You are on page 1of 1

MIRANDA, SHARMAINE C.

M3-Panghuling Gawain
BSA-3A

Ang Batang Tamad Mag-Aral na si Annie


ni Sharmaine C. Miranda

Sa Baryo Capiling ay matatagpuan ang Hacienda Marikit kung saan nakatira ang mayamang pamilya
na sina Donya Carolina, Don Macario at ang nag-iisa nilang anak na si Annie. Habang sila ay nasa hapag
kainan, nakatanggap ng tawag si Donya Carolina mula sa guro ni Annie na ilang araw na raw ito hindi
pumapasok sa kaniyang eskwelahan.

“Annie, nabanggit sa akin ng iyong guro na ilang araw ka na raw hindi pumapasok sa klase. Hindi
porket lagi kami wala ng iyong papa dito sa hacienda ay gagawin mo na lahat ng gusto mo,” nag-
aalalang boses ni Donya Carolina.

Palaging wala ang mag-asawa sa Hacienda gawa nang kanilang pag aasikaso sa kanilang lupain at mga
tauhan. Nagalit naman si Don Macario sa narinig na balita mula sa ina ni Annie at agarang tinanong
ang dahilan nito kung bakit hindi siya pumapasok.

“Papa, hindi ko na kailangan pa pumasok sa paaralan dahil mayroon na tayong magandang buhay
dito sa hacienda at seguridad na may magandang kinabukasan. Sa yaman natin ay tiyak akong hindi
na tayo maghihirap,” sagot ni Annie sa kaniyang ama at agarang umakyat na sa kaniyang silid ng hindi
tinatapos ang pagkain. Hindi maitatanggi ng mag-asawa na napalaki nilang spoiled si Annie gawa ng
nag-iisa lang siyang anak.

Isang araw, habang naglalaro si Annie ng kaniyang mga laruan sa kaniyang silid ay nakarinig siya ng
sigaw mula sa kwarto ng kaniyang mga magulang. Agad siyang pumunta roon at natagpuan niya si
Don Macario na walang malay sa sahig at ang umiiyak na si Donya Carolina. Agad nila ito sinugod nila
ito sa ospital at ayon sa Doktor, hindi nila matukoy kung anong klaseng sakit ang mayroon si Don
Macario. Nagpalipat-lipat na rin sila ng ospital ngunit wala paring makatukoy sa sakit, kaya nagpasya
na lamang si Donya Carolina magpagamot sa abroad na nagbabakasakaling gumaling si Don Macario
roon at iwan pansamantala sa Pilipinas si Annie.

Si Annie na naiwan sa Pilipinas ay napilitan lumipat sa pampublikong paaralan dahil paunti-unting


naubos ang kayamanan ng pamilya, dahil siya lang mag-isa, madalas ay pumapasok siyang gutom at
walang pera. Siya ang pinaka matanda sa klase nila ngayon at ang mga kaklase niya noon ay may mga
trabaho na.

Binenta na ni Donya Marikit ang Hacienda Marikit para sa panggastos sa ospital at pambayad sa mga
utang. Hindi nagtanggal, namatay si Don Macario at umuwi ng pilipinas ni Donya Carolina. Ang dating
maginhawa nilang buhay ay tila naging mahirap na sa kanila. Sa pagkikita ng mag-ina, umiyak si Annie
kay Donya Carolina at humingi ito ng tawad dahil ang huling ala-ala niya sa kaniyang ama ay ang
pagtatalo nila. Sinabi ni Annie kay Donya Carolina na nagsisisi ito sa naging desisyon niyang hindi
pumasok sa paaralan at sinayang niya ang oportunidad na binigay sa kaniya ng kaniyang mga
magulang na sana ngayon ay nakapagtapos na siya ng pag-aaral.

You might also like