You are on page 1of 25

PANUNURING PAMPANITIKAN

SIKOLOHIKAL /
SAYKOLOHIKAL
PANUNURING PAMPANITIKAN

3. Sikolohikal / Saykolohikal
o May dahilan ang bawat kilos o gawi, may pinagmulan
ang bawat bagay o pangyayari.
o Sinasabing walang katapusan ang diwa at espiritu ng
tao na makalaya sa kinabibilangang daigdig.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Layunin ng Sikolohikal / Saykolohikal:


o Ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga
salik (factor) sa pagbuo ng naturang behavior (pag-
uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan
sa kanyang akda.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Istilo ng Sikolohikal / Saykolohikal:


o Makikita ang takbo ng isip ng may katha, antas ng
buhay, paninindigan, pinaniniwalaan, pinahahalagahan at
mga tumatakbo sa isipan at kamalayan sa may akda.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Sa pagsusuri ng akdang Sikolohikal /


Saykolohikal:
o Sa pagsusuring sikolohikal, inaalam ang mga
nagaganap sa mga antas ng kamalayan ng isang tao na
batayan ng kanyang pag-iisip at pagkilos.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Sa pagsusuri ng akdang Sikolohikal / Saykolohikal:


o Ang mga panlabas na katangian ng karakter ay sinusuri
ayon sa mga panloob na sanhi.
o Ipinaliliwanag ang mga nangyayari sa tauhan na ipinakita
sa kanyang paraan ng pagsasalita, daloy ng pag-iisip at
kilos na may sinasagisag.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Sa pagsusuri ng akdang Sikolohikal /


Saykolohikal:
o Sinusuri nito ang mga proseso at pangyayari na
nagsasaad ng personalidad ng mga taong sangkot.
Tinatawag ito na “id,” “ego,” at “super ego.”
PANUNURING PAMPANITIKAN

Sa pagsusuri ng akdang Sikolohikal / Saykolohikal:


o Ang “id” ay yaong mga natural o instinctive na reaksyon ng tao
batay sa kung ano ang masarap o masakit sa pakiramdam (pleasure-
pain principle).
o Ang “superego” (morality principle) naman ang tumatayong
konsensya ng tao.
o Ang “ego” (reality principle) ang siyang nag-uugnay at naninimbang
sa ‘id’ at ‘superego.’
PANUNURING PAMPANITIKAN

SOSYOLOHIKAL
PANUNURING PAMPANITIKAN

4. Sosyolohikal
o Ang akda ay hindi nagmula sa kawalan. Ang mga pananaw
at saloobin ng mga karakter ay hinubog ng mga pangyayari.
o Ang panitikan ay may mabuti at kapakinabangang dulot sa
lipunan at ang lipunan ay kailangang tumugon sa mga
sitwasyon o kalagayang inihihingi ng pagbabago upang
maiangat ang tao.
PANUNURING PAMPANITIKAN

4. Sosyolohikal
o Salamin ng kaligiran ng isang tiyak na pook, kultura,
tradisyon, kaugalian at paraan ng pamumuhay. Dito
naniniwala ang kritiko na ang panitikan ay hindi
humihiwalay sa lipunan.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Layunin ng Sosyolohikal:
o Ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng
lipunang kinabibilangan ng may-akda.
o Ipakita ang mga kaganapan sa isang lipunan at ang
dulot nito sa mga tao.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Istilo ng Sikolohikal / Saykolohikal:


o Ipinapahayag ng akda ang mga saloobin, mithiin at pangarap na hango sa
galaw ng panahon.
o Naniniwala ang mga tagapagtaguyod nito na ang manunulat ay produkto
ng kanyang panahon, lugar, mga kaganapan, kultura,at institusyon sa
kanyang kapaligiran kung saan itinuturing sila bilang boses ng kanyang
panahon dahil dito, ipinalalagay na ang akdang kanilang nilikha ay
repleksyon o salamin ng mga nagaganap sa lipunang kanyang kinalalagyan.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Sa pagsusuri ng akdang Sosyolohikal:


o Ang akda ay sinusuri sa konteksto ng iba’t ibang institusyon sa
lipunan at ang kaugnayan nito sa indibidwal.
o Sinusuri rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa
suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga
mambabasa sa magpuksa sa mga katulad na suliranin.
PANUNURING PAMPANITIKAN

BAYOGRAPIKAL
PANUNURING PAMPANITIKAN

5. Bayograpikal
o Tumutukoy sa karanasan ng may-akda sa kanyang sinulat na
akda.
o Ang teoryang ito ay tumutukoy sa background ng may akda sa
kanyang sinulat na akda, makababasa tayo ng ilang mga
pangyayaring nangyari sa tunay na buhay ng may-akda upang
masmapaganda pa nito ang paghubog sa kanyang sinulat na akda.
PANUNURING PAMPANITIKAN

5. Bayograpikal
o Ang teoryang ito ay patungkol sa may-akda ng mga
akdang pampanitikan, siya ang nagsusulat o sumusulat
ng mga akdang pampanitikan na ating nababasa
magpasahanggang ngayon.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Layunin ng Bayograpikal:
o Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o
kasagsagan sa buhay ng may akda.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Istilo ng Bayograpikal:
o Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga
bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang
pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat
ng mga “pinaka” na inaasahang magsilbing katuwang ng
mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Istilo ng Bayograpikal:
o Naniniwala ang mga biyograpikalista na ang manunulat
ay nagsusulat ng mga bagay na personal niyang
nararanasan at nakikita sa kanyang paligid.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Istilo ng Bayograpikal:
o Kung gayon, ang mga isinusulat niyang mga akda ay
mga hibo o impluwensiya ng mga karanasan at nangyari
sa buhay. Ito'y namayagpag sa kasalukuyan.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Istilo ng Bayograpikal:
o Makababasa tayo ng ilang mga pangyayaring nangyari
sa tunay na buhay na may-akda upang mas mapaganda
pa nito ang paghubog sa kanyang sinulat at akda.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Istilo ng Bayograpikal:
o Kakikitaan din ito ng pilosopiya ng may akda sa dahilang
kababasahan ito ng kanyang pananaw. Patungkol ito sa
mga bagay na nais niyang ihatid sa mga mambabasa.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Sa pagsusuri ng akdang Bayograpikal:


o Ang tanging tugon ng pagsusuri ay akda mismo na
siyang binabasa at sinusuri kung kaya’t kailanman ay
hindi ito ipinapalit sa buhay ng makata o manunulat.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Sa pagsusuri ng akdang Bayograpikal:


o Ang kahinaan at kapintasan ng may-akda sa kanyang
akda ay hindi dapat maging kapasyahan ng sinumang
bumabasa ng akda.

You might also like