It was during my turn in Return Demonstration when it happened po. As per usual nagpe- perform ako ng RetDem in front of the assigned PCI with my groupmates as audience. Okay naman po noong umpisa and since kilala po ako as a jolly person, madalas ang pagbato ng mga biro sa’kin during it. Like no’ng biniro ako ng PCI na take my time daw dahil one hour akong magRe-RetDem sa kaniya which is tinawanan ko at ng mga kagrupo ko. Ayos lang naman po yun since I know po na nagbibiro lang siya. Then nagpatuloy ako sa pagde-demo habang binabato rin ng questions ng PCI which is nasasagot ko naman po but one time may nakalimutan akong procedure (gloving) so sinubukan akong tulungan ng groupmates ko through hand signs na hindi ko po nagets until sinabi ng PCI na ‘wag daw po akong tulungan. But then I managed to remember the procedure and continued with what I’m doing as both the PCI and my groupmates continuously throw questions at me na hanggang sa nakaramdam na po ako ng pressure. Yes po, pinayagan ng PCI na mag-ask ng questions yung groupmates ko. Because of that I felt too much pressure but since ayaw ko pong makapagsalita ng kung ano especially sa mga groupmates ko, nanahimik nalang ako hanggang sa natapos ang RetDem. I left the classroom to watch my friend on UDM idol tapos pagbalik ko po sa room doon na ako ipinatawag ni ma’am Samaco para kausapin regarding sa nangyari. Do’n ko na po nalaman na unknowingly nasaktan ko po pala yung PCI kase akala niya nagalit ako sa kaniya dahil umalis daw po akong iritado at tahimik na unusual daw po para sa kanila. So nilinaw ko po na hindi ako sa kaniya iritado, sa mga kagrupo ko po since nagtanong sila nang nagtanong na naging dahilan para mapressure ako ng sobra, then yung “iritado” look ko po ay normal face ko lang at walang ibang meaning. At the end nasolve naman po ang misunderstanding between us, and nagsorry po ako sa pci. After class din kinausap ko yung mga kagrupo ko na mga nagtanong sa’kin during my RetDem at nagsorry naman na po sila. We solved the problem po at the same day it occurred.