Ang klase ni miss Chin na Pagbasa at Pagsusuri ay isa sa mga
klase sa unang term ng aming taon sa ika-12 na baitang. Natuwa ako sa mga pinagawa sa amin, hindi lang dahil ang mga ito’y nakakatuwa ngunit dahil masasabi ko na ako’y natututo talaga. Nakakatuwa rin ang mga memes na inilalagay niya sa kanyang mga paalala. Ang pinaka-importanteng aral na natutunan ko mula kay miss Chin ay ang katagagang “Ang pagkatuto ay nasa pagtatangka!” Sapagkat ako’y duwag at may mga pagkakataon na kapag ang gawain ay di ko napasa sa oras na binigay, ako’y takot na magpasa ng gawain.
Ang Reaksyon Ko Sa Bidyo Na Aking Pinanood Ay Sa Una Ay Parang Di Ko Maintindihan Ang Karakter Kung Bakit Niya Ginagawa Ang Mga Bagay Na Hindi Normal Sa Ibang Mga Bata