You are on page 1of 2

Hazel Rose L.

Bautista BSIT 2-3


Gng. Rosan Gomez de Vera FILIPINO

Pagbaklas/Pagbagtas
ROLANDO TOLENTINO

I. INTRODUKSYON
Ang akdang “Pag-aklas, Pagbaklas, at Pagbagtas: Politikal na Kritisismong
Pampanitikan (2009)” ay librong lathala ni Rolando Tolentino na may politikal na asinta
lalo na sa mga isyu sa lipunan. Sa librong ito, sa mga kabanata nito, tatlong hakbang
ang isinasaad: pag-aklas bilang impetus sa panunuring historical at panlipunan na
susing kawing ang panitikan; pagbaklas bilang pagbuwas sa naunang formalistiko at
makasentrong-sining na panunuring pampanitikan; at pagbagtas bilang mapaglayang
pagdalumat sa panitikang pangunahing pagsasaalang-alang ng makauring panunuri.

II. BUOD
Pagbaklas. Mula sa literal na kahulugan nito na pagtanggal at paghiwalayin, makikitang
nagpapakiwari rin ang kahulugan at gamit nito bilang hakbang sa kritisismong
pampanitikan.

- Ayon kay Tolentino, ang pagbaklas ay ang pagbuwag sa naunang formalistiko at


makasentrong-sining na panunuring pampanitikan. Ito ay nagnanais na
mabuwag ang nakasanayan o tradisyon at naglalayong magbigay o maghanap
ng pagbabago.
- Ang pagbaklas ay pag alis sa nakasanayan, ang paghahanap ng pagbabago sa
paulit ulit na sistema.
- Sa naunang hakbang ng pag-aklas ay ang pagsunod ng pagbaklas na siyang
sumusuporta rin sa pagsalungat sa nakasanayan o sa isang tradisyon at
paghahanap ng pagbabago sa paligid.
- Sa pagsusulat ng hakbang na pagbaklas, nararapat lamang na mailahad ang
mga ideolohiya, datos, punto at pangangatwiran sa maayos at akademikong
paraan.
- Mahalagang maipahayag ang punto o ang ipinaglalaban kasabay ng rasyonal at
radikal na pangangatwiran sa masusing pagbaklas.
Ang pagbaklas ay isang panitikan na mapag-agresibo upang
kuwestiyonin, suriin ang mga kapangyarihan na nagdudulot ng kapahamakan at
karahasan sa lipunan. Ito ay naglalayong sumalungat sa nakasayang
pananahimik, pakikinig, at pagsunod ng walang pagaalinlangan. Marapat lamang
na buwagin o baklasin ang mga ganitong gawain at bumuo ng bagong magiging
kasanayan na mas nakapapabuti at mas karapat-dapat.

Pagbagtas. Ang pagbagtas ay paghahanap ng alternatibo at kakaibang daang


maaaring tahakin tungo sa pagbuo ng rebolusyong pananaw.

- Ang pananaw na mapag-arogante at sa proseso ay makakapagbalikwas sa


namamayaning kaayusan.
- Binabagtas ng rebolusyong pananaw ang marahas at di makatarungang
kasalukuyan at ang inaasam na mapagpalayang hinaharap.
- Ito ang transpormasyon ng namamayani tungo sa demokratiko, makatarungan at
mapagpalayang hinaharap.
- Ang pagsusuri at kritisismong pampanitikan ay emblamatikong paghahayag ng
pagsusuri at kritisismong panlipunan at historikal.

III. KONKLUSYON
Hindi rin masama ang pagiging iba, maaaring dahil dito, magkakaroon ang
tao ng ibang pananaw na magiging daan upang makita ang kabilang bahagi ng
lipunan. Sa paraang ito, maaari niyang makita ang ibang hindi maganda at kaaya-
ayang sistema na sa paglipas ng panahon ay nakasanayan na at naging kultura
kung kaya nagiging tama sa mata ng karamihan.
Politikal na pagbasa ang asinta ng libro ng pampanitikang kritisismong ito.
Politikal bilang pagkilala sa sustansyang nakahihigit na kodeterminasyon at
korelasyon sa loob at labas ng panunuring pampanitikan at panlipunan. Nasa una’t
huling usapin, tumataya ang kritiko sa binabasa at pinag-aaralang akdang
pampanitikan, at ang pagtatayang ito ang nakakapag kawing sa kanyang posiyon sa
binabasa at panitikan, sa mga pwersang historikal, panlipunan, at modernismo.

You might also like