You are on page 1of 2

Dueñas, Mariel M.

COLA21
BSP3-B

M2 Panghuling Gawain
Batay sa napanood na dokumentaryo, suriin ang katangiang taglay nito at ang paglalangkap ng
dimensyong panliteratura rito. Tiyaking hindi kukulangin sa labinlimang (15) pangungusap at di
rin lalabis sa tatlumpung (30) pangungusap. Gamiting gabay ang rubrik sa susulating pagsusuri.

Mula sa binigay na dokumentaryo na handog ng I-Witness. Ang paksa na tinatalakay ng


dokumentaryo ay tungkol COVID-19 at ipinakita ang naging karanasan ni Howie Severino sa
panahon ng pandemya na dulot ng coronavirus. Tinatalakay ng dokumentaryo na ito ang
karanasan ni Howie Severino sa perspektibo ng isang pilipino na nagkaroon ng sakit na dulot ng
coronavirus. Pinakita ang naging buhay nya sa ospital at ang naging karanasan neto sa loob pati
narin ang epekto nito sa naging buhay ng mga properyonal sa larangan ng medisina, ang mga
doktor at nars. Ang dokumentaryo na ito ay binibigyan ang mga manonood ng impormasyon
tungkol sa naging karanasan ng isang mamamayan na naapektuhan, nakuha ang sakit na mula
sa COVID-19. Makikita na malungkot, tahimik at magisa ka sa loob ng ospital na tila’y
mapapaisip ka na lamang kung ano ba ang mangyayari sayo. Nakakabingi at nakakatakot ang
naging karanasan ni Howie Severino dahil magisa na pinagdaanan ang COVID-19, ngunit
kalaunan sa dokumentaryo makikita na hindi siya nag-iisa. Sapagkat sinamahan siya,
dinamayan at binigyan ng lakas ng loob ng mga doktor at nars sa panahon na kanyang
nilalabanan ang kamatayan mula sa sakit na dulot ng COVID-19. Ang anyo na makikita mula sa
dokumentaryo ay tungkol sa mga pangyayari sa panahon ng sakuna na COVID-19 at unti-unting
makikita na mula sa simula ng pag usbong ng pandemya hanggang sa pagbabago na naidudulot
nito sa buhay ng mga tao ay makikita sa bawat parte at pangyayari ng dokumentaryo.

Bilang isang sumusubaybay sa dokumentaryong ito, and makikitang ginamit na


kagamitan ay ang mobile phone ng mga pinakita na tao sa dokumentaryo. Makikita na
ginamitan ito ng long shot, medium shot at close-up shot. Ang estilo ng pagkuha mula sa mobile
phone ay nagpapakita sa kapaligiran noong panahon na nasa loob si Howie Severino ng ospital,
at ang nars at mga doktor. Makikita na walang aktor ang gumanap sa dokumentaryo at tunay na
karanasan at pangyayari ang pinakita. Ang mga iba't-ibang kaganapan na nakuha ay makikita na
pinagsama-sama ito upang mabuo ang dokumentaryo na pinamagatan na “I-Witness: 'Ako si
Patient 2828,' dokumentaryo ni Howie Severino”. Ipinapakita rin ang mga tunay na kaganapan
sa buhay ng isang pasyente, propesyonal na mga nars at doktor sa pagsapit ng panemya na dulot
ng COVID-19. Sa aking pagsubaybay sa dokumentaryong ito, masasabi ko na tunay na
kaganapan at orihinal ang paggawa ng dokumentaryo na ipinapakita ng malinaw ang paksa
tungkol sa COVID-19. Ang karanasan na ipinakita sa dokumentaryo ay kung paano nila nilaksan
ang kanilang loob sa panahon ng sakit at hirap na binigay ng COVID-19 sa kanilang kalusugan at
buhay. Makikita na patuloy pa rin sa paniniwala ang mga taong nakaranas ng sakit mula sa
COVID-19, patuloy na nilalaksan ang loob na matatapos at malalaban nila ang sakit na
COVID-19. Makikita ang kahalagahan ng pagsunod sa mga protocol na binibigay ng mga
propesyonal sa larangan ng kalusugan upang maiwasan ang COVID-19. Dito pinapakita na hindi
lamang simple na sakit ang COVID-19, naapektuhan nito ang buong mundo at pinakita kung
paano aksyonan at harapin ng bansang Pilipinas ang pandemya sa biglaang usbong nito sa
pagpasok ng 2022.

Mula sa dokumentaryo, nakapaloob ang iba't-ibang dimensyon panliteratura na ginamit.


Una, ang dimensyong panlipunan ay makikita kung paano makapagbigay ng impormasyon sa
madla ang naging karanasan ni Howie Severino sa panahon ng pandemya o COVID-19 mula sa
kanyang pagkakaroon ng sakit hanggang sa kanyang pag galing. Pangalawa, ang dimensyong
pangkaisipan ay makikita sa dokumentaryo na kung saan nagbibigay ito ng mensahe sa
sumusubaybay tungkol sa tunay na pangyayari, karanasan ng isang mamamayan na tinamaan
ng sakit na COVID-19. Ito ay nagbibigay mensahe na dapat mag-ingat tayo sa panahon na
kasama parin natin ang pandemya. Pangatlo, ang dimensyong kalagayan pang-ekonomiya ay
makikita sa naging buhay ng mga taong naapektuhan sa dokumentaryo. Ang mga negosyo at
manggagawa ay nawalan ng trabaho dulot ng suliranin na dala ng COVID-19 na naging dahilan
sa pagbagsak sa ekonomiya ng bansang Pilipinas. Pangapat, sa dimensyong personalisasyon
mula sa dokumentaryo makikita na nakabatay sa panauhin na si Howie Severino na kung saan
ang kanyang sariling karanasan ang ipinakita sa dokumentaryo. At panghuli, sa dimensyong
pansarili, ito ay makikita mula sa dokumentaryo dahil sa naging epekto ng pandemya na dulot
ng coronavirus sa buong mundo at sa bansang Pilipinas. Itong pangyayari na dulot ng COVID-19
ay tumatak sa isipan ng buong mamamayan ng bansa at maalala ito sa ating kasaysayan kung
paano nabago ng pandemya ang buhay ng lahat sa biglaang usbong nito sa buong mundo.

Bilang pangwakas, ang dulot na binigay ng COVID-19 sa buhay ng bawat mamamayan ng


bansa ay hindi biro at mula sa dokumentaryong ito, magsilbi itong paalala at gabay sa mga
manonood na patuloy tayong lalaban at malalagpasan ang pandemya na ito.

You might also like