You are on page 1of 1

Ang mundo ay nahaharap sa malaking krisis pang kalusugan at ekonomiya ng dahil sa COVID 19.

Suriin
ang larawan sa ibaba at sumulat ng isang talata na binubuo ng 5 hanggang 10 pangungusap.

Our Modern Heroes

Ang panahon ngayon ay taliwas sa panahong ating kinagisnan. Pandemyang kumitil sa milyong – milyong
buhay ng tao. Corona Virus – 19 o mas kilala sa bilang COVID 19, isang pandemya na nakaapekto sa
milyong milyong tao at ibat ibang hanapbuhay. Enhanced Community Quarantine (ECQ), isa sa mga
pinatupad na panuntunan na kung saan lilimitahan ang pag labas ng bawat isa. Mga trabahong nahinto
at mga frontliners na nag silbing ating bayani. Mga frontliners na naging taga sangga nating lahat.
Alintana sa ating kaalaman, sila din ay may mga pami-pamilya na nag aantay na uwian sila. Sobrang
hirap maging isang frontliner kaya nararapat lamang na sumunod tayo sa mga alituntunin na
ipinatutupad ng ating bansa. Isipin nalang natin ang panganib na nakaambang sa atin kung tayo ay mas
magiging pasaway lalo at ang panganib sa buhay nila bilang isang frontliner. Kaya bilang isang
mamamayan at estudyante, nawa’y maging sapat na ang ipinahihiwatig ng nasa larawan na sila ay
patuloy na nag iintay sa kanilang mga magulang at kamag anak na isang frontliner. Kaya upang hindi na
mas dumami pa ang kaso ng COVID-19, tayo ay mag kaisa na sumunod sa mga health protocols upang
habang inililigtas tayo ng mga frontliner, inililigtas din nila tayo.

You might also like