You are on page 1of 3

First day of classes. What the. Halos lakad-takbo na ako. Malelate na ata ako.

No’ng tiningnan ko ang


relo ko ay 3 mins nalang, late na ‘ko. Pero nasa gate palang ako. Nang makarating na ako sa room, thank
God wala pa ang professor. Hingal na hingal na talaga ako. Nang pumasok ako, andaming random
students. Pero nakita ko ang mga past classmates ko.

“Jen, nagsuklay ka na nyan?” Tanong ni Yvette sa akin. Isa sya sa mga classmate ko dati.

“Ehh… Wala na akong time. Akala ko talaga late na ako e.”

So, sinuklay ko nalang muna ang buhok ko. Buti nalang wala pa ang aming prof. Ako nga pala si Jen.
Rank2 ng aming klase. 3rd year accountancy student ako. Lahat kami nang mga past classmates ko ay
nagsusummer class. Since magf4th year na kami, mas mahihirapan kami sa mga subjects if ever hindi
kami nag advance.

Tapos tumingin ako sa buong room para naman magka idea ako kung sino ang mga magiging summer
classmates ko. SHOCKS. Andun si Adrian. Yung magtwo2 years ko nang crush :”>

Kaso may salot. Yung cmate ni Adrian na babae. Mestizang maganda. Natural din ang pagkakakulot ng
buhok nya. Badtrip yan. Hindi naman talaga sya nilalapitan dapat ni Adrian. Pero magkaka-ibigan silang
mga lalaki. Tapos nag-iisa lang na babae si Rain so nilalapitan nila. Pero magkaibigan lang talaga sila.
Ewan ko ba. Hindi naman kami ni Adrian pero ayokong may nilalapitan sya. Nagseselos ako kahit walang
karapatan.

First day of summer class, may report agad?! Buti nalang hindi magkagrupo si Adrian at Rain. Yun nga
lang, hindi ko din sya kagroup. First day reporter ang group nila Rain. Hindi naman sya super smart so
tinanung ko sya.. Alam ng mga kaibigan ko ang gusto kong mangyari. Ano pa nga ba? Syempre ang
mapahiya sya. Nung sinabi ko na ang tanung ko, hindi niya masagot.

Tapos biglang tumayo si Adrian. Kinausap nya ang professor naming “Sir, may I help Rain on her
question?” Pumayag naman ang aming professor. So wala. Nasagut din.
Hindi ba’t nakakabadtrip yung ganung feeling? Sinasalo ng crush mo yung babaeng pinagseselosan mo?
YIII.

Kinabukasan, maaga akong pumasok. Gusto ko kasing umidlip muna for 30 mins. Pag pasok ko, wala
pang tao. Biglang bumukas yung pinto. Nakita ko si Adrian. Nakaupo kasi sya sa gitna, ako sa likod.
Yumuko muna ako sa desk ko. Pero nakakarinig parin ako ng footsteps. Nagulat nalang ako nang may
makita akong paa. Expected sya yun so tumingala ako. “Bakit mo pinahiya si Rain? ”

Ako: Hindi ko sya pinahiya. Hindi ko na kasalanan kung hindi sya gumawa ng further research tungkol sa
report nya. It’s her responsibility naman.

Sya: Kahit na. Ano bang point mo? Oo, alam nang lahat na matalino ka. Pero hindi mo kailangan
magpahiya para lang ipaglandakan ang katalinuhan mo.

Ako: Nasagot mo naman ang question diba? Ano pang problema mo?

Hindi naging maganda ang una naming pag-uusap. Nang sinabi nyang “I challenge you. Hindi ba’t
magrereport kayo, 3days from now? I wish you luck na masagot mo ang tanong ko.”

Ayyyyyyy. Nako. Inis. Banas. Asar. Hinahamon nya ako? So sige, challenge accepted. Hindi ako makapag
concentrate sa klase naming kakaisip na mapahiya ako ng sarili kong crush. Isa pang nasa isip ko ay bakit
kailangan nya pang pag revenge si RAIN!? E magkaibigan lang naman sila diba? Ouchness.

Reporting day…

First time kong kinabahan magreport. Tapos, Question and Answer portion na. Lahat ng tanong nasagot
namin. Syempre medyo confident na ako nang tumayo si Adrian. Ts. Hindi nya parin makalimutan ang
challenge nya?!!!!!! Kainis. Gusto nya talaga akong mapahiya ah.

Sya: This question is for Jen.

Ako: W-w-what is it Adrian? (Chin up, taas noo, confident)

Sya: Are you ready?

Ako: Yes, I am.


Sya:

Jen….. Uh…… Pwede ba akong manligaw sa’yo? 

Ako: Ad-ad-Adrian… It’s not related to our report.

SHOCKS. LAHAT SILA NAGTITILIAN. NAKAKAHIYA TALAGA KASI ANDUN YUNG PROF NAMIN. PERO SYA
DIN KINIKILIG. LOL.

Ako: After class nalang, please? 

-End-

You might also like