You are on page 1of 65

Shes Sam, she is as sweet as what her shirt says.

This little girl made my day yesterday though my tummy is aching before going to church and right after our medical mission. Ang dami namin napagusapan ng batang ito kahapon, madaldal kasi siya, FRIENDLY is the right term. Inaantay nila ng yaya nila yung mommy niya kaya ayun nasa may park din muna sila. Though, I dont know this pretty kid personally kausap ko siya for 30 minutes. Nung una, tinitignan lang niya kami nila @nenenggala at @totoypalaboy habang nakaupo kami sa park beside the church while

waiting for @misslittlemaldita. Nung tumayo na ako, since napansin ko na din naman na parang gusto niya kaming kausapin, I asked her name. Anong pangalan mo? Sam po. she repilied using her sweet little voice at dun na nagsimula lahat. Nagkwento na siya about her school, about her family and her dreams kahit nun lang kami nagkausap, parang kilala niya na ako para mag-open siya :) Eto ang batang hindi takot sa strangers hrhr.. well I dont look like a stranger:) Syempre I told her to do good at school and always pray. I shared a little to her, kasi syempre di nman maiintindihan ng bata. Pinakita ko sa kanya yung picture namin ni KRAS. Ang ganda niyo naman po dito. Boyfriend mo po? she asked. Haha, nakakatuwa kang bata ka, boyfriend? Sana? kaso sa ngayon ipinagppray ko pa na sana siya nga. I replied. Sa batang toh ko naramdaman na gusto kong sabihin na Alam mo, may gusto akong tao at ngayon ipinagppray ko siya. Akala ko hindi ko yun maisshare sa batang yun pero ayun nakuwento ko si KRAS sa kanya. Bagay ba kami? (ako na ambisyosa, akin lang naman eh, pagbigyan na) I asked. Opo, maganda ka pong babae at siya naman po gwapong lalaki. she replied. Syempre the conversation has to end kasi sumating na yung sundo nila. This little girl made my Sunday. :) Hope to see you again Sam :)

Be professional..
Lung Center duty is about to end tomorrow. Nung nalaman kong dun ang duty ko, na-excite ako kasi special area yun..saka outside Marikina nanaman kaya okay ako na dun ako magduduty. Ngayong patapos na ang duty ko dun, okay lang..nawala yung excitement..Kumbaga isang normal na rotation toh. One thing na mamimiss ko siguro sa duty na toh ay yung pag sermon ng CI ko dun. Walang araw na lumipas sa loob ng limang araw na hinawakan niya ang grupo na walang sermon kaming natatanggap sa umagawell except kanina..medyo kalmado ang sitwasyon sa area. May kasabay kaming other students sa ward, sakto may inter-ward case pres ang CI namin so may ibang humawak sa mga pasyente namin.kaya nabawasan kahit paano ang sermon. Habang orientation ng kabilang school, isa lang ang tumatak sa isip ko habang ino-orient sila ng CI nila. BE PROFESSIONAL SA HARAP NG PASYENTE Sabi ko sa sarili ko, sana naririnig toh ng CI namin. Infairness naman kasi sa CI namin may matututunan ka talaga sa kanya, no doubt about it kaya lang medyo semplang sa approach sa students. Normally, kapag may hindi kami nagawang tama inside or outside the patients room, kakausapin/pagsasabihan kami ng CI either at the station or outside the patients room, but NEVER in front of the patient

Pero sa kanya, harap-harapan sa pasyente, pinangsasabihan niya kami na mali kami ng ginagawa (sa perspective niya lang yun)..Syempre ina-apply din namin kahit paano yung alam namin, pero pag mali yun sa tingin niya, kahit may pasyente pa ganon ang nangayayri. :|

Huwarang estudyante

Just had a talk with my CI, isa daw akong huwarang estudyante >.< Orals na namin next Monday at wala akong idea kung anong topic ang ididiscuss ko. Ngayon lang ako nakaexperience ng ganitong katamaran sa buhay ko, di ko feel mag-review talaga kaso pag di ako nag review mas lalong walang mangyayari sa akin :( Bakit naman kasi 108 diseases :( Tama si sir kulang ako sa motivation. Takte, saang tindahan ba makakabili ng motivation >.<

Panel
Sa dami ng case pres na pinagdaanan ko mapa-group or individual case study. Pinangarap ko na talaga na maging panelist. Gusto ko ako yung magtatanong sa estudyante dahil sino ba ang gusto na kinukwestyon ang gawa ng isang tao. Nakapag-panel na ako once at gusto ko pa ulit ulitin. Dahil head nurse naman ako this rotation mag-papanel kami. Nalaman pa lang ng mga students ko na

magpapanel ako. Paulit-ulit sila sa pagsasabi na wag daw ako masyadong matanong at parang lalagnatin daw sila. Hindi naman sa pagbubuhat ng bangko pero yun ata ang image na na-build ko sa class namin. Ako kasi yung madalas kinatatakutan ng mga classmates ko lalo na kapag may ganyang reporting/presentation tapos di nila ko ka grupo at audience lang ako dahil alam nila na makikinig akong mabuti at magtatanong ng wagas. Nadala ko yun hanggang ngayon kaya kahit nung nag PCI ako nakikinig talaga sila. Excited na ako mamaya.. :) Mamimiss ko sa head nursing ang pagiging petiks.haha..yung ako ang magsusupervise at ngayon last day na :|

Bun..
ganyan ang laging hitsura ng buhok ng mga babaeng student nurse. Kaya pag nagkakaroon ng pagkakataong ilugay ang mga buhok, nakalugay talaga. Sa araw-araw ba naman na nakikita namin ang sarili namin sa salamin na naka-bun, naaawa din kami sa buhok namin. Sa school namin, seniors ang role model..mas madalas naka-bun kami, para gayahin daw ng lower years kaya parusa din minsan sa buhok ang naka-bun ito. :) Oh well, sa Jan.3 ko pa ulit itatali ang buhok ko..Pagpapahingahin ko muna siya sa pony tail :)

GPOYFRIDAY

Kita niyo ang bakas ng pawis ko???! This photo was taken right after our transferring practical exam! Mukha akong albularyo! haha! bandaging technique for a wound in the ears :) Imagine nag-akyat kami ng victim from our covered court up to 3rd flr.. Ang pinili pa yung pinaka mabigat sa grupo ko, may 3 beses lang kami para magpahinga.. Sobrang hirap lalo nung paakyat kami ng hagdan dahil against kami sa gravity but over all it was a F-U-N experience and training :)))

BIPOLAR

kanina nag-pm yung classmate ko sa fb, tinatanong kung sa monday na daw ba ipapasa yung case study namin, sabi ko di ako sure kasi wala talagang sinabi yung CI namin tapos pinaalala niya sa akin na BIPOLAR yung CI namin.. Bipolar kasi..good mood yan tapos pag may nagawa kang di niya nagustuhan bigla maninigaw Ewan ko ba dun, may times na nakikipagkwentuhan siya sa amin tapos maninigaw nalang pag may groupmate kami na nagtatanong,tapos kaya pala nagtanong kasi may konting di naintindihan. May times naman na baligtad, sa una ang sungit tapos biglang babaitpambihira naman oh.. UPDATE SA CASE STUDY KO: Anatomy and physiology na ko, eto ang sigurado na magkakaparehas kami ng groupmates ko..LUNG CENTER eh! malamang respi anatomy lahat/

ICU student Nurse.


Yan ang naging task ko kanina sa duty. I was assigned to monitor a Post cesarean section mother that has PULMONARY EDEMA. The patient was concious, she has an endotracheal tube. Supposedly, it was an OR/DR complex but due to some reasons hindi pa nai-akyat ang patient sa ICU kaya right after her operation, she stayed at the complexs recovery room with several contraptions on her. Included on her contraptions are mechanical ventilator, nebulizer, pulse oximeter, main line of PNSS + 60mEq Kcl, dopamine drip and D5W + Furosemide. Her vital signs are taken every 30 mins. and her Oxygen saturation needs to be maintained @ 97% if its less than she should be referred to her physician. She has been very cooperative during the shift, yung secretions niya nga lang ang hindi cooperative kasi it was very thick and its clogging the ET tube already resulting to her low oxygen saturation that reached 95 and fluctuating from 97-95%. She has peripheral edema din, kapag pinipindot yung skin niya, it leaves an indentation. I hope she will be transferred to the ICU ASAP, mas matutukan siya dun :)

Hindi ko na siya makikita :|


Tapos na ang aking OR rotations Next week Ill be starting my ER duty for two weeks then my last rotation for this semester would be back at the Lying-in. Hindi ko na siya makikita :( YUng nurse sa ACMH, siguro 3rd floor ward nurse yun, dati ko pa siya nakikita pero ngayong rotation ko lang siya naapreciate, nakakatitigan ko kasi yun eh :)))) hahah, may itsura naman yun pero may something kasi spark on my part ba kumbaga when our eyes meet :))haha kanina paglabas ko ng student lounge andun siya sa OR nag-endorse ng patient :) sa buong rotation ko sa acmh, 3 times ko lang ata siya nakita, ni hindi ko man lang nasalubong sa hagdanan :| asa pa kong makuha ko pangalan niya haha :)))

Defense Mechanisms

1. 1. Acting Out

Acting out refers to repeating certain actions to ward off anxiety without weighing the possible consequences of those action. Example: A husband gets angry with his wife and starts staying at work later. Also called substitution. It involves trying to make up for feelings of inadequacy or frustration in one area by excelling or overindulging in another. Example: An adolescent takes up jogging because he failed to make the swimming team. A person in denial protects himself from reality especially the unpleasant aspects of life by refusing to perceive, acknowledge, or face it. Example: A woman newly diagnosed with end-stage-cancer says, Ill be okay, its not a big deal. In displacement, the person redirects his impulses (commonly anger) from the real target (because that target is too dangerous) to a safer but innocent person. Example: A patient yells at a nurse after becoming angry at his mother for not calling him. Fantasy refers to creation of unrealistic or improbable images as a way of escaping from daily pressures and responsibilities or to relieve boredom. Example: A person may daydream excessively, watch TV for hours on end, or imagine being highly successful when he feels unsuccessful. Engaging in such activities makes him feel better for a brief period.

2. Compensation

3. Denial

4. Displacement

5. Fantasy

6. Identification

In identification, the person unconsciously adopts the personality characteristics, attitudes, values, and behavior of someone else (such as a hero he emulates and admires) as a way to allay anxiety. He may identify with a group to be more accepted by them.

Example: An adolescent girl begins to dress and act like her favorite pop star. Also called isolation. Intellectualization refers to hiding ones emotional responses or problems under a faade of big words and pretending theres no problem. Example: After failing to obtain a job promotion, a worker explains that the position failed to meet his expectations for climbing the corporate ladder.

7. Intellectualization

8. Introjection

A person introjects when he adopts someone elses values and standards without exploring whether they fit him. Example: An individual begins to follow a strict vegetarian diet for no apparent reason.

9. Projection

In projection, the person attributes to others his own unacceptable thoughts, feelings, and impulses. Example: A student who fails a test blames his parents for having the television on too loud when he was trying to study.

10. Rationalization

Rationalization occurs when a person substitutes acceptable reasons for the real or actual reasons that are motivating his behavior. The rationalizing patient makes excuses for shortcomings and avoids self-condemnation, displacements, and criticisms. Example: An individual states that she didnt win the race because she hadnt gotten a good nights sleep.

11. Reaction Formation


In reaction formation, the person behaves the opposite of the way he feels. Example: Love turns to hate and hate into love. Under stress, a person may regress by returning to the behaviors he used in an earlier, more comfortable time in his life. Example: A previously toilet-trained preschool child begins to wet his bed every night after his baby brother is born.

12. Regression

13. Repression

Repression refers to unconsciously blocking out painful or unacceptable thoughts and feelings, leaving them to operate in the subconscious. Example: A woman who was sexually abused as a young child cant remember the abusebut experiences uneasy feelings when she goes near the place where the abuseoccurred.

14. Sublimation

In sublimation, a person transforms unacceptable needs in acceptable ambitions and actions. Example: He may channel his sex drive into his sports or hobbies. In undoing, the person tries to undo the harm he feels he has done to others. Example: A patient who says something bad about a friend may try to undo the harm by saying nice things about her or by being nice to her and apologizing. SOURCE There are other kinds of defense mechanisms other than the ones listed above. My favorite is Denial and Repression. I had a bad experience when I was 12 y/o.

15. Undoing

Usapang handaan.
Habang nagluluto ako ng itlog dahil nagugutom na ako, napagusapan ang tungkol sa graduation ko at kung may handaan ba. Holy Tuesday kasi natapat yung graduation ko. Alanganin mag-saya dahil

dapat panahon ito ng pangingilin sa mg Catholic. Pero ayun na nga, since nag submit din ako ng application for special awards sa graduation, gusto ata nila Mama may konting salo-salo after ng rites. Dati naisip ko, huwag maghanda sa graduation kasi di pa talaga yun ang dapat ikasaya ko talaga bilang student nurse. Naisip ko na kung maghahanda man kami ng bongga yun eh pag nakapasa ako ng board exam kung saan mag totopnotcher ako (law of attraction, inaangkin ko na ang isang spot sa mga magtotopnotcher). Kung makakapaghanda man kami para sa graduation ko ipagpapasalamat ko na yun kay Lord. Kung hindi naman okay lang din kasi pag nakapasa na ko sa board exam dun ko talaga bobonggahan ang handa, yun talaga di pwede wala. Siguro kung ipaghahanda nila ako sa graduation day ko yun eh dahil proud ang mga magulang ko sa akin at siyempre proud sila sa sarili nila na sa wakas nakapagpatapos na sila ng anak sa kolehiyo. Kung anuman yung recognition and awards na nakuha ko sa loob ng apat na taon para sa kanila yun, para sa parents ko. :)

RF: Auto follow ako sa mga NURSE dito sa tumblr.


Pag navisit ko ang blog at kayo po ay isang RN o Registered Nurse or Student Nurse, auto follow ako agad sayo :D Minsan nakakamotivate din kasi yung mga post ng mga NURSES kaya gusto ko nasa dash ko sila :D JENNIFER LOIS DELA CRUZ Nursing student, gusto maging top-notcher, mukhang masungit, mabait, maasahan sa mga gawain sa school at sa ibang mga bagay, tamad minsan (sobrang minsan lang), antukin, chubby, matalino (ata), open minded, ayaw masaktan, hindi ako iskandalosa..maingay, madaldal basta kumportable sa mga kasama. bubbly HEARTFLUTTER kalog, tahimik lang sa dash, napaka-random ng mga pinopost, lahat ng saloobin dito niya inilalabas, approachable, pwede maging ate dito.

Sinabi na ngang bawal ang salitang "BAKIT"


Bakit is a very detrimental word sa mga mentally ill patients and was tagged as a mortal sin kapag nasabi sa pasyente. The word BAKIT implies judgement against a person. Halimbawa, may nagshare sayo na pinagbintangan siyang magnanakaw, ang initial response ay ang salitang BAKIT, sa pasyente na may mental problem, pag sinabihan mo sila nun ang dating sa kanila ay maari ngang iniisip ng nagtanong na ginawa niya yung pagnanakaw.

Kanina sa interaction namin sa kanila. I said the word for about 3 times,spontaneouslyhindi ko namalayan at ilang beses ko din napigilan na sabihin yung salita. As in ba..ba..ba.. na lang nasasabi ko parang gusto kong putulin dila ko Ang advise ng CI ko, instead of BAKIT, Anong dahilan at nalang daw ang gamitin namin kaso dahil anxious pa nga ako sa mga pangyayare ang nasasabi ko ANONG DAHILAN AT BAKIT eh redundant na..so kaasar talaga

According naman sa CI ko may exemptions ang salitang BAKIT, exempted siya kapag halimbawang may suicidal tendency na ang pasyente and at risk ang safety niya. Halimbawa nakita ng student nurse na may hawak na ballpen we could confront the patient by saying bakit mo hawak ang ballpen mo?

Pamantasan ng Lungsod ng Marikinas Bachelor of Science in Nursing Class 2011.


100 graduates hanapin niyo ako kung saan ako dyan Four years of hardships, sleepless nights, tears and smiles. Finally, well be able to reap what we sow. Four years of laughter and sadness. Our class went through tons of issues, problems but by Gods grace we surpassed all of it. Youre one of the reasons why I dont regret studying at PLMar. Moments with you guys will always be priceless. I love BSN Class 2011. Well all pass the board exam this December. Well be

Registered Nurses. Nurses that are passionate in the field of Nursing. See you at the baccalaureate mass, graduation practices and rites. See you at our review center and most of all well see each others name on the list of board passers. <3 loisitaw

Comedy moments sa graduation


Sa front row ako nakaupo kanina sa Plenary Hall ng PICC. Front row sa section kung saan nakaupo ang mga parents ng graduates na may honor. May mga comedy moments kanina sa graduation.

March ng mga graduates: Ineexpect lahat ng tao sa entrance ng plenary hall sila manggagaling so lahat dun lumingon, eh walang lumalabas tapos sumesenyas na yung isang faculty na sa may stage daw yung mga tao nakalingon pa din, yun pala manggagaling sa taas yung mga graduates, baba sila sa hagdan papunta sa gitna kung nasaan mga chairs nila.

Entrance of colors, may mga tumawa nung sinabi nung nagcocommand na suksok watawat Pagsuksok ng watawat yung may hawak ng Philippine Flag nakaalis na sa pwesto nila yung may hawak ng UST flag di makaalis kasi di naisuksok yung watawat na hawak niya. Nagstart na yung program andun pa din sila, nung magsasalita na yung Summa for petition saka sila umalis nagpalakpakan ang mga tao di ko alam kung para sa Summa or dahil nakaraoas na yung may hawak ng flag.

During the gratitude speech ng Summa nag-goodevening pa lang, palakpakan na mga tao. Mga tao excited na umuwi di matapos si Summa kasi palakpakan mga tao. May isang parent habang nagsusuot ng medal sa anak slow-motion, kinukunana kasi sila ng picture eh isang shot lang naman yun, ewan bat slow mo ang proud dad :) Sa kabutihang palad wala naman natapilok na estudyante or parent. Napagkamalan akong parent nung isang faculty. Ako kasi gumamit nung isang badge para sa parents ng grauates na may honor ayun sabi ng faculty Congratulations, So youre a parent? sa isip ko shet! English! CHOS kaya ko naman makipagconverse in english. sinabi ko na lang in a polite way na No Mam, kasama lang po.

Im a smiling baby and a cry baby too. Sana ganyan pa din ako ka-cute.. haha Mini Lois and Papa. Thats my Papa. Hes an auto mechanic. Lumaki ako na puro sasakyan at grasa ang nasa paligid ko. Pinili niya kasi na magtayo ng sarili niyang shop kumbaga kung nasaan ang shop nandoon din kami. One time lang yata nahiwalay ang bahay namin sa shop dahil yung na-rentahan ni Papa maliit lang na lugar kaya napilitan siya ihiwalay ang shop sa bahay pero di naman kalayuan yung shop sa bahay.

Sinikap ni Papa na mapag-aral ako sa private school nung elementary, luckily napagtapos naman niya ko dun ng elementay pero dahil apat kaming magkakapatid at di ganon kalayo ang agwat ng isat isa nung highschool ako kelangan ko mag-public school at nung college sa isang state university ako nag-aral. Cry baby ako, sabi ni Papa super iyakin ako kahit nung maliit pa daw ako na nadala ko yata hanggang sa paglaki kasi HS umiiyak pa din ako sa mababaw na dahilan, kahit ata hanggang ngayon basta maramdaman kong maiiyak ako. Nung papasok ako ng college sobra ko siyang iniiyakan kasi gusto ko mag-aral sa isang school sa U-Belt, di siya pumayag dala ng sobrang paranoia niya na baka may mangyare sa akin. Sayang yung grades at mga plano ko, kung tutuusin nakipag-bargain pa ako sa kanya ng ilang beses sabi ko kahit anong course okay na basta sa U-belt school, ayaw niya, lagi kaming nagtatalo ng mga panahon na yun, kasi di niya ko hinahayaang magdesisyon ng sarili ko. Hanggang ngayon may pakialam pa din siya sa lahat ng desisyon ko. Kung ano gusto niya yun ang desisyon niya. Para sa kanya siya lagi ang tama kaya madalas kami nagtatalo. Minsan tumatakas talaga ko sa pagdedesisyon ko tulad ngayon di niya alam na naghahanap ako ng work kasi sigurado ako may masasabi pa din siya. Napaka protective niyang tatay, pag niloloko ko siya na may manliligaw na ko (asa lois, nanaginip lang ako) ang dami niya ng sinasabi kesyo bata pa ako, kung meron daw ipakilala ko ng makatikim daw sa kanya ng suntok CHOS. Natatakot din tuloy akong magdala ng lalaki dito sa bahay kasi gumaganon siya. Si Papa pa rin ang una kong idol at hero. Yung mga traits niya ang hinahanap ko sa isang lalaki ay siya pa rin ang unang lalaki sa buhay ko. :) Love you Pa!

Rapelling
Inaaway ko na talaga yung staff kasi di daw kasya sa akin yung belt :( Tapos nakailang taas ako ng kamay para matawag talaga ako kaso aywa, naawa naman yung facilitator sa mga di niya estudyante ayun pinaakyat yung mga di daw niya estudyante at dahil gustong-gusto ko takbo ako agad sa taas nakikipagunahan pa :D

Paakyat pa lang! katakot yung hagdan parang di kakayanin ang weight ko huhu! kawayan lang kasi tapos ang hangin pa kaya gumagalaw talaga nung umaakyat ako. Bale inaantay ko pa jan yung lock ng rapel kasi ginagamit pa lang nung nauna sken pag wala yun di ako makakapgrapel :D

Tatalon na ko! :)) Naibgyan na ko ng instructions bago pa ko pumwesto ng ganyan. Hihigpitan ang hawak pag gusto tumigil/break tapos loosen the rope kung gusto ko naman makababa ako. Straight dapat ang tuhod mula sa edge ng platform na gawa sa kawayan at i-una ang buong katawan haha :) sasabihin ng instructor when to jump kasi hahapas ang mukha dun sa kawayan pag tumalon kaaagad. :)

Pababa na :) Picture-picture muna :)

Ayan malapit na sa ground :) Lumambitin sandali ang saya sa pakiramdam! Mga 4 floors lang naman ang taas nun. Nakakaba pero super enjoy :D

On the ground again :) Sarap sa pakiramdam :) Si Sir/Kuya Haji, pinalitan niya si Sir/Kuya Dex na nagsuot sa akin nung belt at nang-aasar na magdiet daw ako huhu! MASAYA MAG RAPEL :D

How is it to be loved by a Nurse?


Wala ang dami ko lang nabasa kanina habang nag-babackread ako. Trending kanina kung paano magmahal ang nurse. True enough, malambing ang nurses, may instant taga pagalaga kayo, pero

pag pasaway ibang usapan na yun. Ako aminado ako masungit ako kung minsan, sabi nga nila yung attitude ko na yun eh di pwede kapag isa kang nurse. Pero may mga bagay na dapat gamitan ng konting pagsusungit para mapasunod. Kaya ko naman ilugar ang pagsusungit ko wag kayo matakot ~lels :D Di ako tulad ng ibang nurse na malambing talaga, nasa gitna lang ako, siguro din kasi tinitignan ko both sides kung saan mas valid ang reason doon ako. Considerate ako, I worry if may nararamdaman ng mali yung taong malapit sa akin. Same thing for me when it comes in a relationship I can say na marunong ako makiramdam. Swerte ang mamahalin ng isang nurse at swerte din ang magmamahal sa isang nurse.

Day 2: Explain your current relationship status


SINGLE Ano po ang i-eexplain ko dito? ~lels. Wala eh, wala pang nagkakamaling maging ka-relasyon ako (bakit ayaw niyo sa akin?! CHOS ~hrhr :>) Seriously speaking for my case being single is my CHOICE. Oo, nagmamaktol na ako sa kakantay sa KANYA yung ibibigay sa akin ni Lord, pero ang pagiging single ko po ay sarili kong desisyon. Nag-cocontradict ang ideas ko, ganito kasi yan. Gusto magkaroon ng ka-relasyon pero takot ako. Yan ang problema ko, para kasi sa akin ang pagpasok sa isang relasyon ay napakabigat na desisyon at pakiramdam ko marami akong bagay na dapat bitawan. Eh yung mga bagay na yun ang ayokong mawala sa akin. Hindi ko maisip kung paano ko sila i-mamanage para lang wag silang mawala sa akin. Kaya eto, habang iniisip ko kung paano gagawin yun pinipili ko pa rin maging single kahit sa totoo lang nakakainggit na sa mga kaibigan ko at nakakaklungkot na din talaga minsan. Dati iniisip ko yung TAKOT na tinutukoy ko eh dahil takot ako masaktan pero sa ngayon kaya ko na iendure yung pain na yun ang di ko kaya eh yung makita kong wala na sa akin yung mga bagay na meron ako ngayon.

I'm not the easiest person to love.


Why do I consider myself not an easy person to love? Here are the reasons:

Malakas ang boses ko, sabi nga sa akin dati para akong nakalunok ng megaphone. Gugustuhin mo bang mabingi dahil lang sa akin? Humahagalpak ako sa tawa, at isa akong mababaw na tao, konting joke lang bumebenta agad sa akin (depende rin sa joke). Sana mapatawa mo ko sa mga jokes mo Busy akong tao, kahit wala pa akong trabaho na pinagkakaabalahan, sa school kasi madalas inaako ko yung mga responsibilities, syempre ako din ang gumagawa ng mga tasks most of the time.

Medyo mahihirapan akong mabigyan ng oras ang taong nagpapahalaga sa akin (kung sakaling meron man)

Demanding ako, oo demanding akong tunay..hindi ko man verbally nasasabi ang demands ko minsan, ipaparamdam ko naman sayo na may kailangan ako might as well I say na kailangan kita. Childish ako sa actions ko, OA ako mag react minsan pero kung makapagsalita naman ako parang nalagay na ko sa ganong sitwasyon pero ang totoo ni minsan di pa nangyayari sa akin yun. Gullible ako, sigurado ako di mawawalan ng pagkakataon na maiinis ka sa pagiging papaniwalain ko. Pag may PMS ako asahan mo mag-kaaway tayo. Lahat ng kasungitan ko sa katawan, init ng ulo eh maihahahgis ko lahat sayo to the point na maiinis ka sa akin at di tayo magkakasundo. O kaya kahit wala akong PMS eh masungitan kita.

Madami akong insecurities sa katawan lalo na physically, chubby, buhaghag ang hair, malaki paa etc. sana may patience ka para pakinggan lahat yun at sabihin na balewala yun sayo. Matalino ako, minsan baka akalain mo nakikipagkumpetensya ako sayo to the point na di ako magpapatalo kung may away tayo. Mahina ako, mababa ang self-confidence at self-esteem, sana andyan ka para i-boost ang confidence ko. Alam ko kasi sa sarili ko hindi ako yung tipo na gugustuhin. Havent I just told you Im one of those people who are not easy to love? One more thing Im not the type of girl, guys usually falls in love with..

Emergency Room
Last time na na-rotate ako sa ER is nung head nursing ko. Merely 1 month ago na yun. Doon petiks lang ako kasi ako ang nag-uutos nagsusupervise sa mga estudyante. Kanina ayun balik ER ako kahit mas kelangan ko talaga sa ngayon ng mga OR cases >.<

Orientation muna ulit Duty: 1st patient newborn na pinanganak sa isang lying-in, case is sepsis neonatorum. Nag inject ng gamot via heplock. dalawang klase ng antibiotic. Walang heparin kaya ayun flush lang ng NSS kanina.

2nd patient, dinala sa hospital via tricycle ang case ng patient STROKE. Ang daming nilagay na contraption sa patient. NGT, Catheter, ET Tube. Nagsuction at nag-ambubag pa ako kanina. Dapat ililipat ng ospital kaso umatras yung patient nilipat nlng sa ICU.

3rd patient: STROKE ulit, hindi pumayag yung relatives na i-intubate kahit alam nila deteriorating na yung status ng patient. After some time, patient died. Nag-iiyakan yung relatives sa loob ng ER. Yung ibang mga patient, nagpa- ECG at check-up lang. Yung tatlong patient sa taas lang ang pinaka nahawakan ko. Yung 3rd hindi pa nga kasi nag-lelecture CI ko. 1st day, STROKE agad ang case. Rest in Peace po kay 3rd patient.

PROJECT 365: Nursing books

Sila ngayon ang katuwang ko sa buhay. Dalawang makapal na libro na kulang nalang itabi ko sa pagtulog ko. Sa kanila ako kumukuha ng information para sa diseases ko sa oral revalida. Sila yung palagi kong dala pag magrereview ako sa Mc Donalds. Sila yung kasama ko habang nagaantay sa mga review mates ko. Sabi nga nila mag-invest daw sa libro, halos ata ng libro ng major subjects sa Nursing meron ako. Wala lang akong libro para sa Psychiatric Nursing pero may E-book ako tapos yung sa Leadership and Management wala din akong ganon. Yung iba kong libro yung nabibili lang sa may PRC na xerox copy :D

Tanong sa interview.
If were going to hire you as a staff nurse in our company, which area do you want to be assigned? Sagot ko: OPERATING ROOM. Kasi sa OR may routine na ng gagawin, challenged ako na dapat di ako magkamali kasi paulit-ulit ko namang gagawin. Eto ang di ko nasabi (boring minsan kasi walang bagong gagawin, swerte nalang kung may kakaibang case) As we all know, Japan faced a disaster, if youre an OR nurse what are you going to do when youre the scrub nurse then the earthquake struck in the middle of the operation? Pumasok sa isip ko bakit nadamay ang Japan sa interview na ito. Ang sagot ko sa interviewer, liable ako sa patient ko at dapat i-secure ko yung safety niya pero siyempre kailangan ko din i-secure ang personal safety ko.

What was the biggest problem in the area that you had and how did you solve it. Miss Universe na tanong, ni-rephrase lang ni sir! Ang sabaw ng sagot ko dito di ko na sasabihin haha.

GRAVEYARD SHIFT!
Anong magagawa ko yan ang schedule ko sa susunod na dalawang linggo! >.< Muli akong magbabalik sa aming base hospital ang Amang Rodriguez..haay! 10-6am ibig sabihin walang tumblr sa gabi at matutulog lang ako buong araw..aruy! Paano kaya ako nito sa thursday? eh ang klase ko 6:30 am! /laslas na lang haha! :))

Kalokohan ni Doc...
Ako ang scrub nurse, yung taga-abot ng gamit sa surgeon! yung nakagown tapos nakatayo sa tabi ng surgeon. 30 minutes into operation, Si Dr. Advincula nilipat yung ilaw ng position gamit ang isang sterile handle kasi hindi niya na makita yung inooperahan niya, habang inaayos DOC: (tumingin sa ilaw, tapos tumingin sa scrub) Ilang taon ka na Maam? ME:(nakatingin din sa ilaw kasi tumama na sa ulo ko, tapos tumingin kay Doc) ako po? DOC: Oo, ikaw? ME: ahm, 19 years old po DOC: 19? Bakit ang laki mo? ME: ay, hindi ko po alam doc :) Tuloy ang op, nagpakuha ng Mixter..habang inaantay ang Mixter Doc: anong pangalan mo? ME: ako po? LOIS po Doc: LOIS? ME: yes, doc. tapos biglang dumating yung isang OR nurse OR NURSE: hala, doc 10pm na inaantay ka na ng gf mo. Doc: sino sa kanila? tawanan ang lahat

OR NURSE: napakawala mong kwentang BF doc (joke lang yun) Doc: sino nga sa kanila? hayaan mo na yun, madami namang nurses..saka STUDENT NURSES..hahaha Me: (natawa ko sa sinabi ni doc tapos tinignan ko siya with a weird look) Doc: (sabay kausap sa akin)Oh, baka magalit ka sa akin ha. Me: ai hindi po, ayos lng yun Doc :P

My psych art

yan yung drawing ko..im not a art fan..hindi po ako magaling magdrawing :) parang pang prep na drawing noh..anyway sabi naman ng prof ko hindi naman daw pagandahan ng drawing ang activity namin kaya sobrang natuwa ako kasi tatanggapin naman yata drawing ko :) RF: pag pinapadrawing ako, even nung elementary pa ko I always draw just like this one above. Hindi ko alam kung bakit I always draw like that yan lang kasi kaya ko i-drawing :) Eto yung significance ng bawat colors na ginamit sa activity. Red= Future Yellow=God Orange= Studies Blue=Self

Green= Family Brown= Friends Black= problems As you can see I use orange sa sun, as of now kasi studies is my priority talaga, tapos may background yung sun na red and yellow kasi studies yung makakatulong sa akin para magkaron ako ng future and syempre its with the help of God. Clouds is me. gusto ko kasi free ako kaya nasa air :) mountain, yung top yellow tapos halong green and brown kasi they all strengthen me :) yung field black yung lines niya kasi wala namang taong, walang problema saka si God at family ko yung tutulong sa akin to overcome it. House kasi wala kaming permanent address lagi kami nag-rerent lang so gusto ko meron nun to house my family and me also my friends. May nurses cap na color yellow dun sa house kasi I believe being a nurse is my future :) yung tree sa gilid base ko ang friends ko , family and si God. Self-awareness :)

Jennifer Lois D.V. Dela Cruz RN


makagaya nga sa pakikiuso ni @martsingson.. Naglagay din ako ng title sa name ko. Pramis nung pagkatype ko nyan kumabog dibdib ko tapos tinakpan ko mata ko. Pag nasa pangalan ko na ang title na yan..Ang saya siguro :) In two years (kung December 2011 kami kukuha) Mailalagay na sa pangalan ko ang title na RN. Sana! Ipagpray niyo ko na makuha ko yan in two years time :) Konting tiis nalang saka dapat icherish ang bawat araw as senior nursing student :)

NGT insertion
Eto ang kwento, sa surgery section talaga ako ng ER naka-assign ngaung araw, pero wala masyadong patient so palibot-libot ako sa ibat ibang tables. Napadaan ako sa medicine section, may pasyente at for NGT insertion pero since hindi ako ang naka-assign dun, di ako ang gumawa ng procedure, yung classmate ko ang gumawa. Nag-observe lang ako at tumulong ng konti tulad ng pag-auscultate kung na-in sa stomach ang tube. So andun ako nakatayo, assist, takbo sa station pag may kailangan, abot ng kung ano-ano.. maya-maya may coffee ground secretions na ang pasyente, eh di na kapag suction pa naman, pero habang nasa gitna ng insertion biglang umubo ang pasyente, siguro na-irritate na din sa kaka-ilang insert ng NGT. GCS ng patient ay 3-4 lang kaya mahirap talaga lagyan ng NGT hindi mapakiusapan na lumunok habang insertion. Ayun eh di umubo na nga ang pasyente pag-ubo nasa malapit lang ako. Tumalsik ang coffee ground secretions sa APRON KONG PUTI dalawa kaming nasa tabi ng pasyente, pero papunta lahat sa direksyon ko ung secretions.

Pero, ganon talaga, walang reklamong namutawi sa bibig ko. Gulat ang makikita sa mukha ko:) Pagbalik namin sa station nagpaalam ako sa CI ko. Mam, pwede po bang tanggalin ko na po yung apron ko? syempre hindi ako pwede humarap sa ibang mga pasyente na gnon ang apron ko, pumayag naman ang CI ko, mukha tuloy akong head nurse ng grupo ko :)

3rd compression..
kanina, ayun may sinugod na patient sa ER, pulseless. Hindi ko namalayan na pinasok yung pasyente na yun kasi busy kami sa skin test. Nakita ko nlng nagkakabit na ng line tapos nagsstart na ng compression yung ER nurse, syempre kami observe-observe lang sa mga kaganapan tapos lumabas galing sa nurses station ang CI ko. tinignan ko si mam, sakto sabi sa akin ng groupmate ko, grabe ang pawis ni sir (ung nag-CPR) sabi ko oo nga eh as in tumatagaktak na.

Eh di ayun na nga lumabas na si CI ko from nurses station, tumingin siya sa nurse na nag-cardiac massage, tapos tumingin sa akin si mam saktong nakatingin siya sa akin, sumesenyas na palitan ko daw si sir.. syempre experience yun saka, kelangan na talagang palitan si sir. Syempre ginawa ko ang compression sa harap ng madaming nurses at doctor.kasama na ang CI ko..ER kasi kaya bawal mali..tapos sabay sbi ng pinalitan kong nurse. Ayan ang ganda ng CPR mo mam.

well, kasama naman talaga sa goal na maayos dapat ang CPR para may chance na marevive pa ang pasyente. pero yung kanina may tracing pa siya sa ECG pero wla ng heart beat so chineck ulit ang buong katawan kung may metal, wala naman, eventually nag-flat line ang pasyente.

Rest in peace po.

Doc Crush...
Ewan ba, kanina wala naman siya sa ER kahit nakasulat sa board na naka-duty siya yung crush lang ni misscookiemonster na doc ung nasa ER. Bigla2..dumaan ako sa cubicle ng Surgery sa may ER biglang may tumawag sa akin. DOC: Miss, paki sabi nga sa station paki sweruhan yung pasyente sa dulo. PLR ha. ME: *lumingon, nagulat pero di pinahalata* (sa loob-loob ko, aba nakaduty ka pala..saktong utos? haha) pumunta na ko sa station.. ME: kausap ang *crush ng lahat na nurse except ako* Sir, sabi po ni Doc sa surgery paki suweruhan po yung nasa dulong pasyente. Nurse: Alin ung nahihirapan huminga? Oh, eto. bgyan nio muna ng Oxygen yun ME: opo un nga po..sige sir pumunta sa pasyente, naghanap ng matinong oxygen. Paglingon ko parating na si Nurse may dalang suwero pero may isa pang nurse na may dala ding swero ng pasyenteng yun. Nurse 1: aww.. swero niya yan? *tinignan ang isang nurse na may swero din* Nurse 2: oo sa kanya toh..

*bumalik siya sa station :) Si Doc crush, di niya na ko kilala :(( siya yung nakascrub ko sa OR :)

APPENDECTOMY
Appendix and -ectomy (removal). Appendectomy is the surgical removal of the Appendix.

(The photo above is a simulation) Bago kami umuwi kanina ito ung surgical procedure na ginawa namin. Actually Im the scrub nurse (The one that assist the Doctor while doing the procedure). Emergency Appendectomy un kasi it was not scheduled, tumawag lang ang ward sa OR to inform na inorder na un ng physician. The surgeon find out na congested lang ung appendix, It wasnt inflammed at all. Normally kasi appendectomy is only done kapag may threat na ma-rupture na ung appendix, kumbaga precaution lang. Dapat siguro nag Ex- Lap muna prior to surgery (opinion ko lang ^^).

NAG-NURSING dahil sa UNIFORM....pumasok dahil sa BAON...ng REREVIEW para sa REWARD..naging RN dahil sa SARILING SIKAP!!
I got this quote from a fanpage that Im following on facebook. 1. Nag- nursing dahil sa uniform.

Hindi, naiinis pa nga ako na white kasi madumihin xa but that was before. Being in a white uniform makes me feel Im clean. Bata pa ko Im already uncertain with some things lalo na sa dream ko, before nung elementary days gusto kong maging teacher like my tita but eventually I changed my mind gusto ko maging doctor kaya lang naisip ko matagal na proseso yun saka sa akin nakasalalay ang buhay ng isang taong may sakit malaking responsibility un kaya I choose a less responsibility course which is nursing pero mas napatunayan ko na mas malaki ang responsibility ng isang nurse kaysa sa doctor kasi mas malapit ka sa pasyente (opinion ko toh). Nurses ang may direct interaction with the patients kaysa sa Doctor. 2. Pumasok dahil sa baon Hindi rin, baon for me in college is just a bonus. Oo malaki ang baon dahil sa mga requirements for school at pamasahe sa duty pero para sa akin bonus nalang talaga ung baon kasi in a way nakakapag-ipon na din ako. 3. Nagrereview dahil sa reward Hindi pa kasi ako graduate kaya hindi ko pa marerelate ang review sa reward. Sa ngayon kasi napaka importante na talaga ang mag-review kasi reward nun ang pumasa ka sa isang subject lalo na kapag major. I consider na major reward sakin every sem ang pumasa sa lahat ng subject na kinukuha ko. 4. Naging RN dahil sa sariling sikap Masasabi ko itong linyang toh kapag nakapasa na ko ng board exam. Sariling sikap ang saya nun syempre peo in my case Ill give my whole gratitude to my parents. Without their support nako hindi ko nlng talaga alam. Im rewarding them the fact na pinapasa ko ang mga subject at mataas e2 kahit paano. RF: highest grade ko pa lang sa major subject sa nursing is 2.25. hindi pa ko pumapalo sa 1 eh peo sa minor may 1 na ko:) average lang kasi ako minsan nag-eexcell minsan hindi. :)

Ang tao takot sa sarili niyang multo.


Napansin ko lang sa isang kaibigan kong lalaki (kung kaibigan ko man siya). Siya kasi yung lalaki na magulo ang isip, magpaparamdam sa kaibigan ko tapos malalaman namin may iba din pala siyang pinopormahan. Nagkataon pa nakasabay ko siya sa duty, at andun din yung pinopormahan niya. Siyempre may mga napansin ako, at dahil kaibigan ko ang na-agrabyado sa sitwasyon ipinaalam ko yun sa kanya. Nito lang nakwento sa akin nung kaibigan ko na tinanong daw siya nung lalaki kung naniniwala daw ba siya (yung kaibigan ko) sa mga sinabi ko. Ang dating nun sa akin, bakit di siya maniniwala eh hindi lang naman ako ang nakakapansin at hindi lang din naman ako yung nagkukwento sa kaibigan kong yun.

Takot ba siyang maniwala yung kaibigan ko sa mga sinabi ko? Takot ba siyang maniwala yung kaibigan ko sa sinasabi ng iba? Eh kung iisipin wala naman kaming sasabihn sa kaibigan ko kung wala siyang ginagawang ikaka-dehado ng kaibigan ko sa sitwasyon nila. Tapos ngayon medyo di kami nag-uusap nung lalaki, pansin kong di siya makatingin sa akin ng diretso, dahil kaya sa guilty siya? Takot lang talaga siya sa sariling multo niya na siya mismo ang gumawa.

Jampack!
Sa halos apat na taong pag duduty ko sa kung saan-saang hospital, ngayong araw na ata ang pinaka hindi maganda (as far as Ive rememberedkay??) kahapon

Nagloloko ang program ng laptop ko start-up failure daw so ang ending biglang shut-down ang laptop ko. di ko alam ang pw ng laptop ng kapatid ko, tapos yung desktop namin gamit ng kapatid ko at ayaw niya ko pahiramin nito pagkauwi ko galing sa duty, diretso kami sa paggawa ng case study na ipinasa ngayong araw. hindi ako nakaidlip, patuloy ko sinubukang buksan ang may topak kong laptop. Kagabi, maaga akong nakatulog kasi walang tumblr..maaga kong tinalikuran ang computer nakanood pa ako ng perfect match; inalarm ang celpon at natulog na naalimpungatan ako kaninang 3am nagising ako tumatawag ang classmate ko, naghihintay sila sa may bayan dahil duty namin sa lung center 5:30 na ng umaga yun, in short late ako nagising, kung di pa siya tumawag malamang di ako nakapagduty.

6:15 dumating ako sa bayan akala ko iniwan na nila ko, tinext ko si nenenggala di pa daw sila umaalis kasi naiwan ng classmate ko ang apron niya, inantay pa namin. 6:30 dumating ang apron, 7am ang duty sa LCP, walang taxi, jampack ang intersection ng marikina. 6:45, nakasakay ng taxi..naoamahal ng bayad kasi nagmamadali na talaga 7:15, late sa duty.. >.< 5 kaming late sa duty

lagalag...
Ako na ata ang pinakalagalag :| Kaninang umaga duty namin sa LUNG CENTER OF THE PHILIPPINES..Pambihira ang laki ng hospital na yunpero syempre orientation lang kami kasi hindi kami nasabihan na bumili ng N95 maskmaaga din kami pinauwi kasi evaluation ng grades namin sa school..So ayun after LCP, diretso kami school..ang layo ng biyahe pag sa Batasan dumaan, at ang mahal ng pamasahegrr! After ko magpaevaluate, nilibot ko na ata school namin kakaantay kay nenenggala kasi sasamahan ko siya magpagawa ng phone niyang operada.. :) inabot kami ng 5pm sa schoolkasi nahuli siya magpa evaluate..sabay takbo kami sa mall, gastos nanaman.pero nag siomai rice kami treat niya haha .yung naipon ko kagabi ubos..ang mahal ng N95..haay :|

Saang school kayo?


Naglalakad kami sa vicinity ng NCMH, katatapos lang kasi ng duty namin sa isa sa mga pavilion doon..nasa may tulay na kami, biglang sumigaw yung isang pasyente sa katapat na pavilion namin na katabi ng tulay.

Client: Saang school kayo?? CM1: uy sagutin naman natin si Kuya, Me: PLMar po (low tone of voice) CM1: oo maririnig ka niyan.. Hindi na namin inulit. Mataas ang anxiety namin nun kasi hindi kami nasabayan ng CI namin palabas ng area na yun.

I'm home..
Last Day of duty was normal :) Maaga kami pinauwi..Sinabay kami ni Mam sa tsikot niya pauwe pero hanggang sakayan lang kami, iba kasi ang daan ni Mam :) Nag quiz highest nnman ako :) MCN ata forte ko :) Kuwentuhan sa naganap na suspensyon ng klase sa University namin. Kwentuhan ng mga diskriminasyong natanggap ng Nursing students sa school. Humahawi daw ang mga tao pag dumadaaan at mga kakaibang tingin ng mga tao sa kapwa ko Nursing students sa school. Eksena sa pharmacy na ang halos lahat bumibili ng ciprofloxacin.

UPDATE: HINDI PO MENINGOCOCCEMIA ANG CASE SA SCHOOL NAMIN! AYON PO YAN SA CITY HEALTH OFFICER NAMIN, UNDER OBSERVATION NA PO ANG NASABING ESTUDYANTE AT MAARING ISANG URI LAMANG ITO NG IMPEKSYON.

Hindi ako galit..nagpapaliwanag lang, madami na masyadong naging espekulasyon mula ng nalaman namin eto at nakarating pa sa media ang balitang eto. sabi nga ng isang nurse na kakilala ko kung meningo man daw yun 1 linggo lang ang maaring itaggal ng pasyente na yun sa kaso po kasi ng estudyanteng yun 3 linggo na siya may sintomas. KAYA HINDI YUN MENINGO..kay?

Anxiety and Ambivalence.


Ill evaluate this week. I was assigned at the National Center for Mental Health for my Psychiatric Duty. One word that may convey what I felt when I started was ANXIETY. Its all over me, I was thinking how manageable? are they agressive? and can I avoid the word Bakit for the next 5 days. Those are the things thats running through my mind for two days. Orientation was okay. We were toured to different pavilions, observed a patient for ECT (electro convulsive therapy). I was surprised with the process, and the effects for the client. I saw how regressed the clients were. I saw a highly-regressed patient to the point that they regressed up to infancy. I was assigned in a pavilion wherein the patient regressed up to pre-school. Some are schizophrenic and other diagnosis. To be honest for the first 3 days I was tired because of the travel. Duty was okay but the travel and the finances included in the duty was tiring. It all changes during the Grand Socialization Day, I realized all the efforts

was all worth it. Seeing them smile, was already an appreciation of what we did for them. Seeing them attentively listening to our skit, participating in our activities and therapy was already our reward. Yesterdays feeling was ambivalent. I felt that okay were done over here we could go home and have our vacation but theres this feeling, a certain feeling that I wanted to stay, that I wanted to monitor how they will be, will they be visited by their loved ones but again yesterday was our termination phase. We had to say our goodbyes and hope for the best for them. I wish we would be given a chance to visit them again.. :)

naiyak ako (sori peo gnto tlga ko)


dalawa ang rason kung bakit mdyo naiyak ako ngaung araw sa duty, 1. kasi nakita ko ung mother na naglalabor kahapon, na muntik ma-cs pero eventually nag normal delivery din na hawak na ung baby nia, hbang nag-fefeed xa, umiiyak yung mommy kasi ndi nia maiuuwi si baby :( poor suck pa kasi kya ndi pwde for observation pa xa. tapos naririnig ko ung mommy na sulit lahat ng hirap nia last night kasi nkita nia ung baby nia na medyo ok. Midwife ang mommy, kea habang in labor xa sbi nia smen wag daw muna kme mag-aasawa kasi grabe nga ung hirap ng manganganak, alam nia na daw ang experience ng nanganganak. Peo lahat un nabawi nung nkita nia ang baby :)

2. may case kami knina miscarriage 16 weeks, foreigner ung mommy (Indian) ako ung circulating, buo na ung features ng baby habang nsa gestational sac xa tpos aun na miscarry xa kalungkot kasi ndi xa nabuhay. e2 tlga ang sad part pag nagkakacase ng miscarriage, okay ksi may case peo aun nga :|

xempre as a student nurse kelangan manaig ang empathy kesa sympathy. Cge ako ng weak peo ang experience nmen as student nurses ndi matatawaran, nakakawitness kme ng joy through birth and sadness through miscarriage/death. Suporta lng kme sa mga pasyente namin at sa family nila lalo na kung may loss cla, hindi kme pwde lumagpas dun. weak man kung weak but thats what i am :)

MAJOR BV OF MY DAY
ill tell you the story that happened this morning. Im on my way to my duty, i rode a jeep then I payed 50 pesos, i should have a change of 27 pesos, so im already half of my travel when i asked if I can already have my change. The drivers assistant refuse to give it, so I considered that they may not have enough coins for my change so i waited, then I was also with some of my schoolmates in that jeepney. We were already @the bridge near the hospital when I got my change heres the BV..

DA: pakiabot po dun ky NANAY sa dulo. all the passengers looked in my direction, since I looked a student together with my schoolmates, their faces was a question mark not seeing a nanay figure in my direction, then all the while it was me he was pertaining to, then he kept saying

DA: ayun o kay NANAY sa dulo (3x)

and i was like FUUUUUUUUUUU, ill have you salvaged!!!! how dare you to call me nanay I dont look one yet! then the jeep bunked up that i was almost out of my seat. BV BV

Hypochondriac
A person who has hypochondriasis, a disorder characterized by a preoccupation with body functions and the interpretation of normal body sensations (such as sweating) or minor abnormalities (such as minor aches and pains) as portending problems of major medical moment. Reassurance by physicians and others only serves to increase the hypochondriacs persistent anxiety about their health. -medterms.com I myself is a hypochondriac. May maramdaman lang akong kakaiba sa katawan ko iniisip ko agad may malala na akong sakit. Like one time, when I was about 12-14 years old hindi pa man ako student nurse nun pero nagkapasa lang ako iniisip ko ng baka may Leukemia ako. Nung student nurse na ako, may isang araw na nahirapan ako lumunok at feeling ko may something sa throat ko na nakadagan saka parang ang bigat nung bandang leeg ko at inisip ko agad na may goiter ako. Pinalpate.kinapa ko yung thyroid ko, basta mukha akong ewan nung araw na yun feeling ko may bukol pero wala naman daw. Sabi ko pa sa kaibigan ko, sakto magbabakasyon na magpapa-opera ako pag nagprogress yun at ayun kinabukasan okay na ako. People with hypochondriasis are very anxious with their health. Konting bukol lang iisipin na nyan baka tumor na. Ganyan sila, at ganyan ako ka-anxious sa health ko. May makita lanag akong sign or symptom nung sakit sa akin ang dami ng sakit na pumapasok sa isip ko. Eh sa nursing pa naman pinapakilala kami sa ibat ibang sakit eh di lalo ako na anxious kapag may nararamdaman akong mali sa sarili ko. Tulad ngayon may ni-reresearch ako feeling ko kasi nagmamanifest sken yung symptoms.

Kung ikaw ay student nurse.


Kapag ward duty eto ang madalas na dala ng mga student nurse at dapat dala palagi.

Tripen: blue, black at red para di ka na maabala sa pagdadala ng tatlong ballpen na magkakaiba ng kulay. Sa hospital kasi may 3 shifts so every shift ibat ibang kulay ng ballpen. Tickler: hindi ito pangkiliti okay? small notebook ito. Yung naibubulsa. Kung sa blues clues may handy dandy notebook ang student nurses din meron. Isulat niyo ang v/s ng pasyente, requirements ng CI niyo atbp. BP Apparatus: ang best friend ni stethoscope, at best friends din kayo nito sa buong 4 na taon mong pag-stay as student nurse. Best friends kayo nito sa ward every 4 hours, 2 hours, every hour, 30 minutes or 15 minutes. Depende sa sitwasyon ng pasyente. Stethoscope: wag kakalimutan ang best friend ni BP. Thermometer: bawal na ang mercurial pero for clarification purposes ginagamit pa rin siya minsan lalo kung mahina na ang battery ni digital thermometer.

Libro: NANDA, Drug handbook, mini MS, MIMS etc. Depende sa inyo yan at sa requirements ni CI. NANDA para sa nursing diagnosis na ginagamit kapag gumagawa ng NCPs. Drug handbook/ MIMS para sa gamot syempre, indication action at iba pa. Wrist watch: ang student nurse walang ibang accessory kundi wrist watch. Bakit? dahil ayon sa libro ni Kozier Jewelries may or can harbor microorganisms One full minute, x2 or x4 man yan kelangan one full minute :) para sa heart/pulse/respiratory rate. Bandage scissor: pang gupit ng micropore atbp. Wet (alcohol) and dry cotton balls: wet kasi gagamiting disinfectant bago mag insert ng IV, maginject at pantagal ng micropore. Dry naman para pangtuyo at ginagamit pagkatanggal ng swero. Micropore (paper tape): ang tape sa hospital, pang secure sa IV, pantakip sa bukas na ampule, pang-pangalan sa mga syringe nakasulat yung name ng gamot Miscellaneous (pwedeng di dalhin): penlight at torniquet.

So basically yan ang dala ng mga student nurse sana wala ako nakalimutan, kung meron man sa miscellaneous nalang yata yun.

Ang madalas na kasama ni student nurse sa duty. Pag wala ka nito patay ka sa CI, incomplete agad. Para saan nga ba ang stethoscope? ginagamit namin siya for assessment, auscultation. Mula sa tibok ng puso, gaano kabilis, kabagal o wala ng pagtibok (malalaman namin kung heartbroken o hindi. JOKE lang.), paghinga at kung may kakaibang pag humihinga ang tao tulad ng crackles kapag may phlegm or fluid accumulation sa lungs ng pasyente. Ginagamit siya sa pagkuha ng blood pressure ng pasyente. Ang stethoscope ay bawal daw isabit sa leeg. Bakit? Kasi doctors lang ang nagsasabit ng stethoscope sa leeg, since eto yung parang trademark nila. eh student nurse kami at di doctor kaya bawal sabi ng CI ko. Sa amin sasakalin ang maglagay ng stethoscope sa leeg. Ipupulupot sa leeg ang stethoscope pag nahuli ng CI. Kaya ang ginagawa ko either sa balikat sinasabit or sa apron ko inilulusot para di ko na huhugutin sa bulsa, hassle kasi.

Womans Instinct
heartflutter: Ito yung kutob ng mga babae. Minsan napagkakamalan din itong tamang hinala. Dahil nararamdaman ang womans instinct kapag may threat sa isang relasyon. Halimbawa si boyfriend nilalandi ng iba, nararamdaman nga ba yun ni girlfriend? Si girlfriend naman kasi tatakbo sa mga kaibigan at sasabihin nararamdaman ko talaga, may iba eh,iba tong pakiramdam ko eh, may mali etc. etc. Pwede ring bigla nalang nagiging irritable si babae at di mapakali. Masasabi ba nga natin ang womans instinct ay isang distress call kapag si boyfriend ay nanloloko o nagpapaloko? Isang distress call kapag may threat sa isang relasyon? Sa opinyon ko at sa mga naoobserbahan ko sa mga kaibigan ko normal sa babae ang makaramdam ng ganito, hindi naman sa nawawalan ng tiwala ang mga babae pero minsan talaga nararamdaman nalang nila yun lalo pat mahal nila yung involve. Paranoid? pwede rin dahil ayaw mauwi ng mga babae ang isang relasyon sa wala. Para sa mga lalaki ready naman makinig ang mga babae sa mga paliwanag niyong mga lalaki basta ba itoy TOTOO. Inuulit ko, TOTOO. Kung ang isang relasyon ay puno ng pagtitiwala walang rason ang lalaki para magsinungaling. Hindi makakatulong sa instinct ni babae kung magsisinungaling pa si lalaki at kung wala naman talaga itong ginawang mali di dapat matakot magpaliwanag. Dahil ang magpapakalma lang naman at magpapatigil sa womans instinct ni girlfriend ay ang isang matino at totoong paliwanag mula kay boyfriend. May kwento ba kayo tungkol sa womans instinct niyo? Tama ba kayo o mali?

Minsan ko ng sinubukan at hindi ko pa inuulit...


Mga dahilan at NBSB ako..

Hindi ko nakikita ang sarili ko sa isang relasyon. Isa yun sa mga dahilan kaya NBSB ako. May sumubok manuyo pero, tinangihan ko kasi hindi ko pa kayang makita ang sarili ko na may karelasyon. Una, oo may kilig dahil may taong nagkainteres, pero pag iniisip ko na eto na ba?dapat na ba? sumasampal sa mukha ko ang mga bagay na dapat kong i-priority.

Sumasampal din sa mukha ko kapag nakikita ko yung mga ka-edaran ko nag-aaral at may karelasyon, may pressure? oo may pressure, kasi kaya nila i-manage ang mga bagay-bagay. Namamangha ako na nagagawa nila yun, pero karamihan sa mga yun hindi maganda ang kinahinatnan ng relasyon.

Takot ako pumasok sa isang relasyon, ang naiisip ko lagi baka masaktan ako o kung ano pa man, ayoko masaktan. Nakita ko ang napagdaanan ng mga kaibigan ko pagkatapos ng isang hiwalayan, ayoko ng ganon..pakiramdam ko mas malala pa ang magiging reaksyon ko kung sakali. Ngayon, kung tatanungin ako kung open na ba ang isip ko pagdating sa pakikipag relasyon ang sagot ay MEDYO.. :>

manyak sa mall..
okay, so sa halip na nagpunta ko sa moa for the meet-up napilit ako ni misscookiemoster na manuod nalang ng generation east model search kung saan kasali ang dalawa kong classmates. Nakatayo kami near the stage..tapos may manong naka- white shirt at naka-white cap at pants. Napansin ko siya kasi nakatayo siya sa likod ko then may nararamdaman akong hindi maganda. Naisip ko tlaga naka-erect ung *toot* ni manong so I was a bit uncomfortable na. Then pinilit nia talaga sumiksik sa gilid ko so natapatan ni manong si misscookiemonster then maya-mya nakatingin na sakin si misscookiemonster at na sense ko ng may nararamdaman din siyang ginagawa ng manong. I asked my guy friend to check if may rason para isiksik kami nung manong, sabi nia wala naman daw, tumingin na ko below the waist and there it is nakatayo as in erect ung *toot* nia and I was pissed so tumitingin na ko kung saan ang security but then nawala si manong at late na ng magsumbong ako sa security, I asked misscookiemonster if there is something sa bulsa nia na nawawala pero nagsalita na din siya na hindi nga daw magnanakaw yun, manyak nga ang walanghiya! Tapos siguro mga 30 mins siya nawala nakita ko ulit siya nakatayo sa likuran namin kaya nagsabi na ko sa security. Kasma namin ung BF ng friend namin na criminology sabi niya bakit di daw nmin sinabi sa kanya, tapos yung other friend namen sabi din niya na yung manong nga daw na tinuro ko parang may ginawa din sa likuran niya so pinasundan na namin sa security yung walang hiyang manyak na yun! @@$#@%#@%$ manong ikis-kis mo sa pader yang *toot* mo! kapal ng mukhamanyak! grr

eskwelahan
Kanina pinag-uusapan namin ni Papa yung tungkol sa kapitbahay namin na mag-eenrol daw ang anak sa eskwelahan ko. Tinanong ako ni Papa kung mahirap ang exam at ang sagot ko lahat kami binagsak yun, pero tinawagan pa rin kami totoo yun, ayoko sa school ko before kasi madmi akong naririnig na hindi maganda ang turo and everything. Pangarap ko kasi mag-aral isa sa U-belt school sino ba naman ang ayaw di ba. Pero ayon PLMar pa din ako napunta, nung nag-entrance exam ako dun kung anu-ano nalang sagot ko kasi tingin ko kapag binagsak ko makakapag U-belt na ko. Ang ending tinawagan pa rin ako at ngayon 4th year na ko sa pasukan. Mahal ko na din naman ang school ko ngayon pero may mga bagay pa rin dun na ayoko sa sistema ng eskwelahan. Sa bagay anong institusyon nga ba ang perpekto? wala naman di ba pero kahit ganyan ang paaralan ko, may magparinig lang against sa amin halimbawa during duty, marami kaming nakakasabay na ibang paaralan, hindi maiiwasan na may parinigan na mangyyre pero syempre nauuna sila. Never kami nagparinig (napatunayan ko na yan sa grupo ko) Syempre hindi na ko magname ng school. Para sa amin may tama ang mga parinig na un pero balewala na lang. Sabi nga nila magkaalaman na lang sa board exams. :)

NO PERMANENT ADDRESS

NPA or No permanent address yan ang na-experience ko nung bata pa ako, lagi kaming lumilipat. Unlike sa ibang NPA na kada buwan umaalis kami kahit paano eh nagtatagal naman pero alam namin na dapat din kaming umalis dun.

1st Address: Malapit yung bahay namin sa h-way, dun ako lumaki. We stayed there for 7 years. Sa ninong sa kasal nila mama yun nagkaroon ng di pagkakaunawaan so we have to leave the place. 2nd Address: Sa bahay ng lola ko mga 5 months lang kami dun kasi Mom is not in good terms with my Lola sa father side. 3rd Address: Sa may antipolo, near Marikina, maliit yung lugar since mga bata pa naman kaming magkakapatid nagkasya pa naman kami pero dun yung ayoko kasi may nangyre nung stay namin dun :( 5 months lang yata kami dun 4th Address: Sa may Cainta, sa bahay ng mga tita ko sa mother side so nung nangyre yung di magandang bagay sa family ko, well my parents separated for a few months kala ko talaga matutuluyan na sila sa hiwalayan but Papa, won us back, di niya kaya na wala kami sa bahay, yung mag-isa lang siya. mga 2 months silang hiwalay so 2 months din kami wala sa bahay namin. 5th Address: Malapit sa Sta. Lucia Mall, 11 years kami dun yun na ang pinaka matagal at sobrang ginastusan ni Papa yung lugar, inayos niya talaga kaso the landlord needed the place so we left nagkaroon pa ng kaso kaya kelangan na talaga 6th Address: eto sa mismong kinalalagyan na namin ngayon, Marikina Heights, malayo sa main road, malayo ng konti sa baya. Tahimik, kelangan lakarn. But this time binabayaran na namin sa bangko toh, after 4 years amin na yung lupa. Pinapaayos na rin yung bahay.

Feeling ng palipat-lipat ng bahay? Mahirap, naranasan kong walang kababata. Naririnig ko yung friends ko yung kababata nila ganito, ganyan ako wala kasi palipat-lipat kami tapos konti lang mga abta sa nililipatan namin wala akong kalaro. Kasi una di rin naman ako pinapayagan lumabas ng bahay dati, kung lalabas man sandali lang, kulang ako sa interaction, sa school lang talaga ako nagkakaroon ng kalaro. Ngayon okay na permanent na sana kami dito.

Postpone immediate pleasures for a lifetime goal


That was the advice given to us by one of our terror CI back in college. Shes a terror CI because most of the times shes strict to her students. Especially in doing nursing procedures which is indeed critical and put her license on the line. She is fond of giving activities/ homeworks the day before its deadline as in shell get into your nerves because she likes to hurry and pressure her students. Despite of that terror image shes one of the CI Ive known with a good heart, well all nurses have good hearts :) She gave us this advice. POSTPONE IMMEDIATE PLEASURES FOR A LIFETIME GOAL Throughout life we will encounter things that will give us pleasure, but those pleasurable things are not for long. I mean they will make you feel good but only for a certain period of time, and sometimes they can make you lose your focus on your goal. She keep on reminding us that once we reached

our goal everything will fall into place, itll be more easy for us to get what we want and of course the reward of self- fulfillment is there. But then again were humans and we cant deny the fact that at times we give in to those pleasures. Evan if we give in for those pleasures we still need to keep in mind our lifetime goal. Always keep it in mind. :)

RF: Lagi ako napagkakamalang BUMBAY


Since high school lagi akong tinatanong ng mga teacher ko and friends kung may lahi daw ba kaming bumbay kasi mukha daw akong bumbay. Ewan pagt tinitignan ko naman yung mukha ko sa salamin di ko makita yung bumbay side ko. Di naman kasi ganon katangos yung ilong ko. Sabi pa nung english teacher ko nung second year kamukha ko daw si Sushmita Sen (Miss Universe 1994). Nung college ako panay din ang tanong kung may lahi kaming bumbay. Eh wala nga ang totoo may American blood kami yung great-great grand father ko eh half-american o american talaga. Pag may nakikita nga silang mga bumbay sinasabi tita ko daw yun o kamag-anak ko. Ewan ko mukha ba akong bumbay? -.-

Doctors order
heartflutter:

One of the nurses task is to carry out the doctors order, which can be found in the doctors order sheet on the patients chart. Ang mag-decode ng sulat ng mga doctor ay di madali Sa litrato sa itaas mapapansin niyo parang may pencil marks, dinecode ng nurse yung order. Paki decode nga yung order. Tulad ng picture sa taas, dahil laging on-call ang mga doctor at madaming pasyente ang pinupuntahan for rounds they have to hurry up on writing theirs orders pero kahit minsan di naman sila on hurry ganyan kagulo ang mga sulat nila. Sa 3 days exposure na gain ko sa isang hospital, kinunan ko ng picture yan yung isang doctors order patakas pa haha gusto ko kasi talaga mag-blog tungkol sa sulat ng mga doctor, di naman mababasa yung information ng pasyente so i think okay lang yan. Ayun naalala ko nung 2nd year kami group ko yung unang na-expose sa ward at may kasabay kaming mga 3rd year at ka-partner namin sila at pinagawa nila sa amin ay basahin ang chart pati ang doctors order nakakairita nung una kasi wala talaga kaming maintindihan. Di naman ako magaling sa steno kaya ayun, pero naintindihan ko din na dapat matuto ako magbasa ng mga kakaibang sulat kamay yung mala tipong wave nalang yan design nalang yung tuldok ng

letter i. May mas malala ma sa ganyang sulat kamay, parang ECG lang pero di ko nakunan e, saka student nurse pa ako nun. Basahin niyo nga yung nasa picture :)

MEGAPHONE
Akoy isang babae na sinasabihang nakalunok ng microphone o di kaya naman ay megaphone. Kung bakit ay dahil sadyang malakas ang boses ko. Di ko alam, pinaiyak ata ako masyado nung baby pa ako kaya ayan tumibay ang vocal cords ko at ang lakas ng boses ko. Nung elementary ang posisyon ko sa class officers ay Sgt. at Arms kasi yun ang taga-saway sa klase, nabiyayaan daw ako ng malakas na boses eh di ginamit ko naman sa pang-saway sa mga kaklase kong pasaway. Highschool, ganon pa rin Sgt. at arms pa rin, pinapakinabangan nilang lubos ang boses ko, pag may mga class announcements at tinatamad ang mga teachers magsalita tinatawag ako para ipaalam sa lahat ang gusto nilang iparating sa klase. College, wow kahit paano tumaas ang level ko President na ng klase, pero dahil na daw ito sa leadership skills ko at syempre ang boses ko. Dakila akong utusan nung college, utusan sa paperworks, announcements etc. Taong office ako nung college, volunteer ako dun. Ayos lang muntik pa nga ako tumakbo as officer sa student council namin kaso ayun tinamad ako at natakot sa responsibilities dahil baka mag-conflict sa studies so di ako tumakbo, lumakad nalang ako. After college, ganon pa rin I still have the big voice, nung EK meet-up nga hinatak pa ako nila Byron para mag-announce ng ganito, nag volunteer din naman ako para sabihin toh: Ang ticket po ay kinukuha pa lamang po sa loob I can converse in English but I think Im better in writing it.

Pwede na ba?
heartflutter:

Whew! Ayun nag-enjoy ako suotin ang uniforn ni nanay yeye :) Mamimiss kong suotin toh :)) next year nalang pag hawak ko na lisensya ko. :)

vAyoko

ng good luck gusto ko advance congratulations and my prayers are with you NLE takers. Hindi ka pa pinapanganak alam na ni God na papasa ka.

sleppyheadshaira

Nurses dont give medical diagnosis


Why? because its the physicians job to diagnose and tell his/her patient their current status. Maybe some of you are wondering why nurses have to study tons and tons of diseases when in fact were not allowed to give medical diagnosis. The main reason for us, why we study those diseases other than to be familiar with the diseases is because nurses are focused on the interventions that can be provided to a patient depending on his or her case. Interventions that can help the patient before the next doctors order or at least prior to the patients check-up. So if youre going to tell us nurses your signs and symptoms then ask us what your case is, we cant give you a final answer unless you get yourself checked by a physician. We dont like to overstep the function of the physician.

Nurses dont give medical diagnosis


Why? because its the physicians job to diagnose and tell his/her patient their current status. Maybe some of you are wondering why nurses have to study tons and tons of diseases when in fact were not allowed to give medical diagnosis. The main reason for us, why we study those diseases other than to be familiar with the diseases is because nurses are focused on the interventions that can be provided to a patient depending on his or her case. Interventions that can help the patient before the next doctors order or at least prior to the patients check-up. So if youre going to tell us nurses your signs and symptoms then ask us what your case is, we cant give you a final answer unless you get yourself checked by a physician. We dont like to overstep the function of the physician.

Yung iniwan mo ang tumblr ask mo with 516 messages pagbalik mo 531 na.
At lahat pa ng bumati merong courtesy of Kuya Eekol. Hoy chickboy ano nanaman yung pinost mo ha?! Para po sa mga di nakakaalam classmate ko nung elementary yang si Eekol at crush ko siya dati, I repeat DATI. Pakiramdam ko talaga may kinalaman na naman yung pagka-crush ko sayo dati kaya binabati ako ng mga tao eh! kelangan ba inuungkat pa yun? HAHAHA Anyways salamat po sa mga pagbati niyo, napadaan kayo sa TA ko haha. Wag na po kayo papauuto sa susunod kay Eekol. lels :) SALAMAT :*

the-art-beat: Happy Birthday heartflutter xD God blesssss! Requested by your friends:D Youre very blessed to have them:) SALAMAT! Pasensya na nakulitan ka ata sa kanila :))) God Bless You too :)

tumblrbestfriend:

Happy birthday, big sis Jennifer Lois Dela Cruz (heartflutter). Isa ka sa mga iniidolo kong tao kasi napakastrong mo. Kahit na minsan, problemado ka na, kering keri mo pa rin. Naniniwala ako sa kakayahan mo. Not only that, napakabait, napakasipag, napaka-approachable mong nurse. Wag kang magbabago ah? Kapag inatake ulit ako ng sakit ko, dyan ka lang. :) Maswerte ako kasi may kaibigan akong nurse na katulad mo. Basta yung sa inopen up ko sa inyo na sakit blah blah, saka ko na lang sasabihin ah? Mahirap eh. Saka ko na sasabihin pag okay na. Sana maintindihan mo. Hihi. Salamat. :) Anyway, sana makatagpo ka na ng right guy for you. Goodluck sa career, daming raket ah. Pagbutihan mo ang review at naway maging topnotcher ka. :) Sana maging masaya ka sa birthday mo, bawal sumimangot, okay? God bless you, big sis! I love you. Goodnight! :) aww..na-touch ako..I will lagi ako andito for you :)) I love you lil sis :)))

foreversabaw: Si Jennifer Lois De Villa Dela Cruz - aka heartflutter. ang pinaka-close kong anak sa pocky. well, almost lahat naman sila close ko, pero itong si Lois ang madalaskong kausap. unang kita ko pa lang sa kanya, pakiramdam ko makakagaanan ko siya ng loob. tama nga ako. mapa-tungkol sa nursing o tungkol sa pocky, yan ang madalas pagusapan namin. tas kilala niya rin kras ko, pero hindi yung labs ko. hahahaha. parehas kami nito eh. waiting in vain. hehehe. marami kaming similarities kaya siguro nag-jive talaga ugali namin. Lois, happy happy birthday. :) nawa maging masaya ka ngayon hanggang sa mga susunod na araw. pag-pray lang natin yung lalaking mapapasa-atin basta wag ka muna magboypren ah! ako muna hahahaha. board exam muna! Ill pray na makapasa kayo sa boards ni arcell. TOP THE BOARD EXAM :) I love you foreverandever..see you later :) lablab, nay yeye.

winks! galaing sa aking butihing ina sa POCKY :) Love you nay Maraming salamat din >:D< Yes ipagpray ang mga bagay-bagay! AMEN! Wag na tayo malungkot oh praise the Lord :))))

everydayluwirap: Happy birthday My dear Tita Lois Pagpasensyahan mo na ang nakayanan ng pamangkin mo :) Alam mo nung first time ko kayo mameet ni inay Arcell (misscookiemonster pa sya noon at ikaw heartflutter na eversince!), sa Trinoma ang daldal mo lang. Ahaha!

Feeling close pa nga ako nun sainyo dahil ayaw ko pa kayong umuwi ng maaga. Tapos ang makasaysayang DJs Booth Ang famous lines ko na NILIGAWAN BA KITA?! HINDI KITA GIRLFRIEND! BITIWAN MO AKO! ahahaha! Mahal na mahal po kita! Im so happy na nakilala kita at kasama ko ngaun na parang pamilya lang tayo sa Pockykada! Im sure mahal na mahal ka din ng other members of the family! See you later Tita! *hug* YAH! I remember the eve of December 30! Ako ang nurse niyo:)) Oo, di mo ako gf! naloka ako nun seryos haha, pag ikaw eh may tama ganon ka yata. Salamat :* see you later :)

( Dahil wala akong makitang ibang litrato, sinama ko na lang nanay mo sa birthday blog dedication ko sayo. Pareho kasi kayong pretty dito.) Kung tatanungin niyo ang pinaka unang babae na naging ka close ko sa tumblr, wala nang iba yun kundi si Lois, tipong lima palang followers ko eh siya na ang lagi kong kausap dati. Schoolmate ko pala dapat siya dati, kaso elementary lang siya pumasok sa Roosevelt College Cainta, kaya ayun si Eekol lang kilala niya. Sa tumblr lang niya ko nakilala, pero common friends namin ay marami sa personal kaya hindi na mahirap sa amin ang pakikisama, mabait naman ito, ang problema lang talaga sa babaeng to ay matangkad wala na kong masabi sa tangkad niyang taong yan. Birthday niya ngayon kaya puro papuri ang matatanggap niya sa akin, masaya to kausap, siya pala ang photographer ko nung birthday ko, masipag yan sabi nga ng Papa ko kamukha daw niya si Valerie Concepcion tawa lang ako ng tawa, ayaw niya maniwala eh, mehehe.. Basta ayun, maligayang kaarawan sayo kaibigan, maraming salamat dahil hanggang ngayon eh hindi ka nag sasawang bigyan ako ng payo sa ibang mga bagay, nakakatuwa at naging kaibigan kita, sana ay lagi kang mag iingat, nakakalungkot at wala man lang handaan na nangyari, ikaw na ang may birthday.. Ikaw na ulet ang tatangkad. Happy 20th Birthday Lois! HAHAHA ANG DAMI KONG PICTURES BAKIT ETO?? Anyways maraming salamat!!! Di ka nakisali sa connaivance ng mga tao dito heheh :))) SALAMAT RHADS. Wag magpatalo sa mga bashers at keep your feet on the ground :) Be happy too :*

Birthday 2011

Birthday ko kanina :) Ang Cake na yan ay mula sa aming butihing ina na si Nanay Yeye >:D< Pero siyempre di lang anman ako ang may birthday. Nagoyn May 12, birthday ni Dana (@confessionrelease) Happy Birthday Dana 20 ka na din! yeyhey! Si Mark naman nung May 5 pa ayan magkakasama kaming may birthday hahaha :))

Isang family picture nga!

With our special guest si : Guil! :)) (@guiltytoledo) ayun nasa right side at naka-orange Infairness 5 lang ang kulang sa pocky kanina :)) Sayang sana nakarating sila noh? Ngayon lang ulit nag-session na ganyan kadami ang pocky :))

Bahala na po kayo kung sino ang ina-act nilang tao :)))) Ayun by 9pm umuwi naman na kamipinicturan ko mga gifts nila sa akin HAHAH

Yung nakabaligtad na folder secret nalang. Ang lucky me hot and spicy na canton mula kay kief pati yung doodle sa paperbag. Yung dedication board nila para sa may nga b-day pero ako na ang-uwi :) At ang nakakayanig na Quake Cake ni Alyssa :))

At may surprise akong natanggap mula sa mga tao na ito na-spoil na plano dahil sa napkin :) Sumugod sila sa bahay, i-surprise ako kaso nakita ko sila sa labas ng gate namin HAHAH..fail :)) PERO ANG SAYA PA DIN SALAMAT SA KANILA :)) yung bff ko yung naka-green nasa TAGUIG DAW SIYA!!!!! eh nasa labas lang ng bahay namin :))

Hello sa susunod na 364 days :))) till next year guys salamat sa pag-effort from message to typos to pag-TA sa akin at pag message kay crush na may gawing special HAHAHA. SUPERB birthday :)))) I love You guys. May God bless you too guys >:D<

Naiwan ko yung cardigan ko sa EK, naalala ko lang nasa 7-11 na kami sa may Walter Mart Me: nay, naiwan yung cardigan ko. (naiiyak na) Nay: hala ka! Dumating sina Kuya Edward.. May pinagusapang konti.. Me: nakakaasar naiwan ko Cardigan ko. Edward: Okay lang yan ibig sabihin papasa ka talaga sa board exams Me: Nako, sana nga pumasa. Nakapila sa Space Shuttle Max

Me: uy, pwede bang umatras? Arcell: di na pwede, andito ka na eh. Kief: Uy, Lois tanggalin mo yang headband mo. Me: bakit? Kief: Alam mo yung sa final destination? Yung nalaglag yung camera tapos nag-cause nung problema sa ride. Me: ang galing niyo manakot ah.

Arcell: di nga seryoso yun, di ba may camera din yun sa movie tapos kinunan niya habang nasa ride sila. Kief: tapos ayun may napugot yung ulo nung isa dun at kung anu-ano pa, Me: tse! wag na kayo manakot.

Enchanting Saturday.
Kahapon was my first time sa Enchanted Kingdom courtesy of Luwi dahil sinagot niya ang ticket ko!! Thank You!. Dami kong tawa mula sa pagpila sa labas ng Enchanted, kahit sobrang init eh madami akong nakausap. Im a sociable person yesterday! Kamusta nga pala sa mga nakausap ko :)) So first stop was at Cubao nung sumakay kami papuntang Balibago. Magkakasabay na kami sabi 2 hours daw ang byahe so dapat 8am nakaalis na kami kaso filipino time kaya ayun late, Si Jared @masterjared nawala pa, sa ibang bus nakasakay.

So nakita nalang namin siya at ang iba pa sa Jolibee sa Laguna. Ang gwapo pla ni kuya Darwin @darwinpogi hehehe :)) Ang daming tao,sobra.. :) Ang sarap pa nung dalang treats nila Rob at Maica, nairaos ako nun mula sa kagutuman hahaha. Eh may gagawin daw na b-day sa pinuwestuhan namin sa Jolibee so transfer kami sa Mcdo. They had an activity ang ITEXT KAY BEBEN yung mga nakasulat sa cartolina, eh medyo jejemon style ang itetext at mahaba so goodluck naman di ba?

Ang nanalo ata ay si Nicole @balingkinitan-. So habang nag-aantay para makapunta sa EK dami muna picture and all..binigyan na kami ng instructions regarding the rules sa theme park.

Eh humingi rin ako ng basbas kay Kuya Drex @codebluealert para sa darating kong board exams this December. Nagulat siya ang tangkad ko daw pala hahah :) Ewan ko nalang kung di ako pumasa, di ba Nay Yeye?

With POCKY :))

Hello EK!! See kung gaano kainit pinilahan namin para makapasok, dami na namin ginawa para maaliw kami sa pila. Kumanta sina Byron @evilarcher, Edward @tr1nitrotoluene, Yugel @gewgle, Luwi at ,marami pang iba. Eh dahil nga may ticket na kami courtesy of Luwi,nauna kami makapasok sa loob by 2:45 ata yun. Naiwan yung iba sa labas waiting for their ticket.

Pagdating sa loob, nagpicture sa Victoria Park at di namin natiis pumila na kami sa Anchors Away. Masaya din kaso konti lang kami at sa dulo kami pumwesto, nakakatakot 1st time ko yun! Ang saya sumigaw kaya ngayon wala na akong boses masyado. May sinigaw ako at ang ilan sa amin haha, amin nalang yun :D

After Anchors Away. Yung nakakatakot na Space Shuttle Max ang sinakyan namin. Wala kami sa litrato na yan. Walang kukuha ng picture kaya ayun, naiingit ako kasi yung iba nakuhanan habang nakasakay. Anyways. Katabi ko sa ride si Mark @thumbmrk, holding hands pa kami habang tinatawanan niya ako, gusto pa nya pumwesto kami sa unahan. Dapat talaga si Kiefer ang katabi ko dyan kaso parehas kaming takot kaya baka pagbaba ng ride wala na kaming malay hahaha! Nakkatakot yung pagbaba naiwan puso ko!

Ang saya ko pa di ba? habang nasa ride nagagawa ko pa namang dumilat. grabe ang saya pala nun :)) Enjoy ako hahah :) with mark @thumbmrk Sumunod ay Flying Fiesta, medyo corny pero ayos lang din. Next stop was Anchors away ulit this time with tumblr people naman ang dami namin magkabilaang side palakasan kami ng cheer, natutuwa sa amin yung mga nag-aantay.

habang nasa pila papasok ulit ng anchors away. Kelangan kita legs ko eh, sorry ha :)) tapos Log Jam na. Ang lakas pa ng loob kong pumwesto sa unahan, gusto ko kasi mabasa, nakalimutan ko may sobrang taas palang part dun natakot ako, lechugas hinayaan naman ako ni Kevin @whattadeuce na pumwesto sa unahan.

Ang lakas lang talaga ng loob ko takte, di pa kami nahuhulog mula dun sa pinakamataas, nakaliyad at pikit na ako, muntanga di ba. Pagkatapos ng log jam eto na itsura ko

Ang lagkit at ang kati after. Dapat magpapatuyo kami ulit sa Flying Fiesta eh kaso dahil magfireworks na, sinara lahat ng rides tapos nagtext pa si Czy na kelangan na daw namin pumunta sa Victoria Park para sa group picture, pagdating dun wala na tapos na di na daw pwede magpakuha ulit :( So madaling sabi wala kami sa group pic :( Nagpalit na ako ng damit at namiss ang fireworks. nagpapicture ng konti sa iba :)

With Corinth @loveagirlwhoreads and Arcell @nenenggala :) Sa kasamaang palad naiwan ko yung CARDIGAN ko sa CR. Nasa may 7/11 na kami nung naalala ko na di nakasabit sa bag ko yun kaya ayun no choice kasi sarado na EK, kahit nakakaiyak dahil birthday gift ko sa sarili ko yun, ngayon palang dapat mag-iisang linggo yun nawala na agad. Nakakaiyak lang :( Wala nga ako nabiling souvenir sa EK, EK pa ang nagka-souvenir sa akin. Takte lang, :( YUNG NGA NANGAKO NG CARDIGAN SA AKIN AASAHAN KO YUN (eekol at rhads) :)))) hehe :) So ayun 11 something nasa Cubao na kami, sobrang gurom at pagod kumain kami sa bagongbagong KFC! Inaantok na rin kami eh dahil gutom kumain muna :) Sina nanay at kief :)

After sa KFC pauwi na kami kaso walang masakyan so ang nangyari naki-overnyt nalang muna ako. Okay naman. lalo na sila, ang sarap ng tulog nila hahaha! ako ang babaw lang.

Ang lupet lang ng tatlong yan matulog hahah! Ayun after kumain ng lunch umuwi na kami, naiwan pa sila para ihatid si Dale @dalemonyo sa bus station.

Salamat and Congrats sa mga organizers :) Nagkaroon man ng konting aberya it was fun :) Sana lang talaga nasa group pic kami :( Hehe :) Nice meeting all of you, see you next time :)) Sino po yung may link sa ibang photos paki tag nalang po ako or bigay niyo FB account niyo hehe :)) SALAMAT! >:D<

You might also like