You are on page 1of 4

Mga Dulog sa Pagsusuring Pampanitikan

Bayograpikal

Kung may unang dapat mabatid ang isang mambabasa ng panitikan, ito ang buhay ng may-akda. Hindi sapat na
mabatid ng mambabasa ang pangalan at talaan ng mga akdang naisulat ng may-akda, manapa'y higit na mahahalagang
matuklasan at maunawaan ang katauhan o personalidad nito. Napakahalaga ng pagbabahagi ng kamalayan ng
manunulat sa mga mambabasa upang lalong matugunan ang maraming katanungang taglay ng isang akda, na tanging
ang may-akda lamang ang makasasagot. Ang sabi nga nina Ramos at Mendiola (1994):

Sa paggamit ng pantalambuhay na kritisismo, matutuklasan pa rin ang iba pang


impluwensiyang makatutulong sa sining ng manunulat ang mga pilosopiyang kaakbay sa kanyang
panahon, ang mga aklat o mga akda na kanyang binasa, ang iba pang tao na nagsilbing gabay o
nagmulat sa kanyang magsulat."

Sa paggamit ng dulog bayograpikal, kinakailangang bigyang-pansin ng mag-aral o mananaliksik ang ilang


kondisyong nito:

Una, ang binabasa at sinusuri ay ang akda at ito'y hindi dapat ipagpalit sa pagtalakay sa buhay ng makata o
manunulat.

Ikalawa, sa teoryang bayograpikal, ang pagpapasiya sa binasang akda ay hindi kapintasan o kahinaan ng may-
akda. Kung naging mapangahas man ang may-akda sa paglalantad ng ilang bahagi ng kanyang buhay, isipin na lamang
na ang mga ito'y makapagdaragdag sa ikaaangat ng kasiningan ng akda.

Historikal

Sinasaklaw ng teoryang historikal ang pagsusuri ng teksto na nakabatay sa mga aspektong nagpapalutang sa
isang akda: talambuhay ng may-akda, ang sitwasyong politikal na nakapaloob sa akda, at ang tradisyon at kombensyong
nagpapalutang sa akda. Napakahalagang matuklasan sa dulog na ito ang puwersang pangkapaligiran at panlipunan na
may malaking impluwensiya sa buhay ng manunulat.

Sa dulog na historikal, may mahalagang papel na ginagampanan ang institusyon sa pagbibigay-daan sa uri ng
panitikang susulatin ng may-akda kung kaya't ang pagsusuri ay nakatuon sa puwersa o lakas sa paraan at istruktura ng
institusyon.

Klasismo

Naiiba, natatangi at may sariling pananaw sa daigdig at sa sining ang dulog na klasismo. Umusbong at
lumaganap sa Grecia bago pa man isinilang si Kristo, higit na nakilala ang dulog na ito dahil sa mga uri ng dulang
itinanghal sa panahong iyon: trahedya at komedya. Nagsimula ring sumigla ang kasaysayan, pilosopiya, tula at retorika.
Nang sumapit naman ang Gintong Panahon noong taong 80 B.C., nabigyan ng mataas na pagpapahalaga ang panulaan
na kinabibilangan ng epiko, satiriko at mga tulang liriko at pastoral.

Nang sumibol ang Panahon ng Pilak ay nagbagong hugis ang panitikan dahil umusbong ang hindi lamang ang
prosa at bagong komedya kundi pati na ang talambuhay, liham, gramatika, pamumuna at panunuring pampanitikan.

Pinaniniwalaan dulog na ito na dahil walang katapusan ang diwa at espiritu ng tao kung kaya't ibig nitong
makalaya sa kinabibilangang daigdig. Ipinahahayag ng tao kahit hinahangad niya ang kanyang kalayaan, naniniwala
siyang hindi si maihihiwalay sa daigdig nang walang pagbabagong magaganap sa kanyan kalikasan. Pinaniniwalaan ng
dulog na klasismo na kahit ang diwa ng t ay nakabatay sa bagay, ang pisikal na bagay at espiritu ay dapat isabuhay at
dakilain. Dahil Ipaliwanag ang nais kinikilala ng mga klasista ang daigdig ng espiritu, ipakahulugan ng talataang ito.
mahalaga para sa kanila na mabigyan ng bagong hugis ang espiritu. Mahalaga ring maisabuhay ang isang dakilang
kaisipan sa isang dakilang katawan.

Sa paggamit ng wika, matipid sa salita ang klasismo. Bukod sa main sa pagsasalita at pagpapahayag ng
damdamin, hindi angkop sa mga klasista  ang paggamit ng mga salitang balbal o iyong mga nagpapahayag ng labis na
emosyon.

Ang ilan sa mga katangian ng mga akdang klasiko ay ang sumusunod: (1) pagkamalinaw, (2) pagkamarangal, (3)
pagkapayak, (4) pagkamatimpi (5) pagkaobhetibo, (6) pagkakasunud-sunod at (7) pagkakaroon ng hangganan.
Humanismo

Hanggang ngayon ay nagtataka ang ilan sa mga kritiko sa pagkakasilang ng Renacimiento (Renaissance) o
Muling Pagsilang sa Italya dahil wala naman daw malaking pagbabagong naganap kung ang pag-uusapan ay ang
kabihasnan. Ang tanging naganap ay ang pagsulpot ng bour geois o ang panggitnang uri ng sining. Ipinalalagay ng mga
nakararami na ang dapat itawag sa panahong ito ay transisyon sa pagsulong ng daigdig tungo sa makabagong panahon.

Ang humanismo ay sumibol sa panahon ng Muling Pagsilang. Ang pokus sa dulog na ito ay ang tao, at ang taong
nakatuntong ng pag-aaral at kinilala ng kultura ay maituturing na sibilisado. Ang humuhubog at lumilinang sa tao ay
tinatawag namang humanismo.

Naniniwala ang mga humanista na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay kung kaya't mahalagang
maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin at kalayaan sa pagpapasya. Gaya ng ipinahayag ni
Protagoras (Villafuerte, 1988):

"Ang panitikan ng mga humanista ay nakasulat sa wikang angkop na angkop sa akdang


susulatin... Ito'y nagtataglay ng magkakaugnay at nagkakaisang balangkas, may buong kaisipan,
nakaaaliw at nagpapahalaga sa katotohanan."

Romantisismo

Natuklasang ang romantisismo ay umusbong sa Europa noong ikalawang hati ng ikalabing-walong dantaon, na
ipinalalagay ng maraming kritiko na kabaligtaran ng klasismo. Ito'y itinuring na isang kilusang sumabay sa paglaganap ng
agham at pilosopiya sa daigdig.

Dalawa ang uri ng romantisismo: romantisismong tradisyunal at romantisismong rebolusyonaryo. Ang una'y di
dumadakila sa halagang pantao samantalang ang huli'y lumulutang ang pagkamasariling karakter ng isang tauhan.

Romantiko ang itinawag sa pamaraan ng pagsulat ng mga akdang pampanitikan sa Panahon ng Romantisismo
dahil ang mga sanaysay, tula at maikling kuwento na naisulat nang panahong iyon ay may pagka romantiko ang paksa,
tema at istilo. Naniniwala ang mga romantisista sa lipunan na makatao, demokratiko at patuloy sa pag-unlad.

Inspirasyon ang tanging kasangkapan ng mga romantisista para mabatid ang nakakubling katotohanan,
kabutihan at kagandahan. Pinaniniwalaan din nilang inspirasyon af imahinasyon ang tanging bumubuo sa pagiging totoo
at maganda ng isang akda. Sa pamamagitan nito, nabubuhay nang akda sapagkat nabibigyan ng bagong sigla ang mga
mambabasa sa akdang pinagtutuunan nila ng pansin.

Realismo

Katotohanan kaysa kagandahan. Ito ang ipinaglalaban ng dulog na realismo. Sinumang tao, anumang bagay at
lipunan, ayon sa mga realista ay dapat maging makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad.

Sa mga realista, higit nilang kinikilingan ang uri ng paksa ng isang akda kaysa paraan ng paglalahad nito. Dahil
dito, hindi katakataka kung ang maging paksa ng mga akdang makatotohanan ay nakapokus sa paksang sosyo-politikal,
kalayaan at katarungan para sa mga naaapi. Hindi rin katakataka kung ang paksang malaganap sa mga akdang
nagpapakita ng realismo ay nauukol sa kahirapan, kamangmangan, karahasan, krimen, bisyo, katiwalian, kawalan ng
katarungan, prostitusyon atbp.

May mga simulain o prinsipyong nais ipahatid sa tao ng mga realista.

1. Walang hangganan ang pagbabago.


2. Katotohanan ang una't huling hantungan ninuman.
3. Hindi magaganap ang palsipikasyon ng tao sa realidad ng lipunan.
4. Pagtatala ng iba't ibang mukha ang buhay.

Formalismo

Kung paanong naging tanyag sa panunuring pampanitikan ang dulog formalismo ay dahil na rin sa dami ng mga
pagsusuring ginamitan ng ganitong pagdulog. Maraming mananaliksik at kritiko ang nakatuklas sa pinag-ugatan ng
teoryang ito, kabilang ang mga isinulat ni Coleridge na itinuturing niyang "buhay" dahil sa kaisahang nakapaloob dito.
Ang pagtuklas at pagpapaliwanag sa anyo ng akda ang tanging layunin ng pagsusuring formalistiko. Hindi
binibigyang diin sa teoryang ito ang buhay ng may-akda, hindi nakapaloob ang kasaysayan at lalong walang mababanaag
na implikasyong sosyolohikal, politikal, sikolohikal at ekonomikal. Samakatuwid, ang pisikal na katangian ng akda ang
pinakaubod ng pagdulog na ito.

Ang tunguhin ng dulog na ito ay matukoy ang (1) nilalaman, (2) kaanyuan o kayarian at (3) paraan ng
pagkakasulat ng akda.

Kaugnay nito, napakahalaga ang teksto sa paggamit ng dulog na formalismo. Katunayan, kailangang masuri ang
tema o paksa ng akda, ang sensibilidad ng mga tauhan at pag-uugnayan ng mga salita, istruktura ng wika, metapora,
imahen at iba pang elemento ng akda.

Siko-Analitiko

May malaking impluwensiya ang pahayag ni Freud na "tanging ang ekonomiya lamang ang motibo ng lipunan" sa
dulog siko-analitiko. Ang pahayag na ito ay may kinalaman sa paniniwalang naghahanap-buhay tayo para lamang lasapin
ang sarap ng buhay at nagkaroon lamang ng kaganapan ang pagiging isang tao bunga ng kanyang kamalayan sa mga
nagaganap sa kanyang buhay.

Eksistensyalismo

Sa huling bahagi ng ikalawang dekada ng nakaraang dantaon sumilang ang dulog na eksistensyalismo. Ang ilang
kritiko ay nagpapalagay na isa lamang paniniwala ang dulog na ito.

Kalayaan at awtentiko ang tanging kinikilala ng dulog na eksistensyalismo. Sa pananaw na ito, kitang-kita ng tao
ang proseso ng pagiging tao upang mabuhay.

Walang tiyak na simulain ang eksistensyalismo. Maihahambing ang dulog na ito sa romantisismo dahil sa mahilig
sa paghanap ng tunay na paraan ng pagpapahayag o ekspresyon. Maihahambing din ito sa modernismo dahil nagpipilit
itong magwasak o magpawalang-halaga sa kasaysayan.

Feminismo

Lumitaw ang feminismo dahil na rin sa paniniwala ng karamihan na ang panitikan ay nasa kamay lamang ng mga
lalaking manunulat. Bukod dito, ang mga babae sa panitikan ay inilalarawan ng ilang manunulat na lalaki bilang mahina;
marupok, tatanga-tanga, sunud-sunuran. maramdamin, emosyonal, pantahanan, at masama. Kitang-kita sa mga akda ng
mga lalaking manunulat ang paglaganap ng opresyon sa kababaihan.

Pinaniniwalaan sa dulog na ito ang sistemang pangkababaihan bilang mga inidibidwal na di-kapantay ng
kalalakihan gaya nang nais patunayan sa kilusang itinatag ni Simone de Beauviour na sinusugan naman ni Virginia
Woolf.

Sa ating bansa, ang mga kinikilalang manunulat na feminista tulad nina Genoveva Edroza-Matute, Lualhati
Bautista, Ruth Elynia Mabanglo, Lilia Quindoza Santiago, Joice Barrios at iba pa, ay tunay na nangahas na
magpalaganap ng kaisipan ng mga manunulat na babae na nagnanais na palayain ang diwa at damdaming nagpupuyos
sa pamamagitan ng mga akdang pampanitikan. Sila ang mga feministang manunulat na nagtatampok ng kanilang mga
akda tulad ng pagtatampok ng mga akdang isinulat ng mga kalalakihan.

Imahismo

Ito ang dulog na lumaganap sa mga panulaan sa Great Britain at North America sa pagitan ng mga taong 1909 at
1918. Ayon kay T. E. Hulme, ang tula ay kailangang magbawas ng mga di kailangang mga salita at sa halip ay ilarawan
ang paksa o diwa ng tula sa pamamagitan ng mga imahen. Layunin ng dulog imahismo na mailarawan nang ganap ang
isang paksa, mailahad nang walang pagkiling at malayang makapamili ng mga larawang maikikintal sa isip ng
nagbabasa. Ang mga natural na bagay sa paligid ay siyang pinakamabisang gamiting simbolo para sa dulog na ito.

Naturalismo
Halos nakakatulad din ito ng dulog realismo sapagkat ang dulog naturalismo ay nakatuon sa mga bagay na may
kaugnayan sa likas na kapaligiran. Sa pamamagitan ng dulog na ito, inilalahad ang mga bagay bagay na may kaugnayan
sa doktrina o pilosopiya tungkol sa biyolohikal at sosyal na katangian ng kapaligiran upang makapamili ng paraan ng
pamumuhay ang tao at magkaroon ng malayang pagpapasya.

Arketipal

Ibinatay ang dulog arketipal sa sikolohiya ni Carl Jung na naniniwala na mayroong dalawang antas ang ating
kamalayan: ang personal na nagtatago ng mga alaala ng nakaraang pangyayari sa buhay at ang arketipal na nag-iingat
naman ng mga pinagsama-samang alaala na nakapaloob sa mga imahe at iba pang mga simbolismo. Kumukuha
karaniwan ng mga simbolismo o imahe sa mga kwentong hango sa mitolohiya, epiko, o maging sa Bibliya.

Sa dulog na ito, sinusuri ang paggamit ng mga simbolismo upang maipahayag ang mga kaisipan na may
kaugnayan sa naging karanasan ng mga tauhan sa isang akda. Karaniwan ng nababasa natin ang mga kinakatawan ng
mga simbolong tulad ng kalapati, tanikala, timbangan, kandila, sulo at iba pa.

Sosyolohikal

Binibigyang tuon sa pagsusuri ng dulog sosyolohikal ang kalagayan ng mga panlipunang institusyon gaya ng
pamahalaan, pamilya, paaralan at iba pang mga nasasangkot sa lipunan. Sinasaklaw ang internal at external na
pagsusuri ng akdang binabasa na may partikular na katangiang humubog sa pagkatao.

Simbolismo

Ang paggamit ng simbolo sa pagsusuri ng mga akdang pampanitikan ay kakikitaan ng paglalahad ng mga bagay,
damdamin at kaisipan sa pamamagitan ng mga sagisag. Ang mga sagisag ay maaaring katawanin ng mga bagay, kilos,
pananamit at pangaalang ginamit ng may akda. Karaniwang angkop na gamitin ang ganiting pananalig sa mga akdang
nagpapakita ng kahiwagaan at mga kaisipang pumapaksa sa metapisika.p

Modernismo

Ito ang teorya o pananalig na nagbibigay – diin sa pagbabago kung kaya ipinapakita ang paghihimagsik sa isang
tradisyon, pananampalataya, kaugaliaan at paniniwala.

Teoryang Queer

Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan sa mga homosexual. Kung ang mga
babae ay may feminismo ang mga homosexual naman ay queer.

Teoryang Dekonstruksyon

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo. Pinaniniwalaan kasi ng
ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw ang nag-udyok sa may-akda na sumulat kundi ang
pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng pagtao at mundo.

You might also like