You are on page 1of 2

Ang Himagsik ni Amanda Bartolome: Isang Pagbasang Ideolohikal sa DEKADA ‘70

Batayang Konseptuwal

May dalawang uri ng makataong realidad ito ang obhitibo at subhitibo. Ang nasapol na realidad
sa isang dako ay repleksiyon ng obhitibong realidad at sa kabila ay pamuling likha ng dumadalumat batay
sa natutunan o naisaloob na kaparaanan ng pagdalumat. May bagong aspekto ng realidad ang masisiwalat
atmawawatasan. Nakasali sa kanyang pinanghahawakan ideolohiya ang kabuluhan ng kanyang larawan
diwa. Tumatayo itong pagpapatunay o pagpapasubali sa inuurilang panlipunan (social ideal) ng
manunulat. Sining ang tumatayong talinghaga ng realidad. Ito ang makapangharihan at mabisang
kaparaan sa palalarawan sa minamahalagang makataong karanasan.Masusuri ang akdang pampanitikan sa
pamamagitan ng panloob nitong balangkas at ng panlabas nitong kasaysayan. Nakapaloob sa tema ng
akda ang saloobin, mithiin, pagpapakahulugan, pagpapahalaga, at pamantayan sa pagkilos na
hinihawakan ng manunulat. Hindi nakakasiya lamang sa pagtulad ng makataong realidad ang manunulat;
bagkus, magkapanabay niya itong nililinaw, binibiyang- kahulugan at tinatayo ayon sapinanghahawakang
ideolohiya. Ang panitikan ay isang personal na pananaw sa buhay, sarealidad, ang saloobin ng manunulat
sa kanyang paksa o materyal ang nagtatakda sa istilo teknik na gagamitin niya upang ang tunggaliang
ideolohikal sa akda ay malinaw, maipaunawa at maipahayag sa pinakamadula, malikhain at kasiya-siyang
paraan. Nakaugat ang panitikan sa isang tiyak na lipunan, panahon, at kalinangan. Matitingnan ang
pagkapangkasaysayan ng anyo bilang isang tiyak na wika, huwarang pampanitikan, sistemang ideolohikal
ng nilalaman bilang isang tiyak na damdamin at pananaw sa buhay. Mahihinuha sa mga kaisipan,
saloobin at pagpapahalaga sa mga pagpapakatao at pakikipakapwa-tao na itinampok ng manunulat
sakanyang mga akda sa sariling proseso ng sosyalisasyon. Ideolohikal din ang tradisyon/kombinasyon
pampanitikan. Nagsisilbi itong huwaran ng padalumat na nagtatakda at nagsasaayos sa makikita’t
madarama ng manunulat at kung gayon sa kanyang sasabihin.

Pasusuring Ideolohikal sa Dekada ’70.

Nakaugat ang pag-aaral sa paniniwalang pampanitikan naang malikhaing pagsusulat ay isang


pagbubunyag ng sarili ng manunulat yamang siya angkatalinuhang namamahala sa buhay ng manunulat
ang kanyang akda. Ang nobela aymaipapalagay na isang tala ng sariling pababayuhay na ideolohikal ng
nobelistang si LuwalhatiBautista. Sa pamamagitan ng pagsulat masasabing nililikha ng manunulat ang
kanyang sarili atinaasahan ang kanyang lipunan.
Dalumat sa Tao/Sarili: Pagpapakatao

Ang saligang pagpapahalagang iniinugan ng Dekada ’70 ay ang karapatan at pananagutan ng bawat tao
na maisakaganapan ang sarili bilang indibidwal at sosyal na nilalang. Pinakapangunahing krisis na
kinaharap ng pangunahing tauhan, ni Amanda, ang pag-alam sa kung ano’t sino siya bukod sa pagiging
asawa’t ina. (p. 174)

You might also like