You are on page 1of 17

EDITORYAL

EDITORYAL
• Ang editoryal na tinatawag ding pangulong-tudling ay
bahagi ng pahayagang nagsasaad ng mapanuring
pananaw o kuro-kuro ng pahayagan tungkol sa isang
isyu. Itinuturing itong tinig ng pahayagan dahil dito
mababasa ang paninindigan nila ukol sa isang
napapanahong isyu. Ito rin ay naglalayong magbigay-
kaalaman, magpakahulugan, humihikayat, at kung
minsa’y lumibang sa mambabasa.
Maraming uri ng Editoryal o
Pangulong-Tudling. Naririto ang
ilan sa mga uri ng editoryal o
pangulong-tudling: Nagpapabatid,
Nagpapakahulugan, Namumuna,
Nagpaparangal o Nagbibigay-puri,
Nanlilibang at Nagpapahalaga sa
natatanging araw. Nakabatay sa
layunin ang uri ng pangulong –
tudling na isusulat ng editor.
Tatlong bahagi ang editoryal o pangulong-
tudling
• 1. Panimula— Dito binabanggit ang isyu o balitang tatalakayin.
• 2. Katawan— Sa bahaging ito ipinahahayag ang opinyon o
kuro-kuro ng patnugot. Maaaring ilahad ito sa pamamagitan ng
paglalarawan, gayundin ang pro (pagpanig) o con (pagsalungat)
sa isyung tinatalakay.
• 3. Wakas— Dito ipinahahayag ang bahaging panghihikayat o
paglagom upang mabuo sa isipan ng mambabasa ang pananaw
na nais ikintal ng editoryal.
Ang Editoryal na nanghihikayat ay nagbibigay ng
puna sa isang kalagayan, sa isang tao, o saisang paraan
ng pag-iisip. Naglalayong makuha ang paniniwala ng
iba at makapagbunsod ng pagbabago ngunit ang
binibigyang diin ay makahikayat.
Mga Pahayag na Ginagamit sa
Panghihikayat
• Ang pagnanais na mahikayat o makumbinsi ang iyong mga
mambabasa sa iyong pananaw o paninindigan ay isang
hamon sa isang manunulat. Makatutulong ang paggamit ng
mga angkop na pahayag sa iyong panghihikayat.
Ilang halimbawa ng mga pahayag at salitang
nanghihikayat:
Mga Halimbawa:
• 1. Naniniwala akong may magagawa ang bawat isa sa atin
upang maging makabuluhan ang buhay natin sa mundo.
• 2. Tama! Lahat tayo’y may magagawa kung nanaisin natin.
• 3. Tara, sama na!
• 4. Ngayon na. Kung ipagpapabukas pa natin ang pagtulong ay
baka huli na.
• 5. Kaya natin ito basta tayo’y sama-sama.
• 6. Talagang kailangan ng iba ang tulong natin.
• 7. Siguradong mababawasan ang galit at kasamaan sa
mundo kung mas marami ang magpapakita ng paggalang,
pagmamahal at pagkalinga.
• 8. Tara, gamitin natin ang kapangyarihan ng social media.
• 9. Sama na, gawing makabuluhan ang buhay mo
kaibigan!
• 10. Tumpak! Gawin natin iyan para rin mahanap mo ang
tunay na kaligayahan.
Mga Tuntuning Dapat Sundin sa Pagsulat ng Editoryal o
Pangulong-Tudling
• 1. Magkaroon ng kawili-wiling panimulang maikli lamang upang
maakit ang atensiyon ng mambabasa.
• 2. Buuin ang katawan sa pamamagitan ng paglalahad ng mga
katibayan sa paraang maayos at malinaw.
• 3. Iwasan ang pagbibigay ng pangkalahatang patakaran. Sa halip,
• a. gumamit ng mga halimbawa at paglalarawan upang pagtibayin ang
simula;
• b. gumamit ng paghahambing at pag-iiba-iba;
• c. gumamit ng magkakatulad na kalagayan; at
• d. banggitin ang pinagmulan ng mga inilalahad na kalagayan.
• 4. Tapusin nang naaangkop. Bigyan ng mahusay na pagwawakas.
• 5. Tandaang ang pinakamahalagang bahagi ay ang panimula at ang
wakas.
• 6. Huwag mangaral o magsermon (no preaching). Ilahad lamang
ang mga patunay at katwiran at hayaan ang mambabasang
gumawa ng sariling pagpapasiya.
• 7. Sundin ang lahat ng simulain sa mabisang pagsulat— kaisahan
(unity), linaw (clarity), pagkakaugnay-ugnay (coherence), at diin
(emphasis).
2

You might also like