You are on page 1of 23

PANUNURING

PAMPANITIKAN
GE-FIL2 Panitikang Panlipunan
Miraflor Margallo, LPT
SIMULAIN
PANUNURING PAMPANITIKAN

1. Ang pagsusuri sa akda ay dapat may uri at


katangian ng katalinuhan, seryoso at marubdob na
damdamin at ng tapat na mithi sa kalayaan.
Ito’y hindi madaling gawain sapagkat kailangang pagbutihin at bigyang seryoso
ang pagsusuri. Nangangailangan ito ng tapat na mithiin at walang bias sa
pagbibigay-puna at pagbibigay-puri. Higit ding kailangan ang malawak na
kaalaman upang hindi puro opinyon ang kalalabasan ng pagsusuri.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Ang pahayag na ito ay nagmula sa tatlong kilalang kritiko nang sila’y


maanyayahang maging punong inampalan sa Timpalak sa Pagsulat
ng Sanaysay-Panunuring Pampanitikan sa Nobela noong 1985:Min.
Edmundo Libd, Dr. Anacleta M. Encarnacion at Dr. Venancio L.
Mendiola. Ganito ang kanilang pahayag matapos piliin ang limang
mahuhusay na lahok mula sa 25 lahok:

Dahil sa malalim na persepsyon at matalinong panunuri (hindi lamang sa masinop na


pananaliksik at malawak na kaalamang iskolar)…
PANUNURING PAMPANITIKAN

2. Sa pagsusuri ng anumang akda ay kailangang


mahusay ang organisasyon o balangkas ng lahok.
Bahagi ito ng disiplina ng pagsusuri.
Ibig sabihin may sinusunod na balangkas ang pagsusuri. Hindi padalos-dalos
at hindi minamadali. Kailangang pag-isipan nang mabuti ang pagbibigay-puna
upang maabot ang layunin at maging obhetibo ang daloy ng pagsusuri.
PANUNURING PAMPANITIKAN

3. Sa pagsusuri ng anumang akda ay dapat maging


maganda ang paksa, may kalinisan ang wika at
organisado ang paglalahad.

Sadyang kailangan ng taong nagsusuri sa isang akdang pampanitikan


ang kaalaman sa panitikan at wikang gagamitin sa pagsusuri.
PANUNURING PAMPANITIKAN

4. Sa pagsusuri ay mahalagang mahagap ng may-akda ang


kanyang piniling paksa, mahusay ang pagtatalakay at
organisasyon ng materyal, malinaw ang balangkas na
kinapapalooban ng malinaw na tesis o argumento na sinundan
ng buong sanaysay, may naidagdag sa kasalukuyang kaalaman
tungkol sa panitikan at mahusay at makinis ang pagkakasulat.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Ang pahayag ay nagmula kina Dr. Soledad S. Reyes,


Dr. Loline M. Antillon at Prop. Tomas O. Ongoco na
naging lupong inampalan sa Timpalak sa Pagsulat ng
Sanaysay-Panunuring Pampanitikan sa Panitikang
Nasusulat sa Katutubong Wika sa Pilipinas.
PANUNURING PAMPANITIKAN

5. Sa pagsusuri ng tula, ang pananarili sa pananagisag sa tula ay


hindi dapat panaigin. Ang katangian ng makasining na tula ay
ang sikad na damdamin at lawak ng pangitain nito.

Ang simulaing ito ay ayon kay Ruben Vega na siya ring


nagsabing ang mahalaga sa tula ay ang lasa at hipo nito at hindi
ang balat ng prutas. Ayon pa sa kanya, ang buhay daw ng sining
ay nasa ubod at laman.
PANUNURING PAMPANITIKAN

6. Ang pamimili ng paksang tutulain ay hindi siyang


mabisang sukatan ng kakayahan ng makata. Sa
halip, ang higit na kailangang pahalagahan at
sukatin upang makagawa ng makatarungang
pagahatol ay kung papaano ang pagkatula.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Ayon kay Pedro L. Ricarte, kung papaanong buhat sa paksang


kinuha sa pagtutulong-tulong ng sensibilidad, kadalubhasaan,
institusyong ang tunay na tula ay kailangang matigib ng
damdamin, kinakailangang managana sa kabuuan nito,
sapagkat kung hindi mapupuno sa damdamin, kailanma’y
hindi maaaring matibag sa mga taludtod nito ang isnag
kagandahan.
PANUNURING PAMPANITIKAN

7. Ang susuriing akda ay kailangang napapanahon,


may matibay na kaisahan, makapangyarihan ang
paggamit ng wika at may malalim na kaalaman sa
teoryang pampanitikan.
PANUNURING PAMPANITIKAN

8. Ang susuriing akda ay kailangang nagpapamalas ng


masinop na pag-uugnay ng mga sangkap ng
pagsulat.
KATANGIAN NG MAHUSAY
NA KRITIKO
PANUNURING PAMPANITIKAN

Ano ba ang mga katangian na dapat


taglayin ng isang mahusay na kritiko?
PANUNURING PAMPANITIKAN

Tulad ng pagiging manunulat ng alinmang akdang


pampanitikan, ang isang kritiko sa panitikan ay dapat ding
magtaglay ng magagandang katangian. Dahil dito,
iminumungkahi ng manunulat ang sumusunod na mga
katangiang dapat taglayin ng isang kritiko:
PANUNURING PAMPANITIKAN

1. Ang kritiko ay matapat sa sarili at itinuturing ang


panunuri ng mga akdang pampanitikan bilang isang
sining.
PANUNURING PAMPANITIKAN

2. Ang kritiko ay handang kilalanin ang sarili bilang


manunuri ng akdang pampanitikan at hindi manunuri
ng lipunan, manunulat, mambabasa o ideolohiya.

Bibigyang-pokus lamang ang akda at hindi ang manunulat o ang lipunang


kanyang ginagawalan.
PANUNURING PAMPANITIKAN

3. Ang kritiko ay laging bukas ang pananaw sa mga


pagbabagong nagaganap sa panitikan.

Nangangailangan ng malawak na kaisipan at pagtanggap sa mga bagong


simulain sa mundo ng panitikan.
PANUNURING PAMPANITIKAN

4. Ang kritiko ay iginagalang ang desisyon ng ibang mga


kritiko na patuloy na sumasandig sa ibang disiplina
gaya ng linggwistika, kasaysayan, sikolohiya, atbp.
PANUNURING PAMPANITIKAN

5. Ang kritiko ay matapat na kumikilala sa akda bilang


isang akdang sumasailalim sa paraan ng pagbuo o
konstruksyon batay sa sinusunod na alituntunin at
batas.
PANUNURING PAMPANITIKAN

5. Ayon kay Alejandro G. Abadilla, kailangan ng isang kritiko ang tigas


ng damdaming naninindigan upang maging tiyak na kapakinabangan
ng panitikan ang kanyang pagmamalasakit, ay ipinakilala ng mga
pangyayari nang mga unang taon ng kanyang pamimili.

Buo ang desisyon at hindi nag-aalinlangan lalo na sa pamumuna at


pagsusuri ng akdang pampanitikan.
SANGGUNIAN:

https://www.slideshare.net/karenmfajardo/kahulugan-at-kahalagahan-ng-panunuring-pa
mpanitikan-katangian-ng-isang-mahusay-na-kritiko?qid=49053508-360e-4a41-a435-7f8
b4943f133&v=&b=&from_search=1

https://
www.academia.edu/9398073/Mga_Katangian_ng_Isang_Mahusay_na_Kritiko_sa_Paniti
kan

You might also like