You are on page 1of 31

FILIPINO 111 Quarter 2

PANGALAN:

Grade 11-
WEEK 1-2
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO
ARALIN 1
 Natutukoy ang iba’t ibangpag gamit ng wika sa mga
Mga Sitwasyong napakinggang pahayag mula sa mga panayam at nalita sa
radio at telebisyon (F11PN-IIa-88)
 Natutukoy ang ang iba’t ibang paggamit ng wika sa nabasang
Pangwika sa pahayag mula sa mga blog, social media posts, at iba pa
(F11PB-IIa-96)
 Nakasusulat ng mga tekstong nagpapakita ng mga
Pilipinas 
kalagayang pangwika sa kulturang Pilipino
Natutukoy ang iba’t ibang register at barayti ng wika na
PANGKALAHATANG IDEYA ginagamit sa iba’t ibang sitwasyon (Halimbawa: Medisina,
Abogasya, Media, Social Media, Enhinyerya, Negosyo, at iba
Ang kabanatang ito ay tatalakay sa pa) sa pamamagitan ng pagtatala ng mga terminong ginamit
kasalukuyang sitwasyong pangwika sa sa mga larangang ito (F11WG-IIc-87)
Pilipinas at kakayahang komunikatibo ng
mga Pilipino. Magiging pokus nito ang pag-aaral tungo sa pananaliksik ukol sa kalikasan, katangian, pag-unlad,
gamit, at paggamit ng Wikang Filipino sa mga sitwasyong komunikatibo at kultural sa liunang Pilipino.

INTRODUKSYON
Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo at marami kang makukuhang kaalaman sa bawat aralin.
Kaya pagsikapan mong mabuti na masagot ang mga gawaing inihahanda sa bawat yugto ng pagkatuto.
Mahalagang matutunan mo bilang mag-aaral ang mga sitwasyong pangwika sa Pilipinas. Makatutulong ito sa
iyo upang madagdagan ang iyong karanasan at kaalaman nang sa gayo’y mapakinabangan ito. Alam kong
makakaya mong sagutin ito. Kaya mo to! Handa ka na ba? Simulan mo na.

Simulan Natin!

Sagutin ang sumusunod na mga tanong kaugnay ng paggamit Mo ng wika.


1. Kailan ka huling nagpadala ng text message?
____________________________________________________________________
Ang text messages ba ay nakassulat sa Filipino, Ingles o Taglish? ____________________________
2. Kailan ka huling nag-post ng status sa Facebook o Instragram?
______________________________________________________
Ang post mo ba ay nakassulat sa Filipino, Ingles o Taglish? ___________________________
3. Ano ang pinakahuling palabas pantelebisyong pinanood mo?
_______________________________________________________
Ito ba ay nakassulat sa Filipino, Ingles o Taglish? _________________________
4. Ano ang pinakahuling video sa Youtube na pinanood mo?
__________________________________________________________
Ang video ba ay nasa wikang Filipino, Ingles o Taglish? _________________________
5. Anong wika ang madalas gamitin ninyo sa inyong tahanan?
_________________________________________________________
Ito ba ay Filipino, Ingles o Taglish? _________________________
6. Sa alin-aling lugar mo higit na nagagamit ang wikang Filipino?
________________________________________________________
7. Gaano kahalaga sa iyo ang pagkatuto at pagsasalita ng wikang Filipino: (mahalagang mahalaga,
mahalaga, hindi gaanong mahalaga, o hindi mahalaga)
Bakit?
______________________________________________________________________________________________________
8. Gaano ka kahusay sa pagsasalita ng wikang Filipino: (mahusay na mahusay, mahusay, hindi gaanong
mahusay, sadyang hindi mahusay)? ________________________
9. Sa alin-aling lugar mo naman higit na nagagamit ang wikang Ingles?
__________________________________________________

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO I ALBITOS / MANAGARING 1


10. Gaano kahalaga sa iyo ang pagkatuto at pagsasalita ng wikang Ingles: (mahalagang mahalaga,
mahalaga, hindi gaanong mahalaga, o hindi mahalaga)
Bakit?
______________________________________________________________________________________________________
11. Gaano ka kahusay sa pagsasalita ng wikang Ingles: (mahusay na mahusay, mahusay, hindi gaanong
mahusay, sadyang hindi mahusay)? ________________________
12.Batay sa mga isinagot mo sa mga tanong, ano sa palagay mo ang sitwasyon o kalagayan ng wikang
Filipino sa iyong sarili at sa inyong tahanan sa kasalukuyang panahon?
_________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
13. Ano naman ang kasalukuyang kalagayan ng wikang Ingles sa iyong sarili at sa inyong tahahan?
____________________________
____________________________________________________________________________________________________________

Alam mo ba?

Maraming sarbey kaugnay ng wikang Filipino ang magpapatunay sa kalagayan o sitwasyon ng ating
wikang pambansa tulad ng sumusunod:

Sa SWS Survey noong 1993, lumalabas na 18 porsiyento lamang ng mga Pilipino ang may ganap na
kahusayan sa paggamit ng wikang Ingles at karamihan pa sa kanila'y isinilang at lumaki sa Amerika at
bumalik lámang dito sa Pilipinas.
Sa SWS Survey noong Disyembre 1995, lumabas ang sumusunod:
 Sa tanong na “Gaano kahalaga ang pagsasalita ng Filipino?", 2 sa bawat 3 Pilipino ang nagsasabing
mahalagang-mahalaga ang pagsasalita nito.
 Lumabas din sa nasabing sarbey na 71 porsiyento ng nasa Luzon, 55 porsiyento ng nasa Bisaya, at 50
porsiyento ng nasa Mindanao ang sumagot na mahalagang- mahalaga ang pagsasalita ng Filipin.
 Sa sarbey ring ito nalaman ang pulso hinggil sa wikang Filipino ng mga Pilipinong nasa uring ABC
(mayayaman, angat, at maykaya sa buhay), 73 porsiyento sa kanila ang nagsabing mahalagang-
mahalaga ang pagsasalita ng Filipino. Ibig sabihin, hindi lang sa mga D at E (mahihirap o hikahos sa
buhay) mahalagang mahalaga ang Filipino.

Maliban sa mga sarbey na ito, mabibigyang-diin sa sinipi sa ibaba ang kalagayan at kahalagahan ng wikang
Filipino hindi lang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa man. Ang sumusunod ay mula sa artikulong “12 Reasons to
Save the National Language” ni David Micheal San Jua.

Filipino is the national language and the language of political democratization as it is spoken by 99% of
the population. It is the most effective language of national public discourse. It is the soul of our
country's identity and culture. Songs, poems, speeches, essays, stories in Filipino unite us as a people.
Giving our national cultural heritage some space in all levels of education is a must. Obliterating it is
obliterating ourselves and our collective identity.
Filipino is a global language taught in more than 80 schools, institutions, and universities abroad (in some
cases, full bachelor's degree and/or master's degree are also offered). Obliterating the space for Filipino
and Philippine Studies at the tertiary level in Philippine colleges and universities will certainly negatively
affect the status of Filipino as a global language. (www.rappler.com/move-ph/ispeak/65545-san-juan-
save-national language.

Pagyamanin

Mga Sitwasyong Pangwika

Malayo na ang nalakbay ng wikang Filipino. Nabasa mo sa mga nagdaang aralin ang mahabang
kasaysayan ng ating wika mula sa panahon ng ating mga ninuno, panahon ng mga Espanyol, ng rebolusyong
Pilipino, ng mga Amerikano, ng mga Hapones, ng pagsasarili, hanggang sa kasalukuyan. Sa mahabang
kasaysayang ito nakita natin ang paglago, pag-unlad, at pagbabago o pag-evolve ng ating wika, Malaki ang
epekto ng mga pagbabagong dala ng panahon at ng makabagong teknolohiya sa mga pagbabago rin sa
kalagayan o sitwasyon ng ating wika. Nasaan na nga ba o ano na nga ba ang kalagayan ng wikang Filipino
sa ika-21 siglo sa iba't ibang larangan? Ating alamin.

Sitwasyong Pangwika sa Telebisyon


Ang telebisyon ay itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami ng
mamamayang naaabot nito. Sa paglaganap ng cable o satellite connection ay lalong dumami ang
manonood ng telebisyon saanmang sulok ng bansa sapagkat nararating na nito maging ang malalayong
pulo ng bansa at maging mga Pilipino sa ibang bansa. Ang magandang balita, wikang Filipino ang
nangungunang midyum sa telebisyon sa ating bansa. Ito ang wika ng mga teleserye, mga pantanghaling
palabas, mga magazine show, news and public affairs, komentaryo, dokumentaryo, reality TV, mga
programang pang-showbiz, at maging mga programang pang-edukayon. May mangilan-ngilang news

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO I ALBITOS / MANAGARING 2


program sa wikang Ingles subalit ang mga ito'y hindi sa mga nangungunang estasyon kundi sa ilang lokal na
news TV at madalas ay inilalagay hindi sa primetime kundi sa gabi kung kailan tulog na ang nakararami. Ang
pagdami ng palabas pantelebisyon partikular ang mga teleserye o telenobela at mga pantanghaling
programa o noontime show tulad ng Eat Bulaga at It's Showtime na sinusubaybayan ng milyon-milyong
manonood ang isa sa malalaking dahilan kung bakit ang halos lahat ng mamamayan sa bansa ay
nakauunawa at nakapagsasalita ng wikang Filipino. Malakas ang impluwensiya ng mga programang ito na
gumagamit ng wikang Filipino sa mga manonood. Hindi kasi uso ang mag-subtitle o mag-dub ng mga palabas
sa mga wikang rehiyonal. Ang madalas na exposure sa telebisyon ang isang malaking dahilan kung bakit
sinasabing 99% ng mga mamamayan sa Pilipinas ang nakapagsasalita ng Filipino at maraming kabataan ang
namumulat sa wikang ito.
Sitwasyong Pangwika sa Radyo at Diyaryo
Katulad ng telebisyon, Filipino rin ang nangungunang wika sa radyo. Ang halos lahat ng mga estasyon
ng radyo sa AM man o sa FM ay gumagamit ng at iba't ibang barayti nito. May mga programa rin sa FM tulad
ng Morning Rush na gumagamit ng wikang Ingles sa pagbo-broadcast subalit nakararami pa rin ang
gumagamit ng Filipino. May mga estasyon ng radyo sa probinsiyang may mga programang gumagamit ng
rehiyonal na wika pero kapag may kinapanayam sila ay karaniwang sa wikang Filipino sila nakikipag-usap. Sa
mga diyaryo naman ay wikang Ingles ang ginagamit sa mga broadsheet at wikang Filipino sa mga tabloid
maliban sa People's Journal at Tempo na nakasulat din sa wikang Ingles. Subalit tabloid ang mas binibili ng
masa o mga karaniwang tao tulad ng mga drayber ng bus at dyip, mga tindera sa palengke, mga
ordinaryong manggagawa, at iba pa dahil sa mas mura at nakasulat sa wikang higit nilang naiintindihan, kayâ
naman masasabing mas malawak ang impluwensiya ng mga babasahing ito sa nakararaming Pilipino.
Sitwasyong Pangwika sa Pelikula
Bagama't mas maraming banyaga kaysa lokal na pelikula ang naipalalabas sa ating bansa taon-taon
ang mga lokal na pelikulang gumagamit ng midyum na Filipino at mga barayti nito ay mainit ding tinatangkilik
ng mga manonood. Katunayan, sa dalawampung nangungunang pelikulang ipinalabas noong 2014, batay sa
kinita, lima sa mga ito ang lokal na tinatampukan din ng mga lokal na artista. Iyon nga lang, Ingles ang
karaniwang pamagat ng mga pelikulang Pilipino tulad ng One More Chance, Starting Over Again, It Takes a
Man and A Woman, Bride for Rent, You're My Boss, You're Still the One, at iba pa. Ang wikang ginagamit ay
Filipino, Taglish, at iba pang barayti ng wika.
Hindi na nga maitatatwang Filipino ang wika o lingua franca ng telebisyon, radyo, diyaryo, at pelikula.
Maaaring sabihing ang pangunahing layunin ng mga ito sa paggamit ng Filipino bilang midyum ay upang
makaakit nang mas maraming manonood, tagapakinig, o mambabasa na makauunawa at malilibang sa
kanilang palabas, programa, at babasahin upang kumita sila nang mas malaki. Subalit, hindi rin
mapasusubalian ang katotohanang dahil sa malawak na impluwensiya ng wikang ginagamit sa mass media
ay mas maraming mamamayan sa bansa ngayon ang nakapagsasalita, nakauunawa, at gumagamit sa
wikang Filipino. Isang mabuting senyales para sa lalong pag-unlad at paglago ng ating wikang pambansa.
Sitwasyong Pangwika sa Iba Pang Anyo ng Kulturang Popular
Isa sa mga katangian ng wika ang pagiging malikhain. Sa patuloy na paglago ng wika ay umuusbong
ang iba't ibang paraan ng malikhaing paggamit dito dala na rin ng impluwensiya ng mga pagbabagong
pinalalaganap ng media. Sa kasalukuyan ay may iba't ibang nauusong paraan ng malikhaing
pagpapahayag na gumagamit ng wikang Filipino at mga barayti nito sa mga sitwasyong tulad ng sumusunod:
Flip Top
Ito'y pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap. Nahahawig ito sa balagtasan dahil ang mga bersong
nira-rap ay magkakatugma bagama't sa fliptop ay hindi nakalahad o walang malinaw na paksang
pagtatalunan. Kung ano lang ang paksang sisimulan ng naunang kalahok ay siyang sasagutin ng kanyang
katunggali.
Halimbawa: FlipTop, Shernan vs. Lil Sisa.
Pick-up Lines
May mga nagsasabing ang pick-up lines ay makabagong bugtong kung saan may tanong na sinasagot ng
isang bagay na madalas maiuugnay sa pag-ibig at iba pang aspekto ng buhay. Sinasabing nagmula ito sa
boladas ng mga binatang nanliligaw na nagnanais magpapansin, magpakilig, magpangiti, at magpa-ibig sa
dalagang nililigawan. Kung may mga salitang angkop na makapaglalarawan ito'y nakatutuwa,
nakapagpapangiti, nakakikilig, cute cheesy, at masasabi ring corny. Karaniwang gumagamit ng wikang
Filipino rito subalit gumagamit din ito ng Ingles o Taglish.
Halimbawa: TEA ka ba? – TEAnamaan na kasi ako sa’yo eh…
Subukang magbigay ng dalawang (2) sariling Pick-up lines.
1. _______________________________________________________________________
2. _______________________________________________________________________
Hugot lines
Ang hugot lines na tinatawag ding love lines o love quotes ay isa pang patunay na ang wika nga ay malikhain.
Hugot lines ang tawag sa mga linya ng pag-ibig na nakakikilig, nakatutuwa, cute, cheesy, o minsa'y nakaiinis.
Karaniwang nagmula ito sa linya ng ilang tauhan sa pelikula o telebisyong nagmarka sa puso't isipan ng mga
manonood subalit madalas nakagagawa rin ng sarili nilang "hugot lines” ang mga tao depende sa damdamin
o karanasang pinagdaraanan nila sa kasalukuyan. Minsan ang mga ito'y nakasulat sa Filipino subalit madalas,
Taglish, o pinaghalong Tagalog at Ingles ang gamit na salita sa mga ito.

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO I ALBITOS / MANAGARING 3


Halimbawa: Handa akong takbuhin ang mundo… basta ang finish line ay ang puso mo.
Kapag namatay ako, huwag kang pupunta sa libing ko, baka tumibok ulit ang puso ko.
Subukang magbigay ng tatlong (3) halimbawa ng hugot lines base sa iyong nararamdaman ngayon.
1.
__________________________________________________________________________________________________________
2.
__________________________________________________________________________________________________________
3.
__________________________________________________________________________________________________________
Sitwasyong Pangwika sa Text
Ang pagpapadala at pagtanggap ng SMS (short messaging system) na lalong kilala bilang text
message o text ay isang mahalagang bahagi ng komunikasyon sa ating bansa. Katunayan, humigit-kumulang
apat na bilyong text ang ipinadadala at natatanggap sa ating bansa araw-araw kaya naman tinagurian
tayong “Texting Capital of the World.” Higit na itong popular kaysa pagtawag sa telepono o cell phone dahil
bukod sa mas murang mag-text kaysa tumawag sa telepono ay may mga pagkakataong mas komportable
ang taong magparating ng maiikling mensaheng nakasulat kaysa sabihin ito nang harapan o sa
pamamagitan ng tawag sa telepono. Sa text nga naman ay hindi mo nakikita ang ekspresyon ng mukha o
tono ng boses ng taong tumatanggap ng mensahe. Walang sinusunod na rule o tuntunin sa pagpapaikli ng
salita, gayundin kung Ingles o Taglish ang gagamitin. Gumagamit ng numero para sa katunog nitong salita,
halimbawa: imbes na dito ay d2 nalang ang tina-type. Usong-uso rin ang paggamit ng mga daglat bilang
shortcut o pagpapaikli ng mga parirala lalo na sa Ingles. Halimbawa: GBU para sa God Bless You at ILY para
naman sa I Love You.
Sitwasyong Pangwika sa Social Media at sa Internet
Sa panahong ito ay mabibilang na lang marahil sa daliri ang tao lalo na ang kabataang wala ni isang
social media account tulad ng Facebook, Instagram, Twitter, Pinterest, Tumblr, at iba pa. Maging mga
nakatatanda tulad ng mga lolo at lola ay kabilang na rin sa mga netizen na umaarangkada ang social life sa
pamamagitan ng social media. Marami ang nagtuturing ditong isang biyaya dahil nagiging daan ito ng
pagpapadali ng komunikasyon sa pagitan ng magkakaibigan o mga mahal sa buhay lalo na iyong malalayo
sa isa't isa o matagal nang hindi nagkikita. Madaling makabalita sa mga nangyayari sa buhay sa
pamamagitan ng mga naka- post na impormasyon, larawan, at pagpapadala ng pribadong mensahe gamit
ang 1 mga ito. Kumusta naman kaya ang paggamit ng wika sa mga social media? Tulad din ng sa text,
karaniwan ang code switching o pagpapalit-palit ng Ingles at Filipino sa pagpapahayag gayundin ang
pagpapaikli ng mga salita o paggamit ng daglat sa mga post at komento rito. Gayumpaman, dahil di tulad
ng text o SMS na pribado o iisang tao lang ang inaasahang makababasa, sa social media ay mapapansing
mas pinag-iisipan ang mga salita o pahayag bago i-post dahil mas maraming tao ang maaaring makabasa
nito. Sa post o komento ay madalas makita ang edited. Ibig sabihin, may binago o inayos ang nag-post o nag-
komento pagkatapos niyang mabasa ang kanyang isinulat. Sa Internet bagama't marami nang website ang
mapagkukunan ng mga impormasyon o kaalamang nasusulat sa wikang Filipino o Tagalog ay nananatiling
Ingles pa rin ang pangunahing wika nito. Napakalawak at napakarami kasi ng mga taong konektado sa
Internet na umaabot sa mahigit 3 bilyon sa buong mundo. Sa nasa 39.470 milyong katao ang konektado sa
Internet sa taong 2015 at ito'y dumarami nang 10% taon-taon. Bagama't nasa 39.43% na ito ng buong
populasyon ng Pilipinas ay nasa 1.35% lamang ng ito ng kabuoang bilang ng mga taong konektado sa
Internet sa buong mundo. Ang pangunahing wika sa mga website at sa iba pang impormasyong mababasa,
maririnig, at mapapanood sainternet ay nananatiling Ingles.

Sitwasyong Pangwika sa Kalakalan


Wikang Ingles ang higit na ginagamit sa mga boardroom ng malalaking kompanya at korporasyon lalo na sa
mga pag-aari o pinamuhunan ng mga dayuhan at tinatawag na multinational companies. Ito rin ang wika sa
mga Business Process Outsourcing (BPO) o mga call center lalo na iyong mga kompanyang nakabase sa
Pilipinas subalit ang sineserbisyuhan ay mga dayuhang customer. Ang mga dokumentong nakasulat tulad ng
memo, kautusan, kontrata, at iba pa ay gumagamit din ng wikang Ingles. Ang mga web site ng malalaking
mangangalakal na ito ay sa Ingles din nakasulat gayundin ang kanilang mga press release lalo na kung ito ay
sa mga broadsheet o magazine nalalathala. Gayumpaman, nananatiling Filipino at iba't ibang barayti nito
ang wika sa mga pagawaan o production line, mga mall, mga restoran, mga pamilihan, mga palengke, at
maging sa direct selling. Ito rin ang wikang ginagamit sa mga komersiyal o patalastas pantelebisyon o
panradyo na umaakit sa mga mamimili upang bilhin ang mga produkto o tangkilikin ang mga serbisyo ng mga
mangangalakal. Mas malawak at mas maraming mamimili kasi ang naaabot ng mga impormasyong ito kung
wikang nauunawaan ng nakararami ang gagamitin.
Sitwasyong Pangwika sa Pamahalaan
Sa bisa ng Atas Tagapagpaganap Blg. 335, serye ng 1988 na “nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran,
kawanihan, opisina, ahensiya, at instrumentaliti ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na
kailangan para sa layuing magamit ang Filipino sa opisyal na mga transaksyon, komunikasyon, at
korespondensya”, nagging mas malawak ang paggamit ng wika sa iba’t ibang antas at sangay ng
pamahalaan. Ito ang malaking kontriibusyon ni dating Pangulong Cory Aquino sa pagpapalaganap ng
wikang Pilipino sa pamahalaan.

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO I ALBITOS / MANAGARING 4


Sitwasyong Pangwika sa Edukasyon
Sa mga naunang aralin ay ating nalaman ang kasalukuyang kalagayan ng wikang Filipino sa mga silid-
aralan ayon sa itinatadhana ng K to 12 Basic Education Curriculum. Sa mababang paaralan (K hanggang
Grade 3) ay unang wika ang gamit bilang wikang panturo at bilang hiwalay na asignatura, samantalang ang
wikang Filipino at Ingles naman ay itinuturo bilang magkahiwalay na asignaturang pangwika. Sa mas
matataas na antas ay nananatiling bilingguwal kung saan ginagamit ang wikang Ingles bilang mga wikang
panturo. Bagama't marami pa ring edukador ang hindi lubusang tumatanggap sa sitwasyong ito, ang
pagkakaroon ng batas at pamantayang sinusunod ng mga paaralan, pribado man o pampubliko ay
nakatutulong nang malaki upang higit na malinang at lumaganap ang unang wika ng mga mag-aaral,
gayundin ang wikang Filipino.
Register o Barayti ng Wikang Ginagamit sa Iba't Ibang sitwasyon
Ang mga barayting ito ay nagagamit sa iba't ibang sitwasyong pangwikang ating natalakay rito. Isa sa
mga uri ng sosyolek ang nais bigyang-diin dito, ang paggamit ng mga jargon o mga terminong kaugnay ng
mga trabaho o iba't ibang hanapbuhay o larangan. Kapag narinig ang mga terminong ito ay matutukoy o
masasabi ang larangan o sitwasyong karaniwang ginagamitan ng mga ito.
Halimbawa:
 Ang mga abogado o taong nagtatrabaho sa korte ay maipakikilala ng sumusunod na mga jargon:
 exhibit, appeal, complainant, suspect, court, justice, at iba pa
 Ang mga guro o mga taong konektado sa edukasyon ay maipakikilala ng sumusunod:
 lesson plan, test, assessment, curriculum, textbook
 Ang mga doktor, nars, o mga taong may kinalaman sa medisina ay maipakikilala ng sumusunod:
 symptom, x-ray, check-up, prognosis, diagnosis, therapy
Kongklusyon
Batay sa mga nailatag na sitwasyong pangwika sa iba't ibang larangan, maliwanag na makikita ang
kapangyarihan at lawak ng paggamit ng wikang Filipino, ang itinuturing na wika ng masa sa kasalukuyang
panahon. Makikita sa ang lubos na pagtanggap ng karamihan sa mga mamamayan sa sarili nating wika.
Nasa atin nang kamalayan ang kahalagahan ng paggamit at pagpapalawig sa sarili nating wika upang ito'y
lalong maisulong at higit na maging matatag at malakas dahil ang tatag at lakas nito ay sasalamin din sa
katatagan ng ating pagka-Pilipino. Wala namang masamâ kung matututo tayong magsalita ng mga wikang
banyaga at maging multilingguwal subalit higit sa lahat, kailangan nating patatagin ang ating sariling wika
para sa sarili na rin nating kapakinabangan. Ang pagkakaisang ito ay makapagdudulot ng pag-unlad.
Walang makututulong sa Pilipino kundi ang kapwa rin Pilipino at mangyayari iyan kung magkakaisa tayong
iwaksi ang kaisipang kolonyal, makipag-ugnayan sa isa't isa, magtulungan, magtalastasan gamit ang wikang
nauunawaan ng lahat ng mga Pilipino dahil sabi nga ni Jose Rizal:
"Ang hindi magmahal sa kanyang salita, Mahigit sa hayop at malansang isda; Laya ang marapat
pagyamaning kusa Na tulad sa inang tunay na nagpala." -- "Sa Aking Kabata" ni Dr. Jose P. Rizal (1861-1896).

Sagutin Natin
A. Natutukoy ang iba't ibang paggamit ng wika sa nabasang pahayag mula sa mga blog, social media posts,
at iba pa (F11PB-IIa-96)

Isa sa maiinit na paksang pinag-usapan sa social media ang tungkol sa pagpapataw ng tax at
pagbubukas ng Bureau of Customs sa ilang balikbayan boxes na ipinadadala ng mga OFW. Basahing mabuti
ang mga post at comment sa Facebook kaugnay ng nasabing isyu. Sagutin ang mga tanong tungkol sa
pagkakagamit ng wika sa mga nabasang pahayag pagkatapos.

1. Anong damdamin ang namayani sa mga Facebook post at komentong binása mo?
_______________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
2. Bakit kayâ ganoon ang naging damdamin ng mga nag-post at nag- komento sa Facebook kaugnay ng
isyu? ___________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO I ALBITOS / MANAGARING 5


3. Paano ginamit o ano ang naging pangunahing tungkulin ng wika sa mga nabása mong pagpapahayag?
_______________________
____________________________________________________________________________________________________________
4. Anong sitwasyon ng wika ang masasalamin sa mga binása?
__________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
5. Pagkalipas lang ng ilang oras, pagkatapos umani ng napakaraming batikos ang customs, nagpalabas ng
kautusan si Pangulong PNoy na nagpapahinto sa pagbubukas nila ng balikbayan boxes. Ano ang
pinatunayan nito sa kapangyarihan ng nagkakaisang tinig o wika ng nakararami at ang kapangyarihan din ng
social media? ________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________

B. Natutukoy ang iba't ibang paggamit ng wika sa mga napakinggang pahayag mula sa mga panayam at
balita sa radyo at telebisyon (F11PN-Ia-88)
Naging mainit ang isyu tungkol sa pagpapataw ng karagdagang buwis at pagbubukas ng mga
balikbayan box, isa pang isyung kaugnay nito ang mapapanood. Ibinalita ng news anchor si Pinky Web at
reporter na si Pia Gutierrez ng ABS-CBNnews.com TV Patrol ang tungkol sa Balikbayan boxes na ilegal na
ibinebenta ng isang forwarding company sa ilang mga negosyate. Makikita ang balita sa link na ito: https://tl-
ph.facebook.com/filipinosabroad/posts/695461293800448 18 19 peces
1. Ano ang naramdaman mo habang pinanonood ang balita?
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
2. Batay sa iyong naramdaman, masasabi bang naging matagumpay ang reporter sa pagpili ng tamang
salitang ginamit niya sa pag-uulat?
_____________________________________________________________________________________________________
Ipaliwanag
__________________________________________________________________________________________________
3. Kung pagbabatayan ang paraan at nilalaman ng ulat, masasabi bang sensasyonal ang pag-uulat?
___________________________
Bakit oo o bakit hindi?
_________________________________________________________________________________________
4. Ano kayâ ang iisipin o gagawin ng mga OFW pagkatapos mapanood ang nasabing balita?
__________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
5. Paano napatunayan sa pinanood ang pagiging makapangyarihan ng telebisyon bilang isang uri ng mass
media?
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
C. Nakasusulat ng mga tekstong nagpapakita ng mga kalagayang pangwika sa kulturang Pilipino (F11PU-IIc-
87)
"Bagama't laganap na sa mass media, mapapansin pa rin na ang wikang Filipino ay madalas na
ginagamit sa mga programa sa radyo at tabloid, at sa pelikula kung saan ang nananaig ng tono ay impormal,
at waring hindi gaanong istrikto ang pamantayan ng propesyonalismo. Sa maraming babasahin at palabas sa
Filipino, ang tila nangingibabaw na layunin ay mang- aliw, manlibang, lumikha ng ugong at ingay ng
kasayahan.” (Tiongson, 2012:8).
Sumasang-ayon o sumasalungat ka ba sa obserbasyong ito na ang nananaig na tono ng wika sa mass
media ay impormal at hindi gaanong istrikto ang pamantayan ng propesyonalismo? Patunayan ang sagot mo
sa pamamagitan ng paglalahad ng mga obserbasyon mo sa kalagayan ng wika sa sumusunod:
 sa isang noontime show o pantanghaling variety show
__________________________________________________________________
Pamagat ng Noontime Show
Obserbasyon mo sa paggamit ng wika sa programang ito.
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________
 sa isang programang nagbabalita o news and public affairs program
__________________________________________________________________
Pamagat ng News and Public Affairs Program
Obserbasyon mo sa paggamit ng wika sa programang ito.
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO I ALBITOS / MANAGARING 6


 sa isang teleserye o telenovela
__________________________________________________________________
Pamagat ng teleserye o telenovela
Obserbasyon mo sa paggamit ng wika sa programang ito.
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________
 sa isang programang panradyo
__________________________________________________________________
Pamagat ng Programang Panradyo
Obserbasyon mo sa paggamit ng wika sa programang ito.
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________
 sa isang pelikula
__________________________________________________________________
Pamagat ng Pelikula
Obserbasyon mo sa paggamit ng wika sa pelikulang ito.
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________
D. Natutukoy ang iba’t ibang register at barayti ng wika na ginagamit sa iba’t ibang sitwasyon (Halimbawa:
Medisina, Abogasya, Media, Social Media, Enhinyerya, Negosyo, at iba pa) sa pamamagitan ng pagtatala ng
mga terminong ginamit sa mga larangang ito (F11WG-IIc-87)
Tukuyin kung anong propesyon, gawain, o larangan nabibilang ang mga nakatalatang termino o
jargon sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa linya.
_________________1. lesson plan, test paper, essay
_________________2. check-up, ward, x-ray, diagnosis, prognosis
_________________3. account, balance, debit, credit, cash flow
_________________4. post, Facebook, Instagram, comment, like, share
_________________5. food, beverage, server, menu, shelf life
_________________6. ring, coach, ball, backcourt, offensive foul, three pointer
_________________7. objection, sustained, overruled, prima facie, habeas corpus
_________________8. runway, photog, fashion, casting agency
_________________9. blueprint, design, scale, construction
_________________10. dough, oven, grease, knead, rolling pin

WEEK 3
ARALIN 2
Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga
Pilipino
(Kakayahang Lingguwistiko o Gramatikal)

Mga Kasanayang Pampagkatuto

 Nasusuri at naisasaalang -alang ang mga lingguwistiko at kultural na pagkakaiba -iba sa lipunang
Pilipino sa mga pelikula at dulang napanood
 Naipapaliwanag nang pasalita ang iba’t ibang dahilan, anyo, at pamaraan ng paggamit ng wika sa
iba’t ibang sitwasyon

SUBUKIN
Tukuyin ang gámit at paraan sa paggamit ng mga salita batay sa kausap, pinag- uusapan, lugar, panahon,
layunin, at grupong kinabibilangan nito.
1. Ang mga magsasaka ay maagang lumulusong sa bukid upang hindi
gaanong mainit ang kanilang pagtatrabaho, samantalang ang mga
manggagawa sa Maynila ay lumulusong rin sa baha bago makarating
sa opisina.
A. batay sa lugar
B. batay sa kausap
C. batay sa panahon
D. batay sa pinag-uusapan

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO I ALBITOS / MANAGARING 7


2. Gabi na kami nakauwi kahapon dahil nagkaroon pa ng flag retreat,
kayâ hindi ko na naabutan ang gabi sa sinigang ni nanay.
A. batay sa lugar
B. batay sa kausap
C. batay sa panahon
D. batay sa pinag-uusapan
3. “Nagtataka ang Mudra ko kagabi kung bakit hindi na naman ako
kumakain sa bahay, paano kasi hindi kaagad pumayag ang nanay mo
na umalis kami nang hindi kumakain. Ang sarap n’ya palang magluto,
isa s’ya talagang huwarang ina ng tahanan”.
A. batay sa lugar
B. batay sa kausap
C. batay sa panahon
D. grupong kinabibilangan
4. Simple lang ang aming balay, hindi tulad ng bahay n’yo na malamansiyon.
A. batay sa lugar
B. batay sa kausap
C. batay sa panahon
D. grupong kinabibilangan
5. Hayan, malamig na naman ang kape mo, kasinlamig ng pag-ibig mo sa
kaniya.
A. batay sa lugar
B. batay sa kausap
C. batay sa layunin
D. batay sa kausap

TUKLASIN
Ang Kakayahang Pragmatiko ay tumutukoy sa mabisang paggamit ng wika upang makapagpahayag
ng mga intensiyon at kahulugang naaayon sa konteksto ng usapan at gayundin, natutukoy ang ipinahihiwatig
ng sinasabi, di-sinasabi, at ikinikilos ng usapan, kung gayon ang pagsusuri sa kahulugan ng mga salita sa
kantang “Upuan” ni Gloc-9 ay magpapaliwanag tungkol sa dito.
Sipi mula sa kantang
“Upuan” ni Gloc-9
Tao po, nandyan po ba kayo sa loob ng
malaking bahay at malawak na bakuran
Mataas na pader pinapaligiran
At naka pilang mga mamahaling sasakyan
Mga bantay na laging bulong ng bulong
Wala namang kasal pero marami ang naka barong
Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong
Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong
At ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon
At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon
Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan
Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan
Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan
Na pag may pagkakatao'y pinag-aagawan
Kaya naman hindi niya pinakakawalan
Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan
Kayo po na naka upo,
Subukan nyo namang tumayo,
At baka matanaw, at baka matanaw na nyo
Ang tunay na kalagayan ko.
Pahiwatig Literal na Kahulugan
Tao po, nandyan po ba kayo sa loob Ang tinutukoy ay opisina o lugar
ng malaking bahay at malawak na kung saan nagtatrabaho ang
bakuran. mga politiko, maaaring
munisipyo, kapitolyo, o Palasyo
ng Malacañan
Wala namang kasal pero marami ang Mga guwardiya na ang suot ay
naka barong barong
Mga plato't kutsara na hindi kilala Mga magaganda o mamahaling
ang tutong kagamitan sa ibang salita ay
pangmayaman

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO I ALBITOS / MANAGARING 8


Ang kakayahang magbigay ng wastong kahulugan sa gámit ng salita at paraan kung paano unawain ang
konteksto nitó sa pahayag ay ang tinatawag na Kakayahang Pragmatiko.
Upang masubok ang kakayahan mo ukol dito, ipagpatuloy ang pagbibigay ng kahulugan sa mga salitang
may salungguhit mula sa teksto.
Pahiwatig Literal na Kahulugan
1. kahit na hindi pasko sa lamesa ay may
hamon

2. Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan

3. Subukan nyo namang tumayo

SURIIN

Kakayahang Pangkomunikatibo
Sa pagtuturo at pagkatuto ng wika, hindi sapat na matutuhan lang ang mga untuning panggramatika.
Ang pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika ay magamit ito nang wasto sa mga angkop na sitwasyon upang
maging maayos ang komunikasyon, maipahatid ang tamang mensahe, at magkaunawaan nang lubos ang
dalawang taong nag-uusap. Kapag umabot na rito, masasabing ang taong ito ay nagtataglay na ng
kakayahang pangkomunikatibo o communicative competence at hindi na lang basta kakayahang
lingguwistiko o gramatikal kaya naman, siya ay maituturing na isa nang mabisang komyunikeytor.
Ang terminong kakayahang pangkomunikatibo communicative competence ay nagmula sa linguist,
sociolinguist, anthropologist, at folklorist mula sa Portland Oregon na si Dell Hymes noong 1966. Nilinang nila ng
kasamahan niyang si John J. Gumperz ang konseptong ito bilang reaksiyon sa kakayahang 0 lingguwistika
(lingguistic competence) na ipinakikilala naman ni Noam Chomsky hindi lang dapat magkaroon ng kakayahang
lingguwistika o gramatikal upang noong 1965. Ayon sa orihinal na ideya ni Hymes, ang nagsasalita ng wika ay
epektibong makipagtalastasan gamit ang wika. Nararapat din niyang maláman ang paraan ng paggamit ng
wika ng lingguwistikang komunidad na gumagamit nito upang matugunan at maisagawa ito nang naaayon sal
kanyang layunin.
Simula nang maipakilala sa diskursong panlingguwistika ang konsepto ng kakayahang komunikatibo,
maraming pag-aaral at mga mungkahi na ang inilabas ng mga dalubwika patungkol dito. May ilang
nagsasalungatang ideya, gayumpaman, sa huli'y nagkaisa silá na ang isang taong may kakayahan sa wika ay
dapat magtaglay hindi lang ng kaalaman tungkol dito kundi ng kahusayan, kasanayan, at galing sa paggamit
ng wikang naaangkop sa mga sitwasyong pangkomunikatibo. (Bagarić, et. al. 2007)
Sa pagtatamo ng kakayahang pangkomunikatibo, kailangang pantay na isaalang-alang ang
pagtalakay sa mensaheng nakapaloob sa teksto at sa porma o kayarian (gramatika) ng wikang ginamit sa
teksto (Higgs at Clifford 1992).
Naniniwala naman si Dr. Fe Otanes (2002), na ang paglinang sa wika ay nakapokus sa kapakinabang
idudulot nito sa mag-aaral, na matutuhan ang wika upang sila ay makapaghanapbuhay, makipamuhay sa
kanilang kapwa, at mapahalagahan nang lubusan ang kagandahan ng buhay na kanilang ginagalawan. Sa
kabuoan, pangunahing mithiin sa pagtuturo ng wika na makabuo ng isang pamayanang marunong, mapanuri,
kritikal, at kapaki-pakinabang.
Ang kakayahang pangkomunikatibo ay sumasakop sa mas malawak na konteksto ng lipunan at
kultura—Ito'y ang wika kung paanong ginagamit at hindi lang basta ang wika at mga tuntunin nito (Shuy 2009).
Bilang isang lingguwista, binigyang-diin ni Dr. Hymes sa kanyang mga katrabaho ang pag-uugnay ng kultura sa
wika. Ito'y isang kakaibang pananaw sa panahong siya'y nagsisimula pa lang sa kanyang karera noong mga
huling taon ng 1950's subalit hindi siya nagpatinag sa paniniwalang sa pagpapahayag ng mga tao'y gumagamit
sila nang higit pa sa salita. Sa kasalukuyan, ang pananaw na ito ay tanggap at ginagamit na sa pag-aaral ng
wika sa iba't ibang panig ng mundo kasama na ang ating bansa. Isang pagpupugay para sa dakilang
lingguwistang sumalungat sa nakasanayan at nagbigay nang higit na kahulugan sa paraan natin ng pagkatuto
ng wika.

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO I ALBITOS / MANAGARING 9


Silid-aralan ang Daan Tungo sa Paglinang
ng Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino
Sa mga silid-aralan nangyayari ang pormal na pagkatuto ng wika. Gayumpaman, kung ang magiging
tuon ng pagkatuto ng wika ay para lang maituro kayarian o gramatika ng wika tulad ng mga bahagi ng
pananalita, bantas, baybay, ponolohiya, morpolohiya, at ibang pang teknikal na aspekto ng wika; at kung
ang mga pagtataya ay nakapokus lang sa pagkilala, pagbilog, pagsalungguhit sa mga bahagi ng estruktura
ng wika, maaaring hindi maabot ng mga Pilipinong mag-aaral ang pagkakaroon ng kakayahang
pangkomunikatibo. Nasusukat kasi ang kakayahang pangkomunikatibo ng mga mag-aaral sa kanilang tatas
sa pagsasalita ang ng wika, kakayahang umunawa, at makagamit ng tamang salita o wika sa angkop na
pagkakataon lalo na sa mga awtentikong sitwasyong hindi silá sinanay.
Nararapat kung gayun na ang pagkatuto ng wika sa mga silid-aralan ay maiangat mula sa pagkilala
lang sa gramatika upang mapalawig, maiugnay, at magamit sa mga aktuwal na sitwasyon sa totoong mundo
o sa tunay na buhay, pasalita man o pasulat. Dito lamang magkakaroon ng kahulugan at kabuluhan ang
mga araling pangwika dahil nakita at nagamit ng mga mag-aaral sa awtentikong sitwasyon. Mula rito'y
matatanim sa kanilang isipan ang kahalagahan ng mga ito hindi lang para sa darating na pagsusulit kundi
para sa pangangailangan sa pakikipagtalastasan maging sa mga panahong wala na sila sa loob ng silid-
aralan.
Upang umabot sa ganitong uri ng pagkatuto ay mangangailangan nang higit na partisipasyon ng mga
mag-aaral sa mga gawaing lilinang ng makrong kasanayan tulad ng pagsasalita, pagbasa, pakikinig, at
pagsulat. Ayon kay Cantal-Pagkalinawan (2010), isang propesor sa Hawaii, ang mahusay na klasrum pangwika
ay yaong may aktibong interaksiyon sa pagitan ng guro at ng estudyante, at estudyante sa kanyang kapwa
estudyante. Ang guro ang nagsisilbing tagapatnubaylfacilitator lamang sa iba't ibang gawain sa klasrum at
ang mga estudyante naman ay aktibong nakikilahok sa iba't ibang gawaing pangkomunikasyon. Sa
interaksiyon ng mga estudyante sa kapwa estudyante, kailangang bigyan silá ng pantay na pagkakataong
makilahok sa iba't ibang gawain upang malinang ang kani-kanilang kakayahan.
Makatutulong nang malaki ang pagsasagawa ng mga awtentikong pagtatay tulad ng pagsasagawa
ng mga gawaing pangkomunikatibong aktuwal na nangyayari sa totoong mundo o sa totoong buhay ,
pagbuo ng malikhain at makabuluhang pagpapahayag gamit ang wika sa tula, maikling kuwento, sanaysay,
pagtatanghal , fliptop, pick-up lines, hugot lines, ulat, e-mail, Facebook post, blog, diyalogo o dula- dulaan,
videotape, at iba pang gawaing lilinang sa kakayahan nilang makipagtalastasan.
Kung ganito ang magiging kalakaran ng pagkatuto ng wika sa mga silid- aralan, makatutulong ito
upang makalinang ng mga Pilipinong may kakayahang komunikatibo na handa sa mga hamong dala ng
buhay sa ikadalawampu't isang siglo

Komponent ng Kakayahang Pangkomunikatibo


(Kakayahang Lingguwistiko o Gramatikal)
Sa pag-aaral ng maraming dalubwika, kung kakayahang pangkomunikatibo ang pag-uusapan, isang
bahagi lang nito ang kakayahang lingguwistiko o kakayahang gramatikal. Sa mga naunang framework o
modelo ng mga lingguwistang sina mga Canale at Swain (1980–1981) may tatlong komponent silang
iminungkahi. Ang ito'y ang kaalaman at kakayahang gramatikal, sosyolingguwistiko, at istratedyik. Sa
sumunod na bersiyon ng nasabing modelo, si Canale (1983, 1984) ay nagsalin ng ilang elemento mula sa
kakayahang sosyolingguwistiko para mabuo ang ikaapat na komponent, ang kakayahang diskorsal.
Sa araling ito ay tatalakayin muna natin ang unang komponent; ang kakayahang lingguwistiko o
gramatikal. Sinabi nina Canale at Swain (1980, 1981), na ang kakayahang lingguwistiko ni Chomsky (1965) ay
kapareho lang ng kakayahang gramatikal. Kayâ naman, ang iba pang mga dalubwikang gumamit sa
modelo nina Canale at Swain tulad ni Savignon (1983) ay tumukoy na rin sa kakayahang lingguwistiko bilang
kakayahang gramatikal.
Ayon kina Canale at Swain, ang kakayahang gramatikal ay pag-unawa at paggamit sa kasanayan sa
ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika, gayundin ang mga tuntunting pang-ortograpiya. Ang
komponent na ito ay magbibigay kakayahang sa taong nagsasalita upang magamit ang kaalaman at
kasanayan sa pag-unawa at pagpapahayag sa literal na kahulugan ng mga salita. Makikita sa ibaba ang
mungkahing komponent ng kakayahang gramatika o stiko mula kina Celce-Murcia, Dörnyei, at Thurell (1995)

Mungkahing Komponent ng Kakayahang Lingguwistiko o Kakayahang Gramatikal (Celce-Murcia, Dörnyei, at


Thurell (1995)
Sintaks (pagsasama ng mga salita upang makabuo ng pangungusap na may
kahulugan)
O Estruktura ng pangungusap
O Tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita
O Uri ng pangungusap ayon sa gamit (pasalaysay, patanong, pautos, padamdam)
O Uri ng pangungusap ayon sa kayarian (payak, tambalan, hugnayan, langkapan)
O Pagpapalawak ng pangungusap
• Morpolohiya (mahahalagang bahagi ng salita tulad ng iba't ibang bahagi ng
pananalita)
O Iba't ibang bahagi ng pananalita

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO I ALBITOS / MANAGARING 10


O Prosesong derivational at inflectional
O Pagbubuo ng salita
Leksikon (mga salita o bokabularyo)
O Pagkilala sa mga
 content words (pangalan, pandiwa, pang-uri, pang-abay)
 function words (panghalip, mga pang-ugnay tulad ng pangatnig, pang-ukol,pang-angkop)
O Konotasyon at denotasyon
O Kolokasyon (pagtatambal ng salita at isa pang subordinate na salita)
Ponolohiya o Palatunugan
o Segmental
 katinig, patinig, tunog
o Suprasegmental
 diin, intonasyon, hinto
Ortograpiya
O Mga grafema
 titik at di titik
O Pantig at palapantigan
O Tuntunin sa pagbaybay
O Tuldik
O Mga bantas

ISAGAWA

Bumuo ng isang replektibong sanaysay tungkol sa iyong naging karanasan magmula nang magkaroon ng
pandemya bunga ng COVID-19 Tiyaking nakagagamit ng berbal at di-berbal na pahayag. Gamitin ang
pamantayan sa pagmamarka sa pagsulat ng iyong awtput.

Rubriks sa Pagmamarka

Pamantayan Puntos
(8 puntos) Taglay ang (4 puntos) Taglay ang (1puntos) Taglay ang
kakayahang Pragmatiko, kakayahang Pragmatiko, kakayahang Pragmatiko,
gumamit ng sampung gumamit ng pito gumamit ng apat
berbal at di-berbal na hanggang siyam na hanggang anim na
pahayag berbal at diberbal na berbal at di-berbal na
pahayag pahayag
(4 puntos) Tugmang- (3 puntos) tugma at (1 puntos) may mga
tugma at naayon sa naayon sa paksa salitang dinaayon sa
paksa paksa
(3 puntos) Organisado (2 puntos) hindi gaanong (1 puntos) hindi
ang bawat idea organisado organisado ang mga
idea

Kabuoang Puntos

_____________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO I ALBITOS / MANAGARING 11


A. Tukuyin ang gámit at paraan sa paggamit ng mga salita batay sa kausap,
pinag- uusapan, lugar, panahon, layunin, at grupong kinabibilangan nito.

1. Si Rosa ang aming nag-iisang rosas ng aming pamilya na humaling na


humaling sa mga rosas ni Aling Rosana.
A. batay sa lugar
B. batay sa kausap
C. batay sa panahon
D. batay sa pinag-uusapan
2. Hindi nila ramdam ang init ng araw dahil sa suot nilang vakul,
samantalang táyo ay suot ang sombrero kahit nása loob ng mall.
A. batay sa lugar
B. batay sa kausap
C. batay sa panahon
D. batay sa pinag-uusapan
3. “Bili, bili na po kayo d’yan, sariwa, malalaki, mataba at bágong hango
ang aming tilapya”, subalit habang naririnig ang mga katagang
iyan na isinisigaw ng aking ina ay sariwa pa rin ang sugat sa aking
damdamin at hindi ko pa rin matanggap ang nagyari sa kaniya.
A. batay sa lugar
B. batay sa kausap
C. batay sa panahon
D. batay sa pinag-uusapan
4. “Ang haba naman ng bitin na iyan,” ang wika ni Roger na isang
Bikolano na ang tinutukoy ay ang ahas. “ Sa palagay ko’y bitin
ang taling ito para mahúli natin ang ahas na iyan,” ang sambit
naman ni Alfred.
A. batay sa lugar
B. batay sa kausap
C. batay sa panahon
D. batay sa pinag-uusapan
5. “Bawal ang lumiban sa kabilang ibayo” ang wika ni Batang na isang
Batanguño. Subalit sumagot si Anna sa kabilang linya at sinabing “
hindi s’ya lumiban sa klase”.
A. batay sa lugar
B. batay sa kausap
C. batay sa panahon
D. batay sa pinag-uusapan
6. Gayak na ang lugar na pagdarausan ng salo-salo. Gayak na ang mga
abay para sa kasal.
A. batay sa lugar
B. batay sa kausap
C. batay sa panahon
D. batay sa pinag-uusapan
7. Maliligo sana ako noon subalit walang tubig sa batalan, kayâ pumunta
pa ako sa balon bitbit ang balde at tabo. Ito ang mga alaalang natatawa
na lang ako sa tuwing bumabalik sa aking alaala kapag ako’y
nakapikit habang bumubos ang tubig gáling sa shower.
A. batay sa lugar
B. batay sa kausap
C. batay sa panahon
D. batay sa pinag-uusapan
8. Ang bangkito ay isang maliit nasalumpuwit na inuupuan noon.
A. batay sa lugar
B. batay sa kausap
C. batay sa panahon
D. batay sa pinag-uusapan
9. Bantayan mong maigi ang ading mo, naku kapag may mangyari d’yan
sa kapatid mo, lagot ka talaga.
A. batay sa lugar
B. batay sa kausap
C. batay sa panahon
D. batay sa pinag-uusapan
10. “Naku, mam, mababait po ang mga batang ito. Masunurin po sila at
lagi po nilang pinanatili ang kalinisan at kaayusan sa loob ng silidaralan,” ang mahinahon at malambing na
wika ni Gng. Delos
Reyes sa aming punong-guro. Subalit kapag kami na lamang ay
ito ang maririnig mo sa kaniya, “maglinis nga kayo ng silid at para
na itong kulungan ng baboy”.

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO I ALBITOS / MANAGARING 12


A. batay sa lugar
B. batay sa kausap
C. batay sa panahon
D. batay sa pinag-uusapan

B. Tukuyin ang layunin at kahulugan ng salita o pahayag batay sa paggamit


at paraan ng pagsasalita. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang
papel.
1. “Mas mapapadali sana ang paggawa ng riserts kung ipagsasama-sama
natin ang ating kaalaman at mga kagamitan”.
A. Nais maghanap ng mga sasagot sa maaaring gagastusin.
B. Nagpapahiwatig na pangkatan ang pagsasagawa ng pananaliksik.
C. Nagpaparinig na makabubuti kung magtutulungan ang bawat
miyembro.
D. Sa pamamagitan ng sama-samang paggawa ay matitiyak ang
kasiyahan sa bawat isa.
2. “Nagkasabay-sabay na ang mga gawain, hindi ko na alam ang uunahin,
pero madali lang naman sana ang riserts, ang problema lang talaga,
ilang araw lang at ipapasa na kaagad”.
A. Hindi alam ang uunahin
B. Nagrereklamo sa sabay-sabay na pagbibigay ng gawain
C. Naiinip at gustong matapos kaagad ang ginagawang riserts
D.Gustong humiling nang mas mahabang oras sa pagsasagawa ng
pananaliksik.
3. “Uy! Ikaw pala ang nanalo sa patimpalak sa Spoken Word Poetry, alam
mo masarap ang kape d’yan sa labasan.”
A. Masarap ang kape sa labasan
B. Nais na magpalibre ng kape sa labasan
C. Pinamamalita na masarap ang kape sa labasan
D. Pinamalita ang pagkapanalo sa Spoken Word Poetry
4. Dati hindi ako kumakain ng maanghang, dati hindi rin ako mahilig sa
mga kantang maiingay, ayaw ko ng basketbol, hindi rin ako nanonood
sa sinehan, ayaw ko ring sumakay sa motor, pero bakit ngayon
ginagawa ko na ang lahat nang iyon kapag kasama ko s’ya?
A. Dahil masaya siyang kasama
B. Maaaring mahal n’ya na ito
C. Gusto n’ya lang na may kasama
D. Ayaw n’ya na mapahiwalay dito
15
5. “Sige po, salamat. Katatapos ko lang po kasing kumain.”
A. Busog pa siya.
B. Nahihiya s’yang kumain.
C. Galít siya sa nagyayang kumain.
D. Mas maiging magtiis sa gutom, kaysa masabihan ng pataygutom.
6. Bawal ang utang, búkas na lang.
A. Hindi nagpapautang
B. Bawal ang utang ngayon, búkas pwede
C. Ipinagbabawal ang hindi pagbayad sa utang
D.Kapag nagbayad ka ngayon, búkas p’wede ka na namang
mangutang
7. “Ang paggawa ng kabutihan ay may magandang balik. Ang pag-ibig sa
kapuwa ay ang pagpapakita ng totoong pagmamahal ng tao sa Diyos.”
Ang maaring nagsasalita ay isang__________________
A. Guro
B. Pari
C. Kaibigan
D. Magulang
8. Halos nagtutungayaw at hindi magkamayaw ang ina sa paggawa.
A. nagagalit
B. nag-iisip
C. abalang-abala
D. nagpapahinga
9. Parang binagsakan ako ng langit ng mabalitaan kong pumanaw na ang
aking ina. Halos hindi ko na alam ang aking gagawin.
A. Pagtugon sa pangangailangan
B. Layunin ng pahayag na ilarawan ang pangyayari sa malikhaing
paraan
C. Layunin ng pahayag na magpahayag ng sariling damdamin o
opinyon
D. May layuning magpatatag at magpanatili ng relasyong sosyal sa kapuwa tao.

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO I ALBITOS / MANAGARING 13


10. “Baka magkasakit na kayo niyan. Hindi masamang tumulong sa
kapwa, kaya lang, talagang malaki na ang ipinangayayat ninyong
dalawa.”
- Genoveva E. Matute, Jesus, Nariyan Ka Pa Ba?
A. Pagtutol
B. Panunuya
C. Paniniyak
D. Pagpapaliwanag

WEEK 4
ARALIN 3
Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino

(Kakayahang Sosyolingguwistiko)

“Ang wika’y mabisang instrumento sa pakikipag-


ugnayan. Ito ay daan upang magkaunawaan”
Layunin:

 Napipili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan o talakayan batay sa
kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon, layunin, at grupong kinabibilangan
 Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa talakayan

Naranasan mo na bang may nakausap kang nainis o nagtampo sa iyo nang hind mo namalayan kung ano
ang sinabi mong masama? Isulat sa linya ang naging usapan ninyo. ______________________________

Suriin mo ngayon ang isinulat mong usapan. Sa palagay mo, alin sa mga sinabi moa ng hindi nagustuhan ng
iyong kausap? _______________

Kung mabibigyan ka ng pagkakataong sabihin muli ito sa kanya, paano mo iaayos ang pagkakasabi mo
upang hindi siya masaktan at hindi mawala ang mensaheng nais mong iparating? ____________

Mga Dapat Isaalang-alang

sa Epektibong Komunikasyon

Sa ikalawang aralin nabatid mong hindi sapat na ang tao’y matuto ng lengguwahe at makapagsalita,
dapat ding maunawaan at magamit niya ito nang tama. Ayon sa lingguwistang si Dell Hymes, magiging
mabisa lamang ang komunikasyon kung ito ay isasaayos, at sa pagsasaayos ng komunikasyon, may mga
bagay na dapat isaalang-alang. Ginamit ni Dell Hymes ang SPEAKING bilang acronym upang isa-isahin ang
mga dapat isaalang-alang upang magkaroon ng mabisang pakikipagtalastasan. Binuo niya ang modelo
upang makatulong sa pagsusuri ng diskurso.
S – (Setting) – Ito ang lugar o ang pook kung saan nakikipagtalastasan ang mga tao. Mahalagang salik ang
lugar kung saan nag-uusap ang mga tao. Katulad ng pananamit, ikino-konsidera din natin ang lugar na
pinangyayarihan ng pakikipagtalastasan upang maiangkop ang paraan ng ating pananalita. Halimbawa,
kapag tayo ay nanonood ng isang pormal na palatuntunan, hindi tayo makikipag-usap sa iba na para tayong
nasa kalsada lamang o nasa isang kasayahan.
P - (Participant- Ang mga taong nakikipagtalastasan. Isinasa-alang- alang din natin ang ating kausap upang
pumili ng paraan kung paano siya kakausapin. Hindi natin kinakausap ang ating guro sa paraang ginagamit
natin tuwing kausap natin ang ating mga kaklase o kaibigan. Sinisikap nating magbigay-galang sa ating guro
habang sa ating mga kaklase o kaibigan ay kaswal o kampante ang ating pamamaraan.
E–(Ends)- Mga layunin o pakay ng pakikipagtalastasan. Dapat bigyan ng konsiderasyon ang pakay o layunin
sa pakikipag-usap. Hindi ba't kung táyo ay hihingi ng pabor ay gumagamit tayo ng paraan na nagpapakita
ng pagpapakumbaba? At kung nais din nating kumbinsihin ang kausap ay iba ang ating pamamaraan?
Samakatwid, nararapat na isaalang-alang ang layunin natin upang maiangkop natin ang paraan ng ating
pakikipagtalastasan.
A - (Act sequence) - Ang takbo ng usapan. Bigyang-pansin din ang takbo ng usapan. Minsan ay nag-uumpisa
tayo sa mainit na usapan at kapag mahusay ang nakikipag-usap ay madalas ito humahantong sa
mapayapang pagtatapos. Kung minsan naman ay biruan na nagbubunga ng pagkapikon at alitan. Ang
isang mahusay na komyunikeytor ay nararapat lamang na maging sensitibo sa takbo ng usapan.
K-(Keys) Tono ng pakikipag-usap. Katulad ng setting o pook, nararapat ding isaalang-alang ang sitwasyon ng
usapan, kung ito ba ay pormal o di pormal. Wala sigurong makagugusto kung mga salitang balbal ang
gagamitin natin sa isang pormal na okasyon.
I - (Instrumentalities)-Tsanel o midyum na ginamit, pasalita o pasulat. Dapat isaisip ang midyum ng
pakikipagtalastasan. Iniaangkop natin ang tsanel na gagamitin sa kung ano ba ang sasabihin natin at kung
saan natin ito sasabihin.

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO I ALBITOS / MANAGARING 14


N-(Norms) Paksa ng usapan. Mahalagang alamin kung tungkol saan ang usapan. May mga sensitibong bagay
na kung minsan ay limitado lamang ang ating kaalaman. Sa mga ganitong sitwasyon, suriin muna natin kung
ang ilalahad natin ay tama o hindi. O di kaya minsan ay may mga paksang eksklusibo, kagaya ng sinasabi ng
mga nakatatanda, may mga "usapang pangmatanda," "usapang pambabae lamang," at "usapang panlalaki
lamang."
G – (Genre) – Diskursong ginagamit, kung nagsasalaysay, nakikipagtalo, o nangangatwiran. Dapat ianagkop
ang uri ng diskursong gagamitin sa pakikipagtalastasan. Minsan dahil sa genre ay hindi nagkakaunawaan ang
magkakausap.
Binuo ni Dell Hymes ang modelong ito upang itaguyod ang pagsusuri ng diskurso bilang serye ng isang
usapan sa isang konstektong kultural.
Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino
Kakayahang Sosyolingguwistiko
Pag-unawa batay sa Pagtukoy sa Sino, Paano, Kailan, Saan, Bakit Nangyari ang Sitwasyong Komunikatibo.
Sa ikalawang aralin ng yunit na ito ay nabatid moa ng kahalagahan ng kakayahang
pangkomunikatibo, una ang lingguwistiko o gramatikal na kakayahang tinalakay sa ikalawang aralin, ikalawa
ay ang sosyolingguwistiko na ating tatalakayin sa araling ito.
Sa pagtatalakay sa kakayahang sosyolingguwistiko ay maari nnating balikan ang mga usapin tungkol
sa pagkakaiba ng competence o kagalingan o kakayahang sa performance o pagganap. Sa pananaw ni
Savignon (isang propesor) ang competence ay ang batayang kakayahan o kaalaman ng isang tao sa wika
samantalang ang performance ay ang paggamit sa wika. Idinagdag pa niya na ang kakayahan o kaalaman
ng tao sa wika ay makikita, pagdedebelop, at matataya lamang gamit ang pagganap.
Sa mga bagay na dapat isaalang-alang para sa epektibong komunikasyon na inisa-isa ni Hymes sa
kanyang acronym na SPEAKING, mapapansing tatlo sa mga ito ay ang participant, setting, at norm na
binibigyan din ng konsiderasyon ng isang taong sosyolingguwistik. Ayon kay Fantini ( Sa pagkalinawan 2004) ,
isang propesor, may mga salik-panlipunang dapat isaalang- alang sa paggamit ng wika , ito ay ang ugnayan
ng nag-uusap, ang paksa, lugar, at iba pa. Ang isang taong may ganitong uri ng kakayahan ay inaangkop
ang wika sa kanyang kausap kung ito ba ay bata o matanda, propesyonal, hindi nakapagtapos, lokal ba/
dayuhan. Inaangkop din niya ang lugar na pinag-usapan, tulad ng kung nasa ibang bansa o nasa lugar ba
sya na hindi gaanong nauunawaan ang kanyang wika. Isinasaalang-alang din ang niya ang impormasyong
pinag-uusapan, ito ba ay tungkol sa iba-ibang paniniwala tungkol sa politika, o tungkol sa iba-ibang
pananampalataya. Kailangang alam at nagagamit ng nagsasalita ang angkop na wika para sa hinihinging
pagkakataon. Dito makikilala ang pagkakaiba ng isang taong mahusay lang magsalita kompara sa isang
katutubong nagsasalita ng wika. Madalas ang isang mahusay lang magsalita ay maaaring magkamali ng
pagpili ng salitang gagamitin na maaaring magbigay ng impresyon sa tagapakinig na siya’y walang galang,
mayabang, o naiiba.
Mga Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mangyayari sa isang taong hindi isinasaalang-alang ang kanyang kausap, lugar kung saan nag-
uusap at ang pinag-uusapan?
____________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________
2.Sa pakikipag-usap, ano ang mga binigyang-konsedirasyon ng isang taong may kakayahang
pangkomunikatibong sosyolingguwistiko?
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________
A. Napipili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan o talakayan batay sa
kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon, layunin, at grupong kinabibilangan (F11ps-IIe-90)
Narito ang mga sitwasyong pangkomunikatibo. Ngayon ay sumulat ka ng diyalogo batay sa mga
sitwasyon. Isulat ang diyalogo sa loob sa patlang.
1. Sa isang shopping center sa Cebu, sa kalagitnaan ng pagdiriwang ng Sinulog, may dalawang turistang tila
naliligaw. Magalang na nagtanong ang dalawang turista sa isang mamimili kung saan sila makakakuha ng
taxi papuntang Basilica Del Santo Niňo. Tinulungan naman ito ng mamimili hanggang sa makasakay ng taxi
ang dalawang turista.
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
2. May magkasintahang nagbabalak na magpakasal at nais nilang malaman ang mga dapat nilang ihanda
kung saka-sakaling sila ay lalagay na sa tahimik. Nagpunta sila sa isang wedding plannerna nakilala nila sa
isang online siteng mga event organizer.Napagkasunduan nilang magkita sa isang restoran upang pag-
usapan ang mga dapat gawin at ang maaaring gasto kung sila ay magpapakasal.
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO I ALBITOS / MANAGARING 15


3. May usap-usapang tatanggalin na sa puwesto ang nakaluklok na Department Head ng isang opisina.
Nakarating ito sa kinauukulan at ito ay ikinagalit niya. Ikinasama niya ng loob ang pagkalat ng impormasyon
habang siya ay walang kaalam-alam. Sa halip na magmukmok lamang ay pumunta siya sa opisina ng
pangulo ng kompanya upang alamin ang katotohanan.
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
B. Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa talakayan
Subukin ang iyong kakayahan. Bigyang-kahulugan ang ilang mahahalagang salitang naging bahagi
ng talakayan gamit ang sarili mong pananalita batay sa iyong pagkaunawa sa bawat isa.
1. competence – ____________________________________________________________________________________
2. performance - ____________________________________________________________________________________
3. setting – _________________________________________________________________________________________
4. Participant- ______________________________________________________________________________________
5. ends – ___________________________________________________________________________________________
6. act sequence – ____________________________________________________________________________________
7. keys – ___________________________________________________________________________________________
8. instrumentalities – _________________________________________________________________________________
9. norms – _________________________________________________________________________________________
10. genre – _________________________________________________________________________________________

WEEK 5
ARALIN 4
Kakayahang Pang kumunikatibo ng mga
Pilipino

(Kakayahang Pragmatik at Istradedyik)


Kasanayang pagkatuto

 Nakagagawa ng pag-aaral gamit ang social media sa pagsusuri at pagsulat ng mga tekstong
nagpapakita ng iba’t ibang sitwasyon ng paggamit sa wika
 Natutukoy ang mga angkop na salita, pangungusap ayon sa konteksto ng paksang napakinggan sa
mga balita sa radyo at telebisyon
Uri ng Komunikasyon
Napakaraming kahulugan ng salitang komunikasyon. Kung gagamitin mo ang mga talatinigan
makukuha mo ang ganitong depinisyon: ang komunikasyon ay ang akto ng pagpapahayag ng ideya
o kaisipan sa pamamagitan ng pasalita o pasulat na paraan.
Ito ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng mga
simbolikong cues na maaaring verbal o di verbal. Maliwanag na sa isang sitwasyon ng
pakikipagtalastasan ay may tagapaghatid ng mensahe at may tagatanggap
Suriin ang mga larawan sa ibaba

Sa unang larawan, ano ang nais ipagawa ng traffic enforcer sa motorista? Paano niya ipinahatid ang
mensaheng ito?
Sa ikalawang larawan, ano ang nais ipagawa ng traffic enforcer sa motorista? Paano niya ipinahatid ang
mensaheng ito?
Sa aling larawan may nangyaring komunikasyon? Ipaliwanag ang iyong sagot. Kung ang iyong sagot ay
pareho, tama ka. May dalawang uri ng komunikasyon: ang verbal at di verbal.
Verbal ang tawag sa komunikasyon kapag ito ay ginagamitan ng wika o salita at mga titik na
sumisimbolo sa kahulugan ng mga mensahe. Verbal na komunikasyon ang ginamit ng traffic enforcer sa
motorista sa unang larawan.
Di verbal kapag hindi ito gumagamit ng salita bagkus ginagamitan ito ng mga kilos o galaw ng
katawan upang maiparating ang mensahe sa kausap. Ayon sa pag- aaral ni Albert Mehrabian, propesor sa

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO I ALBITOS / MANAGARING 16


Clarl Universiy, na lumabas sa kanyang aklat na Silent Messages: Implicit Communication of Emotions and
Attitudes, isang aklat hinggil sa komunikasyong di verbal, 7% raw ng komunikasyon ay nanggagaling sa mga
salitang ating binibigkas, 38% ay nanggagaling sa tono ng ating pagsasalita, at 55% ay nanggagaling sa
galaw ng ating katawan. Sa madaling salita, 7% lang ng nais nating iparating ang nanggagaling sa ating mga
salita. Ang resulta ng kanyang pag-aaral ay ginagamit at itinuturo rin sa ilang judicial institutes sa America,
bagama't marami ang hindi sumasang-ayon sa kanyang natuklasan. Ayon sa ilang eksperto, kadalasan ang
pag-aaral ni Mehrabian ay hindi nauunawaan. May katotohanan man ito o hindi, isang aral ang iniiwan nito sa
atin na kung anuman ang mensaheng nais nating ipahatid ay hindi masasabi lahat ng salita. Kayâ kung
minsan, ang ilang maseselang bagay na maaaring magkaroon ng ibang interpretasyon ay mas mabuting
sabihin nang personal.
Mahalaga ang di verbal na komunikasyon sapagkat inilalantad nito ang emosyon ng nagsasalita at
kinakausap, nililinaw nito ang kahulugan ng mensahe, at pinananatili nito ang resiprokal na interaksiyon ng
tagapagpadala at tagatanggap ng mensahe.

Iba't Ibang Pag-aaral sa mga Anyo ng Di Verbal na Komunikasyon


1. Kinesika (Kinesics)—Ito ang pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan. Hindi man tayo bumigkas ng salita, sa
pamamagitan ng pagkilos ay maipararating natin ang mensaheng nais nating ipahatid. Halimbawa, sa
ikalawang larawan ay nakita mo na nang sumenyas ang traffic enforcer sa motorista na alam niyang ang ibig
sabihin nito ay hinto. Kapag ang isang tao ay idinikit nang patayo ang kanyang hintuturong daliri sa kanyang
labi, alam nating ang ibig sabihin nito ay kailangang tumahimik. Kadalasan ginagamit din natin ang mga
kumpas.
2. Ekspresyon ng mukha (Pictics)- Ito ang pag-aaral sa ekspresyon ng mukha upang maunawaan ang
mensahe ng tagapaghatid. Sa paghahatid ng mensaheng di verbal, hindi maipagwawalang-bahala ang
ekspresyon ng mukha. Ang ekspresyon ng mukha, kadalasan, ay nagpapakita ng emosyon kahit hindi man ito
sinasabi. Sa ekspresyon ng mukha ay mahihinuha natin ang nararamdaman ng isang tao, kung ito ay masaya,
malungkot, galít, o natatakot.
3. Galaw ng mata (Oculesics) Ito ay pag-aaral ng galaw ng mata. Nakikita sa galaw ng ating mga mata ang
nararamdaman natin. Sinasabing ang mata ang durungawan ng ating kaluluwa, nangungusap ito.
Ipinababatid ng ating mga mata ang mga damdaming nararamdaman natin kahit hindi natin ito sinasalita.
Ang panlilisik ng ating mata ay nangangahulugang galít táyo, ang panlalaki ng ating mga mata kung minsan
ay nagpapahayag ng pagkagulat, ang pamumungay naman kung minsan ay nagpapahiwatig ng pang-
aakit. Maipakikita rin ng galaw ng ating mga mata ang pagnanais upang makipag-usap.
4. Vocalics—Ito ay ang pag-aaral ng mga di lingguwistikong tunog na may kaugnayan sa pagsasalita.
Kasama rito ang pagsutsot, buntonghininga, at iba pang di lingguwistikong paraan upang maipahatid ang
mensahe. Tinutukoy rin nito ang tono, lakas, bilis, o bagal ng pananalitang nagbibigay linaw sa verbal na
komunikasyon.
5. Pandama o Paghawak (Haptics) Ito ay pag-aaral sa mga paghawak o pandama na naghahatid ng
mensahe. Isang anyo rin ito ng di verbal na komunikasyon. Ang pagta pik sa balikat, ang paghablot,
pagkamay, o pagpisil, ito ay mga paraan upang mapabatid ang isang mensahe.
6. Proksemika (Proxemics)Ito ay pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo, isang katawagang binuo ng
antropologong si Edward T. Hall (1963). Ito ay tumutukoy sa layo ng kausap sa kinakausap. Sinasabing may
kahulugan ang espasyong namamagitan sa magkausap. Ang magkausap ay may iba't ibang uri ng proxemic
distance na ginagamit sa iba't ibang pagkakataon. Ang distansiyang ito ay maaaring magpahiwatig kung
anong uri ng komunikasyon ang namamagitan sa magkausap. Una, ang pag-uusap na intimate ay makikita sa
magkausap na may distansiyang 0 hanggang 1,5 feet. Ikalawa, sinasabing personal ang pag-uusap kapag 1.5
hanggang 4 feet ang pagitan. Ikatlo, kapag 4 hanggang 12 feet ang pagitan, ito ay sinasabing social
distance. Ang ikaapat ay tinatawag na public kung saan ang pagitan ay 12 feet, karaniwang makikita ito sa
mga nagtatalumpati.
7. Chronemics-Ito ay pag-aaral na tumutukoy kung paanong ang oras ay nakaaapekto sa komunikasyon. Ang
paggamit ng oras ay maaaring kaakibat ng mensaheng nais iparating. Ang pagdating nang maaga sa isang
job interview ay nangangahulugang may disiplina ang nag-aaplay at interesado siya sa inaaplayan. Ang
pagtawag sa telepono sa dis-oras ng gabi ay maaaaring mangahulugan ng pang-iistorbo o maaaring
emergency ito.
Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino
Kakayahang Pragmatik
Sa mga nakalipas na dalawang aralin ay nabatid natin ang ilang kakayahang pangkomunikatibo
tulad ng lingguwistiko o gramatikal at sosyolingguwistiko na tutulong sa atin upang maging epektibo sa
pakikipagtalastasan. Ang mga kakayahang pangkomunikatibo ay batay sa mga modelong binuo ng mga
lingguwista. Sadyang may pagkakaiba ang mga modelo ngunit makikita natin ang pagkakatulad ng mga ito
at ang layunin nitong magdebelop ng mga epektibong komyunikeytor. Sa araling ito ay tatalakayin natin ang
isa pang kakayahang pangpangkomunikatibo, ang kakayahang pragmatik. Bagama't ang mga kakayahang
komunikatibo ay magkakaugnay, inisa-isa natin ang pagtalakay rito upang lubos na maipaliwanag at
maunawaan. Kung ang isang tao ay may kakayahang pragmatik natutukoy nito ang kahulugan ng
mensaheng sinasabi at di sinasabi, batay sa ikinikilos ng taong kausap. Natutukoy rin nito ang kaugnayan ng
mga salita sa kanilang kahulugan, batay sa paggamit at sa konteksto.

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO I ALBITOS / MANAGARING 17


Sa pakikipagtalastasan, mahalagang maunawaan ang intensiyon ng nagsasalita dahil mahuhulaan
ang mensahe nito ng tagapakinig. Mahalaga ang kakayahangpragmatiko bilang daan sa pagiging epektibo
ng pakikipagtalastasan, sapagkat nililinaw nito ang relasyon sa pagitan ng intensiyon ng nagsasalita o
nagpapahatid ng mensahe at ang kahulugan nito.
Nararapat ding maláman na may iba't ibang salik pa na dapat isaalang-alang sa pag-unawa, kasama
na rito ang intelektuwal na kalagayan ng decoder, kalinawan ng encoder, at ang pagtatagpo ng kani-
kanilang interpretasyon.
Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino
Kakayahang Istratedyik
Isa pang kakayahang pangkomunikatibo na dapat taglay ng isang mahusay na komyunikeytor ay ang
kakayahang istratedyik. Ito ay ang kakayahang magamit ang verbal at di verbal na mga hudyat upang
maipabatid nang mas malinaw ang mensahe at maiwasan o maisaayos ang mga hindi pagkakaunawaan o
mga puwang (gaps) sa komunikasyon. Sa isang bagong nag-aaral ng salitang hindi pa bihasa sa paggamit ng
wikang binibigkas ay makatutulong ang paggamit ng mga di verbal na hudyat tulad ng kumpas ng kamay,
tindig, ekspresyon ng mukha, at marami pang iba upang maipaabot ang tamang mensahe. Maging ang mga
katutubongnagsasalita ng isang wika ay gumagamit din ng kakayahang istratedyik kapag minsang
nakalimutan ang tawag sa isang bagay o nasa dulo na ito ng kanilang dila” at hindi agad maalala ang
tamang salita. Kilala rito ang mga Pilipinong madalas gumagamit ng senyas sa pamamagitan ng nguso o
pagkumpas ng kamay kapag may nagtatanong ng lokasyon ng isang lugar.

Gawain 1 :Natutukoy ang mga angkop na salita, pangungusap ayon sa konteksto ng paksang napakinggan
sa mga balita sa radyo at telebisyon (F11PN-IId-89)
Isipin mong ikaw ay isang komentarista sa radyo o telebisyon. Magsagawa ng komentaryo tungkol sa
sumusunod na talumpati ng Pangalawang Pangulong Jejomar Binay. Ang kanyang talumpati ay tinawag niya
at ng kanyang mga ka- alyado na True State of the Nation Address (TSONA). Binigkas niya ito ilang araw
matapos ibigay ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III ang kanyang huling State of the Nation Address.
Mayroon kang tatlong minuto upang ipahayag ang iyong komentaryo ukol sa kaangkupan ng salita o mga
pangungusap na ginamit.
Mga kababayan:
Matiyaga tayong nakinig nang mahigit dalawang oras sa SONA ni Pangulong Aquino noong isang
linggo.
Umasa tayo na dahil ito na ang huling SONA, magbibigay siya ng tapat na pag-uulat sa kalagayan ng
bansa. Umasa táyo na maglalahad ng mga hakbangin para mabigyang ginhawa ang nakararami.
Ngunit ang narinig natin ay ulat na punong-puno ng kuwento, pagbubuhat ng sariling bangko at-tulad
ng mga naunang SONA-paninisi. Napakadaling mamulot ng numero, mga numerong sa unang tingin ay
makislap at kagiliw-giliw. Ngunit hindi kayang pagtakpan ang umaalingasaw na katotohanan na pilit itinatago
at ipinagkakaila: pagkaraan ng limang taon, marami pa rin ang naghihirap, nagugutom, at walang trabaho.
Pagkaraan ng limang taon, ang isinukli sa pagsisikap ng mamamayang Pilipino ay manhid at palpak na
pamamahala. Kung inyong natatandaan, buwan ng Agosto noong 2010 nang mangyari ang trahedya sa
Luneta. Mistulang hinayaan na lámang mapatay ang walong inosenteng turista na ginawang hostage.
Collateral damage o hindi sinasadya daw.
Ito ay masamang pangitain: umpisa pa lamang ng administrasyon, manhid at palpak na.
Sa Tacloban, sa gitna ng malawak na pinsala ng Super Bagyong Yolanda, habang nagkalat ang mga
patay, nagugutom, nauuhaw, lumuluha, at nagmamakaawa ng dagliang tulong, ang sagot ng
administrasyon: buhay pa naman kayo , hindi ba?
At sa halip na tugunan ang hinaing ng local government, pilit pang pinapirma ng secretary ng DILG
ang mayor ng lungsod sa isang pormal na kasulatan. Kailangan daw ito bago tumulong ang national
government. Aquino daw kasi ang presidente at ang mayor ay isang Romualdez.
Nang ayaw pumayag ng mayor, ang sagot ng DILG Secretary: bahala kayo sa búhay ninyo.
Dalawampung buwan matapos ang Yolanda, nagsisiksikan pa rin ang mahigit na 100,000 katao sa tent
cities at bunkhouses. Marami ang nagkakasakit. Nakaligtas ang ilan sa bagyo pero namatay naman sa
masamang kalagayan sa evacuation centers.
Nagkaroon nga ng isang daan at animnapu't pitong bilyong piso na Comprehensive Rehabilitation
and Recovery Plan pero ang tanong ng budget watchdog: saan napunta ang pera at donasyon ng iba't
ibang bansa sa buong mundo? Tinangay na rin ba ng bagyo?
At mismong ang United Nations, kamakailan lamang, ang nagbigay ng kanilang kongklusyon: kulang
na kulang ang ginagawa ng pamahalaan para makapag-bagong búhay ang mga nasalanta ng Yolanda.
Matapos maging biktima ng bagyo, ninakawan pa sila ng kanilang dignidad.
Ang sagot ng pamahalaan: búhay pa naman kayo, hindi ba? Sa Zamboanga, daan-daan ang
namatay, libo-libong bahay ang nasunog. Ngunit mas malaking trahedya ang sinapit ng ating mga
kababayan sa mga evacuation center na pinamahalaan ng national government. Mas masaklap pa rito ang
ulat ng mga kababaihan at kabataan na naging biktima ng panggagahasa at napunta sa prostitusyon.

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO I ALBITOS / MANAGARING 18


Ang sagot ng pamahalaan: buhay pa naman kayo, hindi ba? Sa Mamasapano, apatnapu't apat ang
nagbuwis ng búhay at marami ang sugatan.
Ngunit kahit pahapyaw, hindi nabanggit ang kanilang kabayanihan sa SONA. Kahit T.Y. ay wala.
Buti pa ang hair stylist at fashion designer, kasama sa mahabang listahan ng pinasalamatan.
Luneta, Tacloban, Zamboanga, Mamasapano. Apat na lugar kung saan nasagip sana ang maraming búhay,
kung ang pamahalaan lamang ay hindi manhid.
Sanggunian: http://www.gmanetwork.com/news/story/531394/news/ nation/vp-binay-s-true-state-of-the-
nation-address#sthash.fRyGNeHo.dpuf
Lagyan ng tsek (V) ang linya kung taglay ng binuo mong komentaryo ang mga pamantayang tseklist sa
ibaba.
___________ Ang aking komentaryo ay sariling opinyon ko lamang.
___________Ang aking komentaryo ay batay lamang sa salik na hinihingi.
____________Ang aking komentaryo ay hindi lalampas sa tatlong minuto.
____________Malakas ang boses ko at angkop ang mga salitang gagamitin ko sa pagbibigay ng komentaryo.

Ang iyong bubuoing komentaryo ay tatayain gamit ang rubric sa ibaba.

Puntos Pamantayan

Nakapagbigay ng masusing komentaryo batay sa kaangkupan ng


mga ginamit na salita at pangungusap sa talumpati sa
5 pamamagitan ng pag-iisa-isa ng mga salita at pangungusap na
angkop, at maging ang mga di angkop, at pagbibigay ng suhestiyon
upang mas maging epektibo ang paghahatid ng mensahe ng
talumpati.

Nakapagbigay ng masusing komentaryo batay sa kaangkupan ng


4 mga ginamit na salita at pangungusap ng nagtalumpati sa
pamamagitan ng pagtukoy ng mga angkop at di angkop na salitang
ginamit sa talumpati
Nakapagbigay ng komentaryo ngunit nabigong tukuyin kung alin
3 ang mga angkop at di angkop na salita at pangungusap na ginamit
sa talumpati.

Gawain 2: Gamit ang social media, gumawa ng isang pag-aaral o pagsusuri tungkol sa paggamit at pagsulat
ng mga tekstong nagpapakita ng iba’t ibang sitwasyon ng paggamit sa wika. Ilagay sa hiwalay na papel ang
iyong nakalap na impormasyon.

Tayahin
Isulat ang ang titik ng tamang kahulugan sa linya
A B
________1. Chromics a. pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan
________2. Kinesika b. pag-aaral sa ekpresyon ng muka
________3. Pictics c. pag-aaral sa galaw ng mata bilang gamit sa kumunikasyon
________4. Proksemika d. pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo
________5. Oculesics e. pag-aaral sa mga paghawak o pandama na naghahatid ng mensahe
f. pag-aaral na tumutukoy kung paanong ang oras ay nakakaapekto sa
sa kumunikasyon
Sanaysay (5pts)
Bakit mahalaga para sa isang nakikipagtalastasan ang magkaroon kakayahang pragmatic?
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO I ALBITOS / MANAGARING 19


WEEK 6
Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino
Kakayahang Sosyolingguwistiko
Layunin:
 Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit ng mga salita at paraan ng pagsasalita
(F11WG- IIf – 88)
 Nakabubuo ng mga kritikal na sanaysay ukol sa iba’t ibang paraan ng paggamit ng wika ng iba’t
ibang grupong sosyal at kultural sa Pilipinas (F11EP-IIf-34)

A. Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit ng mga salita at paraan ng pagsasalita

Gamit ang mga kakayanang pangkomunikatibong iyong natutunan, maghinuha kung ano ang
layunin ng kausap batay sa paggamit ng mga salita at paraan ng pagsasalita.
1. "Sige, pumunta ka sa bahay namin para magkita tayo. Para makita mo kung ano ang hinahanap mo at
nang matahimik ka na."
Layunin ng nagsasalita: __________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
2. “Noong una akong kumatok sa inyong mga puso, ang sabi ko: Gusto kong ipagpatuloy ang mga simulain ni
FPJ.” –Senadora Grace Poe
Layunin ng nagsasalita: __________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
3. “Haluin mo lang nang maigi, tapos kung sa tingin mong okay na, kumuha ka ng isang kutsara dun sa hinalo
mo tapos bilugin mo. Bola-bolahin mo. Gaya ng ginawa mo sa akin. Paikot-ikutin mo sa mga palad mo.
Ipagulong mo sa asukal. Paglaruan mo kung gusto mo tutal dyan ka naman magaling eh.” -Isang netizen
Layunin ng nagsasalita: __________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
4. "Nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi ito multiple choice, identification,
true or false, enumeration, o fill-in-the- blanks na sinasagutan, kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan
ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kabuluhan ang mga naisulat o wala. Allowed ang
erasures.” -Bob Ong, ABNKKBSNPLAko?!
Layunin ng nagsasalita: __________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
5. "Malabo na talaga ang mata ko. Puwede ba akong makahingi sa iyo kahit konting pagtingin?" -Senadora
Miriam Defensor Santiago, Stupid is Forever
Layunin ng nagsasalita: __________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
B. Nakabubuo ng mga kritikal na sanaysay ukol sa iba’t ibang paraan ng paggamit ng wika ng iba’t ibang
grupong sosyal at kultural sa Pilipinas (F11EP-IIf-34)

Kung hamon sa pambansang pagkakaunawaan ang maraming wika at diyalekto sa Pilipinas,


maaaring natin ang ng wikang pambansa. Mababasa rin natin ang sagot ng Kalihim ng Kagawaran ng
Edukasyon sa mga nasabing isyu Ating suriin at tuklasin kung paano na nga ba magiging madali sa atin ang
pakikipag-ugnayan kung patuloy na dumarami ang wika at mga barayti nitong gingamit sa ating bayan.

Ang paglaganap ng paggamit ng Beki Language


Ang sagot ni Kalihim Luistro nang tanungin hinggil sa paggamit ng beli language
"Ang paggamit ng mga bagong nabubuong kolokyal na kagaya ng "beki" ay kasama sa pagbabago
ng mga wika at hindi natin mapipigilan. Kapag ang ganitong salita ay nagging katanggap-tanggap na sa
lipunan at ginagamit na ng mayoridad, saka pa lang ito naisasali sa opisyal na komunikasyon.”
Ang pagkabihasa ng maraming mag-aaral sa wikang Ingles kaysa wikang Filipino
Ang sagot ni Kalihim Luistro nang tanungin hinggil sa maraming mag-aaral na bihasa sa paggamit ng wikang
Ingles:
"Ang naumpisahan na nating reporma sa bagong K to 12 Curriculum ay nagnanais na tumugin sa
hamon na mahasa an gating kabataan na gamitin at palawigin ang wikang ating kinagisnan pati na rin an
gating Pambansang Wika. Kasama na rito ang paggamit ng kanilang unang wika".
Ang pagkakaroon ng Mother Tongue-Based Multi Lingual-Education
Ayon kay dating DepEd Secretary Brother Armin Luitro, FSC,"Ang paggamit ng wikang ginagamit din sa
tahanan sa mga unang baiting ng pag-aaral ay makatutulong upang mapaunlad ang wika at kaisipan ng
mga mag-aaral at makapagpatibay rin sa kanilang kamalayang sosyo-kultural.

Batay sa mga nabanggit na napapanahong isyu, bumuo ng isang kritikal na sanaysay ukol sa paraan ng
paggamit ng wika ng iba’t ibang grupo ng sosyal at kultural sa Pilipinas. Maaaring pumili ng isang grupong
sosyal o kultural at doon ituon ang iyong sanaysay.

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO I ALBITOS / MANAGARING 20


Rubric

PAMANTAYAN Natatangi (5) Naisagawa (4) Mahina (3) Paunlarin (2)


Nilalaman Ang papel ay Ang papel ay Ang papel ay Ang papel ay di
napakaimpormatibo impormatibo at nagbigay ng ganap ang
at napakahalaga. mahalaga. kaunting impormasyon.
impormasyon.
Organisasyon Napakalinaw at Malinaw at May kakulangan Napakalabo at
lubhang nauunawaan sa napakahirap
nauunawaan ang ang ideya sa pagpapalinaw unawain ng
ideya sa loob ng loob ng papel. at mahirap ideya.
papel. unawaiin ang
ideya.
Gramatika Walang mali sa May kaunting Maraming mali Lubhang
paggamit ng mali sa sa paggamit ng maraming mali
wikang Filipino. paggamit ng wikang Filipino. sa paggamit ng
wikang Filipino. wikang Filipino.
Gamitin ang espasyong ito sa pagsulat.

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO I ALBITOS / MANAGARING 21


WEEK 7-8

ARALIN 7-8

KASANAYAN SA PAGKATUTO
 Nasusuri ang ilang pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino
 Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang pananaliksik
 Nagagamit ang angkop na mga salita at pangungusap upang mapag-ugnay-ugnay ang mga ideya
sa isang sulatin
 Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at panlipunan sa bansa

PAGSUSURI NG SALIKSIK
Sa pagsusuri ng isang saliksik, may mga dapat na isinasalang-alang upang magkaroon ng direksiyon ang
pagtalakay. Narito ang ilang mungkahi sa pagsusuri ng isang saliksik:
1. Paksa Agad na siyasatin kung ang pangunahing paksa o lalamanin nitó ay makikita sa pamagat ng saliksik.
Suriin din kung ang paksa ng saliksik ay tiyak at hindi malawak.
2. Nilalaman Kung ang sinusuri natin ay isang saliksik tungkol sa wika at kulturang Filipino, nararapat lámang na
ito ay nakapaloob sa pamagat pa lámang. Banggitin din sa pagsusuri kung nakaugnay ba ito sa bawat
bahagi ng saliksik. Tiyakin na nabibigyang puna ang saliksik batay sa dapat na tinataglay nitó sa bawat
bahagi.
3. Layon Suriin at husgahan kung nakamit ba ng may-akda ang kaniyang layunin sa pagsasagawa ng
pananaliksik. Dapat ang layunin ng pananaliksik ay batay sa suliraning inilahad sa bahagi ng Paglalahad ng
Suliranin.
4. Gámit/kahalagahan Batay sa maaaring kinalabasan ng pag-aaral, sino ang makikinabang ng saliksik na
ito? Para saan at kanino? May mababago bang sistema o nakagawiang gawain ang mababago matapos
ang saliksik na ito?
5. Metodo Sa bahaging ito ay sinasagot ang sumusunod na katanungan. Angkop ba ang kagamitang ginamit
sa pangangalap ng datos? Ang estratehiya ba sa pagpili ng kalahok ay tugma sa layunin ng saliksik?
Nakatugon ba ang pamamaraang ginamit sa pagsusuri ng datos. Maayos ba ang presentasyon ng datos?
Anong pamamaraan ang ginamit sa pagsusuri ng datos?
6. Etika sa Pananaliksik Ang pagiging etikal ay tumutukoy sa pagiging matuwid, makatarungan, matapat, at
mapagpahalaga sa gawa ng ibang tao. Sa makatuwid, hindi ginagawa ang pangongopya ng idea at gawa
ng iba.

SURIIN
Basahin at unawain ang abstrak ng saliksik. Suriin ang nilalaman nito. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

Swak Ba o Ligwak ang Paggamit ng Wikang Taglish sa Pinoy New Testament?


Mula sa saliksik nina Almoete, Banggad, at Garferio
Ang pangkalahatang layunin ng pananaliksik na ito ay malaman kung swak (tanggap) o ligwak(di-tanggap)
para sa mga mag-aaral sa baitang 11 ng Don Luis Ababa Senior High School ang pagsasalin sa wikang taglish
ng Pinoy New Testament. Sinagot sa pag-aaral na ito ang mga katanungang: (1) Epektibo ba ang pagsasalin
sa Taglish ng mga pahayag sa Pinoy NT? (2) Nakawiwili at nakapupukaw ba ng pansin ang Pinoy NT sa mga
kabataang mambabasa nito? (3) Nakatutulong ba ang Pinoy NT sa pagpapaunlad ng kulturang Filipino lalo
na sa pananampalataya nito?
Ang pananaliksik na ito ay isang uri ng kuwantitabo sapagkat sinukat ang saloobin ng mga kalahok ukol sa
paksa sa pamamagitan ng sarbey at sinuri ang datos sa pamamagitan ng estatistikal na pamamaraang
weighted mean. Ito ay nilahukan ng 95 na mag-aaral ng nasabing paaralan na nasa ika-11 na baitang; 10 na
lalaki at 10 babae mula sa strand na STEM;13 babae at 10 lalaki mula sa ABM; 15 na babae at 10 lalaki mula sa
HUMSS;15 na babae at 12 lalaki mula sa GAS at TVL strand. Pinili ang mga kalahok sa pamamagitan ng simple
random sampling.
Lumabas sa pag-aaral na ang Pinoy New Testament na gumagamit ng taglish ay “lubos na epektibo”
dahil sa 3.39 weighted mean na nangangahulugang tanggap o swak sa mga kalahok ang pagsasalin nito.
Ang Pinoy NT ay “lubos na nakawiwili at nakapupukaw” ng pansin sa mga kabataang mambabasá dahil sa
3.52 weighted mean na naitalâ. Pinatunayan din ng datos sa pananaliksik na ito na “lubos na nakatutulong”
ang Pinoy NT sa pagpapaunlad ng kulturang Filipino sa laranangan ng pananampalataya. Sinusuportahan ito
ng 3.39 weighted meanna naitalâ.

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO I ALBITOS / MANAGARING 22


1. Ano ang paksa ng binása mong pananaliksik?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Ano-ano ang resulta o kinalabasan ng pananaliksik?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Angkop ba ang metodo na ginamit ng mananaliksik? Pangatwiranan ang iyong sagot.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
4. Anong kulturang Filipino ang masasalamin sa pananaliksik na nabasa mo?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
5. Ano ang kahalagahan o implikasyon sa pag-aaral, kabuhayan, at búhay ang pananaliksik na pumapaksa
sa wika at kulturang Filipino?
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
Narito ang mga iminumungkahing hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang pananaliksik batay kay De
Laza (2016):
1. Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik Gawing tiyak at payak ang paksa. Mula sa malawak na
sakop ay mapaliit Ito upang maging espesipiko. Ang tiyak at pinapayak na paksa ay isinasalin sa anyo ng
tanong na magiging batayan ng buong pananaliksik. Iminumungkahing dapat na ipinapaksa ay may
kaugnayan sa pagpapaunlad ng ating wikang Filipino na kasasalaminan ng kulturang Filipino.
2. Pagdidisenyo ng Pananaliksik Ang bahaging ito ang nagbibigay ng katiyakan sa tatakbuhin ng pananaliksik.
Planuhin kung anong uri ng pananaliksik ang isasagawa batay sa paglalahad ng suliranin. Mahalagang
tukuyin muna kung ito ba ay kuwantitatibo o kuwalitatibo dahil nakasalalay dito kung anong mga instrumento
at pamamaraan ang dapat gamitin.
3. Pangangalap ng Datos Dito isinasagawa o binubuo ang kasangkapan sa pangangalap ng datos base pa
rin sa disenyo nitó. Ang mga ito ay ang pakikipanayam, sarbey, obserbasyon, o pagsusuring dokumento.
Kasunod nitó ang aktuwal na pangangalap ng datos, at isinasaayos para naman sa presentasyon.
4. Pagsusuri ng Datos Ang sumusunod ay nagaganap sa bahaging ito: Presentasyon ng Datos, Pagsusuri at
interpretasyon ng Datos, at Pagbuo ng Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon.Sa bahaging ito, ang mga
datos na nakalap ay pinagtitibay ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral.
5. Pagbabahagi ng Pananaliksik Matapos maisulat ang saliksik, tiyaking naibabahagi ito sa pamamagitan ng
pagbibigay ng kopya sa mga silid-aklatan, sa guro at ibang mag-aaral upang magamit sa pag-aaral. Kayâ
iminumungkahi din na isali sa mga kumperensiyang pampaaralan, pangdibisyon o maging sa nasyonal at
internasyonal man. Malaking tulong kung ito ay nailalathala sa iba’t ibang publikasyon gaya ng mga refereed
journal (online o hindi), libro at iba pang uri ng lathalain.

Suriin
Narito ang kabuoang bahagi ng pananaliksik:
A. Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral
Ang bahaging ito ang nagsisilbing panimula o introduksiyon, nagpapakilala ng halaga ng may akda
batay sa konteksto o kaligiran nitó, at nagbibigay ng layunin ng pananaliksik. Tinatalakay dito ang batayan ng
pag-aaral. Madalas nagmumula ito sa mga umiiral na batas at polisiya ng isang organisasyon o
departamento. Maaari ding mula sa mga pahayag at teorya.

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO I ALBITOS / MANAGARING 23


Halimbawa:
Ayon kay Hymes (1972), nangangahulugan na ang wika ay buháy, bukás ito sa sistema ng pakikipag-inter-
aksiyon. Binabago at bumabago ito sa kapaligiran bílang bahagi ng kultura ng grupong gumagamit nitó. Kung
kayâ’t ito ang magiging batayan ng pag-aaral na ito kung swak (tanggap) ba o ligwak (di-tanggap) ng mga
mag-aaral ang paggamit ng “taglish” maging sa banal na aklat. Mapapatunayan natin o mapapasubalian
ang pananaw na ang wika ay buháy at patuloy na nagbabago.
Ang Resolusyon 96-1 ng Komisyon sa Wikang Filipino ay ganito ang batayang deskripsiyon para sa pag-
aaral na ito: Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bílang wika ng
komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buháy, ang Filipino ay dumadaan sa
proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga di-katutubong
wika at ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika para sa iba’t ibang saligang sosyal, at para sa mga paksa ng
talakayan at iskolarling pagpapahayag. Ayon na nga dahil ang wikang Filipino ay buhay nagkakaroon ito ng
ebolusyon, ang ibig sabihin ay may pagbabago.
Kitang-kita naman sa kalagayan ng paggamit ng Filipino, walang Filipino na diretsong nagsasalita ng
Filipino, ito’y may halong Ingles na tinatawag nating “taglish”. Ito’y gamít na gamít lalo na sa mga kabataan.
Kayâ ang sitwasyong ito na paggamit sa “taglish” maging sa banal na kasulatan ay aalamin natin kung swak
pa rin ba o katanggap-tanggap pa rin ba sa mga kabataan.
Ang bibliya ay isang banal na aklat na karaniwang ginagamit sa simbahan, sa tahanan o kahit saang
dáko pa man. Karaniwan, ang bibliya ay isinasalin sa iba’t ibang lengguwahe kagaya na lámang ng wikang
Filipino, Bisaya, llonggo, at iba pa. Ito rin ay ipinapamahagi sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Ito ay mayroong
66 na aklat (39 sa Lumang Tipan at 27 sa Bagong Tipan). Bahagi na ng kultura ng mga Pilipino ang pagiging
maka-Diyos kung kayâ’t ang pagsasalin ng bibliya sa iba’t ibang wika ay lubos na mahalaga 9 para sa mga
katutubo at iba pang mga Filipino na naninirahan sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Sinabi ni Lewis (1999), isang
klerigong Ingles noong isiglo 18 na habang lumilipas ang wika ay hindi na ito naiintindihan kayâ kinakailangang
suriin ang mga lumang salin nito para rebisahin sa wika na ginagamit sa kasalukuyan para maunawaan ng
bágong henerasyon. Ayon pa sa kaniya, mahalaga ang bágong bersiyon ng Bibliya dahil ito ang
magpapakilos sa salita ng Diyos at mapapakinabangan ito hanggang sa mga susunod pa na salinlahi.
Noong 1968, ayon sa Philippine Bible Society, napagkasunduan ng Secretariat for Promoting Christian
Unity at ng United Bible Societies na gamitin ang dokyumentaryong Guiding Principles for Interconfessional
Cooperation sa pagsasalin ng Bibliya. Sinasabi rin na mahalaga ito dahil dito pinag-uusapan kung paano
mareresolba ang iba’t ibang katanungan patungkol sa iba’t ibang pagsasalin. Ito ang kanilang naging
batayan sa pagsasalin ng Bibliya sa iba’t ibang wika.
Habang tumatagal, padagdag nang padagdag ang kaalaman ng mga tao lalo na ang mga
kabataan. Nauuso sa panahon ngayon ang pinaghalong Tagalog at Ingles na mas kilala sa bansag na
‘Taglish,’ ito ay ang lengguwaheng karaniwang ginagamit ng mga kabataan ngayon. Malaki ang naging
epekto nitó lalo na sa pakikipagkomunikasyon at pakikihalubilo sa ating kapuwa.
B. Paglalahad ng Suliranin
Ang bahaging ito nagbibigay ng katiyakan sa tatakbuhin ng pananaliksik. Sa bahaging ito binubuo
ang mga katanungan na nagmumula sa pinapaksa o pamagat ng saliksik, mga katanungang siyang
bibigyang kasagutan sa kabuoan ng pag-aaral. Sa madaling salita, ito ang pinakapuso ng saliksik sapagkat
dito nakabatay ang lahat ng bahagi ng saliksik. Ito ang magtatakda kung anong disenyo ang mabubuo ng
pananaliksik.
Halimbawa:
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang mabigyan ng tiyak na kasagutan ang sumusunod na katanungan:
1. Swak (tanggap) ba o ligwak (di-tanggap) ang pagsasalin sa wikang “taglish” ng Pinoy NT sa mga mag-aaral ng
baitang11 ng DASHS?
2. Nakawiwili at nakapupukaw ba ng pansin ang Pinoy NT sa mga mag-aaral ng baitang 11 ng DASHS?
3. Nakatutulong ba ang Pinoy NT sa pagpapaunlad ng kulturang Filipino sa aspektong pananampalataya ng
mga kalahok?
C. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral
Tatalakayin sa bahaging ito kung ano ang layunin ng pag-aaral. Iminumungkahi na kung ano ang nása paglalahad ng
suliranin, dapat ito rin 10 ang itatakdang layunin o bibigyang kasagutan at inaasahang matamo matapos ang pag-aaral.
Ang kahalagahan ay tumutukoy sa kung ano ba ang kapakinabangan ng isinasagawang pag-aaral. Ano ba ang magiging
kontribusyon nió sa lipunan, paaralan, o pangkat ng táong kinabibilangan at sa pagpapaunlad ng kulturang Filipino.
Halimbawa:
Ang pag-aaral na ito ay may pangkalahatang layunin na mabatid kung swak (tanggap) o ligwak (di-tanggap) sa mga piling
mag-aaral ng Don Ababa Senior High School ang “taglish” sa bersiyon ng Bibliya na Pinoy New Testament. Ang mga tiyak
na layunin nito ay ang sumusunod:
1. Upang malaman kung swak (tanggap) o ligwak (di-tanggap) ang pagsasalin sa “taglish” ng Pinoy NT sa mag-aaral ng
baitang 11;
2. Upang alamin kung nakawiwili o nakapupukaw ba ng pansin ang Pinoy NT sa mga mag-aaral ng baitang 11;
3. Mabatid kung nakatutulong ba ang Pinoy NT sa pagpapaunlad ng kulturang Filipino sa aspektong pananampalataya
ng mga mag-aaral sa baitang 11.

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO I ALBITOS / MANAGARING 24


D. Rebyu ng Kaugnay na Literatura
Sa bahaging ito ay inilalahad ang mga kaugnay na literatura at pagaaral. Binubuo ito ng dayuhang literatura,
lokal na literatura, dayuhang pagaaral, at lokal na pag-aaral. Ang mahalaga sa bahaging ito ay naiuugnay
ng may akda ang mga konseptong nagmula sa literatura at pag-aaral sa pinakapaksa ng pag-aaral. Sa
madaling salita, mayroong pag-aanalisa at naikokonekta nitó ang mga kaisipan.
Halimbawa:
Ayon kay Rubrico (1999), ang kultura ay ang kabuoang pananaw ng mga tao sa isang lipunan sa mundo at
sa kanilang kapaligiran. Ang pananaw na ito ay hango sa mga paniniwala, tradisyon, uri ng pamumuhay, at
iba pang mga bagay na nag-uugnay sa kanila at nagpapatibay sa bigkis ng pagkakaisa na siyang
nagpapalaganap sa kanilang pangkalahatang diwa. Ang bawat tao ay may kinabibilangang kultura na
siyang kinalakhan niya at nagtuturo sa kaniya sa mga papel na dapat niyang gampanan sa lipunan at kung
paano niya ito maisagawa sa pamamaraang maituring na kanais-nais. Higit sa lahat, ang kulturang ito ang
kaniyang sandigan at gabay sa kaniyang paglalakbay tungo sa makabuluhang búhay.
Ang kulturang ito ay nabibigyang anyo, naipahayag, at naipapása sa ilang henerasyon sa
pamamagitan ng wika. Habang natututuhan ng isang bata ang kaniyang katutubong wika, unti-unti rin niyang
nakukuha ang kaniyang kultura. 11 Samakatwid, ang wika ay ang nagbibigay anyo sa diwa at saloobin ng
isang kultura. Ito rin ang nag-uugnay sa mga tao sa isang kultura, at sa pamamagitan nito ang kultura ay
maiintindihan at mapahalagahan maging sa mga táong hindi napaloob sa tinutukoy na kultura.
Hango sa aklat na Bible Translations: And How to Choose BetweenThem ni Duthi ( 1985 ), ang mga
táong naniniwala na ang Bibliya ay salita ng Diyos sa sangkatauhan, ito ay nangangahulugang ang Diyos ay
nakikipag-usap sa kanila. Kung naaapektuhan ng isang relihiyon ang kabuoan ng búhay, kung gayon ang
wika ng Bibliya ay yaong sa pang-araw-araw na búhay.
Ang Bibliya sa anumang paraan ay hindi isang aklat na may lipas nang mga kasabihang relihiyoso.
Ito’y “buháy at may lakas” na naglalaan ng tunay na lunas sa mga suliranin ng pang-araw-araw na búhay.
Gayunman, upang maunawaan at maikapit ng mga mambabasá nitó ang banal na aklat na iyan, ito’y
dapat na nása wika ng pang-araw-araw na búhay. Tutal, ang tinatawag na Bagong Tipan ay isinulat, hindi sa
klasikong wikang Griego na ginagamit ng mga pilosopong tulad ni Plato, kundi nása karaniwan, pang-araw-
araw na wikang Griegong tinatawag na Koine. Ang Bibliya’y isinulat upang mabása at maunawaan ng
karaniwang mga tao.
Sa layuning ito, marami nang modernong salin ang ginawa sa nakaraang mga taon sa iba’t ibang
wika. Malimit na ang resulta ay totoong kapaki-pakinabang. Ang Kasulatan ay pinapangyaring madaling
makuha ng publiko sa pangkalahatan. Gayunman, nakalulungkot sabihin na karamihan sa bágong mga
bersiyong ito ay nagkukulang kung tungkol sa walangpinapanigang ganap na kawastuan at pagkakasuwato.
Halimbawa, ang ilan ay may hilig na palabuin ang maliwanag na turo ng Bibliya hinggil sa kalagayan ng mga
patay, sa kayarian ng kaluluwa ng tao, at sa pangalan ng tunay na Diyos.
Sinabi ni Lewis (2002), isang klerigong Ingles noong siglo 18 na habang lumilipas ang wika ay hindi na ito
naiintindihan kayâ kinakailangang suriin ang mga lumang salin nitó para rebisahin sa wika na ginagamit sa
kasalukuyan para maunawaan ng bágong henerasyon. Ayon pa sa kaniya, mahalaga ang bágong bersyon
ng Bibliya dahil ito ang magpapakilos sa salita ng Diyos at mapapakinabangan ito hanggang sa mga susunod
pa na salinlahi. Dagdag pa niya na ang mga iskolar ng bayan ngayon ay nása mas magandang kalagayan
para suriin ang lumang mga salin. Mas nauunawaan nila ang sinaunang mga wika ng Bibliya at mayroon
silang mahahalagang sinaunang manuskrito ng Bibliya na kamakailan lang natagpuan. Makatutulong ang
mga ito na mas matiyak ang orihinal na nilalaman ng Bibliya.
Kung susuriin ang sinabi ni Lewis na habang lumilipas ang panahon ang wika ay hindi na naiintindihan kayâ’t
kinakailangang suriin at rebisahin upang maunawaan ng bágong henerasyon. Malinaw na may batayan ang pagsasalin ng
Bibleyang Pinoy New Testament sa wikang “taglish” sapagkat ito ang wikang ginagamit ng mga kabataan.
Wala namang batas o kautusang nagtatakda sa kung anong wika ang gagamitin sa pagpapalaganap ng salita ng
Diyos. aAnumang wika ang gámit basta ito’y hindi lumilihis sa tunay na konteksto at kahulugan, hindi naman 12 ito
makapagpapabago sa tunay na kalagayan ng iyong paniniwala at pananampalataya.
E. Teoritikal na Gabay at Konseptong Balangkas
Ang bahaging ito ay tumatalakay sa pinaghanguang teorya, modelo, paradaym at kaugnay na paglalahad ng
suliranin at haypotesis ng isang naunang pag-aaral. Ang konseptuwal na balangkas ay naglalatag ng kabuoang lawak ng
pananaliksik at paraan ng pagsusuri ng datos. Isa itong pagpaplano ng mga proseso ng pananaliksik.
Halimbawa:
Ang pag-aaral na ito ay nakabatay sa Resolusyon 96-1 ng Komisyon ng Wikang Filipino. Batay dito, ang Filipino ang
katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba
pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika sa
Pilipinas at mga dikatutubong wika at ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika para sa iba’t ibang saligang sosyal at para
sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag. Malinaw na nakasaad dito na dumaraan sa proseso ng paglinang
sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika sa Pilipinas na kung saan ang taglish na wika ay wikang sosyal ng ilang
pangkat ng tao sa Pilipinas. Ipinahayag din na ang Wikang Filipino ay buháy kung kayâ’t ang Filipinong may halong Ingles
o “taglish” ay isang matibay na pruweba o patunay. Kung kayâ’t nararapat na tanggapin maging sa pagsasalin ng salita ng
Diyos o sa Bibliya.

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO I ALBITOS / MANAGARING 25


Ang balangkas na ito ay nagpapaliwanag sa magiging proseso ng pananaliksik kung saan ang mga
katanungan ay bibigyang-katugunan ng mga kalahok mula sa Don Ababa Senior High School sa baitang 11
sa pamamagitan ng sarbey-palatanungan. Ang datos ay ipapakita, susuriin, at bibigyang-interpretasyon. Mula
sa magiging kinalabasan ay makakabuo ng lagom, kongklusyon, at rekomendasyon. Ang saliksik ay magiging
bukás sa anumang puna o mungkahi para sa ikauunlad ng pananaliksik na ito.
F. Saklaw at Limitasyon
Dito naman makikita ang lugar at bílang ng kalahok sa pag-aaral. Maging ang grupo na kanilang
kinabibilangan. Gayundin ang hindi kabilang sa pag-aaral at kung bakit.
Halimbawa:
Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay ang pagsusuri sa pananaw ng mga mag-aaral sa baitang 11 ng
Don Ababa Senior High School sa paggamit ng taglish sa librong Pinoy New Testament sa pamamagitan ng
pagbibigay ng mga katanungan patungkol sa napiling paksa. Kinabibilangan ito ng 95 na estudyante: 10 na
babae at 10 na lalaki na kabilang sa STEM (Science, Technology, Engineering and Mathematics), 13 na babae
at 10 na lalaki sa ABM (Accountancy, Business and Management),15 na babae at 10 na lalaki sa HUMSS
(Humanities and Social Sciences), 15 na babae at 12 na lalaki sa GAS (General Academic Strand), at TVL
(Technical-Vocational-Livelihood).
Hindi saklaw ng pag-aaral na ito ang mga guro at iba pang mga empleado sa paaralan. Ang mga
nakalap na datos ay gagamitin upang mapatunayan na ang pag-aaral na ito sa taóng pampaaralan 2018–
2019 ay lehitimo.
KABANATA II
Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik
Tutukuyin kung anong uri ng pananaliksik ang nararapat na gamitin, kung ito ba ay kuwantitatibo o kuwalitatibo. Ito ay
nakabatay sa layunin o paglalahad ng suliranin maging sa uri ng instrumentong gagamitin sa pangangalap at pagsusuri ng
datos.
Halimbawa:
Ang pag-aaral ay nasa disenyong kuwantitatibo sapagkat susukatin ang magiging resulta sa pamamagitan ng
matematikal at estadistikal na pamamaraan.
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng sarbey, isang metodo na ginagamit upang mangalap ng datos sa sistematikong
pamamaraan sa isang 14 tiyak na populasyon o sampol ng pananaliksik na susuriin ang datos sa pamamagitan ng
weighted mean.
Lokal at Populasyon ng Pag-aaral
Sa bahaging ito ng metodolohiya, nakasaad ang mga batayang impormasyon tungkol sa kalahok ng pananaliksik.
Kabilang sa mga ito kung sino, tagasaan, o kayâ ay sa kung sa anong samahan o organisasyon may kaugnayan ang
kalahok.
Halimbawa: Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa South Square Village, Pasong Kawayan II, Lungsod ng Heneral Trias,
Cavite. Ang mga kalahok ng pananaliksik ay nagmula sa mga piling mag-aaral ng Don Ababa Senior High School na nasa
baitang 11 sa taóng pampaaralan 2018–2019. Kinabibilangan ito ng 95 na mag-aaral: 10 na babae at10 na lalaki na
kabilang sa STEM (Science, Technology, Engineering and Mathematics), 13 na babae at 10 na lalaki sa ABM
(Accountancy, Business and Management),15 na babae at 10 na lalaki sa HUMSS (Humanities and Social Sciences), 15 na
babae at 12 na lalaki sa GAS (General Academic Strand), at TVL (Technical-Vocational-Livelihood).
Kasangkapan sa Paglikom ng Datos Sa bahaging ito, ilalahad ang uri ng ng kasangkapan o instrumentong
gagamitin upang maisagawa ang pamamaraan ng pananaliksik. Nakabatay sa disenyo at pamamaraan ang instrumento.

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO I ALBITOS / MANAGARING 26


Halimbawa:

Ang napiling instrumento sa paglikom ng mga datos sa pag-aaral na ito ay questionnaire o talatanungan. Ito’y
naglalaman ng katanungan na naaayon sa paksa, PINOY NEW TESTAMENT: Swak o Ligwak ba ang Pagsasalin sa Wikang
Taglish para sa mag-aaral ng Don Ababa Senior High School.

Paraan sa Paglikom ng Datos


Nilalaman ng bahaging ito ang hakbang na plano at proseso sa pagkuha ng datos.
Halimbawa:
Ang mga questionnaire o talatanungan ay ibinahagi sa 95 na mga magaaral sa nasabing paaralan.
Ang mga napiling sasagot ay gumamit ng Pinoy New Testament upang masuri nila nang maayos ang nilalaman nitó. Ang
mga mag-aaral ay mayroong ilang minuto upang mapag-isipan nila nang maayos ang kanilang mga kasagutan.
Paraan sa Pagsusuri ng Datos
Kung kuwantitatibo ang pananaliksik, nakapaloob sa bahaging ito ang iba’t ibang estadistikal na pamamaraan
para sa kompyutasyon at pagsusuri ng datos. Kung kuwalitatibo naman, madalas na tinutukoy rito kung paanong
isasaayos at bubuoin ang mga kategorya o maliliit na paksa na magpapaliwanag sa mga datos na nakalap.
Halimbawa:
Upang makuha ang sagot kung swak ba o ligwak ang paggamit ng taglish na pagsasalin sa Pinoy NT sa mga mag-aaral sa
baitang 11 ng DASHS ay ginamit ang weighted mean at ginawang batayan ang sumusunod na pamantayan at
deskripsyon sa pagbibigay ng interpretasyon dito.
VALUE RANGE DESKRIPSYON INTERPRETASYON
Lubos na Epektibo Nasisiyahan sapagkat
4 3.25-4.00 lubos na epektibo ang
pagkakagamit ng
wikang taglish sa Pinoy
NT
Epektibo Nasisiyahan sapagkat
3 2.50-3.24 epektibo ang
pagkakagamit ng
wikang taglish sa Pinoy
NT
May Bahagyang Epekto May bahagyang epekto
2 1.75-2.49 ang pagkakagamit ng
taglish sa Pinoy NT
Walang Epekto Hindi epektibo ang
1 1.00-1.74 pagkakagamit ng
wikang taglish sa Pinoy
NT

Ang pagsusuri ay nagmula sa pagsukat ng epekto ng taglish sa Pinoy NT sa mga baitang 11 ang magiging batayan upang
sabihing Swak o Ligwak ang paggamit ng taglish sa Pinoy NT.
KABANATA III. Resulta at Diskusyon
Ang bahaging ito ang tumatalakay sa kinalabasan ng pag-aaral batay sa suliraning inilahad. Dito maingat na
inihahanay, isinasaayos nang may organisasyon sa pamamagitan ng kategorisasyon, at sinusuri ang mga patunay upang
patunayan o pasubalian ang haypotesis ng pag-aaral. Bawat numero o bílang na lumabas sa tabyular at grapikal na
paglalahad ay binibigyang paliwanag at pag-uugnay-ugnay para sa malinaw na kinalabasan.

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO I ALBITOS / MANAGARING 27


Halimbawa:

Talahanayan 4: Lagom ng datos mula sa suliranin ng pag-aaral

Lubos na Epektibo May Banghay Hindi Weigthted


ang Epekto Epektibo mean
Epektibo
Swak (tanggap) ba
o ligwak (di-
tanggap) ang
pagsasalin sa
wikang taglish ng 58 20 13 4 3.39
Pinoy NT sa mga
mag-aaral ng
Baitang 11?
Nakawiwili at
nakapupukaw ba
ng pansin ang
Pinoy NT sa mga 64 17 13 1 3.52
mag-aaral ng
Baitang 11?
Nakatutulong ba 59 19 12 5
ang Pinoy NT sa
pagpapaunlad ng
kulturang Filipino 3.39
sa aspetong
pananampalataya
ng mga Filipino?
Kabuoang 3.43
Weighted Mean
Mula sa katanungang swak (tanggap) ba o ligwak (di-tanggap) ang pagsasalin sa wikang “taglish” ng Pinoy NT sa
mga mag-aaral ng Baitang 11? lumabas na “Lubos na Epektibo” ang paggamit ng “taglish” sa mga kalahok dahil sa
weighted mean na 3.39. Nangangahulugang swak ang “taglish” sa mga mag-aaral ng Baitang 11. Sa ikalawang
katanungan naman na “nakawiwili at nakapupukaw ba ng pansin ang Pinoy NT sa mga mag-aaral ng Baitang11?,”
nakapagtala ito ng 3.52 weighted mean na nangangahulugang “ Lubos na kawili-wili at nakapupukaw ng pansin ang
Pinoy NT na gumagamit ng “taglish.” Para naman sa katatungang “nakatutulong ba ang Pinoy NT sa pagpapaunlad ng
kulturang Filipino sa aspektong pananampalataya ng mga Pilipino?” ito’y “Lubhang Epektibo” dahil sa 3.39 weighted
mean na naitalâ.
Batay sa sinabi ni Hymes (1972), ang wika ay buháy, bukás ito sa sistema ng pakikipag-inter-aksiyon. Binabago at
bumabago ito sa kapaligiran bilang bahagi ng kultura ng grupong gumagamit nito, ay napatunayang totoo batay sa
resulta ng pag-aaral.
Sa kabuoan, ang “taglish” na wikang ginamit sa Pinoy NT ay lubhang epektibo o swak para sa mga mag-aaral ng
baitang 11. Lubhang kawili-wili at nakapupukaw ng pansin ang paggamit nito sa bibliya. Ang paggamit ng “taglish” ay
lubhang nakatutulong sa pagpapaunlad ng kulturang Filipino sa aspektong pananampalataya ng mga mag-aaral sa
Baitang 11 ng Luis Y. Ferrer Jr. Senior High School.
KABANATA IV. Lagom, Kongklusyon, at Rekomendasyon
Inilalahad dito ang kabuoang lagom o buod ng kinalabasan ng pagaaral na nakabatay sa pagsusuri ng datos mula
naman sa suliraning inilahad sa pag-aaral. Nakaloob din ang mga mungkahi o rekomendasyon batay sa resulta upang
mapaunlad ang paksa o ang kaugnay na pag-aaral. Narito ang dapat nilalaman ng sumusunod:
1. Lagom
a. Muling banggitin ang layunin at kahalagahan ng pag-aaral, ang
kaugnay na tanong, mga kalahok o respondent, panahon ng pag-aaral,instrumento, disenyo, at pamamaraang ginamit.
b. Isa-isahin ang mga katanungan na nása ibaba nito at ang mga nakalap na datos o tugon.
c. Tanging ang mahahalagang datos lámang ang isama rito. Hindi na kailangang isama ang tsart, grap, o talahanayan.
Halimbawa:
Ang saliksik na ito ay may layuning malaman kung swak (tanggap) o ligwak (di-tanggap) ang
pagsasalin sa “taglish” ng Pinoy NT; alamin kung nakakapukaw ba ng pansin ang Pinoy NT sa mga kabataang
mananampalataya; at mabatid kung nakatutulong ba ang Pinoy NT sa pagpapaunlad ng kulturang Filipino sa
aspektong pananampalataya ng mga Filipino. Ito ay binigyang-katugunan sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga suliraning inilahad tulad ng (1) swak (tanggap) ba o ligwak (di-tanggap) ang pagsasalin sa wikang
“taglish” ng Pinoy NT sa mga kabataang mananampalataya?;(2) nakawiwili at nakapupukaw ba ng pansin

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO I ALBITOS / MANAGARING 28


ang Pinoy NT sa mga kabataang mananampalataya?(3) nakatutulong ba ang Pinoy NT sa pagpapaunlad ng
kulturang Filipino sa aspektong pananampalataya ng mga Filipino?.
Ito ay isang pag-aaral na nása disenyong kuwantitatibo sapagkat sinukat ang resulta sa pamamagitan ng
weighted mean na pamamaraan. Kinalap ang datos gámit ang sarbey-talatanungan, pinili ang kalahok sa pamamagitan
ng random sampling mula sa mag-aaral ng Don Ababa Senior Higher.
Lumabas sa pananaliksik na ito na mula sa katanungang swak (tanggap) ba o ligwak (di-tanggap) ang pagsasalin
sa wikang taglish ng Pinoy NT sa mga mag-aaral ng Baitang 11, lumalabas na ito ay swak o tanggap na nangangahulugang
epektibo ang paggamit ng taglish ng mga kalahok dahil sa weighted mean na 3.39. Sa ikalawang katanungan naman na
“nakawiwili at nakapupukaw ba ng pansin ang Pinoy NT sa mga mag-aaral ng Baitang 11”, nakapagtalâ ito ng 3.52
weighted mean na nangangahulugang kawili-wili at nakapupukaw ng pansin ang Pinoy NT na gumagamit ng taglish. Para
naman sa katatungang “nakatutulong ba ang Pinoy NT sa pagpapaunlad ng kulturang Filipino sa aspektong
pananampalataya ng mga Filipino,” ito’y “Lubhang Epektibo” dahil sa 3.39 weighted mean na naitalâ.
Sa kabuoan, ang “taglish” na wikang ginamit sa Pinoy NT ay lubhang epektibo o swak para sa mga mag-aaral ng
baitang 11. Lubos na kawili-wili at nakapupukaw ng pansin ang paggamit nito sa bibliya. Ang paggamit ng “taglish” sa
Pinoy NT ay lubos na nakatutulong sa pagpapaunlad ng kulturang Filipino sa aspektong pananampalataya ng mga mag-
aaral sa Baitang 11.
2. Kongklusyon
a. Ilahad ang tiyak na resulta mula sa mga tanong sa bahaging paglalahad ng suliranin. Hindi kinakailangang
ipaliwanag ang sagot.
b. Gawing maikli, tiyak, at malinaw ang mga pangungusap.
c. Ipahayag ang kongklusyon sa paraang nagpapakita ng kawastuan at katotohanan. Halimbawa: Batay sa
pananaliksik, napag-alaman ang sumusunod:
1. Swak (tanggap) ang pagsasalin sa wikang taglish ng Pinoy NT sa mga mag-aaral ng baitang 11.
2. Lubhang kawili-wili at nakapupukaw ng pansin ang Pinoy NT sa mga mag-aaral sa baitang 11.
3. Lubhang nakatutulong ang Pinoy NT sa pagpapaunlad ng kulturang Filipino sa aspektong
pananampalataya ng mga Filipino para sa mga magaaral ng baitang 11.
3. Rekomendasyon
a.Dapat buhat sa kinalabasan ng pag-aaral ang maging rekomendasyon.
b. Ang imumungkahi ay makatutulong sa paglutas ng suliraning natuklasan sa pananaliksik.
c. Maaring naglalaman ng mungkahing magsagawa ng katulad na magaaral.
d. Gawing maikli, tiyak, at malinaw ang mga pahayag.
e. Maaaring imungkahi ang paksang naging kahinaan o limitasyon ng isinagawang pag-aaral Halimbawa:
Batay sa resulta ng pag-aaral, iminumungkahi ang sumusunod: 19
1. Ipagpatuloy ang pagbabasá ng Pinoy New Testament dahil swak ito sa mga kabataang
mananampalataya.
2. Upang magkaroon ng bahaging pagpapaunlad ng kulturang Filipino sa pamamagitan ng pagpapatatag
ng pananampalataya at pananalig sa Diyos, gamitin ang Pinoy New Testament.
3. Iminumungkahing magkaroon ng katulad na pag-aaral subalit gawing tuon ang mga alagad ng simbahan
tulad ng pari, pastor, o ministro upang malaman ang pananaw nila ukol dito.
KABANAT I

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO I ALBITOS / MANAGARING 29


KABANATA II

KABANATA III

KABANATA IV

Penomenang Kultural at Panlipunan


Alam mo ba na tinatawag na kalinangan ang kultura. Kapag sinabing kultura, binubuo ito ng tradisyon,
paniniwala, paraan ng pamumuhay, paraan ng pananamit, pagkain,wika at relihiyon. Mula sa kultura,
umusbong ang kabihasnan o tinatawag na sibilisayon.
Bawat pangkat ng tao sa daigdig ay may kinagisnang kultura. Maaaring may mga pagkakatulad ang
ilan at may hindi naman pangkaraniwan. Kung sinasabing hindi pangkaraniwan, maituturing itong pambihira o
phenomenal. Mar`aming iba’t ibang pagdiriwangsa Pilipinas, bilang isang bansa na maraming tradisyon.
Halimbawa:
1. Ang Karakol ay isang pasayaw na panalangin na isinasagawa sa halos lahat ng lungsod at bayan sa Cavite.
Isinasagawa ito tuwing pista, ang makukulay na kasuotang Pilipino at pagsayaw sa kalye sa saliw ng
masasayang tugtugin ang pinakatampok sa pagdiriwang na ito.
2. Ang pagpuprusisyon sa itim na Nazareno na ipinagdiriwang tuwing Enero 9, taon-taon. Halos milyong-
milyong Pilipino ang dumadalo rito upang magpakita ng narubdob na pananampalataya. Naniniwala na sila
na magkakaraon sila ng himala kapag nakahipo sila o nakadampi man lang sila sa Poong Nazareno tuwing
araw nito.
3. Nariyan din ang iba pang tradisyunal na pagdiriwang sa Pilipinas tulad ng Sinulog Festival na ginaganap
tuwing pangatlong Linggo ng Enero bilang pagpupugay sa mahimalang imahe ng Sto. Nino na nagmula sa
siyudad ng Cebu na tumatagal ng siyam (9) na araw.
4. Sa Lucban Quezon naman ang Pahiyas Festival na isang pagdiriwang tuwing ika-15 ng Mayo sa probinsya
Lucban Quezon. Pinararangalan ditto si San Isidro, ang patron ng magsasaka.
Basahin at suriin ang teksto. Pansinin kung paano ginamit ang mga salitang may salungguhit sa teksto.
KARAKOL: Pasayaw na Panalangin
ni Myra Miller
Impluwensiya ng mga kastilang sumakop sa ating bansa ang relihiyon, at ang pagdiriwang ng
fiesta ay isa sa mga naipamana nila sa atin. Dito sa Cavite, merong tinatawag na Karakol. Ang Karakol ay
isang uri ng aktibidad tuwing may fiesta sa kanilang lugar. Isa itong uri ng prosisyon ngunit hindi lamang
paglalakad kundi pasayaw itong isinasagawa ng mga deboto. Kaya naman tinatawag din itong “pasayaw na
panalangin.”
Sinasabing nagsimula ang Karakol sa bayan ng Rosario sa Cavite noon pa mang taong 1845 bilang
pagpupugay sa kanilang mahal na patron na si Nuestra Señora Virgen del Santissimo Rosario, Reina de
Caracol.
Ang “Caracol ay salitang Kastila na ang ibig sabihin ay takbong Kuhol (snail-like-pace) sa kadahilanang, may
kabagalan ng takbo ang prusisyong ito. Dahil nga sa ang Rosario ay malapit sa karagatan, ang sinaunang
Karakol ay nahahati sa dalawang bahagi. Una, ang Karakol del Mar at ang Karakol dela Tierra. Ang Karakol
del Mar ay Karakol sa dagat o fluvial procession. Nakagayak ng mga bulaklak ang andas ng patron at

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO I ALBITOS / MANAGARING 30


ilalagay sa malaking bangkang pangisda saka inililibot sa dagat. Sinasamahan ito ng iba pang mga deboto
ng patron sakay ng daan-dang bangkang pangisda na napapalamutian ng mga makukulay na banderetas
at musika ng mga banda na siyang nagpapasigla sa pagdiriwang. Panagalawa ay ang Karakol dela Tierra o
Karakol sa lupa. Isinasagawa ito pagkatapos ng Karakol sa Dagat. Pagsapit sa dalampasigan, ililipat ang
andas pagkatapos ay papasanin ng mga deboto (karaniwa’y mga lalaki). Sa saliw pa rin ng musika tulad ng
Pandanggo, pasayaw na ipoprosisyon ang patron papuntang simbahan. Sinasabing merong natatanging
galaw ang mga nagkakarakol-ang pagsasalok-salok ng andas.
Subalit ano nga ba ang kwento sa likod ng debosyon ng mga taga Rosario sa mahal na patron?
Paano napunta ang birhen sa nasabing bayan at naging kanilang patrona? Ayon sa kwento, noong panahon
ng mga kastila, isa sa pangunahing uri ng transportasyon ay ang pagbabangka. Ito ang paraan sa
paghahatid ng mga kalakal ng mga mamamayan mula Cavite hanggang Maynila sa Manila Bay. Isang gabi,
isang malakas na bagyo ang tumama sa kamaynilaan at karatig probinsiya nito na nag-iwan ng pagkasira ng
mga buhay at ari-arian. Hindi mabilang na tripulante ang naabutan ng bagyo sa laot. Isa sa mga bangka ay
galing Mindoro na lulan ay mga kargamento. Sa lakas ng hagupit ng bagyo at naglalakihang alon, halos
lumubog ang bangka kung kaya takot ang bumalot sa lahat ng mga sakay nito. Itinali nila ang kanilang mga
sarili sa bangka para hindi 9 umano sila anurin kung saan. Ang namumuno sa kanila’y pumunta sa kabin para
tingnan kung ano ang kargamentong maari nilang maisalba. Hanggang sa napansin nito ang isang larawan
ng Birhen ng Sto. Rosario. Nagbigay ito sa kanya ng pag-asa. Dito siya taimtim na nanalangin at nangako na
kung ililigtas sila at bibigyan ng pagkakataon pang mabuhay, ay patatayuan nila ito ng kapelya bilang papuri
at pasasalamat sa oras na makaahon sila sa laot. At dininig umano ng birhen ang kaniyang panalangin. Dahil
lahat sila’y ligtas na nakarating. Nakadaong sila sa dalampasigan ng Mojon (ngayon ay Muzon) isang sitio sa
noo’y baryo pa lamang na Salinas-Marsella. Bunga nito, nagpatayo nga ng maliit na kapilya ang mga sakay
ng nasabing bangka nang may pasasalamat at tuwa sa kanilang puso. Inihabilin nila ang imahe ng mahal na
birhen sa mga taga-Mojon. Umalis ang mga tripulante iwan ang pamanang tradisyon- ang kapistahan ng
nasabing patron.
Sa paglipas ng panahon, ang masayang pagdiriwang na ito, ay nakagawian na din ng iba’t-ibang
bayan sa Cavite bilang pagpupugay na din sa patron ng kanilang lugar. Samakatuwid ang tradisyong ito ay
lumawak pa at ngayo’y isa na ding aktibidad ng kapistahan sa iba’t-ibang lugar sa karatig probinsiya.
https://bymrsmiller.blogspot.com/2018/12/karakol-pasayaw-na-panalangin.html
1. Tungkol saan ang tekstong binása?
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
2. Ano ang gampanin ng mga salitang may salungguhit?
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
3. Ano kayâ ang maaaring mangyari sa daloy ng idea sa teksto kung wala ang mga salitang may salungguhit
na ito? _____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

REPERENSYA:
MGA AKLAT NA SANGGUNIAN
Almario, Virgilio S. (Ed.). Poetikang Tagalog: Mga unang pagsusuri sa sining ng pagtulang Tagalog Lungsod ng Quezon: UP Diliman. 1996. Bernales, Rolando,
Atienza, Glecy. Talegon, Vivencio Jr., at Rovira, Stanley Kritikal na pagbasa at lohikal na pagsulat tungo sa pananaliksik. Valenzuela City: Mutya Publishing
House Inc. 2006 Bemales, Rolando A. Bukal 3: Pagbasa. San Mateo, Rizal: Vicente Publishing House, Inc. 2006. Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace.
Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 927 Quezon Avenue, Quezon City: Phoenix Publishing House, 2016. Jocson,
Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City: Vibal Group, Inc. 2016 Nuncio,
Rhoderick V. et.al. SIDHAYA 11 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Cand E Publishing, Inc. 2016 Tumangan, Alcomister P., Bernales,
Rolando A., Dante C. & Mangonon, Isabela A. Sining ng pakikipagtalastasa: Pandalubhasaan. Valenzuela City: Mutya Publishing House Inc. 2000, Webster's
new colligiate dictionary. Springfield, A: G and G Merriam 1961. The personal promise pocketbook. Makati: Alliance Publishers, Inc. 1987 De Jesus, Armado F.
Institutional research capability and performance at the University of Santo Tomas: Proposed model for managing research in private HEls. Di-nalathalang
disertasyon, UST. 2000. Grospe, Alas A. Isang pagsusuri ng mga pamaraang ginamit ni Rolando Tinio sa pagsasalin ng mga idyoma sa mga dula ni
Shakespeare. Di-nalathalang tisis, UP Diliman 1999 Maddux, K. March. True stories of the interest patrol. Net Guide Magazine, 88-98. 1997 Nolasco, Ma. Ricardo.
Ang panglinggwistiks na pagsasalin sa wikang pambansa. Lagda, 12-20. 1998
ELEKTRONIK NA SANGGUNIAN
https://www.slideshare.net/BasemathBaco/kakayahang-pangkomunikatibo-ng-mga-pilipino
https://www.coursehero.com/file/p39aqt0s/Napipili-ang-angkop-na-mga-salita-at-paraan-ng-paggamit-nito-sa-mga-usapan-o/
https://www.google.com/search?q=halimbawa%20ng%20telegrama&tbm=isch&tbs=rimg:CcuW0tCyVaWRYTx4hMMG7uORsgIGCgIIABAA&hl=en-
US&sa=X&ved=0CAIQrnZqFwoTCNj439bMxvMCFQAAAAAdAAAAABAw&biw=1349&bih=625#imgrc=QfsQjsER1uVHgM
WWW.depEd common.com

Prepared by: Checked and recommended by:

REZIEL A. MANGARING / MANILYN N. ALBITOS JENNIFER D. SOTELO


Guro sa Filipino 11 Principal

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO I ALBITOS / MANAGARING 31

You might also like