You are on page 1of 1

MIRANDA, SHARMAINE C.

BSA-3A
M2-Panghuling Gawain
Ang nasabing bidyo ng dokumentaryong pantelebisyon ay may paksa na patungkol sa isang
journalist na si Howie Severino kung saan ay pinakita niya ang dokumentaryo ng kaniyang sitwasyon at
kalagayan magmula nang siya ay magkaroon ng COVID-19. Si Howie Severino ay tinaguriang “Patient
2828” sa kadahilanang siya ay isa sa mga unang apektado at biktima ng nasabing virus.
Pinakita ni Howie sa kaniyang dokumentaryo ang naging karanasan niya sa ospital at sakripisyo
ng mga doktor at nars para lamang makayang lampasan ang kumakalat na virus at masiguro at kaligtasan
ng kanilang mga pasyente. Nagawa man niya ang matala at maulat ang kaniyang sitwasyon, bakas sa
kaniyang mukha ang takot at kawalan ng pag-asa. Ang kaniyang dokumentaryo ay nagbibigay layunin na
makapagbigay impormasyon sa mga manonood kung paano ang isang pasyente ng COVID-19, ay sinusuri
at ginagamot. Ang ganitong klase ng dokumentaryo ay napakahalaga para sa mga manonood dahil
ipinapakita at ipinapaalam nito sa mga Pilipino na kailangan nilang mag-ingat. Ang dokumentaryo ni Howie
Severino ay nasa anyo ng multimedia kung saan ang mga pangyayari ay umiikot sa karanasan ni Howie sa
paglaban sa COVID-19 virus. Ang Estilo at/o Teknik na ginamit ay ang pagdokumentaryo na binubuo ng
pinagsama-samang bidyo sa kaniyang kamera. Ang mga bidyong nakuha ay kaniyang pinatungan ng mga
salita na nagsisilbing nagpapaliwanag sa mga nakikitang pangyayari ng mga manonood. Hindi ito
ginamitan ng mga iba’t-ibang uri ng anggulo sapagkat ang pokus ng bidyo ay tungkol sa
makakatotohanang karanasan sa gitna ng pandemya. Kabilang sa mga katangian nito, ang uri ng
karanasang aestetiko at epekto nito ang siyang naging rason ni Howie upang maging matatag, dahil para
sa kaniya ay responsibilidad niya bilang isang journalist ang magbigay impormasyon at babala sa mga tao.
Ang nasabing dokumentaryong pantelebisyon hinggil sa kalusugan ay masusuri rin sa
pamamagitan ng dimensyong panliteratura. Sa Dimensyong Panlipunan, pinakita sa bidyo ang buhay
pasyente ng isang COVID patient. Sinabi niya na bawal ang bisita at tanging nakakausap niya lamang ay
ang mga doctor at nars na pumupunta lamang sa kaniya ng panandaliang panahon upang manggamot. Sa
Dimensyong Pangkaisipan, sinabi ni Howie na nagdulot ng lubhang kalungkutan sa kaniya ang
pagkakaroon ng COVID-19 dahil nawalay siya sa kaniyang pamilya para magpagamot na walang katiyakan
kung siya ba ay makakaligtas. Iniisip niya ang mga posibilidad na baka hindi kayanin ng kanyang katawan.
Sa kaniyang paggaling naman ay tila nagbago ang tingin niya sa mundo at napuno muli ng kasiyahan at
pag-asa, masaya siyang lumabas ng ospital habang sinasalubong ng pagbati ng mga doctor at nars habang
nakikipagtawanan. Pinakita rin dito ang determinasyon ng isang nars na nag boluntaryong tumulong sa
mga may sakit na COVID-19. Sa Dimensyong kalagayang pang-ekonomiya, malinaw na hindi naging
madali ang kaniyang proseso sa paglaban sa COVID-19, dahil nahinto rin ang kaniyang pagtatrabaho at
para sa kabuhayan nilang pamilya at nahinto dahil kinakailangan niyang sumailalim sa self-quarantine. Sa
Dimensyong Pansarili o Personalisasyon, malamang ay parehas kami ni Howie na ang karanasan niya sa
paglaban ng COVID-19 ay nag-iwan ng makabuluhang aral tungkol sa pagpapahalaga sa buhay at sa mga
taong minamahal natin na nabubuhay. Pinakita sa akin ng dokumentaryo ni Howie na hindi dapat sayangin
ang buhay na pinagkaloob sa atin ng poong maykapal. Sa Pangkasaysayan / Historikal, dito ay pinakita na
kahit malakas man ang kaniyang pangangatawan, hindi parin ito naging sapat upang hindi mahawa sa
kumakalat na virus. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat nang malaman niyang siya ay positibo dahil hindi
niya suka’t akalain na mataas ang dalang peligro nito. Ito rin ay marahil sa kakulangan ng impormasyon
kung kaya’t ang kaniyang dokumentaryo ang naglalayong magbigay karagdagang impormasyon sa mga
tao. Ang nasabing COVID-19 virus ay hindi rin gaano nakapagbahagi ng sapat na impormasyon dahil ito ay
sinisimulan pa lamang tukuyin at pag-aralan, kaya si Howie ay nagbahagi ng kaniyang kalagayan tulad ng
posibleng mga sintomas, paraan ng pag-iingat at iba pa upang mapunan kahit papaano ang kakulangan ng
impormasyon sa pilipinas patungkol sa COVID-19.

You might also like