You are on page 1of 15

Mga pahayag sa

pagbibigay ng mga
patunay
 May mga pahayag na ginagamit sa pagpapatunay ng
katotohanan ng isang bagay. Makatutulong ang mga
pahayag na ito upang tayo ay makapagpatunay at ang
ating paliwanag ay maging katanggap-tanggap o kapani-
paniwala sa mga tagapakinig. Karaniwaang ang mga
pahayag na ito ay dinurugtungan na rin ng datos o
ebidensya na lalo pang makapagpapatunay sa
katotohanang inilalahad.
Naririto ang ilang pahayag na ginagamit sa
pagbibigay ng patunay:
 1. May dokumentaryong ebidensya – ang mga ebidensyang
magpapatunay na maaaring nakasulat, nakalarawan, o naka-video.
 2. Kapani-paniwala – ipinakikita ng salitang ito na ang mga ebidensya,
patunay, at kalakip na datos ay kapani-paniwala ay maaaring
makapagpatunay.
 3. Taglay ang matibay na kongklusyon – isang katunayang pinalalakas
ng ebidensya, pruweba, o impormasyong totoo ang kongklusyon.
 4.Nagpapahiwatig – hindi direktang makikita, maririnig, o
mahihipo ang ebidensiya subalit sa pamamagitan ng
pahiwatig ay masasalamin ang katotohanan.
 5. Nagpapakita-salitang nagsasaad na ang isang bagay na
pinatutunayan ay totoo/ tunay.
 6. Nagpapatunay/katunayan – salitang nagsasabi o
nagsasaad ng pananalig o paniniwala sa ipinahahayag.
 7.Pinatutunayan ng mga detalye – makikita mula sa mga
detalye ang patunay sa isang pahayag. Mahalagang
masuri ang mga detalye para makita ang katotohanan sa
pahayag.
Pansinin ang pagkakaiba ng mga halimbawa sa Hanay A at
HAnay B

HANAY A HANAY B
Mapipigilan ang pagkalat ng COVID-19 Ayon sa Department of Health (DOH),
sa pamamagitan ng palagiang mapipigilan ang pagkalat ng COVID-19
paghuhugas ng kamay. sa pamamagitan ng palagiang
paghuhugas ng kamay, hindi paghawak
ng kamay sa mukha, at pagpapanatili ng
distansya sa pagitan ng sarili at sa iba.
HANAY A HANAY B

Nakamamatay ang COVID-19 Ang pagdami ng bilang ng mga namamatay


sa COVID-19 sa buong mundo ay
nagpapahiwatig ng pagiging mapanganib
ng virus na ito.

Ang tulong na ibinigay ng iba’t ibang sector


Buhay ang diwa ng bayanihan sa Pilipinas at indibidwal ay nagpapakita na buhay ang
sa gitna ng pandemyang kinakaharap ng diwa ng bayanihan sa ating bansa sa gitna
bansa. ng pandemyang kinakaharap natin.
Ang COVID-19 ay mapanganib dahil sa Ang COVID-19 ay peligroso dahil sa
mataas na bilang ng mga apektado ng mataas na bilang ng mga apektado ng
virus na ito sa buong mundo. virus na ito sa buong mundo. Sa datos na
ibinigay ng CNN umaabot na ang bilang
ng kaso ng COVID-19 sa mahigit 6.3
milyon ngayong Hunyo 2, 2020.

Maraming mga Pilipino ang nagpositibo Sa dokumentong inilabas ng DOH na


sa COVID-19. sinertipikahan ng RITM ang bilang ng
kaso na nagpositibo sa COVID-19 ay
umabot na sa 18,997 ngayong araw,
Hunyo 2, 2020.
TANDAAN: Sa pagbibigay ng PAHAYAG NA NAGPAPATUNAY maaring gamitin
ang mga sumusunod na salita/mga salita:
 ✓ Sa dokumentong ipinakita
 ✓ Ayon sa
 ✓ Pinatutunayan ng mga ebidensya
 ✓ Katunayan
 ✓ Batay sa datos na ibinigay
 ✓ Nagpapahiwatig
 ✓ Makikita sa larawan
 ✓ Nagpapakita
 ✓ Sa inilabas na datos
 ✓ Makikita sa datos na ibinigay
 ✓ Mapapanood sa video
 ✓ Sa datos na ibinigay
Ang PAGPAPAHAYAG ay paraan ng pagsasabi ng isang
tao kung ano ang nararamdaman, opinion, damdamin, at
impormasyong nais ibigay sa kausap. Ito ay mabisang paraan ng
komunikasyon o pakikipagtalastasan sa ibang tao gamit ang iba’t
ibang midyum o paraan. Maaari itong pasalita o pasulat. Ang
ilang anyo ng pagpapahayag na kailangan ng patunay ay ang
BALITA, EDITORYAL, PORMAL NA SANAYSAY, at iba pang
sulating katulad nito na ang pangunahing layunin ay magpabatid.
(Correa, 2015)
Panuto: Sumulat ng isang talata na pinatutunayang ang mga
katutubong-bayan ay salamin ng tradisyon o kaugalian ng lugar
na pinagmulan nito.
(Gumamit ng mga paghayag na nagpapatunay)
Panukalang Rubrik sa Pagmamarka
1. Ang Talata ay binubuo ng 5 o higit pang pangungusap - 5 pts
2. Gumamit ng 3 o higit pang pahayag na nagbibigay ng
patunay- 5 pts
3. Tumpak ang sinulat sa paksang hinihingi (sumasalamin sa
tradisyon at kaugalian) - 5 pts

You might also like