You are on page 1of 60

TEORYA

Pagsisiyasat Pagsasaliksik

Siyentipiko
Pag-aaral
Ang Teorya ay isang pagaaral o
pagsasaliksik sa isang bagay o
pangyayari. Ginagamitan ito ng
siyantipikong pamamaraan upang
matuklasan pa o masaliksik pa ang isang
bagay o pangyayari.
PANITIKAN
Pagpapahayag
Kaisipan Saloobin

Naisusulat Masining
Ang Panitikan ay pagpapahayag ng
mga kaisipan, damdamin, karanasan at
pangarap ng sangkatauhan na nasusulat sa
isang masining o malikhaing
pamamaraan.
Teorya Panitikan

Pag-aaral
masining
Pagpapa-
Pagsa- hayag
malikhain
saliksik
Teoryang Pampanitikan
 Isang sistema o pormulasyon ng kaisipan
para sa sistematiko at masining na pag-
aaral sa tungkulin at layunin ng panitikan
bilang isang akda.
 Ito ang nagsisilbing daan upang magkaroon
ng ugnayan ang may-akda sa kanyang
mga sinusulat at sa magiging mambabasa
nito.
1.Naturalismo
Likas
isang totoo at tiyak na bahagi
LAYUNIN:
- Maging tapat at walang panghuhusga
- Tanggapin ang katotohanan at matutong
magpatuloy
1. Naturalismo
 Nakatuon ito sa tao bilang isang nilikhang
kumikilos at nag-iisip sa batas ng kanyang
kalikasan
 Naniniwalang walang malayang kagustuhan ang
isang tao dahil ang kanyang buhay ay hinubog
lamang ng kanyang herediti at kalikasan bilang tao.
Halimbawa:
NATURALISMO-TEENAGERS_SHOULD_WATCH
_THIS..mp4
2.Eksistensyalismo
Ang pagkakaroon o ang umiiral /
kalayaan ng tao
- Kalayaan at pagsusuring awtentiko ang binibigyang diin
dito.
- Ang indibidwal ay kailangang magkaroon ng karapatang
tahakin ang landas na gusto niyang puntahan nang hindi
nagpapaimpluwensya at hindi ikinukonsidera ang dikta ng
lipunan sa kung ano ang tama sa mali.
2. Eksistensyalismo
LAYUNIN:
-Ipakita na ang tao ay may kalayaang pumili o
magdessisyon sa kanyang sarili at kaakibat nito ay
ang komitment / pananagutan, paninindigan at
responsibilidad.
-Ipabatid na maging handa ang bawat isa sa maaring
maging resulta/bunga ng kanyang pagpapasya.
Halimbawa:
LANDAS.mp4
3.Moralistiko
Tamang kaasalan

- Ipinapakita rito ang nararapat at tamang asalin o


isakilos ng tao batay sa paningin ng Diyos at ng
kapwa tao
LAYUNIN:
- ipabatid na sa dahilang may pamantayan ngang
sinusunod, nararapat lamang na sundin ang mga ito
nang maiwasan ang pagkakamali at paghuhusga.
Halimbawa:
Pagsisisi_-_true_story_inspired_by_marcelo_sant
os.mp4
4.Dekonstruksyon
Eksaminin / suriin
pagbuo

Mga akdang nasa pananaw na di lamang batay sa pananaw


ng may-akda ngunit binibigyang laya din nito ang mga
mambabasa na tumuklas at bumuo ng wakas o katapusan
nito batay sa kanilang pagsusuri.
4. Dekonstruksyon

- Mga akdang nasa pananaw na di lamang batay sa


pananaw ng may-akda ngunit binibigyang laya din
nito ang mga mambabasa na tumuklas at bumuo ng
wakas o katapusan nito batay sa kanilang pagsusuri.
LAYUNIN:

- bigyan tayo ng pagkakataong sumuri at


bumuo upang lubusang maunawaan ang mga
bagay bagay.

- Ipabatid na “ang pananaw mo ay iba sa


pananaw ng iba” na ang iba’t ibang salita ay
may iba’t ibang layer/bahagi ng kahulugan.
Halimbawa:
DEKONSTRUKSYON-Upuan__Ang_Simula (2).mp4
5.ROMANTESISMO
 Pinaiiral
dito ang sentamentalismo, inspirasyon at
makapangyarihang damdamin o emosyon.
 Naglalahad ng kahulugan ng pag-ibig o
pagmamahal
LAYUNIN:

-Ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o


sumasagisag sa tao sa pag-aalay niya ng pag-
ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan
-Ipakita na gagawin at gagawin ng isang
nilalang ang lahat alang-alang sa pagmamahal
Halimbawa:
y2mate.com - roxanne_barcelo_kun
g_alam_mo_lang_subbed_lyrics_en
g_trans_6w0rTIps9J8_720p.mp4
6.SIKOLOHIKAL
Pag-aaral sa ugali, kilos o gawi

-Inilalahad dito ang anumang dahilan ng bawat


kilos, galaw, gawi o pinagmulan ng bawat bagay o
pangyayari
LAYUNIN:

-Ipaliwanag sa pamamagitan ng mga salik(factor) sa pagbuo


ng naturang pag-uugali (behavior),paniniwala,pananaw at
pagkatao ng isang tauhan sa kanyang akda.
-Kung kaya’t tungkulin nating huwag humusga agad agad
bagkus subukang alamin ang pinagmumulan nito nang sa
gayon ay lubusan nating maunawan, matanggap at
mapahalagahan ito.
Halimbawa:
SIKOLOHIKAL-Si_Maam.mp4
7.REALISMO
 Inilalahad nito kung ano ang makatotohanan o ang
sentido komon
 Inilalahad nito ang buhay sa katunayan at walang
idealismo.
LAYUNIN:

-Ipakita ang karanasan at nasasaksihan ng may-


akda sa kanyang lipunan upang mabigyan ng
solusyon at pagbabago.
8.MARXISMO
 Paglalabanng malakas at mahina na kung saan
nagtatagumpay ang mahina.
 Binibigyang halaga nito ang tunggalian ng
dalawang magkasalungat na pwersa.
LAYUNIN:

-Ipakita na ang tao ay may kakayahang


umangat buhat sa pagdurusang dulot ng isang
pwersa.
-Layunin nitong ipakita na kung gusto may
paraan .
9.SOSYOLOHIKAL
 Ang pag-uugnay ng tauhan sa lipunan at pagtukoy
sa tiyak na bahagi na nagpapakita ng kalabisan at
kapangyarihan
LAYUNIN:

-Ipakita na ang tao ay naiimpluwensyahan ng


kanyang kapaligiran/ ang tao bilang isang
indibidwal ay produkto ng kanyang
pinanggalingan at kapaligiran.
10.FEMENISMO
 -Pagsusuri sa tauhang babae na kung saan
ipinapakita nito ang kahinaan at kalakasan
gayundin ang transpormasyon o pagbabago nito
LAYUNIN:

-Layunin nitong buwagin ang umiiral at di


pantay na pagtingin sa kababaihan.

-Ilantad ang iba’t ibang paraan ng kababaihan


sa pagtugon sa suliraning kanyang kinakaharap
11.SIMBOLISMO/
ARKETIPAL
 Gumagamit ng bagay na siyang nagrerepresinta o
kumakatawan sa tunay na kalagayan ng paksa.
 Gumagamit ng huwaran upang masuri ang akda
LAYUNIN:

-Ipakita ang mahahalagang bahagi ng akda sa


pamamagitan ng paghahambing o pagtutulad.
12.HUMANISMO
 Binibigyang diin nito na ang tao ang sentro ng
daigdig at panginoon ng kanyang sarili.
 Binibigyang tuon ang kalakasan at mabubuting
katangian ng tao gaya ng talino, talento at iba pa.
LAYUNIN:

-Ipakita ang magagandang saloobin, katangian


at ugali ng tao.
-Itaas ang karangalan ng tao bilang sentro ng
akda
13.IMAHISMO
 Tumutukoy sa mga sitwasyon o kalagayan sa akda
na nagtataglay ng larawang diwa
 Ginagamitan ng isang masining na pagpapahayag
LAYUNIN:

-Ipakita ang paggamit ng imahe na higit na


maghahayag sa mga damdamin, kaisipan,
saloobin at iba pang nais ibahagi ng may-akda
na higit na mauunawaan kaysa gumamit
lamang ng karaniwang salita.
14.FORMALISMO
 nasa forma o kaanyuan ng akda ang kasiningan
nito.
 Binibigyang pansin ang kaisahan ng bahagi, teknik
at pagkakabuo ng akda
LAYUNIN:

-Iparating sa mambabasa ang nais ipaabot


gamit ang tuwirang panitikan.

-Ipakita ang kahalagahan ng tamang kaayusan


at kalinisan.
15.KLASISISMO
 Tumatalakaysa paksang pang-alinmang panahon
 Mga akdang makaluma bagamat nakikipagsabayan
sa makabagong panahon.
LAYUNIN:

-Ipakita ang kagandahan ng kasimplehan,


kapayakan at kaayusan.
16.HISTORIKAL/
BAYOGRAPIKAL
 Ito ang bunga ng kontekstong pangkasaysayan.
 Saklaw nito ang pangyayaring nasaksihan o
nabatid ng manunulat at maging ang mismong
talambuhay ng may-akda.
LAYUNIN:

-Ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na


bahagi ng kanyang pagkahubog.

-Ipakita na ang kasaysayan o karanasan ay


bahagi ng buhay ng tao.

You might also like