Professional Documents
Culture Documents
Sec 29
Kung titignan natin ang istatistikang inilatag ng Kagawaran ng Kalusugan, mayroon nang
higit apat na libong kaso ng nagpositibo sa COVID-19 sa bansa. Ngunit, masyado pa itong maliit
kung i-aanalisa dahil hindi naman lahat ay may sapat na pinansyal upang magpatingin sa mga
Doktor, mga PUI, PUM at dahil na rin kulang sa testing kits ang ating mga institusyon. Bawat
ospital sa bansa ay dinudumog ng libo-libong pasyente araw-araw, kasama na rito ang mga taong
pangkalahatang konsultasyon ang pakay. Dahil sa ganitong sistema, hindi na kaya pang
tumanggap ng mga hospital ng iilan pang mga pasyente. Bukod sa kulang sa mga manggagawa,
kulang din ang mga kagamitan sa pang gamot.
Ang mas masakit pa rito ay ang katotohanang mayroong mga taong kinakailangan talagang
magtrabaho para sa kanilang pamilya ngunit madalas ay hinaharangan lang ng mga militar.
Paano naman natin sila masisisi? Naghihirap silang punuin ang tiyan ng mga gutom nilang
pamilya, sa pagbabayad ng mga bayarin, at maging sa edukasyon ng kanilang mga anak. Nasa
ilalim tayo ngayon ng Enhanced Community Quarantine, pero tila ba hindi nag bibigay pansin
ang ibang naka upo gobyerno sa mga kailangan natin sa pang-araw-araw, at kahit ang
pampublikong transportasyon ay bulok din. Kasalanan ba iyon ng ating mga kababayan?
Malamang ay hindi.
Kung hindi lamang lumiit at hinati ang pondo noon para sa kalusugan, makakaya sana
nating tulungang pinansyal ang mga mananaliksik, Doktor, sayantista, upang makagawa ng mga
testing kits, vaccines, at gamot para patayin ang COVID-19 sa pagkalat nito. Kitang-kita ito sa
ginawa ng mga opisyales at estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas na gumawa ng mas mura at
mas mabilis na testing kits. Isa talagang mahalagang bagay ang pananaliksik.
Dahil sa mga impormasyong ito, ang pagpapadala ng mga militar ay hindi ganoong
nakaka-resolba ng problema. Totoo na kailangan sila para sa kaayusan at kapayapaan ng bansa,
ngunit hindi tayo dapat dito magbigay ng atensyon. Oo nga at maganda ang intesyon nito, pero
dahil tayo ay nasa tagpuan ng Pilipinas, patuloy itong pumapalpak at bumabagsak. Ang mga
plano, kung mayroong mang kongkreto, ay pabor lamang para sa mga mayayaman at may
pribileheyo. Sila lang ang may kakayahan patakbuhin ang kanilang mga sasakyan nang hindi
hinaharangan, at manatili sa bahay nang hindi pino-problema kung paano sila masasalba sa araw-
araw.
Sinabihan ng mga opisyales na huwag katakutan ang mga militar, pero bukod pa roon
ang ikinatatakot namin. Ang isa pa ay ang ideyang hindi kami makapagbigay sa aming pamilya,
ang mamatay nang walang natatanggap na tulong, at mamatay nang hindi lang dahil sa
pandemikong ito, kung hindi dahil din sa mga komplikasyong kaakibat nito. Ang kailangan ng
mamamayan ay trabaho, pagkaing sasapat sa pamilya, malatagan ng usaping pagkaligtasan, at
higit sa lahat, malinaw na aksyon, pagpa-plano, at pamumuno. Kailangan natin ang militar sa
kaayusan ng bansa, ngunit mas kailangan natin ang pag-disinpeksyon, kaunawaan, at
konsiderasyon sa tunay na kalagayan ng mamamayang Pilipino.