You are on page 1of 53

 

 
Paunawa 
sa COVID-19 
 
 
 

Inihanda noong ika-19 ng Marso, 2020 

   

 
Nilalaman 
 
Introduksiyon 

Ano ang Coronavirus? 6 

Ano ang COVID-19? 7 

Gaano Kalaganap ang COVID-19? 8 

Gaano Kalaganap ang COVID-19 sa Pilipinas? 9 

Ano ang Epidemic/Epidemya? 10 

Ano ang Pandemic/Pandemya? 1​1 

Hinggil sa mga Sintomas ng COVID-19 

Ano ang mga Sintomas ng COVID-19? 13 

Mga Antas ng Karamdaman 14 

Gaano kabagsik ang COVID-19? 15 

Paano Malalaman Kung COVID-19 o Kung Karaniwang Sipon/Trangkaso Lang? 16 

Ano ang mga Palatandaan na Dapat nang Isugod sa Ospital ang Maysakit? 17 

Ano ang Ibig Sabihin ng Incubation Period? 18 

Gaano Katagal ang Incubation Period ng COVID-19? 19 

Hinggil sa Paglaganap ng COVID-19 

Paano ba Kumakalat ang COVID-19? 21 

Ano ang Social DIstancing? 22 

Maaari bang Mahawa ng COVID-19 sa mga Taong Walang Sintomas? 23 

Paano Ako Hindi Mahahawa? 24 

Sinu-sino ang mga Pinakananganganib? 25 

Dapat ba Akong Mabahala? 26 


 

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​1 ​ng​ 39 


Maaari bang makisalo sa kanilang mga kasama sa bahay ang mga 
nakabukod/nakakuwarentena? 27  

Gaano Katagal Nananatiling Nakahahawa ang COVID-19 sa Labas ng Katawan? 28 

May Mga Bagay Bang Hindi Ko Dapat Ginagawa? 29 

Maaari bang makuha ang COVID-19 sa pagkain? 30 

Puwede ba akong mahawa ng COVID-19 sa Alaga kong Hayop? 31 

Alkohol, Hand Sanitizers, o Tubig at Sabon? ​32 

Hinggil sa Mga Apektado ng COVID-19 

Sinu-sino ba ang Dapat Sumailalim sa COVID-19 Testing? 34 

Ano ang Ibig Sabihin ng Close Contact? 35 

Ano ang Ibig Sabihin ng PUM (Person Under Monitoring)? 36 

Ano ang Ibig Sabihin ng PUI (Person Under Investigation)? 37 

Bakit mas mataas ang Antas ng Kamatayan/Mortality Rate  


sa Pilipinas kaysa sa ibang mga bansa? ​38  

Hinggil sa Gamot at Lunas sa COVID-19 

Paano ba Tinitiyak Kung Nahawahan ka ng COVID-19? 40 

Gaano katagal bago gumaling ang mga nagkasakit ng COVID-19? 41 

Tumatalab ba ang mga Antibiotiko sa COVID-19? 42 

May Mga Gamot ba na Makapipigil o Makalulunas sa COVID-19? 43 

Dapat ba Akong Magsuot ng Mask? 44 

Paano ba Gamitin nang Wasto ang medical mask? 45 

Hinggil sa Karagdagang Katanungan 

Saan Dapat Tumawag Kung May Mga Karagdagang  


Tanong Tungkol sa COVID-19? ​47 

Sanggunian 48 

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​2 ​ng​ 39 


 

   

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​3 ​ng​ 39 


Pagkilala 
 
Ihinanda ang paunawang ito ng mga sumusunod: 
 
Paolo Miguel Tiausas 
Ralph Lorenz Fonte, MD 
Alexandria Therese Tuason, MD 
Ysabel Regina Ortiz, MD 
 
 
Nais ding mag-abot ng mga bumuo ng dokumentong ng natatanging 
pasasalamat kay ​Bryan Albert Lim, MD​, na dalubhasa sa 
nangakahahawang sakit para sa paunang tulong hinggil sa mga tanong. 
pasasalamat din kay Bryan Lim, MD, na dalubhasa sa nangakahahawang sakit 
para sa paunang tulong sa ilang katanungan 
 

   

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​4 ​ng​ 39 


 
Introduksiyon 
 
 
 
 
   

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​5 ​ng​ 39 


Ano ang Coronavirus? 
 
Ang  mga  ​Coronavirus  ay  isang  malaking  pangkat  ng  mga  virus  na 
nakapagdudulot ng sakit sa mga hayop at sa mga tao.  
 
May  pitong  (7)  kilalang  ​Coronavirus  ​na  nagdudulot  ng  mga 
karamdaman  sa  daluyan  ng  hininga  ng  tao.  Apat  (4)  sa  mga  ito  ang 
nagdudulot  ng  karaniwang  sipon.  Samantala,  sanhi  naman  ng  mga 
epidemya  ng  Middle  East  Respiratory  Syndrome  (MERS)  at  Severe 
Acute Respiratory Syndrome (SARS) ang dalawa (2) sa mga ito,  
 
Kabilang dito ang lumalaganap ngayong ​COVID-19.   

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​6 ​ng​ 39 


Ano ang COVID-19? 
 
Ito  ang  ​nakahahawang  karamdaman  na  idinudulot  ng 
pinakabagong-tuklas  na  uri  ng  coronavirus.  Bago  ito  nagsimulang 
lumaganap  sa  Wuhan,  Tsina  noong  Disyembre  2019,  hindi  pa  kilala  ng 
agham ang virus na ito at ang dulot nitong sakit.  
 
Kasalukuyan itong lumalaganap sa ​82 bansa​. 
 
Pandemya ​ang turing dito ng WHO.   

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​7 ​ng​ 39 


Gaano Kalaganap ang COVID-19? 
 
● 179,112 ​napatunayang kaso ng COVID-19. 
● 7,426 ​na ang namamatay 
● Natagpuan na sa ​159 bansa a
​ t lumalaganap sa ​82 bansa 
 
Ayon sa datos ng World Health Organization, 18 Marso 2020 

   

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​8 ​ng​ 39 


Gaano Kalaganap ang COVID-19 sa Pilipinas? 
 
● 202 ​napatunayang kaso ng COVID-19. 
● 338 ​PUI 
● 2825 ​PUM 
● 7 ​ang gumaling 
● 17 ​ang namatay  
 
Ayon sa datos ng DOH, 18 Marso 2020 

 
Batis: 
https://ncovtracker.doh.gov.ph/?fbclid=IwAR0bpGedJqSo83_zVR7nRX
gu14YRmaLv-juV2t3jDoRa5FBIhfSu4YPivGY   

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​9 ​ng​ 39 


Ano ang Epidemic/Epidemya? 
 
Ang  ​biglang  pagdami  ng  kaso  ng  isang  sakit  nang  higit  sa  karaniwang 
inaasahan  ​sa  populasyon  ng  isang  lugar.  ​Maaari  itong  magbunga  sa 
biglang pagdating ng sakit sa isang lugar na hindi pa nito nahahawahan.  
 

 
   

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​10 ​ng​ 39 


Ano ang Pandemic/Pandemya? 
 
Ang pagkalat ng isang bagong sakit sa ​buong mundo​.  
 
 

   

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​11 ​ng​ 39 


 
Hinggil sa  
mga Sintomas  
ng COVID-19 
 
 
 

   

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​12 ​ng​ 39 


Ano ang mga Sintomas ng COVID-19? 
 
Ang  pinakakaraniwang  mga  sintomas  ng  COVID-19  ay ​lagnat, pagod, ​at 
ubong walang plema. 
 
Makararanas  ang  iba  ng  ​pananakit  ng  katawan  at  ng  mga 
kasu-kasuan, pagbabara ng ilong, matinding sipon,​ o ​pagtatae.  
 
Madalas  banayad  ang  mga  naturang  sintomas  at  karamihan  ng  mga 
nahahawa  (80%)  ay  gumagaling  nang  hindi  nangangailangang 
magpaospital.  
 
Tinatayang  ​1  sa  bawat  6  na  mahahawahan  ng  COVID-19  ang 
magkakasakit nang malubha​ at makararanas ng ​hirap sa paghinga. 

Gayunman, may ilan ding nahahawahan ng sakit ngunit hindi nakararanas ng anumang 
sintomas.  

   

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​13 ​ng​ 39 


Mga Antas ng Karamdaman 
 
Banayad.  ​Sinat  o  Lagnat,  Ubong  walang  plema,  Pananakit  ng 
lalamunan, Trangkaso, Bahagyang pulmonya. 
 
Malubha.  ​Lagnat  na  may  kasamang  Hirap  sa  Paghinga,  Pagbaba  ng 
antas ng oxihena sa dugo, Malalang Pulmonya. 
 
Kritikal. ​Pagpalya ng baga, Shock, Panghihina ng iba’t ibang organo.    

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​14 ​ng​ 39 


Gaano kabagsik ang COVID-19? 
 
81%​ ng mga nahahawa ay nakararanas ng banayad na sakit. 
 
14% ​ng mga nahahawa ay nakararanas ng malubhang sakit. 
 
5%​ ng mga nahahawa ay nakararanas ng kritikal na sakit. 
 
2.3  sa  bawat  100  ​o  ​23  sa  bawat  1000  ​kataong  nahahawa ang aasahang 
mamamatay. 
   

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​15 ​ng​ 39 


Paano Malalaman Kung COVID-19 o Kung 
Karaniwang Sipon/Trangkaso Lang? 
 
Mahirap. 

Walang  tiyak  na  sintomas  na  makapagsasabi  kung  karaniwang sipon ba 


o  kung  COVID-19  ang  iniindang  sakit.  ​Pagsusuri  lamang  sa  laboratoryo 
ang  makapagsasabi  nang  tiyak  kung  COVID-19  o  hindi  ang 
karamdaman.  

Huwag  agad  mababahala.  Hindi  lahat  ng  sipon  o  lagnat  ay  COVID-19. 
Ibukod  ang  sarili  sa  bahay  kung  sasama  ang  pakiramdam.  Magpatingin 
agad sa doktor kung makararanas ng hirap sa paghinga.   

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​16 ​ng​ 39 


Ano  ang  mga  Palatandaan  na  Dapat  nang 
Isugod sa Ospital ang Maysakit? 
 
● Nahihirapang Huminga  
● Kinakapos ng Hininga 
● Walang-humpay na pananakit o paninikip ng dibdib 
● Pangingitim ng mga labi o ng mukha 
● Biglaang pagkawala sa sarili 
● Biglang hirap gisingin 
   

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​17 ​ng​ 39 


Ano ang Ibig Sabihin ng Incubation Period? 
 
Ang panahon sa pagitan ng ​pagkahawa sa virus​ at ng ​paglitaw ng mga sintomas 
ng sakit. 

 
 
   

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​18 ​ng​ 39 


Gaano Katagal ang Incubation Period ng 
COVID-19? 
 
Tinatayang  ​1-14  araw  ang  itinatagal  ng  incubation  period  ng  COVID-19. 
Ngunit  karaniwang  lumilitaw  ang  mga  sintomas  limang  (5)  araw 
matapos mahawa. 
 

   

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​19 ​ng​ 39 


 
Hinggil sa  
Paglaganap ng  
ng COVID-19 
 
 

   

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​20 ​ng​ 39 


Paano ba Kumakalat ang COVID-19? 
 
Katulad  ng  karaniwang  trangkaso,  kumakalat  ang  COVID-19  sa 
pamamagitan  ng  ​maliliit  na  patak  ng  laway,  sipon,  uhog,  at hininga na 
lumalabas  sa  ilong  o  sa  bibig  ng  pasyenteng  may  COVID-19  kapag 
umuubo,  nagsasalita,  o  humihinga.  Pagkalabas  ng  ilong  o  ng  bibig, 
karaniwang  tumatalsik  ang  mga  patak  na ito sa mga bagay sa paligid ng 
pasyente: cellphone, pera, damit, atbp.  
 
Maaaring  mahawahan  ng  COVID-19  ang  sinumang  hahawak  sa  isang 
bagay  na  natalsikan  ng  nakahahawang  patak  at  pagkatapos  ay 
hahawakan naman ang kaniyang mga mata, ilong, o bibig. 
 
Maaari  ding  mahawahan  ng  COVID-19  ​kung  matatalsikan  ang  mata, 
ilong,  o  bibig,  ng  mga  naturang  nakahahawang  patak​na  nagmula  sa 
taong may COVID-19, o​ kung tahasang malalanghap ang mga ito.  
 
Hindi  nananatiling  nakalutang  sa  hangin  ang  mga  patak.  Maaari  lamang 
silang  maihasik  hanggang  ​6  na  talampakan  ​o  ​3  metro  ​mula  sa 
pinagmulang  tao.  Kaya  mahalagang  magpanatili  ng  layo  na  hindi iiksi sa 
3 talampakan​ o ​2 metro​ sa pagitan ng mga tao. 
 
   

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​21 ​ng​ 39 


Ano Ang Social Distancing? 
 
Ito  ang  pagpapanatili  ng  tiyak  na  layo  sa  pagitan  ng  isa’t  isa;  o,  para  sa 
COVID-19, ng ​layong hindi iiksi 3 talampakan/1 metro. 
   

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​22 ​ng​ 39 


Maaari bang Mahawa ng COVID-19 sa mga 
Taong Walang Sintomas? 
 
Ang  pangunahing  paraan  ng  pagkalat  ng  COVID-19  ay  sa  pamamagitan 
ng  mga  patak  ng  hininga  na  nagmula  sa  pasyenteng  umuubo.  Halos 
walang  pagkakataong  mahawa  ng  COVID-19  sa  isang  taong  walang 
sintomas.  
 
Gayunman,  banayad  lamang  ang  nararanasang  sintomas  ng 
karamihan ng may COVID-19.  
 
Samakatuwid,  kailangang  mag-ingat.  ​Maaari  pa  ring  mahawa  ng 
COVID-19  sa  mga  taong  hindi  halata  ang  sintomas  gaya  ng 
bahagyang ubo o bahagyang sipon.   

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​23 ​ng​ 39 


Paano Ako Hindi Mahahawa? 
 
>  ​Maghugas  ng  kamay  nang  regular  at  masinsinan  gamit  ang ​alkohol o 
sabon at tubig​. 
 
>  Panatilihin  ang  layong  ​1  metro  o  3  talampakan  sa  pagitan  mo  at  ng 
sinumang umuubo o bumabahing. 
 
> Iwasang hawak-hawakan ang mga ​mata, ilong,​ at ​bibig​. 
 
>  Ipantakip  sa  ilong  at  bibig  ang  siko  ​kapag  umuubo  o  bumabahing. 
Agarang itapon ang gamit nang tisyu. Agad maghugas ng kamay. 
 
> Umiwas sa mga ​pagtitipon​ at sa ​pakikihalubilo​. 
 
>  ​Linis-linisin  at  ​des-impektahin  ang  mga  bagay  na 
hinahawak-hawakan. 
 
> ​Manatili sa bahay kung masama ang pakiramdam​. 
 
>  Kung  may  ​lagnat  at  ​ubo​,  at  ​nahihirapang  huminga​,  agad 
magpatingin sa doktor​. Sundan ang mga panukala at payo ng DOH. 
 
>  ​Ibukod  ang  sarili  (quarantine)  kapag  sumama  ang  pakiramdam, 
kahit  kabanayad  ang  mga  sintomas  gaya  ng  sakit  ng  ulo,  sinat  (T  > 
37.3C),  o  ng  uhog,  hanggang  gumaling.  ​Magsuot  ng  mask  hangga’t 
maaari upang hindi makahawa. 
 
>  Kung  ​ubuhin​,  ​lagnatin​,  at  ​mahirapang huminga​, agad sumangguni sa 
pagamutan  dahil  maaaring  dulot  ito  ng  impeksyon  o  ibang  malubhang 
kondisyon. 
   

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​24 ​ng​ 39 


Sinu-sino ang mga Pinakananganganib? 
 
 
> Nakatatanda, lalo kung mahigit 70 taong gulang 
> Babaeng kapapanganak lamang 
> May ibang iniindang karamdaman, tulad ng: 
> Kanser 
> Sakit sa Puso 
> Sakit sa Bato 
> High Blood / Alta Presyon 
> Diabetes 
> Hika 
> Mahina ang kakayahan ng katawang lumaban sa  
sakit (Immunocompromised) 
 
Agad  na  sumangguni  sa  doktor  kung  sabay-sabay makararanas ng ubo, 
lagnat, at hirap sa paghinga.   

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​25 ​ng​ 39 


Dapat ba Akong Mabahala? 
 
Karaniwang  banayad  ang  karamdamang  dulot ng COVID-19 lalo na para 
sa  kabataan.  Subalit  maaari  din  itong  magdulot  ng  malubhang 
karamdaman:  ​1  sa  bawat  5  nahahawahan  ng  COVID-19  ang 
nangangailangang magpaospital. 
 
Ipagtanggol  ang  sarili  at  ang  mga  mahal  sa  buhay:  Maghugas  ng 
kamay.  Maging  malinis  sa  paghinga.  Sundan  ang  mga  pahayag  ng  DOH 
at  tumalima  sa  mga  pagbabawal  hinggil  sa  paglalakbay,  pagkilos,  at 
pakikipagtipon.   

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​26 ​ng​ 39 


Maaari bang makisalo sa pagkain sa kanilang 
mga kasama sa bahay ang mga 
nakabukod/nakakuwarentena? 
 
Hindi. 

Dapat  silang  ​ganap  na  nakabukod  kahit  sa  sariling  bahay:  nananatili  sa 
sariling  silid,  umiiwas  sa  pakikihalubilo  (​social  distancing​),  may 
nakatakdang  hiwalay  na  pinggan,  kutsara,  tinidor,  at  baso,  inuugali  ang 
maya’t mayang paghuhugas ng kamay. 

   

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​27 ​ng​ 39 


Gaano Katagal Nananatiling Nakahahawa ang 
COVID-19 sa Labas ng Katawan? 
 
Hindi  pa  tiyak  kung  gaano katagal nananatiling buhay ang mga patak ng 
COVID-19  sa  labas  ng  katawan.  Batay  sa  mga  paunang  pag-aaral, 
maaaring  manatiling  nakahahawa  ang  virus  sa  mga  patak  na 
nakapatong  sa  mga  bagay  hanggang  anim  o  siyam  na  araw  kung  hindi 
sasailalim sa des-impeksiyon. 
 
Kung  naghihinalang  kontaminado  ang  isang  bagay,  linisin  ito  ng 
simpleng  des-impektante  upang  patayin  ang  virus.  ​Maghugas  ng 
kamay  gamit  ang  alkohol  o  sabon  at  tubig.  Iwasang  hawakan  ang  mata, 
ilong, at bibig. 
   

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​28 ​ng​ 39 


May Mga Bagay Bang Hindi Ko Dapat Ginagawa? 
 
> Paninigarilyo 
> Pagsuot ng patung-patong na medical mask 
> Pag-inom ng mga antibiotiko   

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​29 ​ng​ 39 


Maaari bang makuha ang COVID-19 sa pagkain? 
 
Maaari. 

Lalo  na  kung  naubuhan  ng  maysakit  o  nahawakan  ng  maruruming 


kamay  ang  pagkain.  Samakatuwid,  mahalagang  panatilihing  malinis  ang 
lahat  ng  gamit  sa  pagluluto  at  lalagyan  ng  pagkain.  Lagi  ring maghugas 
ng  kamay.  Iwasan  lalo  na  ang  paghahalu-halo  ng  laway:  huwag 
gumamit  ng  daliri  upang  magsubo  ng  pagkain,  huwag  makikitikim  sa 
kutsara  ng  may  kutsara,  at  huwag  ding  makikisawsaw  sa  sawsawan  ng 
iba.  

   

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​30 ​ng​ 39 


Puwede ba akong mahawa ng COVID-19 sa 
Alaga kong Hayop? 
 
Bagaman  may  iisang  kaso  ng  asong  nahawahan  ng  COVID-19  sa  Hong 
Kong,  ​walang  patunay  sa  ngayon  na  nakahahawa  ng  COVID-19  ang 
aso, pusa, o anumang alagang hayop. 
 
   

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​31 ​ng​ 39 


Alkohol, Hand Sanitizers, o Tubig at Sabon? 
 
Sa tatlo, ​pinakamabisang panghugas ng kamay ang tubig at sabon​. 
 
Samantala, ​walang patunay​ na mabisa ang suka laban sa COVID-19. 

   

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​32 ​ng​ 39 


Hinggil sa  
mga Apektado 
ng COVID-19 
 

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​33 ​ng​ 39 


Sinu-sino ba ang Dapat Sumailalim sa COVID-19 
Testing? 
 
 
Hindi  lahat  ng  may  sipon  o  nilalagnat  ay  kailangang  sumailalim  sa 
pagsusuring  ito.  Titimbangin  ng  inyong  doktor  kung  kailangan  ba  ninyo 
o hindi na sumailalim sa ganitong pagsusuri. 
 
Sa  kasalukuyan,  tanging  ang  mga  sumusunod  ang  maaaring sumailalim 
sa Pagsusuring COVID-19: 
 
> May malubhang sintomas ng COVID-19 
>  May  banayad  na  sintomas  ng  COVID-19  AT  nakatatanda  na  o  may 
ibang pangmatagalang sakit gaya ng alta presyon o diabetes. 
 
https://www.labcorp.com/assets-media/2331   

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​34 ​ng​ 39 


Ano Ang Ibig Sabihin ng Close Contact? 
 
Ayon sa pakahulugan ng DOH, kung 
 
(1) Nakihalubilo ka sa pasyente 
(2) Nakasama mo nang malapitan ang pasyente sa iisang  
bahay/opisina/kwarto  
(3) Inalagaan mo ang pasyente 
 
Itinuturing ang lahat ng close contact ng mga pasyenteng 
napatunayang may COVID-19 bilang PUM. 
 
   

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​35 ​ng​ 39 


Ano ang Ibig Sabihin ng PUM (Person Under 
Monitoring)? 
 
Taong  ​walang  sintomas  ng  sakít  ngunit  ​nagbiyahe  sa  bansang  may 
kumpirmadong  kaso  ng  paghahawang  lokal​,  o  ​nakasalamuha  ng 
isang taong kumpirmadong may sakít​.  
 
Inaatasan  ng DOH ang isang PUM na ​ibukod ang sarili (self-quarantine) 
sa kanilang tahanan, sa loob ng ​14 na araw​. 
 
 
 
 
   

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​36 ​ng​ 39 


Ano ang Ibig Sabihin ng PUI (Person Under 
Investigation)? 
 
Tao  na  kapwa  palagiang  ​nagpapakita  ng  sintomas  ng  COVID-19  at 
nanggaling  sa  bansang  may  kumpirmadong  kaso  ng  paghahawang 
lokal​ o ​nakasalamuha ng isang táong kumpirmadong may COVID-19​.  
 
Kung  banayad  ang  sintomas ng pasyente ngunit malusog, walang ibang 
sakit,  at  bata  pa,  iminumungkahi  ng  DOH  na  magbukod  ng  sarili  ang 
pasyente sa sariling tahanan sa loob ng ​14 na araw​. 
 
Iminumungkahi  namang  ipasok  sa  pagamutan  upang  masubaybayan 
ang  mga  pasyente  na  banayad  ang  sintomas  ngunit  nakatatanda  na  o 
may ibang sakit, o kung malubha ang mga sintomas nito. 
 
   

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​37 ​ng​ 39 


Bakit mas mataas ang Antas ng 
Kamatayan/Mortality Rate sa Pilipinas kaysa sa 
ibang mga bansa? 
 
Sa ngayon, ang Antas ng Kamatayan ng COVID-19 sa Pilipinas ay ​8.4% 

Ibig sabihin, ​8 sa bawat 100 mahahawa ng COVID-19 ang mamamatay​. 

Nakukuha  ang  Antas  ng  Kamatayan/Mortality  Rate  sa  pamamagitan  ng 


paghahati  ng  bilang  ng  mga  namatay  sa  bilang  ng  mga  napatunayang 
maysakit.  Samakatuwid,  nalalaman  natin  sa  bilang  na  ito  kung  ilang  tao 
ang  dapat  nating  asahang  namamatay  sa  bawat  100  bagong  kasong 
matutukoy.  

May dalawang dahilan bakit mataas ang bilang na ito sa Pilipinas: 

(1) Sadyang  mas  malamang  kang  mamatay  sa  Pilipinas  sa  COVID-19 
dahil sa lagay ng sistemang pangkalusugan. 
 
(2) Hindi  nasasagap  ng  mga  pagsusuri  ang  mga  may  COVID-19  na 
banayad  ang  mga  sintomas.  Kung  tanging  ang  mga  kasong 
malulubha  ang  nasasagap, talagang dapat nating asahan na tataas 
ang  Antas  ng  Kamatayan  dahil  hindi  natin  alam  ang  totoong  dami 
ng mga maysakit. 

Kung  mas  marami  ang  sasailalim  sa  pagsusuring  COVID-19,  mas 


malinaw  ang  magiging  larawan  natin  hinggil  sa  kasalukuyang 
pandemya. 

 
 

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​38 ​ng​ 39 


 
Hinggil sa  
Gamot at Lunas 
sa COVID-19 
 

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​39 ​ng​ 39 


Paano ba Tinitiyak Kung Nahawahan ka ng 
COVID-19? 
 
Kung  ayon  sa  kasalukuyang  patakaran  ng  DOH,  dapat  tiyakin  kung  may 
COVID-19  ka o wala, may kukuha ng sampol ng mga patak ng hininga sa 
loob  ng  ilong  o  ng  bibig.  Sa  laboratoryo,  isasailalim  ito  sa  pagsusuri 
upang  malaman  kung  may  RNA  na  bakas  ng  COVID-19  sa  iyong 
lalamunan.  
 
Sa  kasalukuyan,  ang  Research  Institute for Tropical Medicine (RITM) ang 
nag-iisang  pambansang  sangguniang  laboratoryo  na  nagsasagawa  ng 
mga  pantiyak  na  pagsusuri  para  sa  COVID-19.  Kasalukuyang  inaabot  ng 
24  hanggang  48  oras  matapos  matanggap  ng  RITM  ang  mga  sampol 
bago lumabas ang resulta ng pagsusuri.    

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​40 ​ng​ 39 


Gaano katagal bago gumaling ang mga 
nagkasakit ng COVID-19? 
 
Ayon  sa  World  Health  Organization  (WHO),  tumatagal  ng  ​dalawang  (2) 
linggo  ​ang  mga  banayad  na impeksyon habang inaabot naman ng ​tatlo 
(3)  hanggang  anim  (6)  na  linggo  ​bago gumaling ang malulubhang kaso 
nito.   

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​41 ​ng​ 39 


Tumatalab ba ang mga Antibiotiko sa 
COVID-19? 
 
Hindi.  
 
Hindi  gumagana  ang  mga  antibiotiko sa mga virus; tumatalab lang sila 
sa  mga  impeksiyong  dulot  ng  mga  bakterya.  Virus  ang  sanhi  ng 
COVID-19 kaya hindi gagana ang mga antibiotiko. 
 
Hindi  dapat gamitin ang mga antibiotiko bilang pananggalang o lunas 
sa COVID-19. 
   

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​42 ​ng​ 39 


May Mga Gamot ba na Makapipigil o 
Makalulunas sa COVID-19? 
 
Wala. 
 
Hindi  iminumungkahi  na  uminom  ng  anumang  gamot,  ​tulad  ng  mga 
antibiotiko, ​bilang pang-iwas o panlunas sa COVID-19​. 
 
Gayunman,  may  mga  gamot  na  makatutulong  ibsan  ang  mga  sintomas 
ng  COVID-19.  ​Upang  makatiyak,  sumangguni  muna  sa  doktor  bago 
uminom ng anumang gamot.   

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​43 ​ng​ 39 


Dapat ba Akong Magsuot ng Mask? 
 
Magsuot ng medical mask ​kung nakararanas ng mga sintomas​ ng 
COVID-19, lalo na ng ​ubo​, o​ kung nag-aalaga ng pasyenteng maaaring 
may COVID-19​. 
 
Isang  beses  lamang  pwedeng  gamitin  ang  mga  disposable face mask. 
Hindi dapat gamitin ulit. 
 
May kakulangan ng medical mask sa buong mundo. 
 
Kung  wala  kang  sakit  o  kung  hindi  nag-aalaga  ng  taong  maaaring 
may COVID-19, nagsasayang ka ng medical mask. 
 
 
 
   

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​44 ​ng​ 39 


Paano ba Gamitin nang Wasto ang medical 
mask? 
 

1. Tandaan: mga ​manggagawang pangkalusugan​, mga ​nag-aalaga 


ng maysakit​, at mga ​pasyenteng may sintomas​ lamang ang mga 
dapat gumamit ng medical mask. 
 
2. Bago hawakan ang mask, hugasan ang kamay ng alkohol o ng 
sabon at tubig. 
 
3. Tingnan kung may punit o butas ang mask. 
 
4. Hanapin ang bahaging may kapirasong bakal. Ito ang nakatataas 
na panig ng mask na ipapatong sa ilong.  
 
5. Tiyaking nakaharap palabas ang panig na may kulay ng face mask. 
 
6. Ilapat sa mukha ang medical mask. Kurutin ang bakal upang 
ihubog sa korte ng iyong ilong. Hindi ito dapat dumulas pababa. 
 
7. Hilahin pababa ang medical mask upang matakpan ang bibig at 
baba.  
 
8. Pagkatapos gamitin, ilayo ang mask sa mukha at sa damit habang 
tinatanggal upang iwasang mahawakan ang kontaminadong 
bahagi nito. 
 
9. Agad itapon sa basurahang may takip. 
 
10.Maghugas ulit ng kamay gamit ang alkohol o sabon at tubig 
matapos hawakan o itapon ang medical mask.    

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​45 ​ng​ 39 


Hinggil sa  
Paglaganap ng  
ng COVID-19 
 
 

   

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​46 ​ng​ 39 


Saan Dapat Tumawag Kung May Mga 
Karagdagang Tanong Tungkol sa COVID-19? 
 
HOTLINE NUMBERS AS OF 03/18/20: 
 
NATIONWIDE:  
Department of Health (DOH) 24/7 Emergency Hotline: 
(02) 894-COVID 
(02) 894-26843 
 
PLDT, SMART, SUN and TNT: 1555 
 
LUZON: 
 
Baguio general Hospital Medical Center (BGHMC) 
SMART: 0921 463 8354 
0921 463 8342 
GLOBE: 0977 674 8928 
PLDT: (074) 661 7963 
 
Philippine General Hospital (PGH) 
0961 7721 534 
 
Research Institute For Tropical Medicine (RITM) 
(02) 8-807-2631 
 
San Lazaro Hospital 
(02) 8732 3776 
 
 
VISAYAS: 
 
Iloilo City Health Office 
(033) 333 1111 loc 212 
 
Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) 
255 6069 
0947 677 7919 
 
 

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​47 ​ng​ 39 


MINDANAO: 
 
Southern Philippines Medical Center (SPMC): 
SMART: 0929 955 8999 
GLOBE: 0927 087 7780 
LANDLINE: (082) 227 2731 loc 4321 
 
Davao City OPCEN hotlines: 
SMART (CALLS ONLY): 0919 071 1111 
(TESTS ONLY): 0939 340 5675 
GLOBE (CALLS ONLY): 0917 508 6548 
(TEXT ONLY: 0906 367 4671 
PLDT: (082) 244 0181 
 
Tagum City COVID-19 OPCEN holtines: 
SMART: 0951 164 6965 
GLOBE: 0951 795 3257 

   

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​48 ​ng​ 39 


Mga Sanggunian 
 
 
Coronavirus disease 2019 (COVID-19). (2020, March 16). Retrieved March 18, 2020 from 
https://www.uptodate.com/contents/coronavirus-disease-2019-covid-19?topicRef=
8298&source=see_link&fbclid=IwAR1N3u33XLif_VdI8N4QRX6ZkLbneUWkJiKAlYGCE
yHsqkT9jibf9Mvod4s#H1299415271 
Coronavirus disease 2019 (COVID-19) Situation Report – 56 (2020, March 16). Retrieved 
March 18, 2020, from 
https://www.who.int/docs/default-source/coronaviruse/situation-reports/202003
16-sitrep-56-covid-19.pdf 
COVID-19: Resources for Households. (2020, March 6). Retrieved March 18, 2020, from 
https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/prepare/cleaning-disinfection.html?
CDC_AA_refVal=https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/community/home/
cleaning-disinfection.html 
Department of Health. (2020, March 18). Retrieved March 18, 2020,from 
https://ncovtracker.doh.gov.ph/?fbclid=IwAR0bpGedJqSo83_zVR7nRXgu14YRmaLv
-juV2t3jDoRa5FBIhfSu4YPivGY 
Narvaez, E.A.G. (2020). ​Terminolohiya Kaugnay ng Covid-19 (Salin sa Filipino).​ ​Terminolohiya 
Kaugnay ng COVID-19 (Salin sa Filipino)​. Lungsod Quezon. Retrieved from 
https://drive.google.com/file/d/1eEJlHiL_QQpiZfMNDLSB9hnhIyDxLPh_/view?fbclid=I
wAR2n0fqHb9TCR3swbvJqct5k42BaUVxBhwPKSoZWEpMdI3lzUASy-3S7GfA 
Novel Coronavirus (2019-nCoV) situation reports. (2020, March 17). Retrieved March 18, 2020, 
from 
https://www.who.int/emergencies/diseases/novel-coronavirus-2019/situation-rep
orts 
Patient education: Coronavirus disease 2019 (COVID-19) (The Basics). (2020, March 17). 
Retrieved March 18, 2020 from 
https://www.uptodate.com/contents/coronavirus-disease-2019-covid-19-the-basic

Q&A on coronaviruses (COVID-19). (2020, March 9). Retrieved March 18, 2020, from 
https://www.who.int/news-room/q-a-detail/q-a-coronaviruses 
Specimen Collection Instructions (2020, March 17). Retrieved March 18, 2020, from 
https://www.labcorp.com/assets-media/2331 
What is a pandemic? (2020, March 12). Retrieved March 18, 2020, from 
https://www.who.int/csr/disease/swineflu/frequently_asked_questions/pandemic
/en/ 
 
 
   

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​49 ​ng​ 39 


Hugpong   

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​50 ​ng​ 39 


   

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​51 ​ng​ 39 


 
 
 
 
 
 

PAUNAWA SA COVID-19​ ​/ ​Pahina ​52 ​ng​ 39 

You might also like