutihan sa kasamaan,
pagwawagi ng katarungan laban sa pang-aapi,
pangingibabaw ng kalinisan ng pagkatao at katatagan
sa harap ng mga pagsubok at kahinaan.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Istilo ng Moralistiko:
o Ang akda ay nagsisilbing batayan ng mga kaisipang
magtuturo sa tamang pagpili at pagbuo ng mga desisyon
sa buhay na ayon sa pamantayang itinakda ng moralidad.
o Ipinapakita ang pagtutunggali ng lakas ng katwiran at
impluwensya ng mga elementong sumisira sa tao.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Istilo ng Moralistiko:
o Ang impluwensya ng akda ay ipinakikita sa naging pag-
uugali o asal at panuntunan sa buhay na taglay ng
mahahalagang tauhan sa akda. Ang akda ay salamin na
mga kapintasan at kagandahang dapat taglayin ng
pagkatao.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Sa pagsusuri ng Moralistikong akda:


o Ang mga karakter ay sinusuri bilang
pagtutol o pagkilala sa umiiral na pilosopiya
sa buhay o sistemang moral sa lipunan.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Sa pagsusuri ng Moralistikong akda:


o Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong
nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali
ayon sa pamantayang itinakda nglipunan.
o Sa madaling sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan
ayon na rin sa kaantasan nito.
PANUNURING PAMPANITIKAN

SIKOLOHIKAL /
SAYKOLOHIKA
L
PANUNURING PAMPANITIKAN

3. Sikolohikal / Saykolohikal
o May dahilan ang bawat kilos o gawi, may
pinagmulan ang bawat bagay o pangyayari.
o Sinasabing walang katapusan ang diwa at espiritu
ng tao na makalaya sa kinabibilangang daigdig.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Layunin ng Sikolohikal / Saykolohikal:


o Ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita
ng mga salik (factor) sa pagbuo ng naturang
behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw,
pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang akda.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Istilo ng Sikolohikal / Saykolohikal:


o Makikita ang takbo ng isip ng may katha, antas
ng buhay, paninindigan, pinaniniwalaan,
pinahahalagahan at mga tumatakbo sa isipan at
kamalayan sa may akda.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Sa pagsusuri ng akdang Sikolohikal /


Saykolohikal:
o Sa pagsusuring sikolohikal, inaalam ang mga
nagaganap sa mga antas ng kamalayan ng isang
tao na batayan ng kanyang pag-iisip at pagkilos.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Sa pagsusuri ng akdang Sikolohikal / Saykolohikal:


o Ang mga panlabas na katangian ng karakter ay sinusuri
ayon sa mga panloob na sanhi.
o Ipinaliliwanag ang mga nangyayari sa tauhan na ipinakita
sa kanyang paraan ng pagsasalita, daloy ng pag-iisip at
kilos na may sinasagisag.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Sa pagsusuri ng akdang Sikolohikal /


Saykolohikal:
o Sinusuri nito ang mga proseso at pangyayari na
nagsasaad ng personalidad ng mga taong sangkot.
Tinatawag ito na “id,” “ego,” at “super ego.”
PANUNURING PAMPANITIKAN

Sa pagsusuri ng akdang Sikolohikal / Saykolohikal:


o Ang “id” ay yaong mga natural o instinctive na reaksyon ng tao batay sa
kung ano ang masarap o masakit sa pakiramdam (pleasure-pain principle).
o Ang “superego” (morality principle) naman ang tumatayong konsensya ng
tao.
o Ang “ego” (reality principle) ang siyang nag-uugnay at naninimbang sa ‘id’
at ‘superego.’
PANUNURING PAMPANITIKAN

SOSYOLOHIKAL
PANUNURING PAMPANITIKAN

4. Sosyolohikal
o Ang akda ay hindi nagmula sa kawalan. Ang mga pananaw at
saloobin ng mga karakter ay hinubog ng mga pangyayari.
o Ang panitikan ay may mabuti at kapakinabangang dulot sa
lipunan at ang lipunan ay kailangang tumugon sa mga sitwasyon
o kalagayang inihihingi ng pagbabago upang maiangat ang tao.
PANUNURING PAMPANITIKAN

4. Sosyolohikal
o Salamin ng kaligiran ng isang tiyak na pook, kultura,
tradisyon, kaugalian at paraan ng pamumuhay. Dito
naniniwala ang kritiko na ang panitikan ay hindi
humihiwalay sa lipunan.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Layunin ng Sosyolohikal:
o Ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng
lipunang kinabibilangan ng may-akda.
o Ipakita ang mga kaganapan sa isang lipunan at ang dulot
nito sa mga tao.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Istilo ng Sikolohikal / Saykolohikal:


o Ipinapahayag ng akda ang mga saloobin, mithiin at pangarap na hango sa
galaw ng panahon.
o Naniniwala ang mga tagapagtaguyod nito na ang manunulat ay produkto
ng kanyang panahon, lugar, mga kaganapan, kultura,at institusyon sa
kanyang kapaligiran kung saan itinuturing sila bilang boses ng kanyang
panahon dahil dito, ipinalalagay na ang akdang kanilang nilikha ay
repleksyon o salamin ng mga nagaganap sa lipunang kanyang kinalalagyan.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Sa pagsusuri ng akdang Sosyolohikal:


o Ang akda ay sinusuri sa konteksto ng iba’t ibang institusyon
sa lipunan at ang kaugnayan nito sa indibidwal.
o Sinusuri rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa
suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa
mga mambabasa sa magpuksa sa mga katulad na suliranin.
PANUNURING PAMPANITIKAN

BAYOGRAPIKAL
PANUNURING PAMPANITIKAN

5. Bayograpikal
o Tumutukoy sa karanasan ng may-akda sa kanyang sinulat na akda.

o Ang teoryang ito ay tumutukoy sa background ng may akda sa


kanyang sinulat na akda, makababasa tayo ng ilang mga
pangyayaring nangyari sa tunay na buhay ng may-akda upang
masmapaganda pa nito ang paghubog sa kanyang sinulat na akda.
PANUNURING PAMPANITIKAN

5. Bayograpikal
o Ang teoryang ito ay patungkol sa may-akda ng mga
akdang pampanitikan, siya ang nagsusulat o sumusulat ng
mga akdang pampanitikan na ating nababasa
magpasahanggang ngayon.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Layunin ng Bayograpikal:
o Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o
kasagsagan sa buhay ng may akda.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Istilo ng Bayograpikal:
o Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga
bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang
pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat
ng mga “pinaka” na inaasahang magsilbing katuwang ng
mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Istilo ng Bayograpikal:
o Naniniwala ang mga biyograpikalista na ang manunulat
ay nagsusulat ng mga bagay na personal niyang
nararanasan at nakikita sa kanyang paligid.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Istilo ng Bayograpikal:
o Kung gayon, ang mga isinusulat niyang mga akda ay mga
hibo o impluwensiya ng mga karanasan at nangyari sa
buhay. Ito'y namayagpag sa kasalukuyan.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Istilo ng Bayograpikal:
o Makababasa tayo ng ilang mga pangyayaring nangyari sa
tunay na buhay na may-akda upang mas mapaganda pa
nito ang paghubog sa kanyang sinulat at akda.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Istilo ng Bayograpikal:
o Kakikitaan din ito ng pilosopiya ng may akda sa dahilang
kababasahan ito ng kanyang pananaw. Patungkol ito sa
mga bagay na nais niyang ihatid sa mga mambabasa.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Sa pagsusuri ng akdang Bayograpikal:


o Ang tanging tugon ng pagsusuri ay akda mismo na siyang
binabasa at sinusuri kung kaya’t kailanman ay hindi ito
ipinapalit sa buhay ng makata o manunulat.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Sa pagsusuri ng akdang Bayograpikal:


o Ang kahinaan at kapintasan ng may-akda sa kanyang
akda ay hindi dapat maging kapasyahan ng sinumang
bumabasa ng akda.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Sa pagsusuri ng akdang Bayograpikal:


o Upang mas maging epektibo ang pagsusuri sa akdang
bayograpikal, bigyang-pansin ang talambuhay ng may-
akda – ang kanyang pinagmulan, mga karanasan,
lipunang kanyang kinabibilangan, mga suliranin at
tagumpay sa buhay.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Sa pagsusuri ng akdang Bayograpikal:


o Iugnay ang iyong mga nasaliksik sa buhay ng may-akda
sa kanyang katha at suriin ang pagkakabuo, damdamin at
istilo nito.
PANUNURING PAMPANITIKAN

HISTORIKAL
PANUNURING PAMPANITIKAN

6. Historikal
o Kakikitaan ang mga akda ng mga pagbabago sa paggamit ng
mga salitang naaayon sa panahon at sa kultura na may
kinalaman sa mga pagbabagong nagaganap sa ating bayan,
kasama rito ang mga pagbabagong nagaganap sa ating
lipunan, ekonomiya, edukasyon, agrikultura at higit sa lahat
ang ating pananampalataya
PANUNURING PAMPANITIKAN

5. Historikal
o Kumikilala sa gampanin ng isang institusyon, may
malaking papel na ginagampanan ang institusyon sa
pagbubukas ng daan sa uri ng panitikang dapat sulatin ng
may-akda.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Layunin ng Historikal:
o Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng
isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan at
bahagi ng kanyang pagkahubog.
o Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng
buhay ng tao at ng mundo.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Sa pagsusuri ng akdang Historikal:


o Ang akdang susuriin ay dapat na maging epekto ng
kasaysayan na maipaliliwanag sa pamamagitan ng
pagbabalik-alaala sa panahong kinasangkutan ng pag-
aaral.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Sa pagsusuri ng akdang Historikal:


o Pinapayuhan na magkaroon din ng sariling pananaliksik
hinggil sa panahong kinabibilangan ng may-akda upang
mas maging mahusay ang gagawing pagsusuri.
SANGGUNIAN:

https://www.academia.edu/9328510/Teoryang_Pampanitikan

https://www.academia.edu/38423109/Mga_Teoryang_Pampanitikan

https://melodymular.wordpress.com/2011/06/12/mga-teoryang-pampanitikan-at-mga-uri-
nito/

https://www.scribd.com/document/353131505/Mga-Teoryang-Pampanitikan-at-Mga-Uri-
Sa-Pagdulog

You might also like