You are on page 1of 14

Wastong gamit ng mga

panandang anaporik at kataporik


ng pangngalan
• Ano ang Pananda?

• Ano ang Pangngalan?


• Ang mga Pananda ay nagpapakilala o nagsisilbing tanda ng
gamit ng isang salita sa loob ng pangungusap.
• Ang Pangngalan naman ay salita o lipon ng mga salitang
tumutukoy sa pangalan ng tao,bagay,hayop,pook o
pangyayari
M G A H A L I M B AWA :

Tao-Kapatid ,doktor,guro,nars,Bb.Cruz
Hayop-Kalabaw,Ahas,Kambing
Bagay-pisara, sapatos
Lugar-Quezon,simbahan,Luneta
Pangyayari-Bagong Taon,Buwan ng Wika
M G A PA N A N D A N G A N A P O R I K AT
K ATA P O R I K

Sa pagpapahayag ay may dalawang paraang ginagamit


upang mapag-ugnay ang pangungusap. Ito ay sa pamamagitan
ng pagpapatungkol o reperensiya. May dalawang uri ang pag-
uugnay na ito. Ito ay ang anapora o sulyap na pabalik at
katapora o sulyap na pasulong.
Ang anaporik o sulyap na pabalik ay ang reperensiya kung binanggit
na sa unahan ang salita.
Halimbawa:
Ang matanda sa pamilya ay dapat nating pahalagahan. Utang natin sa
ating magulang, lolo, o lola ang ating mga buhay at kinabukasan. Sila
ang kumakalinga sa atin noong mga bata pa tayo. Suklian natin ang
kabutihan nila sa atin.

Pagpapaliwanag: Makikita sa pahayag na unang binanggit ang pinatutungkulang pangngalan na


"matanda". Binigyang-linaw pa ito sa susunod na pangungusap bilang "magulang, lolo, at lola. Nasa
huling bahagi naman ng talata ang panandang anaporik na panghalip na "Sila".
Ang kataporik o sulyap na pasulong ay ang reperensiya na binabanggit sa dakong
hulihan na nagdudulot ng kasabikan o interes sa pahayag.
Halimbawa:
Sila ang aking iginagalang. Sila ay nararapat na parangalan. Sila ang tunay na matatalino
lalo na pagdating sa karanasan. Sa matatanda sa pamilya ko natutuhan ang maraming
bagay. Sila ang mga lolo at lola ko na aking iniidolo.

Pagpapaliwanag: Sa talatang gumamit ng panandang Katapora, makikitang una munang binanggit sa


talata ang "Sila" at sa huling bahagi naman ng pahayag binanggit ang pinapatungkulang matatanda - mga
magulang, lolo at lola.
Ginagamit ang katapora at anapora upang hindi na paulit-ulit na
banggitin ng nagsasalita o ng manunulat ang isang pangngalan.
Layunin ng katapora at anapora na maiwasan ang nakakasawang
pagbanggit ng tinutukoy na pangngalan sa isang talata. Samakatuwid,
ang anapora at katapora ay pawang mga panghalip na sumusunod o
sinusundan ang pangngalang tinutukoy sa magkaibang paraan at
puwesto
K O H E S I Y O N G G R A M AT I K A L
Ang cohesive device reference o kohesiyong gramatikal na
pagpapatungkol ay mga salitang nagsisilbing pananda upang hindi
paulit-ulit ang mga salita. Ang mga cohesive devices na ito ay mga
panghalip.

Nahahati ang kohesiyong gramatikal na nagpapatungkol sa dalawa:


ang ANAPORA at KATAPORA.
• Mga panandang ginagamit sa pook, hayop, at bagay .

Ito Doon Dito Iyon

Mga panandang ginagamit para sa tao at hayop.


Sila Siya Tayo Kanila Kaniya
Ang panghalip o pronoun sa wikang Ingles ay ang pamalit salita o
panghalili sa ngalan o pangngalan na nagamit na sa parehong
pangungusap o sa kasunod na pangungusap, kasama din ito sa bahagi
ng pananalita o Parts of Speech.
H A L I M B AWA N G A N A P O R A :
• 1. Sina Jose Rizal at Andres Bonifacio and mga bayaning Pilipino. Sila ay
mga dakilang Pilipino.
• 2. Si Mina ay naglalakad sa kalye ngunit nadapa siya

• 3. Nakapili na ng damit na bibilhin si Trixie ngunit nakita niyang kulang


ang perang dala niya.
• 4. Sumali si Via sa paligsahan at nanalo siya.

• 5. Patuloy na dinarayo ng mga turista ang Boracay sa Caticlan dahil sila'y


totoong nagagandahan dito.
H A L I M B AWA N G K ATA P O R A :
• 1. Ito ay isang dakilang lungsod. Ang Maynila ay may makulay na
kasaysayan
• 2. Siya ang dahilan kung bakit nabasag ang salamin. Tumatakbo si Marc sa
loob ng silid kanina.
• 3. Umiiyak ang baby niya kanina kaya pinakain ito ni Manang Rosa.

• 4. Nagkasakit siya kahapon. Pero pumasok na sa klase si Jake kanina.

• 5. Patuloy nilang dinarayo ang Boracay dahil ang mga turista'y totoong
nagagandahan dito.

You might also like