You are on page 1of 2

Pangalan: Teddy Jr. L.

Mirote Pagsasanay Bilang 5


Pangkat: STEM A Petsa: Enero 25, 2022

Pagbabago nang Magkaroon ng Covid-19


ang Pinas

Social Distancing, disinfect dito


disinfect doon, mga mukhang natatakpan
ng mga mask, at pagbabago ng mga
nakasanayan. Ilan lamang iyan sa mga
patuloy na nararanasan ng bawat isa sa
araw-araw na pamumuhay mula nang
magsimula ang pandemya. Nabago ang mga kinagawian at nagpadagdag pa ito ng
problema, hirap, at sakit sa bawat mamamayan ng sa ating bansa.

Nagsimula ang lahat nang


magkaroon ng outbreak ng SARS-CoV-2 sa
Wuhan, China at kalaunan ay nagkaroon
na rin ang mga kalapit na bans anito
kabilang na ang Pilipinas. Unang naitala
ang hawaan dito sa ating bansa noong
January 30, 2020. Medyo kampante pa tayo noon na hindi ito kakalat sa ating bansa. Ngunit
ngayon na halos magda-dalawang taon na nang magkroon tayo ng Covid-19 sa Pinas ay
hindi pa rin tayo nakakabangon sa
sakunang ito. Isa sa mga pagbabago na
naranasan nating lahat ay ang “Social
Distancing.” Lahat ng establishimento ay
may mga marka na nagpapaalalang huwag
magdikit-dikit o humiwalay upang

PAHINA 1 ARALIN 5 & 6 – GAWAIN 5


maiwasa ang hawaan. Mayroon din naming mga pampublikong sasakyan na may haring at
kung minsan ay kakaunti lamang ang mga sakay nito.

Inaraw-araw na rin ang pagtse-tsek


ng mga temperatura ng bawat isa sa
tuwing pumapasok tayo sa mga matataong
pasilidad gaya ng mga malls, palengke, at
pati na rin sa simbahan. At sa aking
karanasan, sa tuwing ito’y ginagawa ay
nararamdaman ko ang kaba na baka mataas ang aking temperatura at ako ay magkaroon ng
Covid.

Nakakairita, nakakapagod, nakakadismaya, at nakakapanibago ang lahat ng


pagbabago na naranasan at patuloy nating nararanasan sa panahong ito. Sa kabila ng lahat
ng mga pag-iingat, pagsusuot ng mask, pagso-Social Distancing, ay makamit n asana natin
ang herd immunity sa ating bansa upang mawakasan na ang problemang dulot ng
pandemyang ito. At sana’y lagi nating pakatandaan ang mga Health and Safety Protocols
na ipinapatupad, huwag matakot sa mga sabi-sabi at magpabakuna’t magpa-booster shot.
Para nang sa gayon, ang lahat ng mga pag-iingat na ating ginagawa ay makabalik na tayo
sa mundong ating kinagawian.

PAHINA 2 ARALIN 5 & 6 – GAWAIN 5

You might also like