You are on page 1of 19

Panunuring pampanitikan

PANUNURING PAMPANITIKAN

Narito ang pagkasunod-sunod ng bawat paksa.


– Kahulugan ng Pagdulog o Pananaw
– Layunin nito
– Istilo nito
– Pamamaraan ng pagsusuri sa akdang pampanitikan
PANUNURING PAMPANITIKAN

FORMALISTIKO/
FORMALISMO
O PANG-ANYO
PANUNURING PAMPANITIKAN

1. Formalistiko o Pang-anyo
o Ang Teoryang Formalistiko o Formalismo ay isinilang
noong 1910 at yumabong noong dekada 50 at 60.
o Ang teoryang ito ay may pananaw na ang akda o teksto
ay dapat suriin at pahalagahan kung ibig talagang
masukat ang kagandahan ng akda.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Layunin ng Formalistiko:
o Iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit
ang kanyang tuwirang panitikan; kung ano ang sinasabi
ng may-akda sa kanyang panitikan ang siyang nais
niyang ipaabot sa mambabasa – walang labis at walang
kulang.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Istilo ng Formalistiko:
o Dito inilalabas ng manunulat ang pagiging masining sa
paglikha ng akda.
o Tinitingnan nito ang panitikan bilang isang likhang-
sining na mayroong organic unity o isang kabuuang may
kaisahan.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Sa pagsusuri ng Formalistikong akda:


o Sa pananaw na ito ay hindi lamang mahalaga ang
pagbabalangkas kundi ang pagsusuri na ring ginamit.
o Sa pagtalakay ng akda, dapat ang mailantad lahat ng
mahahalagang bagay mula sa simula patungo sa iba’t-
ibang elementong magkakaugnay hanggang sa
katapusan.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Sa pagsusuri ng Formalistikong akda:


o Dapat makita kung may ironi o paradoks o may kalabuan
o may iba pang elemento sa akda. Kung makikita ang mga
elementong ito, masasabing mahusay ang akda.
o Binibigyang atensiyon din ang salita o vokabularyo at ang
kaibahan ng mga salitang pampanitikan sa pang araw-
araw na salita.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Sa pagsusuri ng Formalistikong akda:


o Kailangang masuri sa akda ang tema o paksa ng akda,
ang sensibilidad at paguugnayan ng mga salita,
istruktura ng wika, metapora, imahen, at iba pang
elemento ng akda.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Sa pagsusuri ng Formalistikong akda:


o Ang tunguhin ng pananaw na ito ay matukoy ang
sumusunod:
- Nilalaman
- Kaanyuan o kayarian
- Paraan ng pagkakasulat ng akda
PANUNURING PAMPANITIKAN

MORALISTIKO
PANUNURING PAMPANITIKAN

2. Moralistiko
o Itinuturing ang isang akdang pampanitikan bilang
bukal ng mga kaisipang batayan ng wastong
pamumuhay at pakikipagkapwa.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Layunin ng Moralistiko:
o Ang mga ideya ay tumutulong sa pagkilala sa mga
bagay na tinatanggap sa lipunan- kung ano ang tama at
mali, ang mabuti at masama.
o Ang akda ay kapupulutan ng mga aral at pagwawasto sa
mga maling landasin sa buhay.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Layunin ng Moralistiko:
o Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang ibat ibang
pamantayang sumusukat sa moralidad ng isangtao ! ang
pamantayan ng tama at mali.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Istilo ng Moralistiko:
o Inilalarawan sa teksto ang mga paksang
pagtatagumpay ng kabutihan sa kasamaan, pagwawagi
ng katarungan laban sa pang-aapi, pangingibabaw ng
kalinisan ng pagkatao at katatagan sa harap ng mga
pagsubok at kahinaan.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Istilo ng Moralistiko:
o Ang akda ay nagsisilbing batayan ng mga kaisipang
magtuturo sa tamang pagpili at pagbuo ng mga
desisyon sa buhay na ayon sa pamantayang itinakda ng
moralidad.
o Ipinapakita ang pagtutunggali ng lakas ng katwiran at
impluwensya ng mga elementong sumisira sa tao.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Istilo ng Moralistiko:
o Ang impluwensya ng akda ay ipinakikita sa naging pag-
uugali o asal at panuntunan sa buhay na taglay ng
mahahalagang tauhan sa akda. Ang akda ay salamin na
mga kapintasan at kagandahang dapat taglayin ng
pagkatao.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Sa pagsusuri ng Moralistikong akda:


o Ang mga karakter ay sinusuri bilang pagtutol o pagkilala
sa umiiral na pilosopiya sa buhay o sistemang moral sa
lipunan.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Sa pagsusuri ng Moralistikong akda:


o Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong
nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o
ugali ayon sa pamantayang itinakda nglipunan.
o Sa madaling sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan
ayon na rin sa kaantasan nito.

You might also like