You are on page 1of 2

5“Pag-aklas, Pagbaklas, Pagbagtas: Politikal na Kritisismong Pampanitikan”

by Rolando B. Tolentino, Jake Carreon (Photographer)

Politikal na pagbasa ang asinta ng libro ng pampanitikang kritisismong ito. Politikal bilang pagkilala
sa substansyang nakahihigit na kodeterminasyon at korelasyon sa loob at labas ng panunuring
pampanitikan at panlipunan. Na sa una't huling usapin, tumataya ang kritiko sa binabasa at pinag-
aaralang akdang pampanitikan, at ang pagtatayang ito ang nakakapagkawing sa kanyang posisyon sa
binabasa at panitikan, sa mga pwersang historikal, panlipunan, at modernismo.

Sa mga kabanata sa libro, tatlong hakbang ang isinasaad: pag-aklas bilang impetus sa panunuring
historikal at panlipunan na susing kawing ang panitikan; pagbaklas bilang pagbuwag sa naunang
formalistiko at makasentrong-sining na panunuring pampanitikan; at pagbagtas bilang
mapagpalayang pagdalumat sa panitikang pangunahing nagsasaalang-alang ng makauring panunuri.

Kaya matutunghayan sa mga kabanata ang ideolohikal na pagbasang nagkakawing kina Fidel Ramos,
Joseph Estrada, Gloria Macapagal-Arroyo, at ang susunod na pambansang administrasyon sa isang
banda, at sa Makabayan Curriculum, Enchanted Kingdom, politikal na pagpaslang at aktibismo sa
kabilang banda bilang ispesipikong sityo ng panlipunan, pangkasaysayan, at nag-aastang modernong
pag-aakda, pagbabasa, at pag-aaral ng panitikan.

16Ang Pakikipagkapwa: Pilipinong Lapit Sa Pananaliksik

Roberto E. Javier Jr.

Discipline: Psychology

Abstract:

Naging usapin noong dekada 60 hanggang 70 ang mga pagsusumikap ng mga agham panlipunan sa
pagpapabuti sa kalagayan ng mga kalahok sa pananaliksik. Sinikap ng mga siyentista sa larangan ng
sikolohiya na mapahusay nita ang metodolohiya sa risirts upang maiwasan ang mga maaaring
makapinsalang mga pangyayari dulot ng kalikasan ng tao, habang ang isang eksperimento ay
isinasagawa, sa loob ng laboratoryo o sa labas man sa larangan. Gayunpaman, hindi lubusang naiaalis
nito ang suliraning kaakibat na ng kalikasan ng tao.

Noon pa man ay kinikilala na ng mga sikolohistang mananaliksik ang mga pangyayaring posibleng
nakakaapekto sa nagiging resulta ng pag-aaral. Hindi nagbulagbulagan ang mga dalubhasa bagkus ay
hinarap ang mga hamon ng pananaliksik sa sikolohiya ng tao. Naghalinhinan ang mga kritiko sa
pagtuligsa sa sistematikong pamamaraan ng sikolohiya. Tinumbasan naman ito ng pagsusumikap ng mga
sikolohista upang lalong mapaunlad ang metodolohiya ng risirts na nauukol sa behebyur at prosesong
pangkaisipan ng tao. Hindi nga nagpabaya ang mga nagsusulong ng agham ng sikolohiya at hindi nito
nilubayan ang mga pagpapahusay sa kanyang kakayahang maipaliwanag at maunawaan ang ikinikilos at
iniisip ng tao sa kabila ng mga pagbatikos sa ginagamit nitong pamamaraan ng pag-aaral sa sikolohiya ng
tao.

You might also like