You are on page 1of 4

GAWAIN 4.

3- Pagsasaayos ng Datos

Pangalan: Buhay, Kyle Andrei C. Petsa: ika-11 ng Setyembre, 2020


Strand at Seksyon: STEM 191 Mood: Impormatibo

I. Sinopsis/Lagom

= Ilang buwan nang nakalipas nang gumaling mula sa COVID-19 si Howie Severio,
ang pangunahing mamamahayag ng I-Witness, bumalik na siya sa aksyon at tumungo sa
hilagang bahagi ng Luzon na kung saan iimbestigahan niya kung paano nakamit ng isang
komunidad dito ang pagiging ligtas mula sa COVID-19 ng isang daan at apatnapu’t
tatlong araw. Taga Bambang, Nueva Vizcaya si Xyza Cruz Bacani, isang litratista o
photojournalist sa Hong Kong noong 2014. Nang nagsimula ang pandemiya, siya ay
napadpad sa kaniyang bayang kinalakihan. Kung kaya’t sinubaybayan ni Howie ang
muling pagdiskubre ni Xyra sa kasulukuyang sitwasyon ng kaniyang komunidad. Dito
nakilala si Dr. Anthony Cortez, isang kilalang doktor ng kanilang komunidad at
namumuno sa kabuoang kalusugan ng mga mamamayan sa Bambang. Isa ito sa mga
importanteng siyudad sa Luzon dahil dito nanggagaling ang tustusan ng pagkain ng
Central Luzon, isa sa pinakaapektado ng pandemiya. Ibinahagi ni Xyza ang istorya ni Dr.
Cortez kung papaano niya naipanatiling ligtas sa COVID-19 ang kaniyang siyudad. Ayon
kay Dr. Cortez (2020), “hindi madali ang trabaho na ito dahil interaksyon ng bawat tao
sa isa’t isa. Subalit, nakamit ang lahat ng ito sa pamamagitan ng patuloy na pagpapayo
at kooperasyon sa ating kapwa mamamayan.”

II. Presi

= Kaugnay sa kasulukuyang sitwasyon ng COVID-19 dito sa Pilipinas, ipinahayag ni


Howie Severio ang kuwento ni Xyza Cruz Bacani kung paano nakamit ng kaniyang bayan,
ang Bambang, Nueva Vizcaya, ang pagiging ligtas sa COVID-19. Ito ay nakamtan at
umabot sa mahigit isang daang araw sa pamamagitan ng matinding pagtutupad ng iba’t
ibang protocol na pinamunuan ni Dr. Cortez. Ang dokumentaryong ito ay makikita sa
programang I-Witness ng GMA Network na pinalabas noong ika-29 ng Agosto 2020.
III. Sintesis

= Sa ating kasalukuyang sitwasyon, isang malaking hamon para sa ating lahat ay


ang makabangon mula sa pandemiya sa lalong madaling panahon na makakaya natin.
Ngunit, nakakalungkot isipin na patuloy pa rin ang pag-akyat ng mga panibagong kaso sa
ating rehiyon at maraming taong ang nalalagay panganib. Sa gayon, isang magandang
ehemplo ang Bambang, Nueva Vizcaya na kung saan sila ay naging ligtas sa COVID-19 ng
mahigit isang daan na araw. Samakatuwid, para sa aking opinyon, kaya rin natin
makabangon mula sa sakit na ito sa pamamagitan ng pagpapatupad ng sistema na
kaugnay sa Bambang.

Ayon kay Trexler (2020) “ang contact tracing ay isang mahalagang salik upang
maiwasan ang pagkalat ng sakit tulad ng COVID-19 dahil may kakayahang itong kumalat
kahit walang pinapakitang sintomas ang nahawaan.” Dahil sa matinding contract tracing
na isinagawa sa Bambang, Nueva Vizcaya, hindi madaling kumalat ang naturang sakit. Sa
paraan na ito, agad nilang nailagay sa kanilang quarantine facilities ang mga taong
dumating mula sa labas ng Bambang. Pinaliwanag naman ni Cohut na ayon sa isang pag-
aaral sa Tsina, ang mabilis na pagtaas ng kanilang naitatalang bagong kaso ay sanhi ng
patuloy na pisikal na interaksyon ng mga tao sa Wuhan (2020). Tulad sa Bambang, dahil
ito ang nagsisilbing sentro ng kalakalan ng pagkain para sa Metro Maynila at Visayas,
matindi ang pagpapaalala ng mga local government units o LGUs sa mga drayber ng mga
pananim na huwag nang lumabas pag sila na ay nasa Metro Maynila. Kasabay na rin dito
ang pagpapaalala sa mga mamamayan na nasa Bambang na iwasan na muna ang pisikal
na interaksyon sa kapwa. Ayon naman kay Aktipis et al. (2020) “ang kooperasyon ng
bawat isa ay isang mahalaga sa panahon ng pandemiya. Mahalaga rin na nakikilala natin
ang ating tungkulin laban sa pandemiya na kung saan ang interaksyon ng estado at
gobyerno ay magsisilbing susi sa pandemiyang ito.” Sa panahon ng pandemiya,
mahalaga ang pagkakaisa ng gobyerno sa estado nang sa gayon ay mayroong malinaw
na gabay ang mga tao sa mga dapat gawin upang maiwasan ang hawaan. Tulad sa
Bambang, ipinakita sa dokumentaryo na araw-araw tinututukan ng mga LGUs ang mga
mamamayan dito. At dahil sa mga salik na ito, naigawa nilang maging ligtas sa COVID-19
ng mahigit isang daan na araw.

Ang ating kasalukuyang sitwasyon ay isang suliranin na kinakailangan natin


pagtuunan ng pansin. Ang ipinamalas ng Bambang, Nueva Vizcaya ay dapat magsilbing
inspirasyon sa atin upang tayo ay makabangon muli sa pandemiyang ito. Sa
pamamagitan ng matinding contact tracing, pagsunod sa physical distancing, at
kooperasyon ng estado at gobyerno ay ilan sa mga hakbang ginamit ng mga
mamamayan sa Bambang upang makamit nila ang pagiging ligtas sa COVID-19 ng
mahigit isang daan na araw. Samakatuwid, kung kaya ng siyudad ng Bambang, kaya rin
natin bilang bansa.

IV. Reaksyong Papel

= Maraming salik ang naging kadahilanan kung bakit naging matagumpay ang
ginawa ng Bambang, Nueva Vizcaya kontra sa COVID-19. Ngunit, sa kabuuan, ang
tagumpay na ito ay bunga ng matinding kooperasyon ng bawat isang mamamayan sa
siyudad na ito. Pinaliwanag ni Severio (2020) na nakamit ng Bambang, Nueva Vizcaya
ang tagumpay na ito ay naisasagawa:

Sa pagkakaisa ng lokal na pamahalaan at komunidad, naiiwasan nilang


magkaroon ng sinasabing local transmission sa kanilang siyudad. Bilang
isa sa pinaka-aktibong siyudad, mahalaga na alamin kung sino ang
pumapasok at lumalabas sa kanilang siyudad. Kung saan mas mapapadali
nilang malalaman kung sino ang mga nakasalamuha nila at mailagay sa
kanilang quarantine facilities.

Lubhang tanyag ang kalagayan ng Bambang kumpara sa aming lugar ngayong


pandemiya. Bilang isang kabilang ng Lungsod ng Parañaque, ninanais ko na sana maging
ligtas na sa COVID-19 ang aking kasalukuyang lugar. Sa dokumentaryo, makikita natin
ang masistemang pamamaraan ng mga lokal na opisyal sa kampanya nila kontra COVID-
19. Kumpara sa aming lugar, lubhang mahirap at nagkaroon na ng sinasabing local
transmission ng naturang sakit. Hanggang sa ngayon, patuloy ang pag-akyat ng mga
bagong kasong naitatala sa aming lungsod. Hindi katulad sa Bambang, nagawa nilang
maging ligtas sa COVID-19 ng mahigit isang daang araw. Sa gayon, lubhang magkaiba
ang sitwasyon dito kumpara sa sitwasyon sa Bambang.

Ako ay namangha sa mga maraming bagay na ipinakita ng dokumentaryo. Bilang


isang mamamayan, ito ay nagbibigay ng inspirasyon sa akin na kaya natin makahanap ng
solusyon at makabangon sa pandemiyang ito. Subalit, ang mga ginawa ni Dr. Cortez ang
pumukaw ng aking atensyon. Para sa akin, isa siyang inspirasyon sa mga taong
naghahangad na maging doktor dahil kinikilala niya ang kaniyang obligasyon na
makapaghatid ng serbisyong medikal sa mga mamamayan ng Bambang. Ayon kay Dr.
Cortez, bilang doktor obligasyon niya na iparamdam sa mamamayan na hindi sila
pinapabayaan na kung saan, bukas ang kanilang komunikasyon ng anumang oras (2020).
Para sa akin, ang mga taong katulad ni Dr. Cortez ay nagbibigay pag-asa para sa atin na
kaya natin makabangon sa pandemiyang ito. Kung saan, kung kaya ng Bambang, kaya
natin lahat. Patunay na kahanga-hanga si Dr. Cortez. Ang kaniyang serbisyo para sa
kaniyang bayan ay walang katumbas. Samakatuwid, si Dr. Cortez ay pumukaw ng aking
atensiyon sa dokumentaryo. Sapagkat, ang kaniyang patuloy na paglilingkod ay
nagbunga ng pagiging ligtas ng Bambang, Nueva Vizcaya mula sa COVID-19 ng mahigit
isang daan na araw.

You might also like