You are on page 1of 44

K __ R I __ A T __ __ A

KARIKATURA
__ D __ T O __ __ A __

EDITORYAL
__ A __ U __ P A __ I

TALUMPATI
P__ K __ __ I P __ N __ Y __M

PAKIKIPANAYAM
B I __ N O __ E

BIONOTE
ARALIN 6
Pagkilala, Pagsusuri, at
Pagpapahalaga sa Talumpati,
Editoryal, Kolum, Suri-Karikatura, at
Pakikipanayam

PANGKAT IKALAWA
Talumpati
 Ang talumpati ay pagpapahayag ng mga
kaisipan, pananaw, at saloobin ng isang tao sa
harap ng madla.
 Ang layunin ay humikayat, magbahagi ng
katotohanan, mangatuwiran, at magbigay
kaalaman.
 Ito ay maaaring magdulot ng sigla o lugod,
magbigay papuri, o magpahayag ng katuwiran.
 Mauuri ito ayon sa pagkakataon, okasyon, o
pagdiriwang.
Tatlong bahagi ng Talumpati
1. Panimula
 Sinisikap ng bahaging ito na mapukaw ang
interes ng mga tagapakinig.
 Inilalahad din dito ang layunin ng talumpati.
2. Katawan o kaalaman
 Sa bahaging ito gumagamit ang
mananalumpati ng iba’t-ibang kaparaanan
para mapagtibay ang kaniyang mga ideya,
kaisipan, at paninindigan.
Tatlong bahagi ng Talumpati

3. Katapusan
 Nililinaw ng mananalumpati ang kaniyang
mga paninindigan, at nag-iiwan ng
kakintalan o impresyon sa huli na maaaring
nanghihikayat tungo sa pagkikibaka o
pagkilos.
Paano gumawa ng talumpati?
Mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng
talumpati:
 Ang paggamit ng uri ng wika at mga angkop
na salita na magiging kaaya-aya at
mauunawaan ng iyong mga tagapakinig.
 Maghanda ng magandang paksa.
 Mangalap ng datos ukol dito upang matiyak
na magiging malaman ang pagtalakay.
Maaaring gumamit ng dating kaalaman o
karanasan.
 Gumawa ng pagbabalangkas ng ideya
para matiyak na maayos ang
pagkakasunod-sunod ng mga ideya o
kaisipang tatalakayin.
 Maging sensitibo at isipin na kailangan
mong kunin ang atensyon ng iyong
tagapakinig.
 Tandaan na isa sa mga katangian ng
isang tayutay na nakakatulong sa
panghihikayat sa iyong tagapakinig.
Halimbawa ng Talumpati
Editoryal
 Ang editoryal ay kumakatawan sa sama-
samang paninindigan ng patnugutan ng
pahayagan kaya sinasabing kaluluwa ito ng
publikasyon.
 Layunin nito sa pagbibigay ng kuro-kuro
ang magpabatid, magpakahulugan,
magbigay-kahulugan, magbigay-puri, at
magpasaya.
 Binibigyang linaw ang pagkalito ng mga tao
ukol sa isang isyu o usapin.
Iba pang layunin ng editoryal

 Nagbibigay pakahulugan sa balita o


kaganapan upang malinawan ang
kahulugan ng mga pangyayari.
 Nagbibigay puna upang magkaroon ng
pagbabago para sa kapakanan ng
nakakarami.
 Pumupuri kung mayroong dapat papurihan.
Tatlong bahagi ng Editoryal
1. Panimula
 Dito binabanggit ang isyu o balitang
tatalakayin at nagpapakilala ng paksa.
 Mahalaga na ito ay maikli ngunit
makatawag-pansin.
 Kailangang nagtataglay ito ng sariling tayo
sa unang bahagi pa lamang ng pahayag.
 Madalas na ito ay batay sa balita o
mahalagang pangyayari. Karaniwan ang
paggamit ng tanong, tuwirang sabi at
panimula.
Halimbawa:
Higit kailanman, ngayon kinakailangan
ng bansa ang pagkakaisa upang
malampasan natin ang krisis sa
pananalapi na binabalot sa atin. Ito ay
matapos iulat ng World Bank na ang
Pilipinas ay nanguna sa mahigit na 200
bansa sa buong mundo na pinakakurakot
at pinakamahinang bansa pagdating sa
ekonomiya at pag-unlad.
Tatlong bahagi ng Editoryal
2. Katawan
Binunuo ng dalawa o higit pang talata na
nagpapaliwanag, naglalarawan o
nangangatuwiran sa tulong ng mga
katibayan upang makapaglahad ng sariling
kuro-kuro.
Sa pagtatapos ng katawan ay kailangang
magsaad ng suhestiyon ang manunulat para
sa ikalulutas ng suliranin at hindi puro
batikos ang editoryal.
Halimbawa:
Ang gobyerno ay isang maliit na sektor lang
ng lipunan bagama’t ito ang pinamamahala
natin sa pondo, sa batas, sa pangunahing
serbisyo at sa pangkalahatang kalakaran.
Gayundin ang mga negosyante at kumpanya.
Pero ang pinakamalaking sector ng lipunan ay
tayong masa. Sa sama-samang pagkilos natin
upang was akin ang kahirapan at korapsiyon,
maabot natin ang ating mga ninanaisa: Isang
bansang sagana, isang bansang may
pangarap.
Tatlong bahagi ng Editoryal

3. Pangwakas
Naglalagom ukol sa mahahalagang puntong
binigyang pansin at bumubuo ng konklusyon.
Sa bahaging ito ay mababasa ang huling
mungkahi o tagubilin at buod ng isang isyung
nais ibigay.
Mga uri ng Editoryal
Pasalaysay
Paglalahad
Paglalarawan
Pangagatuwiran
Pagtutol
Nang-aaliw
Espesyal na okasyon
Mga halimbawa

Pagtutol
Mga halimbawa

Paglalahad
Kolum
 Ang kolum ay regular na lathalain o serye ng
mga artikulo sa pahayagan, magasin, o iba
pang kauri nito.
 Madalas mayroon nang kilalang headline at
byline ang manunulat o editor, na nagbibigay
ng ulat o komento ukol sa isang lawak ng
interes, politika, teatro, at iba pa.
 Maaring makita sa pahayagan, magasin, at iba
pang publikasyon kabilang na ang blog.
Kolum

Kolumnista ang tawag sa taong nagsusulat


ng serye sa isang publikasyon. Madalas na
sinusulat nito ay mga artikulo na naglalaman
ng mga komentaryo o opinyon.
May mga pagkakataon rin na ang kolum ay
isinusulat ng isang grupo o pangkat na
gumagawa ng katawagan.
Ilang halimbawa ng kolum sa pahayagan

Suring-basa
Community correspondent
Critic's review
Fashion column
Food column
Sports column
Showbiz column
Nagpapayo
Ilang halimbawa ng kolum sa pahayagan

Showbiz Column
Ilang halimbawa ng kolum sa pahayagan

Sports Column
Karikatura
Ang karikatura ay ang paglalarawan sa tao
na gumagamit ng pagpapayak o
pagpapalabis na paraan.
Maaaring mapang-insulto o mapagbigay-
papuri.
Ang terminong karikatura ay nanggaling sa
Italyanong salitang "caricare" na
nangangahulugang "to charge" o "to load"
kaya ang ito ay maaari ring mangahulugang
“loaded portraits".
Karikatura
 May pagkakataong ginagamit ito sa layuning
pampolitikal o kaya para manlibang.
 Ang karikatura ng mga politiko ay karaniwang
ginagamit sa editorial cartoons samantalang ang
mga artista ay madalas matatagpuan sa mga
magasing mapanlibang.
 Ayon kay Sam Viviano na isang School Visual Arts
Caricature Instructor, ang karikatura ay tumutukoy
sa pagpapakita sa mga tao sa tunay na buhay at
hindi sa likhang cartoons na piksyunal na tauhan.
Halimbawa ng Karikatura
Halimbawa ng Karikatura
Pakikipagpanayam
Ang panayam o interbyu ay ang personal na
anyo ng pakikipagtalastasan ng dalawa o
higit pang tao na nagkasundo na magtagpo
sa isang lugar upang matupad ang layunin
sa pamamagitan ng wastong kasagutan
mula sa isa’t-isa.
Ang pakikipagpanayam ay pangangalap ng
impormasyon mula sa mga taong dalubhasa
sa kanilang larangan.
Uri ng pakikipanayam
Isahang pakikipanayam
Naghaharap ang dalawang tao, ang isa ay
nakikipagpanayam o nagtatanong habang
ang isa ang kinakapanayam o sumasagot.
Uri ng pakikipanayam
Pangkatang pakikipanayam
May pakikipanayam na higit sa isa ang
kinakapanayam. Halimbawa ay ang
pakikipag-usap ng isang reporter sa isang
ethnolinguistic group para sa isang
dokumentaryo.
Bionote
Ang bionote ay maikling paglalarawan ng
manunulat gamit ang ikatlong panauhan.
Sa pamamagitan nito makikilala ang tao sa
likod ng isang akda o proyekto na nais
maipakilala sa iba.
Upang maging tumpak ang mga datos,
kinakailangan ang intensibong pananaliksik.
Mainam na paraan ang pakikipagpanayam.
Bionote
Narito ang ilang mahahalagang impormasyon
na dapat lamanin ng bionote:
Personal na impormasyon (pinagmulan,
edad, buhay kabataan-kasalukuyan
Kaligirang Pang-edukasyon (paaralan, digri,
at karangalan)
Ambag sa larangang kinabibilangan
(kontribusyon at adbokasiya)
Halimbawa ng isang Bionote
BUOD
Talumpati
 Sining ng pagpapahayag ng kaisipan sa
pamamagitan ng pasalita.
 Layuning humikayat, magbahagi ng
katotohanan, kaalaman, o impormasyon.
 Mauuri sa pagkakataon, okasyon, o
pagdiriwang.
 May tatlong bahagi: panimula, katawan, at
katapusan.
 Mahalagang isaalang-alang ang personalidad,
pananalita, kumpas, at ugnayan.
Editoryal
 Sama- samang paninindigan ng
patnugutan
 Kaluluwa ng publikasyon
 Nagbibigay linaw sa isyu at nagbibigay
pakahulugan sa balita.
 May tatlong bahagi; panimula, katawan, at
wakas
 May iba’t-ibang uri: pagsasalaysay,
paglalahad, paglalarawan, pagtutol, nang-
aaliw.
Kolum
 Regular na lathalain
 Serye ng mga artikulo sa pahayagan
 May kilalang headline at byline ang manunulat
 Nagbibigay komento sa isang lawak ng interes,
politika, teatro, atbp.
 Kolumnista ang tawag sa manunulat nito.
 Makikita sa pahayagan, magasin, at iba pang
publikasyon.
 Maaaring isulat ng isang grupo na gumagamit
ng pangalan.
Karikatura
Gumagamit ng pagpapayak o pagpapalabis
na paraan.
Maaaring nagbibigay-puri o nagbibigay ng
kritisismo.
Ginagamit sa layuning politikal.
Pagpapakita sa tao sa tunay na buhay.
Nagmula sa italyanong salita na “caricare”
na maaaring mangahulugan na loaded
portraits.
Pakikipagpanayam

Pangangalap ng impormasyon sa pakikipag-


usap sa isang dalubhasa.
Maaaring isahan o grupo ang kapanayamin.
Ang pagtatanong ay maaaring tiyakan, di-
tiyakan o mga tanong na ang kasagutan ay
mga opinyon at saloobin.
Bionote

Maikling paglalarawan sa manunulat.


Madalas inilalakip sa naisulat

You might also like