You are on page 1of 2

MONTAGE SCENE 1 – INTRODUCTION (1min time frame)

- COVID 19 , ang kalbaryo na ito ay nagdulot ng paghihirap hindi lamang sa ating bansa kundi na
rin sa buong mundo. Ito ay isang mapanganib at nakamamatay na virus na kumuha sa daan
daang buhay at nag bigay ng panganib sa mga tao.

MONTAGE SCENE 2 – DETAILS (2min time frame)

- Ang covid 19 o corona virus 19 ay nagmula sa isang siyudad na kung tawagin ay wuhan sa
bansang china. Dito natagpuan ang unang kumpirmadong kaso ng nasabing virus. Ito ay
pumanahon sa buwan ng disyembre taong 2019. Ito ay isang uri ng airborne transmission virus
kung saan maaring kumalat sa hangin. Inaatake nito ang nervous at Respiratory ng isang tao.
- Dahil dito ay mabilis na kumalat ang virus sa bawat siyudad , bansa, at kontinente na nag resulta
sa isang pandemya. Naapektuhan ang lahat dahil sa mga pangyayari , nagkaroon ng mahigpit na
lockdowns na nag resulta ng hirap sa buhay ng mga tao.

MONTAGE SCENE 3 – INTERVIEW (5mins time frame)

- Lubos na nakaapekto ang pandemya sa buhay ng tao , marami ang nabawian ng buhay , nag
agaw buhay at nangangamba para sa kanilang pamumuhay. Sa panahon na ito ay bumagsak rin
ang ilan sa mga ekonomiya ng bansa dahil na rin sa unemployements na gawa ng pandemya.
- Hindi lang ang mga trabahador ang naapektuhan. Bata man o matanda ay nagkaroon ng
pagsubok. Mayaman man o mahirap ay walang pinili ,bagkus ang lahat ay naapektuhan sa ibat
ibang paraan.
- Kayat ating kilalanin ang ilan sa mga indibidwal na makapagsasalaysay ng kanilang hinarap at
dinanas noong sagisag pa ng Covid 19

PERSON 1-3 : pakilala then reporter magtatanong tapos yung person magsasalaysay (mag add nalang
kayo ng story para sa kanila di ko magawan ng script kasi hindi ko naman alam buhay nila kaya kayo
nalang)

FOURTH MONTAGE – SUMMARY (3 mins time frame)

- Bawat indibidwal ay humarap sa pagsubok. Mapa bata man o matanda , makikita sa kanilang
salysay ang hirap na kanilang dinanas. Mapa estudyante , vendors , professionals ay nag hirap
din. Ang buong mundo ay natahimik. Ngunit hindi sumuko ang mga tao , makikita sa kanila ang
determinasyon at pag asa sa buhay. Ang pangyayari rin na ito ay nagsilbing leksyon para sa lahat.
- Sa paglipas ng panahon ay unti unting bumangon ang bawat isa. Taong 2020-2021 ay nagsagawa
ng operasyon ang mga kinauukulan upang magkaroon ng bakuna. Ito ay naging matagumpay at
naibahagi sa buong mundo . Unti unting bumalik sa normal ang lahat, hanggang sa kasalukuyan

FIFTH MONTAGE – ENDING (1 min time frame )

- Sa pangyayari na ito ay napagtanto ng marami ang kahalagahan ng buhay. Kayat dapat lang
nating pahalagahan at pasalamatan ang mga bayaning nagmalasakit upang mapigilan ang virus
at tumulong sa atin upang bumagon muli.

-END CREDITS-

You might also like