You are on page 1of 1

Covid-19

Ni:
Okt 30, 2020

Ang Covid-19 ay nagsimula sa Wuhan,China. Ito ay suspetsang nagsimula sa isang limampu’t limang taong gulang na
individwal na galing sa Hubei probinsya ng China. Siya ay ang kauna-unahang tao na nagkaroon ng Covid-19. Ang
karaniwang mga sintomas ng Covid-19 ay lagnat,ubo, pagkawala ng panlasa at madaling mapagod. Maraming teyorya
ang lumabas kung paano ito simula. Sa kasalukuyang datos sa Pilipinas merong 7,185 na namatay, 41,291 aktibong kaso
at 330,457 na gumaling na, na nagtala ng 378,933 na kaso (Okt. 30,2020).

Ang pandemyang ito ay tila nagpatigil ng halos lahat ng karaniwang gawain ng bawat isa. Ekonomiya, turismo at
bahagyang pagkaantala ng edukasyon. Ito rin ay nagdulot ng kawalan ng trabaho. Ang pinakamahalagang proteksyon ay
ang pananatili sa bahay. Sa bawat sakuna ito ay may negatibo at positibong epekto sa buhay. Sa isang mahirap na
sitwasyon tulad nito kailangan ng bawat isa ang kooperasyon at pananatiling positibo ang pananaw sa lahat ng bagay.
Nang dahil tayo ay nananatili lamang sa bahay mas mabibigyan natin ng oras ang bawat kapamilya at mahal natin sa
buhay, mga bagay na bihira nating nagagawa noong ang lahat ay nagigimg abala sa paghahanapbuhay. Ang pagtulong sa
kapwa ay nagiging isang positibo at nakakabuting hakbang. Laging isipin na tayo ay iisa sa laban na ito. Walang maiiwan
kung tayo ay magtutulungan.

Bilang isang mag-aaral, kailangan kung mamuhay sa biglaang pagbabago ng mga nakasanayan ko. Ang henerasyon kung
saan ang paggamit ng internet ay isang mabisang paraan sa pagtuklas ng kaalaman at inpormasyon. Gabay ng mga
magulang ay kinakailangan upang ang kabataang tulad ko ay hindi masadlak sa kasamaang dulot ng internet at mga
modernong gadyet. Kailangan maging mapanuri ang isang batang tulad ko sa paggamit ng modernisasyon.

Nagkakaroon din ng mga bagong bayani sa makabagong panahon dulot ng COVID-19. Sila ay ang mga doctor, nars, mga
tauhang nagtatrabaho sa medical, mga tauhan sa industriya ng pagkain, kapulisan at kasundaluhan at iba pang mga
nagbuwis ng buhay para sa kabutihan ng nakakarami. At huwag din nating kalimutan ang mga magulang natin na araw-
araw lumalaban at nagtatrabaho para bigyan ng magandang buhay ang kanilang mga anak. Bilang isang bata, ako ay
napatanong, bakit laging nauunang namamatay ang mabubuting tao tulad ng mga nagbuwis ng buhay sa pandemyang
ito? Sa isang hardin na puno ng bulaklak, ang pinaka maganda at matingkad na bulaklak ay laging nauunang pitasin.
Ang mga “frontliners” ay dapat nating ituring na makabagong mga bayani ng taong 2020. Nagtatrabaho sila para tayo ay
mananatiling ligtas.

Laging sundin ang mga makabagong gabay para sa makabagong ligtas na pamumuhay. Gumamit ng face mask at face
shield, maghugas ng kamay gamit ang milinis na tubig at sabon, iwasan ang matataong lugar, manatili sa bahay at
panatilihing ligtas ang sarili.

You might also like